PROLOGUE
“Please... please, Ferson... tama na...”
Basang-basa sa ulan si Syviel, nakaluhod sa gitna ng putikan ng Ranch. Ang hangin mabigat, ang mga tauhan ni Ferson nakatingin lang walang kumikibo.
Nasa harap niya si Ferson, hawak ang baril, malamig ang mga mata.
Sa gilid naman, si Preah, nakaputing bestida, nakataas ang baba, at may ngising nakakapanindig ng balahibo.
“Ang kapal ng mukha mo,” sabi ni Preah, maldita at OA ang tono. “You still dare to pretend na ikaw si Syviel? Girl, please! Ako si Syviel. Ako ang mahal ni Ferson!”
Umiiyak si Syviel, nanginginig habang nakayuko.
“Hindi mo kailangang... kunin ang buhay ko... Preah... hindi mo kailangang kunin pati pangalan ko...”
Natawa si Preah, mapait. “Ang drama mo! Kahit kailan, hindi ka magiging ako.”
Tumingin si Ferson, malamig. “Tama na. Dalhin siya sa tubig.”
“Ferson...” humikbi si Syviel. “Please... ako ‘to... ‘yung babaeng tinawag mong My Star light...”
Napahinto si Ferson.
Sandaling tumigil ang ulan.
“My... Star light?” ulit niya, mahina.
Ngumiti ng mapait si Syviel, habang tumutulo ang luha.
“’Yun ang tawag mo sa’kin noon...”
Ngunit biglang sumigaw si Preah.
“Huwag kang maniwala diyan, Ferson! Ginagaya lang niya ako! Ako ang Syviel na minahal mo! Tingnan mo ako, ako ‘yung binaril mo noon para ipagtanggol!”
Lumingon si Ferson sa kanya, naguguluhan.
“Hindi ko alam kung sino sa inyo ang totoo.”
“Then kill her!” sigaw ni Preah. “Patunayan mong mahal mo ako! Barilin mo siya!”
Nanginginig si Syviel. “Kung ‘yan ang kailangan mong gawin... gawin mo na, Ferson... pero bago mo gawin, tandaan mo... ako ang nagbigay sa’yo ng paningin mo. Ako ‘yung babaeng binigyan ng mata para makita mong muli ang mundo.”
Natigilan si Ferson.
Ang baril sa kamay niya ay biglang bumigat.
“Anong... sinabi mo?” mahina niyang tanong.
“Ang cornea mo...” sagot ni Syviel, pautal. “Akin ‘yon... birthday gift ko sa’yo... kasi gusto kong makita mong muli... kahit ako hindi mo na makikita...”
Nanginig ang labi ni Ferson. “Hindi... hindi pwede...”
Pero bago pa siya makagalaw, biglang sumigaw si Preah.
“She’s lying!”
At sa isang iglap
BANG!
Binaril ni Preah si Syviel.
Tumama ito sa balikat.
Napaatras si Syviel, napaigtad sa sakit.
“Preah!” sigaw ni Ferson.
“Ginagawa ko lang ‘yung hindi mo kayang gawin!” sagot ni Preah, galit.
“Ferson...” utal ni Syviel, habang dumadaloy ang dugo. “Masakit... pero... mas masakit... na hindi mo ako nakilala...”
Ang mga luha niya ay humalo sa ulan.
“Syviel...” nanginginig na tinig ni Ferson. “Hindi... hindi totoo ‘to...”
At bago pa niya namalayan, itinutok din niya ang baril hindi sa kanya, kundi sa babae sa harap niya.
BANG!
Natamaan si Syviel sa dibdib.
Ang putok ay umalingawngaw sa buong Ranch.
Napahawak si Ferson sa baril, nanginig ang mga kamay, habang dahan-dahang bumagsak si Syviel sa putikan.
“Mommy!!!”
Sigaw iyon ng isang maliit na boses.
Sa gitna ng ulan, tumakbo ang isang batang lalaki basang-basa, umiiyak.
“Mommy! Mommy, wake up!” yakap ni Jefferson sa ina, nanginginig, umiiyak ng malakas.
Tiningnan ni Ferson ang bata at parang may tumigil sa mundo.
Parehong-pareho sa kanya.
Ang mata, ang ilong, pati ang galaw.
“Anong... pangalan mo, bata?” mahina niyang tanong, nanginginig.
“Jefferson...” sagot nito sa gitna ng hikbi. “Jefferson Ferson...”
Tuluyang nanghina si Ferson.
Ang baril niya ay nahulog sa putikan.
Lumapit si Preah, nanginginig din, halatang natatakot sa nagawa.
“Ferson... hindi ko sinasadya...”
Pero hindi na siya pinakinggan ni Ferson.
Lumapit siya kay Syviel, lumuhod, at niyakap ito.
“Sy... Syviel, please... gising ka...” bulong niya, halos hindi makapagsalita.
Mahina ang boses ni Syviel. “Ferson... wag mo nang... iyakan ‘to... at least... nakikita na kita...”
“Hindi... hindi ka mawawala...” humihikbi si Ferson. “Hindi kita papayagan...”
“Sabihin mo kay Jefferson... mahal ko siya...”
“Syviel... please...”
Ngumiti siya ng mahina. “My... Star light...”
At dahan-dahang pumikit si Syviel.
“Mommy! Mommy, wake up please!” sigaw ni Jefferson, halos mapasigaw sa sakit. “Nooo! Mommy!!!”
Niyakap siya ni Ferson, nanginginig, habang ang ulan ay patuloy na bumubuhos.
Lumingon siya kay Preah nanginginig ito, pero nakasigaw pa rin ng,
“Hindi ko sinasadya! Akala ko siya ‘yung impostor!”
Ngunit sa sobrang galit, tinutok ni Ferson ang baril sa kanya.
BANG!
Tumama ito kay Preah.
Natumba siya sa putikan, walang imik.
Tahimik.
Maliban sa iyak ni bata.
“I hate you, Daddy!” sigaw ni Jefferson, humahagulhol. “You killed my mommy!”
Napaatras si Ferson, bumagsak sa lupa, hawak ang ulo, umiiyak ng parang baliw.
“Hindi ko alam... hindi ko alam...” paulit-ulit niyang bulong, habang yakap ang malamig na katawan ni Syviel.
Sa gitna ng ulan, tinig lang ng bata ang naririnig.
“Mommy... please... gumising ka na...”
At doon, tuluyan nang pumikit si Syviel, habang niyayakap siya ng anak at ng lalaking minsang nangako na siya ang magiging liwanag ng buhay niya.
“My Star light...” bulong ni Ferson, umiiyak. “Bakit ngayon ko lang nakita ang totoo...”