CHAPTER 30 THIRD PERSON POV Tahimik pa sana ang umaga sa bahay ni Ferson kung hindi lang dumating ang magaling na kambal niyang sina Zarah at Jhonalyn ang mag-partner sa kalat at kaguluhan. Parang may radar ang dalawang ‘yon pag nakakaramdam na tahimik ang bahay. Ayaw na ayaw nila ng “peaceful.” “Twinnieee! Si Kuya Ferson oh, nagmumukhang stress ball!” tili ni Zarah habang pumapasok sa sala. “Ay oo nga! Parang nilamon ng mga alon sa Batangas!” sabay tawa ni Jhonalyn na halos tumalsik ang laway. Napailing na lang si Syviel na nakaupo sa sofa, bitbit ang tasa ng gatas na ininit niya sa microwave. “Grabe kayo, baka mapundi na naman si Kuya niyo sa inyo.” “Aba, hindi namin kasalanan kung siya ang mukhang pundido,” sabay sabing may bahid ng pang-aasar si Zarah. “Hoy!” sigaw ni Ferson mul

