Simula
[Her POV]
"Sandali lang, i'll just finish this," sabi ko kay Aisha habang tinatapos ko ang lesson plan na pinapagawa sa akin ni Sir.
"Bilisan mo na! I promise i'll make you taste the best coffee of your life." Natatawang umiling ako bago sinarado ang laptop ko.
Tumayo na ako at hinayaan siyang hilahin ako papalabas ng University.
"Wow, haba ng hair mo," bulong sa akin ni Aisha sabay hawi sa buhok ko. Ngumiti lang ako at yumuko nung makitang nagsilingon ang mga taong nakakasalubong namin.
"Grabi, you're 24 na pero hindi pa rin kumukupas yung ganda mong pang-Miss Universe."
"Ganoon talaga pag-natural kang maganda," pagsakay ko sa kanya at pumasok na ng kotse.
I'm Xylandria Rodriguez also known as the human-form of Aphrodite. I'm 24 and i'm working as the Dean's secretary in Araneta University.
Hininto ni Aisha ang sasakyan sa harap ng isang hindi gaano kalaking coffee shop.
"Welcome to Sky Autumn. The new best café in town." Agad akong napangiti nung sumalubong sa akin ang nakakagising na aroma ng kape pagpasok ko ng café.
"New? Kaya pala hindi ko pa narinig ito dati."
"Yeah, last week lang 'to nag-open. Ako kaya ang unang costumer dito. May promo eh," napangisi ako at sabay na kaming umupo. Ilang segundo lang ay may lumapit sa aming waitress na bata pa.
"May I have your order?" Seryoso niyang tanong sa amin. She's a waitress, but she's not smiling... which is something I got used to. Karamihan kasi sa mga staff sa mall or restaurant ay seryoso o kung minsan ay nahihiya dahil nga ay nai-intimidate raw sila sa akin.
"Yung usual sa akin," sagot ni Aisha na ngumingiti at nakapangalumbaba.
Kinuha ko ang menu na nakapatong sa mesa. I scanned through it, i'm really not a coffee person pero sinabi sa akin ni Aisha na kahit anong caffeine drinks na matitikman ko rito ay maa-adik ako. Talaga ba?
"Iced Coffee lang sa akin. Yung may syrup," matamis akong ngumiti sa kanya habang inaabot ang menu. Nahihiya lamang siyang ngumiti at tumalikod na.
"She didn't offered us any dessert." Natatawang reklamo ko. Karamihan sa mga café ay mag-iintroduce ng ibang selection like desserts or pastry kung konti lang ang orders mo.
"Nahihiya kasi yun sayo. Kung kasing ganda mo nga naman ang magiging kliyente ko ay siguradong mahihiya rin ako at lilipad ang utak ko kung saan."
"Bolera mo talaga."
"Pa-humble ka pa eh."
Habang naghihintay kami ng orders namin ay ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa akin. Kapag tumitingin ako sa glass door kapag tumutunog ang windchime ay sa akin agad ang mga titig ng mga bagong pasok na costumers. Napapaiwas sila ng tingin tuwing nahuhuli ko sila.
"May pageant sa CDO, kakilala ko yung organizer. Gusto mo, ilista kita?" Agad akong umiling sa offer niya.
"Madami na akong nasalihan na pageant. Sa work na muna ako mag-focus, I had enough of pageants."
"Sabagay, you already have couple awards and trophies. Kahit ako sa posisyon mo ay mauu-umay din."
Dumating na ang orders namin at isang tipid na ngiti lamang ang iginawad sa amin ng waitress bago umalis.
"I like the place... the ambiance, everything," sabi ko matapos matikman ang order kong iced coffee with syrup.
"Ito naman, parang hindi mo ako kilala. I always pick the best," kinindatan niya ako.
.
"Coffee mo, Xylandria." One of our maids offered me a coffee in a plastic cap with lid.
"No thanks, Manang." Mabilis kong iling bago kinuha ang tote bag ko.
"Mukhang maaga ka yatang pumapasok sa trabaho ah."
"It's better to start early, mas fresh sa trabaho," biro ko.
"Baka ay may kinahuhumalingan ka na? Ipakilala mo sa akin, Andria."
"Yaya naman, kung may magugustuhan ako ay ikaw ang unang makakaalam. Sige po, alis na po ako."
"Ingat ka. Good luck sa work!" Nag-thumbs up ako sa kanya habang naglalakad na papalabas ng bahay.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tinulak ang glass door ng Sky Autumn. As usual, agad namang lumingon ang lahat ng costumers.
"Good morning, Ma'am," ngiti sa akin ng waitress na nagngangalang Fiona. Siya rin yung waitress namin nung una akong pumasok dito. Ilang araw na rin akong dito nagkakape at mukhang nasanay na rin sa akin si Fiona.
"Recommend something for me, hindi na ako sinasamahan ni Aisha eh."
"French pastry po, Ma'am. Bestseller yung eclair namin."
"Okay, i'll take that and a cup of café mocha," binasa ko ang pang-ibabang labi ko nung nagpaalam na siya para i-prepare yung order ko.
Napaawang ang labi ko nung makitang wala na ang atensyon sa akin ng lahat. Yung mga staff ay napapatigil sa pagta-trabaho para matingnan ang isang lalaking nakaupo sa isang sulok na mag-isa. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakaharap ang likod niya sa akin. He's sitting on a wheel chair at napasinghap ako nung aksidente siyang nasagi ng isang waiter.
"May I wipe that off your hand, Sir?" Mahinahon na pinulot ng waiter ang nalaglag na plastic cup. Kumuha siya ng puting towel sa bulsa niya at akmang pupunasan ang sleeve ng lalaki pero natigilan ito marinig ang malamig na tugon nung lalaki, "You can wipe nothing off it."
Napalunok ako nung makitang nakalaylay ang longsleeve ng polo niya.
"I-i'm sorry, Sir," nakayukong umalis ang waiter habang ako ay gulat na gulat pa rin. H-he only have a single hand?!
I saw him picked his phone using his right and only hand. He's calling someone and a minute passed, a guy who seems to be in a same age as me entered the coffee shop. Lumapit ito sa kanya at tinulungan itong itulak ang wheel chair.
Papalabas ito ng coffee shop at ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko nung nakita ang kanyang mukha. He look so... hideous. He has a huge scar on his left cheek and his eyes have irregular sizes. I never seen anyone this ugly before.
Umiwas ako ng tingin at bumuntong-hininga. Someone like him is not worthy of my attention.