Maaga akong umalis ng bahay para pumasok, ang dami ko ng pending works dahil sa Axel na yan. Hanggang ngayon may isang bagay pa din akong hindi mapatunayan Madami na akong pruweba pero hindi pa din sapat Napatingin pa ako kina Aling Milda, nagbabaka-sakaling makikita ko sya. Gustong gusto ko syang makausap at tanungin kung bakit nya nagawa yung mga bagay na yun "Itigil mo na yan, girl. Hayaan mo na silang mag imbestiga sa nangyaring yan" Naalala kong sinabi ni Jaq kagabi. Pero hindi ko magawang tumigil. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil mahal ko ang kumpanyang ito at mahal ko din ang pamilya ni sir Shawn. Ayokong masasaktan sila Dahil alam kong malaking kawalan ang mawala tong kumpanya nila Saglit akong dumaan sa coffee shop na palagi kong binibilhan ng kape. Pagkalabas ko ng co

