Naalimpungatan ako sa malakas na sampal na naramdaman ko "PAKAWALAN MO NA KO!!" buong lakas kong sigaw Tuyong tuyo na ang labi ko, gutom na gutom na rin ako "Umupo ka!" sabi ng isang lalaking nagbabantay samin Pangalawang araw na ata namin ito dito, nakatali at nakaupo lang sa sahig Kapag nangangalay ay ibinabagsak ko ang katawan ko at doon ako nakakatulog Hindi ko na alam ang naiisip ni sir Ashton pero mula kagabi ay hindi ko na sya narinig pang nagsalita Muli namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kakambal ni Miss Miho Nagpalingon lingon ako at napansing nasa may bandang kaliwa ko na pala nakapwesto si Miss Miho, nakatali din ito Wala kayang makahanap samin at inabot na kami ng pangalawang araw dito? Or isang buong maghapon palang ang nangyayaring ito "Pst. Anong oras na?

