CHAPTER 32 ZARAH’S POV Grabe talaga, hindi ko na alam kung maiiyak ba ako sa kakatawa o maiiyak si Kuya Ferson sa inis. Simula pa kaninang umaga, parang may sumpa ang araw na ‘to lahat kami gising ng maaga, pero si Kuya? Aba, si sleepyhead pa rin! Kaya naman niyaya ko agad si Jhona, a.k.a. my twinnie, para lang asarin si Kuya at ‘yung katulong niya si Syviel. "Jhonaaaa," sabi ko habang nilalagay ko ang buhok ko sa messy bun. "Alam mo ba, baka ‘yan si Syviel kaya nagiging masungit si Kuya, baka kasi may something sila!" Napahalakhak si Jhona at halos malaglag sa kama. “Hoy, Zarah, wag mo ngang intrigahin si Kuya. Pero wait—aminin mo, bagay sila. Si Syviel yung tipong… mabait na pasensyosa, tapos si Kuya naman, parang pusa na pinilit maligo.” “Hahaha! Oo nga no! Pero teka, may naisip ak

