Prologue
It was a rainy day, when I saw you lying on wet and cold pavement. I want to scream, scream your name. Scream the pain, hoping this will go away
I held you, but I can't feel your pulse anymore. This is not happening, you're just unconscious.
"HELP!" I screamed.
Hoping someone will give attention and help us.
"HELP!" I screamed again.
Again.
And again.
"Love, please don't go away"
_______
Karma ko ba to? Ito ba ang kabayaran sa mga nagawa kong mali?
Mahal, magbabago na ako. Yan ang pangako ko, hindi ba? Mahal, totoo na to. Mahal na kita, patawad dahil ngayon ko lang narealize. Pero sana, hindi pa huli ang lahat
Magsisimula pa tayo ng panibago hindi ba? I will prove to you how much I love you, but please. Not like this.
Sumisikip na ang dibdib ko, hindi na ako nakakatulog ng ilang araw. Hindi ko na rin alam kung kelan ako huling kumain. Wala akong ibang naiisip kung hindi ikaw. Umaasa na nakulong lang ako sa panaginip na to.
Na sana magising ako isang araw, katabi ka at kayakap ka.
Sa pagpikit ko, ikaw ang naaalala ko. Kahit sa panaginip, ikaw pa rin. Sana man lang sa huling pagkakataon, nayakap man lang kita. Sana man lang sa huling pagkakataon, napatunayan ko kung gano kita kamahal.
Gusto kong ulitin ang mga araw na kasama pa kita,
Mali.
Gusto kong ulitin mula sa umpisa. At doon, umpisa palang papatunayan ko na kung gano ka kahalaga
"Mahal, kahit sa panaginip ko lang. Please"