Habulan

2013 Words
CHAPTER 7 THIRD PERSON POV “SYVIEL! BUMALIK KA RITO!” sigaw ni Ferson habang hawak-hawak ang tungkod niya, paikot-ikot sa gitna ng rancho na parang sundalong hindi alam kung saan ang kalaban. Sa di kalayuan, si Syviel naman ay halos mamulubha sa kakatawa. “Seniorito, baka mamaya mapakasalan mo rin ‘yung poste! Ayan o, yakap mo na halos!” “WALA KANG PAKIALAM! Ang sabi ko, bumalik ka rito!” sigaw muli ni Ferson, na mas lalo pang umiikot sa gitna ng kural ng kabayo. “Tingnan mo ‘tong apat na kabayong ‘to lahat sila, mas masunurin pa sa’yo! Kahit bulag ako, alam kong sila lang ang may silbi rito!” Tumawa si Syviel, hawak ang tiyan. “Eh kasi Seniorito, hindi mo naman sila pinapakasalan, e! Baka kung maging asawa mo ‘yan, tumakbo rin tulad ko!” Biglang natahimik si Ferson, tapos ngumisi ng bahagya. “Gusto mo bang malaman? Sige… ngayon din, ipapakasal ko ang sarili ko sa apat na kabayong ‘to, para lang patunayan sa’yo na mas may pakinabang sila kaysa sa’yo!” “Ha?!” gulat na gulat si Syviel. “Seniorito, joke lang ‘yung sinabi ko! Huwag mong” Pero huli na. Kinuha ni Ferson ang kanyang tungkod, itinapat sa unang kabayo, at buong yabang na nagsalita. “Ikaw, Berta! Ikaw ang unang kabayo na magiging asawa ko! Kahit tahimik ka, tapat ka!” Hinaplos niya ang leeg ng kabayo. “At ikaw naman, Luna! Ikaw, ang magaling sumipa! Perfect ka para sa’kin!” Si Syviel, halos hindi na makahinga sa kakatawa. “Seniorito! Hahahaha! Ano ‘yan, mass wedding ng mga kabayo?!” “Tumahimik ka!” singhal ni Ferson, pero halata sa tono niya na pinipigilan din ang pagtawa. “Hindi mo alam kung gaano kahirap maging bulag at may katulong na mas maingay pa sa kawan ng manok!” “Eh kung hindi mo kasi ako lagi pinapagalitan, hindi kita pinagtatawanan,” sabay kindat ni Syviel kahit alam niyang hindi siya makikita ni Ferson. Tuloy lang si Ferson sa drama niya. “At ikaw, Carmella!” sabay turo sa pangatlong kabayo. “Ikaw ang magbibigay ng katahimikan sa buhay ko!” “Tapos ako?” sabat ni Syviel, naka-pamewang. “Ano ako, Seniorito? Aling kabayo ako diyan?” “Hindi ka kabayo,” malamig na sagot ni Ferson, sabay ngiti. “Ikaw ‘yung bagyong dumadaan araw-araw sa buhay ko!” “Wow, grabe naman! Compliment ba ‘yon o insulto?” “Depende kung tatahimik ka o hindi,” mabilis na sagot ni Ferson, sabay talikod. Pero bigla siyang napahinto nang marinig niya si Syviel na tumatawa nang sobrang lakas, halos gumulong sa lupa. “Seniorito, grabe ka! Bagyo agad? Pwede namang ambon lang!” Tumaas ang kilay ni Ferson. “Ambon? Hindi kita nakikita, pero alam kong nakangisi ka riyan. Kapag hindi ka tumigil, habulin talaga kita!” “Aba, sige nga!” sigaw ni Syviel, sabay takbo sa kabilang dulo ng rancho. “Tingnan natin kung mahuli mo ako kahit bulag ka!” At doon na nagsimula ang pinaka-nakakatawang tagpo sa buong araw. Si Ferson, nakataas ang tungkod, tumatakbong paikot-ikot. “SYVIEL! HUMINTO KA!” Pero dahil hindi niya makita, kabayo ang nahahabol niya. “Seniorito! Kabayo ‘yan, hindi ako!” sigaw ni Syviel, halos maluha sa kakatawa. “Pareho lang kayong maingay!” sigaw pabalik ni Ferson, habang natapilok sa dayami. “Aray ko! Syviel, kung mahuli kita” “—eh ‘di magiging asawa mo rin ako tulad ni Luna at Carmella?” sabat ni Syviel, tawa pa rin ng tawa. “Hindi! Ipapaalaga kita sa kanila! Para matutunan mong tumahimik!” “Hindi ko kaya, Seniorito! Baka maingayan sila sa’kin!” “Sigurado ako diyan,” sabay buntong-hininga ni Ferson, nakasandal sa poste habang hinahabol ang hininga. Tahimik sandali. Si Syviel naman, lumapit nang dahan-dahan, bitbit ang balde ng tubig. “Seniorito… uhaw ka?” “Hindi.” “Gusto mo ng tubig?” “Hindi rin.” “Gusto mo ako?” “SYVIEL!” sigaw ni Ferson, pero halata sa boses niya ang pagpipigil ng tawa. “Seniorito, naririnig ko ‘yung ngiti mo!” “Hindi ako ngumingiti.” “Eh bakit nanginginig boses mo?” “Dahil gusto kitang sakalin!” “Tenderly?” “SYVIEL!” Tawa nang tawa si Syviel, halos mapaiyak sa kakatawa. “Seniorito, promise, ikaw na ang pinaka-strikto pero pinaka-nakakatawang amo sa buong mundo!” “Hindi ko alam kung compliment ba ‘yon o insulto ulit,” sagot ni Ferson, habang pilit na itinatago ang ngiti. Lumapit pa si Syviel. “Seniorito, seryoso, kahit bulag ka... ang galing mo pa ring tumama. Kanina kabayo, ngayon puso ko.” Natigilan si Ferson. “Ha? Ano raw?” “Wala! Wala! Joke lang!” sagot ni Syviel, namumula ang pisngi at sabay takbo ulit. “SYVIEL! BUMALIK KA RITO!” Muling humabol si Ferson, pero imbes na si Syviel, poste ulit ang nahawakan. “Seniorito! Hindi ako poste! Hahahaha!” “Syviel, isang araw, kapag hindi ka pa rin tumigil, ipapakasal talaga kita sa isa sa mga kabayo ko!” “Wow! Lucky me, magiging kabayo-in-law ako!” Natahimik sandali, tapos pareho silang natawa ‘yung tawang puno ng inis, saya, at kakaibang kilig. Kahit bulag si Ferson, ramdam niya kung nasaan si Syviel; kahit makulit si Syviel, alam niyang kahit anong gawin niya, hindi siya kayang saktan ni Ferson. Sa gitna ng tawa, sigawan, at kabayong sumisigaw ng “neigh!”, ang rancho ay tila naging entablado ng dalawang taong hindi pa alam unti-unti na silang nahuhulog sa isa’t isa, sa pinakakatawa-tawang paraan. “SYVIEL! Huwag kang magtago diyan, alam kong nandiyan ka lang!” Sigaw ni Ferson habang paikot-ikot ulit sa gitna ng rancho, hawak ang kanyang tungkod na parang espada. Pawis na pawis na siya, pero hindi niya alintana halata ang inis at kaba sa boses niya. “Seniorito, ang init-init oh, baka mamaya magkalagnat ka! Ligo ka muna sa poso!” sigaw pabalik ni Syviel mula sa likod ng kamalig, habang kumakain ng mais na nilaga. “Hindi ako nagagalit!” sigaw ni Ferson. “Eh ‘di ano ‘yan, Seniorito? Exorcism?” “SYVIEL!” Tawa nang tawa si Syviel habang patakbong lumabas, tinatakpan ang bibig niya para hindi marinig ang halakhak. “Ang kulit mo, Seniorito, parang kang bata!” “Huwag mo akong tinatawag na bata!” “Eh kasi ang cute mo ‘pag nagagalit!” “SYVIEL!” Tumakbo si Syviel palayo, habang si Ferson naman ay marahang sumusunod, sinusundan ang tunog ng kanyang mga yapak. Kahit bulag, parang alam ni Ferson kung saan siya naroroon para bang bawat tawa ni Syviel ay isang gabay na tinutunton ng puso niya. “Tigil ka na sa katatakbo at sumunod ka rito!” utos ni Ferson. “Bakit? Para sermon ulit?” “Hindi. Para kausapin kita nang maayos.” “Talaga lang ha? Wala nang palo?” “Depende sa sagot mo,” sagot ni Ferson na may bahid ng biro. Tahimik sandali. Lumapit si Syviel, naglakad nang marahan at tahimik. Hanggang sa napatigil siya sa harap ni Ferson na nakatayo sa gitna ng kural, hawak-hawak ang tungkod, nakataas ang ulo, parang hari sa sarili niyang mundo. “Seniorito…” mahina niyang tawag. “Syviel,” sagot ni Ferson, seryoso ang tinig. “Bakit mo ako pinagtatawanan kanina?” “Eh kasi naman po, Seniorito, pinakasalan mo ‘yung apat na kabayo! Sino ba namang hindi matatawa doon?” “Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis,” bulong ni Ferson, sabay iiling-iling. “Hindi mo alam kung gaano kahirap mapahiya sa harap ng sarili mong kabayo.” Tawa ulit si Syviel. “Seniorito, sorry na! Hindi ko naman sinasadya. Eh kasi... ang cute mo talaga, lalo na ‘pag galit ka!” Natahimik si Ferson. Walang salita. Tahimik lang siyang nakatingin sa kawalan pero sa totoo lang, iniisip niya kung paano napapaikot siya ng babaeng ‘to. Ang daming taong dumaan sa rancho niya dati, pero si Syviel lang ang nakakapagpabago ng tono niya mula sa malamig, nagiging mainit, minsan pa’y… masaya. “Cute?” tanong niya sa mababang boses. “Ikaw lang ang unang nagsabing cute ako.” “Eh kasi naman totoo!” sagot ni Syviel. “Kahit bulag ka, gwapo ka pa rin! ‘Yung tipong mayaman, suplado, at mayabang pero... nakakakilig!” Hindi alam ni Syviel kung bakit biglang natahimik si Ferson. “Seniorito?” “Syviel, alam mo bang… matagal na akong hindi tinawag na ‘gwapo’?” Napahinto si Syviel, biglang naging seryoso. “Ha? Bakit naman?” “Kasi lahat ng tao, tinitingnan ako bilang ‘yung bulag na amo na suplado’. Pero ikaw, nakita mo ako nang higit pa ro’n.” Napangiti si Syviel. “Kasi hindi naman mata ang kailangan para makakita, Seniorito. Minsan puso lang.” Tahimik. ‘Yung klase ng katahimikan na hindi awkward kundi ‘yung may kilig na gumagapang sa paligid nila. “Syviel…” tawag ni Ferson, medyo namumula ang tenga. “Po, Seniorito?” “Lumayo ka nga ng konti. Baka mamaya masampal kita ng tungkod ko kapag tumawa ka ulit.” Tawa ulit si Syviel, humawak sa tiyan. “Ayan na naman! Pag nainis ka, tungkod agad ang panakot!” “Eh ‘yan lang sandata ko,” sagot ni Ferson. “Hindi mo naman ako binibigyan ng katahimikan.” “Gusto mo bang tumahimik ako, Seniorito?” “Ngayon lang yata.” “Okay. Tahimik na po ako,” sabi ni Syviel, sabay talikod at umupo sa dayami. Tahimik nga siya. Pero after five seconds… “Seniorito, pwede akong humirit?” “Hindi pa nga lumilipas ang isang minuto!” sigaw ni Ferson, pero nakangiti na. “Promise, last na ‘to!” sabi ni Syviel habang nilalapit ang bibig niya kay Ferson. “Gusto mo ba ng pick-up line?” “Ayoko.” “Okay, sige. Isa lang talaga, last na last.” “Syviel…” “Seniorito, alam mo ba bakit ka bulag?” “Bakit?” “Kasi kahit hindi ka nakakakita, ako lang ang nakikita mo!” “SYVIEL!!!” halos pasigaw na tawa ni Ferson, habang pinapalo ng tungkod ang hangin. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” “Pero effective! Ngumiti ka oh!” “Hindi ako ngumiti!” “Eh bakit namumula ka?” “Mainit lang!” Humagalpak ng tawa si Syviel, habang si Ferson naman ay napahawak sa dibdib. Hindi niya alam kung inis ba o tuwa ‘yung nararamdaman niya. Pero isa lang sigurado tuwing naririnig niya ang boses ni Syviel, parang nagiging makulay ulit ang mundo niyang dati’y puro dilim. Maya-maya, dumating si Mang Lando, ang katiwala ng rancho. “Seniorito, bakit po nagsisigawan kayo ni aleng Syviel?” “Hindi kami nagsisigawan!” mabilis na sagot ni Ferson. “Eh kanina po, parang may mass wedding na naman kayo sa kabayo?” “Lando!” singhal ni Ferson. “Umalis ka na nga!” Tawa nang tawa si Syviel sa tabi. “O diba, kahit si Mang Lando updated sa love life mo!” “Wala akong love life!” “Meron! Ako ‘yung kontrabida sa love life mo!” “Syviel!” “Yes, Seniorito?” “Tigil ka na bago kita ipahabol sa mga kabayo!” “Hindi mo ako mahuhuli, Seniorito!” sabay takbo ni Syviel, habang bitbit ang isang tabo ng tubig. “Syviel!” sigaw ni Ferson, pero sa halip na magalit, napangiti siya. “Babae talaga ‘to… pero bakit parang hindi ko kayang magalit nang matagal?” Mula sa malayo, naririnig niya ang halakhak ni Syviel na umaalingawngaw sa buong rancho tunog ng buhay, tunog ng saya. At kahit bulag siya, parang nakikita niya sa isip niya ang ngiti ni Syviel, ‘yung ngiting ginulo ang tahimik niyang mundo. “Syviel Manakit…” mahinang bulong ni Ferson, habang nakatingala sa langit. “Ikaw lang talaga ang sakit… na ayokong mawala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD