[Xylandria's POV] "Ma'am, may nagpapabigay po." "Salamat," nakangiting tinanggap ko yung maliit na box na nilahad sa akin ni Kuyang Guard at dumiretso na sa office ko. "Mukhang napapadalas na ang pagtanggap mo ng regalo ah. Sa pagkakaalala ko ay matagal pa ang pasko," pagtukso sa akin ni Mr. Agapay na isang mathematics teacher. Nakangisi ito sa akin habang nagkakape. "Ganun po talaga, Sir, pagmaganda," I chuckled. Nung makaupo ako sa swivel chair ko ay agad kong binuksan ang maliit na box. Hindi ko pa nakikita ang laman ay napapangiti na ako. Do great at work. Love you! Ayun nakasabi sa maliit na papel sa loob ng kahon. Pagkakuha ko ng sulat ay napaawang ang labi ko dahil sa kwintas na nasa ilalim. Inangat ko iyun at hindi makapagsalita dahil sa sobrang ganda. It has an anti-alle

