Umagang kay ganda nga ika nga ng matatanda, pero umaga ni Rechelle tila’y hindi maipinta iniisip niya parin kung sino yung lalakeng nabunggo niya at yung diary niya paanong nahulog. Habang nagbibihis si Rechelle syempre nakalimutan niya na naman itong iplantsa pero hinayaan niya nalang din at kinuha niya na yung salamin niya at kumain na din pumunta na din sa kanilang school.
Habang nag-iisip si Rechelle, sinalubong naman siya ni Rina.
“Uyy! Sis ang aga magising goodmorning!” Pagbati ni Rina kay Rechelle.
“Ahh oum, ‘di kasi ako matulog” Tugon naman na sinabi ni rechelle.
“Ehh! Ano bang problema?” Tanong ni Rina.
“Yung diary ko at yung lalake nandun sila kahapon kung saan ako nag ta-trabaho” Hindi man-lang nakita ni Rechelle kung sino yung lalake na iyon.
“Wehh!? Talaga ba? Owww nakita mo ba yung itsura niya? At paano nalaman na sa kanya yung diary mo? Akala koba wala kang nahulog na notebook?” Ang pag daming tanong ni Rina tila’y na eexcite siyang tanungin si Rechelle.
“Easy lang bes, napapadami na naman yung tanong mo” Sabi ni Rechelle.
“Sorry sorry, dali sabihin na” Pamamadaling sinabi ni Rina.
“Sa room kona ikukwento, naglalakad tayo baka matamaan tayo ng bola may nag-lalaro” Sabi ni Rechelle, na gustong ikwento na lamang sa loob nilang classroom.
Habang nag lalakad sila, nag banggaan ulit si Rechelle at yung lalake dahil ito’y nag lalaro ng Volleyball.
“Ano ba yan hindi nag iingat naka bangga kana ng tao oh” Pananaray na sinabi ni Rina sa taong nakabangga kay rechelle.
“Ay sorry miss, diko sinasadya nag lalaro kasi kami ng kaibigan ko sorry” Tugon naman ng lalake.
“Okay lang” Sa tingin din naman ni Rechelle na hindi niya sinasadya ng lalake.
“Uyy! James tara na praktis na tayo” Tugon ng kasama ni james.
“Hey! Miss parang familiar ka? Ay nvm na nga lang” Sabi ni james
Si james isang varsity na player at may itsura din ito matalino sa kanilang classroom, heartthrob din sa School Campus kung nasan sila Rechelle at Rina, Di nila alam yun kasi mas focus sila sa kanilang buhay kesa sa bagay na pagtutuonan ng pansin. Habang papunta na sila sa classroom, na realize ni Rechelle, ay yung na bunggo niya si james.
“Uyy! James tara punta na tayo sa classroom natin” Sabi ng isang lalake na tinatawag si James.
“Wait lang Mark sunod na ako” Sabi ni James kay Mark.
Habang kinuha na ni James ang gawin napag-isip-isip niya yung nabangga niya yang babae kung siya ba iyon or hindi, pero hindi na niya lang pinansin dahil hawak-hawak naman niya ito yung diary nito. Si Mark ang matalik na kaibigan ni James at Mag pinsan din ang dalawang ito, si mark ay nakatira lang kila james dahil mahirap lang ito si mark pero tanggap naman ni james si mark dahil lagi naman ito niya nakakasama.
“Ano james nalaman mo na ba kung sino yung nasa diary?” Tanong ni Mark kay james.
“Hindi pa, binabasa ko parin ang haba ng diary niya puro negatibo pero babasahin ko pa baka makahanap ako ng clue” Pag hahanap ng misterio sa babaeng nakasulat sa diary, hinahanap parin ito ni james kung sino.
“Paano mo nga ulit, nakuha niyan?” Tanong ni Mark kay james.
“Sige ganto kasi yan” Pagpapabahagi ng kanyang karanasan kung paano niya nakuha ang diary ni Rechelle.
*FLASHBACK*
Habang natutulog si James sa kanyang kwarto, dali-dali siyang ginising ni Mark.
“Uyy, James gising na, pasok na tayo” Pag gigising na ginawa ni Mark.
“Aawhhh anong oras na ba?” Tanong ni James.
“5:30 palang, tara” Pamimilit na sinabi ni Mark kay james.
*END FLASHBACK*
“Teka-teka bat ka nag ku-kwento ng ginawa natin kanina, diba iku-kwento mo lang yung paano mo nakuha yung diary nayan” Pagtataka ni Mark kung bakit ganun ang kwento na sinasabi ni James.
“Mas maganda kung sisimulan natin sa umpisa kesa mag simula tayo agad sa kung paano ko nakuha, tsaka maaga pa naman bago mag first subject” sabi ni James kay Mark.
“Ay sige sige HAHAHA” Tawang na napapayag si Mark.
*BACK FLASHBACK*
Habang nauna na pumunta si Mark sa kung saan destination niya sa school, kadalasan lagi silang nag sasabay ni James pumasok pero dahil di niya ito makakasabay pumasok mag cocommute nalang si Mark pa puntang school. Gumising si James ng mga *6:00AM* upang mag-asikaso na siya ng mga gamit, ang bahay nila James isang mayaman na tao tila’y kaya niyang bilhin lahat pero napaka-humble ni James kaya kahit mayaman siya nirerespeto niya lahat ng mga tao. Habang nag bibihis si James kadalasan ito’y tamad kumilos kaya hindi na niya napapansin ang oras kung gaano siya katagal gumalaw ng ito’y napansin niya na.
“Hmm, late na ako pero kailangan ko munang mag-ayos ng sarili” Habang kinakausap niya ang kanyang sarili na si James.
Nang nakapunta na si James sa school, habang pa chill-chill lang siya habang nag lalakad may nakita siyang babae na tumatakbo at bigla silang tumumba.
“Excuse me miss are you okay?” Sabi ni James sa kanyang nabanggang babae.
Syempre nagulat nalang si James na hindi siya pinansin at humaharurot nalang ito sa takbo.
“Sino kaya yung babaeng yun? Hayaan ko na nga lang, late narin naman ako” Sabi ni James na tumatakbong babae.
*END FLASHBACK*
“Maya na tayo mag usap, nandito na yung first subject natin saka ko nalang itutuloy kapag recess na” Pabinti na sinabi ni James kay Mark.
“Aishh!! Ano bayan minsan ka na nga lang mag kwento nakaka-bitin pa” Nabinti si Mark sa kwento ni James kaya hihintayin niya nalang ito mag recess.
“May mamaya pa naman, marami pa namang oras para jan” Tugon na sinabi ni James.
“Pero infairness James, baka ayan na yung destiny mong babae” Sabi ni Mark.
“Destiny? Sigu….” Napatagil si James sa pagsasalita niya.
“Goodmorning Class” Ang guro na nila ay dumating at sinabi ito ng malakas upang marinig ng buong classroom.
“Good morning po” Sabi ng buong classroom.
Habang lumilipas ang mga iilang oras natapos ang first subject ganun din ang second and third subject upang maituloy na ni James ang kanyang kwento tungkol sa diary na nakita niya.
“Tara James punta muna tayo sa canteen para kumain” Niyaya ni Mark si James upang kumain sa canteen.
“Ayoko Mark, dito ko nalang ikukwento, dalhan mo nalang ako ng pagkain nagugutom ako, ito pera yung lagi kong binibili” Hindi sumang-ayon si James kay Mark.
“Ay! Oo nga pala sorry na, kapag na punta ka nga pala sa canteen daming babae nag pa pa-pic, halos ‘di rin tayo makakain nun HAHAHA!” Napatawa nalang si mark sa kanyang sinabi dahil sa mga karanasan nila ni James habang nakain sa canteen.
“Naalala mo ba yung malapit kona maisubo yung pagkain ko tapos biglang inano yung siko sa daming mag pa pa-pic sakin, triggerd talaga ako sa mga oras na yun” Medyo nainis si James dahil sa mga karanasan niya na hindi niya nakalimutan.
“Oo HAHAHA, halos matapon na sayo yung kinakain mo sa canteen HAHAHAHA” Malakas na pagtawa habang may sinasabi si Mark kay James.
“Oo na, bili kana dun boy” Sabi ni James.
“Sige, sige ayun parin ba?” Tanong ni Mark.
“Oo, tapos habang nakain tayo ikukwento na yung nangyari sa diary kaya bilisan mo” Pinapamadali ni James si mark upang mabilis niya narin maikwento ang kanyang storya.