CHAPTER 15 THIRD PERSON POV Tahimik muna ang paligid ng rancho. Tanging tunog ng kuliglig at mahinang hampas ng hangin sa dahon ng mga puno ang maririnig. Ang mga kabayo ay tulog na, pero sa loob ng kwadra, dalawa pa ang walang lakas si Syviel, nakahiga sa dayami, pawisan at hingal, habang si Ferson ay nakasandal sa poste, parang walang tinatablan pero halatang pagod na rin. “Seniorito…” mahina ang boses ni Syviel habang nakatitig sa kisame ng kwadra. “Feeling ko… hindi na ako makakalakad ng diretso.” Napangiti si Ferson, bagaman pilit niyang pinipigilan. “Kasalanan mo ‘yan. Ikaw ang nang-aasar sa akin kanina.” “Tss! Eh ikaw kasi, ‘di marunong magpigil. Akala mo siguro, baka may kabayong humabol kaya binilisan mo lahat!” sabay tawa ni Syviel, sinasalo ang tiyan niya sa kakatawa. Nagk

