Paano mo ba masasabi na mahal mo siya or ikaw ang mahal niya? Kadalasan sa sobrang pag taranta natin sa gusto nating tao, hindi na kadalasan nasasabi kung ano nga ba ngnararamdaman natin sa kanila at nahihirapan tayong umamin, kahit ganun may mga pamamaraan tayo kung paano tayo'y magugustuhan or pamamaraan kung paano natin ito makakausap. Katulad lang sa pag amin mo sa nagugustuhang mong tao gagawa ka ng paraan para magustuhan ka. Si Rechelle ay isang mahiyahing tao ngunit nai-insecure siya pag mumukha niya dahil marami itong pimples at pag susuot niya ng damit ay gusot-gusot, ito’y nakasuot din ng salamin. Nanenegatibo din siya sa mga bagay na gugustuhan niyang lalake dahil nawawalan siya ng tiwala sa kanyang sarili, kahit ganun hindi niya parin pinapabayaan ang kanyang pag-aaral upang makapag tapos at matulungan niya na ang kanyang magulang. Kahit may kaya si Rechelle hindi parin siya umaasa sa kanyang magulang bagkos mas-gusto niya pang kumayod din kahit pinag-babawalan na siya ng kanyang magulang para kay Rechelle mas-gusto niyang gamitin ang perang na pinag-hirapan niya. Kahit hirap si Rechelle sa pag-pili ng lalake na gugustuhin niyang dream boy katulad na napapanood or nababasa niyang storya, hindi siya nawawalan ng pag-asa na magugustuhan siya, ang iniisip niya nalang may lalaki rin na para sa kanya.