Habang bumibili si Mark ng makakain nila ni James, habang iniisip ni James kung kanino yung diary na nakuha niya noong nabangga niya yung babae, hanggang ngayon inaalala niya ito. Sabihin na natin na wala naman siyang pakealam dun sa diary na yun at hindi niya obligasyon ang diary maaring pwede niya nalang iwan yung diary sa principal office upang dun nalang kunin ng babae ang kanyang diary siguro may na basa si James na Tila’y hindi niya ito ibinibigay sa principal office bagkos siya nalang mag bibigay upang makita niya ang babaeng sumusulat ng diary na ito. Nang matapos ng makabili ng pagkain si Mark dali-dali nitong sinabi na ikwento ang storyang tungkol sa diary.
“Ayan na yung pagkain mo ikwento mona kung anong nangyari sa inyo ng babae” Sabi ni Mark kay James.
“Ito na nga diba” Ikukuwento na ni James ang storyang nangyari sa dalawa nila ng diary girl.
*BACK TO FLASHBACK*
Habang humakbang si James ng ilang steps meron siyang natapakan at dali-dali niya itong pinulot ng walang alinlangan tinignan kung ano yung natapakan niya.
“Isang notebook?” Tanong niya sarili niya habang naglalakad ito pa punta sa kanilang classroom.
Habang pinag mamasdan niya ang notebook na natapakan niya, dali-dali niya itong binuklat kung anong laman at nakita niya ang laman.
“Huh, Diary? Kaninong diary ito?” Pag tataka niya sa kanyang isipan kung kanino itong diary.
At Ngayon niya lang na realize na yung diary na nakita niya at dun sa babaeng na bunggo niya.
“Siguro sa babae itong diary na ito, punta na nga ako sa room ko baka mapagalitan na ako ng aking teacher” Habang ito’y kinakausap niya ang kanyang sarili.
Habang ito’y papasok sa room, dali-dali siyang sinita ng kanyang guro.
“Hoy! Ikaw James ba’t ka late? Tignan mo itong pinsan mo maaga na pasok” Habang pinapagalitan si James ng kanyang guro.
“Ma’am , pagod po kasi ako dahil sa laro namin” Sabi ni James sa kanyang guro.
Biglang tumayo si Mark upang tulungan si James.
“Pagod po si James ma’am dahil anong oras na at nag pa praktis parin siya para sa laro nila sa susunod sa lingo kaya hindi ko na po ito ginising” Pag tatanggol na sinabi ni Mark kay James upang hindi na ganun magalit ang kanilang guro kay James.
“Ahh ganun ba sige James maupo kana dun, sa susunod di na mauulit niyan mag-kakaintindihan ba tayo?” Tanong ng guro kay James.
“Yes po ma’am, salamat po” Sabi ni James.
Habang paupo na si James sa kanyang upuan, biglang may binulong si Mark.
“May utang ka sakin ngayon, ilibre mo ako sa restaurant na binibilhan natin lagi” Pang bla-blackmail na sinasabi ni Mark kay James.
“Ito inuuto pa ako, pero sige dahil pinag tanggol mo naman ako kay ma’am libre kita mamaya pag-uwian na” Sabi ni James, na parang nakasanayan na nilang gawin iyon kapag pinag tatanggol siya ni Mark.
“Yes, salamat pre” Nag pasalamat nalang si Mark kay James dahil makakabili na naman ito sa kanyang paboritong kainan.
Habang lumilipas ang oras at natapos na ang third subject nila Mark at James, may sinabi si James kay Mark tungkol sa diary.
“Uyy! Mark may sasabihin pala ako sayo” Sabi ni James kay Mark para itanong sana kung alam niya kung kaninong notebook ito.
“Ohh ano ba yun?” Tanong ni Mark kay James.
“Alam mo kung kaninong notebook ito?” Tanong ni James kay Mark, baka nag babakasaling alam ni Mark itong notebook.
“Tingin nga” Gustong makita ni Mark yung notebook na tinutukoy ni James.
Habang pinagmamasdan ito ni Mark ang notebook at pinag-uusapan narin kung kanino iyon bigla nalang may pumunta sa classroom nila Mark at James.
“Hindi, kanino ba iyan?” Tanong ni Mark.
“Kanina kasi” Tila’y napapatigil si James dahil di niya man lang naibigay ang diary sa babaeng na bangga niya ay parang napapanghinaan siya.
“Kasi? Mukhang Diary siya boi, na basa mo na ba iyan?” Maraming pag tatanong ni Mark kay James.
“Hindi pa, pe-“ Napatigil nalang si James sa kanyang pag sasalita dahil may dumating na hindi nila kakilala at hinihanap si Mark.
“Hello, hinahanap ng Filipino faculty ang tumatayong president dito sa inyong classroom may pa meeting daw si ma’am” Isang strangers na hindi nila kakilala na pumunta sa kanilang classroom upang sabihin na hinahanap yung press upang pumunta sa meeting.
“Sige, pre maya mo nalang ikwento yan pag balik ko” Sabi ni Mark.
“Sige sige” Napa-sige nalang si James kay Mark.
Fyi si Mark ay isang president sa kanilang classroom dahil sa angking niyang talino, pero dapat nanominate na si James rin dito bilang president pero ito’y kanyang itinanggil dahil busy siyang tao kaya pinaubaya niya ito kay Mark. Habang lumilipas ang oras nag decide na si James na pumunta sa canteen upang mag recess dahil hindi pa ito nakain, habang nag lalakad siya naka salubong niya ang isang ka kasamahan niya sa varsity.
“James! San ka punta?” Tanong ng isang strangers sa kanya.
“Louie, sa canteen sama ka?” Pag aayang tanong ni James kay Louie.
“Tara, kain tayo” Sabi ni Louie kay James.
Si Louie ang isang kaibigan ni James sa varsity pero ang totoo lahat ng kasamahan ni James sa varsity ay ka-close niya, dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay kaya marami din siyang naakit na maging kaibigan niya, pero sa isang dahilan din ay mabait si James kaya siya maraming kaibigan. Habang nag lalakad sila at pa puntang canteen may sinabi si James kay Louie.
“Alam mo ba pre may na bangga ako kanina, kaso sa pag mamadali niya may naiwan siyang isang notebook” Tugon ni James kay Louie.
“Anong klaseng notebook?” Tanong ni Louie kay James.
“Diary pre” Sabi ni James kay Louie.
“Ahh, alam mo na ba kung kaninong diary niyan?” Tanong ni Louie kung kaninong yung diary.
“Hindi” Napahindi nalang si James dahil hindi niya naman talaga alam kung kanino iyong diary.
“Bigay mo na lang sa Principal office, tapos sila nalang mag-aano ng notebook na iyan A.K.A diary ng isang?” Tanong ni Louie kung kaninong diary kung lalake ba or babae.
“Babae pre, babae ang sumulat kasi babae naman yung nabangga ko HAHAHA!” Napatawa nalang si James sa kanyang sinabi.
“Oppps! Destiny, nabasa mona ba ang naka sulat dyan?” Tanong ni Louie kung nabasa naba ito ni James.
“Hindi pa nga, yung first page lang” Sabi ni James na hanggang first page lang ang kanyang binasa dahil hanggang dun lang muna ang kanyang babasahin.
“Basahin mo baka nandun yung pangalan ng babae” Tugon ni Louie.
“Pero sa tingin ko malungkot ang nilalaman ng diary kasi ang first page ang nakalagay *Ang pang-araw-araw ay parang wala lang* yun” Kaya sa tingin ni James siya nalang magbibigay ng diary sa babaeng nabangga niya kanina.
“Hayaan mona iyan, arat kain na tayo andaming tao” Pinapabayaan na lang ni Louie si James tungkol sa Diary.
Habang nakain sila sa canteen at na tapos na ang recess dali-daling pumunta sa classroom si James at kakarating lang din ni Mark.
“Uyy! James sorry ang haba pala ng meeting na yun akala ko ambilis lang matapos, sayang oras ano ikukwento mo pa ba tungkol sa diary?” Tanong ni Mark kay James.
“Mamaya ko nalang ikukuwento sayo tungkol sa diary, pag uwian na” Mamaya nalang ikukwento ni James ang tungkol sa diary dahil mabibitin ulit ang kanyang kwento tungkol rito.
Hanggang sa na tapos na ang last subject nila James at Mark, upang maikwento na ng tuluyan tungkol sa diary, at habang nag lalakad sila palabas ng gate nais na ikwento ni James tungkol sa diary.
“Uyy! Mark, kwento kona yung tungkol sa diary” Sabi ni James tila’y gusto na nito ikwento tungkol sa diary.
“Sige ikwento mona” Sabi ni Mark kay James.
“Pero maya na kapag nakarating na tayo sa restaurant na lilibre kita” Tila’y ayow munang ipakwento ni James ang tungkol sa diary.
“Oo nga pala, ililibre mo pala ako dahil tinulungan kitang makapasok sa first subject kanina” Sabi ni Mark kay James.
“Syempre, kung hindi dahil sayo hindi ako makakapasok kanina parang utang na loob ko narin yun sayo” Sabi ni James kay Mark.
Pa punta na sila James at Mark kung saan ililibre na ng pagkain ni James si Mark pero may dinaan muna silang kaibigan bago sila pumunta sa kanilang restaurant na gusto ni Mark.
“Teka nga pala James, punta muna tayo kila chloe, kukunin ko lang yung pinapakuha sakin, dapat kanina kukunin ko kaso wala naring oras kaya naisip ko idaanan nalang natin sa bahay nila” Tugon ni Mark.
“Sige” Napa-sige nalang si James sa sinabi ni Mark.
Patuloy silang nag lalakad hanggang mapuntahan na nila ang destinayon kung saan nakatira si chloe.
“Wait lang James, dito ka muna mabilis lang ako kakausapin ko lang saglit si Chloe” Sabi ni Mark kay James.
Habang iniintay ni James si Mark, tinignan muna ni James kung anong nilalaman ng diary, nung una ito’y tinititigan niya lang pero ngayon titignan niya ang bawat pahina ng diary.
“hmm, dami namang pahina nito” Nagulat nalang si James sa sobrang dami ng pahina ng diary na nahawak niya.
Habang tinitignan niya ang bawat pahina ng hawak niyang diary, bigla ng dumating si Mark.
“Ambilis mo boi ha” Tugon ni James kay Mark.
“Wehh? Parang mabilis lang naman ako, tara na punta na tayo” Pinapapunta na agad ni Mark si James kung saan ililibre na siya nito.
“Ano yung pinag-usapan niyo kanina ni Chloe?” Tanong ni James.
“Wala lang yun, tara na. Tsaka boring din pag-usapan HAHAHA” Napatawa nalang si Mark sa kanyang sinabi.
Ito’y nag lalakad na pa punta sa kainan na gusto ni Mark. Habang papasok sila napansin ni Mark na palaging na nakatitig si James sa notebook na tinutukoy niya.
“Ano yan James, kanina mo pang tinitigan niyan, na basa mona ba iyan?” Tanong ni Mark kung na basa na ba ni James ang diary na hawak-hawak niya.
“Hindi pa” Sabi ni James kay Mark.
Nang palapit na sila at gusto na umorder ni Mark.
“Uyy! Pre order na tayo” Tugon ni Mark.
“Hayst” Bugtong hininga at iniisip parin kung kaninong notebook ito sabi ni James
“Ano bayan, pre ikaw na nagyaya dito pero andami mo paring iniisip hayaan mona kasi yun” Sabi ni Mark kay James.
“Kasi ba naman pre gagawa nalang ng diary wala pang pangalan, paano ko malalaman kung sino ito” Pang-hihinayang na sinabi ni James.
“Ano bang nilalaman ng diary na niyan?” Tanong ni Mark.
“Wala naman puro negatibo lang nakalagay parang nakaka-awa pre” Sabi ni James.
“Awouch ganun pre, san mo ba nakita niyan?” Tanong ni Mark kay James.
“Diko ito nakita, yung nabangga ko kanina yung kinukwento ko sayo yung diary niya ito yun” Sabi ni James.
“Wag mo na yang alalahanin, tignan mo nalang yung babae na yun cute ho yung nag momop” Sabi ni Mark kay james tila’y na cute-tan sa babaeng nag momop.
“Shhh” Pinatahimik ni James si Mark dahil parang wala naman siyang interest sa babaeng tinutukoy niya.
“Aysus, loyal ka parin sa crush mo?” Tanong ni Mark kung ito’y nilalaman parin ng kanyang puso ay walang iba kundi ang crush na nagugustuhan ni James.
“Alam mo naman na siya lang nagustuhan ko dahil childhood friend kami” Sabi ni James tila’y gustong-gusto niya ang babaeng tinutukoy ni Mark.
“Tara alis na tayo ito na yung order natin” Sabi ni Mark kay James.
*END FLASHBACK*
“Teka bat ikinuwento mo rin kung saan nilibre moko kahapon” Pag tataka ni Mark sa kwentong isinabi ni James.
“Para nga maganda yung storya HAHAHA!” Na patawa nalang ito dahil buong araw ikinuwento ang nangyari sa diary na hawak niya.
“Akala ko ba pag guguluhan ka ng mga babae kapag nakita? Bat kahapon pumunta ka sa canteen?” Tanong ni Mark kay James kung bakit nakarating ito sa canteen kahit alam niyang pag-guguluhan siya ng mga babae.
“Naka face mask ako at naka sombrelo kaya na ka tago ang identity ko HAHAHA” Napatawa nalang ulit si James.
Habang nag kukuwento ang dalawa. Si Rechelle, hinahanap niya ang kanyang diary sa mga libro baka nailagay ng mga cleaners ang kanyang notebook dun.
“Aishh! San na ba yung diary na iyon” Pag-iinis na sinabi ni Rechelle.
“Akala koba bes na sa lalake yun?” Tanong ni Rina kay Rechelle.
“Baka iba yun, baka nahulog ko lang dito sa room” sabi ni Rechelle kay Rina tila’y hinahanap niya parin ang kanyang diary.
“Baka itinadhana nga kayo para sa isa’t isa ng lalakeng iyon” Ipinipilit ni Rina kay Rechelle na tadhana silang dalawa ni James.
“Wala ngang nag kaka-gusto sakin wag mo ng pagpilitan pa bes” Sabi ni Rechelle.
“Baka ngayon meron na” Pagpipilit parin na sinasabi ni Rina.
Hanggang sa hindi na nakita ni Rechelle ang kanyang diary lagi niya nalang iniisip kung maibabalik paba sa kanya at dahil lumilipas narin ang oras then natapos na ang mga bawat sa subject kaya pumunta na siya sa kanyang pinag tatrabauhan upang mag working student. Nang matapos na kanyang trabaho, dali-dali na siyang umuwi sa kanila at nasa loob na syang kwarto niya.
“Hayst! nasan na kaya diary ko” Bugtong hininga ni Rechelle.
At ganun din si James.
“Nasan na kaya may ari ng diary na’to” Sabi ni James sa kanyang sarili.
Iniisip ng dalawa kung paano niya makukuha or paano niya ito maibabalik kung kaninong diary or na saan ang diary. Habang iniisip nila ito mas inisip na nila yung dapat na unahin at kailangan ng mag move-on, ang iniisip na lang ni James sa araw na iyon mas lalaan muna siya ng focus sa kanyang praktis kesa pag isipan muna ang diary na kanyang hawak at ibibigay nalang ito sa taong nag hahanap na ng diary at ganun din si Rechelle mag lalaan siya ng oras para sa malapit na quiz kailangan niyang mag review upang makapasa siya rito saka niya na ito ulit hahanapin kapag wala na siyang ginagawa.