CHAPTER THREE

1371 Words
CHAPTER THREE HEAVEN MALUWAG na ngayon ang dibdib ko dahil sa wakas pagkatapos ng ilang araw kong pagpapaalam kay Nanay at Tatay pinayagan na ako ng mga ito. Pinuntahan ko si Aleng Aida sa bahay nito sa kabilang bahagi ng Isla kaya pala kilala ako nito dahil nanay ito ng isa sa mga kaibigan kong nag-rekomenda sa akin. Sinulyapan ko ang ayos ko isang simpleng palda at puting blusa ang siyang suot ko ngayon, tama lang din ang damit na siyang dala ko at sabi sa akin ni Manang Aida may uniporme naman daw ang mga katiwala sa bahay nina Lenard. Iba talaga ang siyang tuwang nararamdaman ko hindi ko akalaing dadating ang pagkakataon na ito sa akin. “Manang Aida? Manang Aida?!” Ilang minuto na akong nakatayo rito pero wala pa ring Manang Aida ang siyang lumabas sa bahay nito. Bahagya akong kinabahan hindi kaya umalis na ito at may iba ng nakita? Naku! Huwag naman sana. Ngayon pa na pinayagan na ako ni Nanay at Tatay. Napa-sign of the cross nalang din ako at umusal ng munting panalanging sana hindi nagbago ang siyang isip ni Manang Aida. Kahit nga siguro walang sahod tatanggapin ko ang trabahong 'to basta ba makasama ko lang si Lenard o masilayan ko lang siya. "Nandiyan ka na pala, Ineng.." Napalingon ako sa boses na nagmula sa likuran ko si Manang Aida. Hindi ko napigilang ngumiti, akala ko pa naman iniwan na ako nito. "Manang, pasensiya na ho kung naghintay kayo sa akin. Akala ko umalis na kayo," sabi ko sa kaniyang hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. "Hindi kita iiwan. Ilang buwan din kaming naghanap ng makakapalit ni Marites hindi pweding walang pumalit sa binakante niya," sabi nito sa akin kasabay ng pagbukas ng pinto nito. "Mag-almusal muna tayo at bumili ako ng champorado sa kanto," yaya ni Manang Aida sa akin. Napangiti ako dahil alam kong mabait si Manang Aida na hindi ako mahihirapan sa bahay ni Lenard. "Si Marites ho ba ang papalitan ko, Manang?" tanong ko sa kaniya. Inabutan ako nito ng pinggan ng ipaghila niya ako ng kawayang silya sa simpleng hapag-kainan nila. "Siya ang in-charge kay Senyorito Lenard sa gabi lalo na pag late itong umuuwi mula sa gimik," sagot sa akin ni Manang. Napanganga ako sa turan nito, kung si Marites ang siyang incharge kay Lenard at ako ang kapalit niya. Ibig sabihin palagi kaming magkasama at magkikita nito? Bigla naman yata ako nakaramdam ng pananabik pag nagkataon. Ito na talaga ang katuparan ng pangarap ko, aniya ko sa sarili. Minsan talaga kailangan lang magdasal at gusto ko na talaga makarating sa tahanan ng mga Sarmiento. "Pero tandaan mo, Heaven. Ayaw na ayaw ni Lenard ang katiwalang nagkakagusto sa kaniya, kailangan mong pigilan ang sarili mo..." Napatingin ako ng tuwid kay Manang Aida. Paano naman nito nalamang may gusto ako kay Lenard? Maaari kayang nagkwento sa kaniya ang anak niyang si Sabing? Tsismosa rin talaga ang isang iyon. Ngumiti ako kay Manang. "H'wag ho kayo mag-alala, Manang Aida. Kung gusto ko man ho si Lenard siguro nawala na ang siyang pakiramdam na iyon," pagsisinungaling ko. "Magmadali ka na ubusin mo na 'yan at maya-maya aalis na tayo. Alas-kwatro ang dating natin sa Manila baka alas sais lang nasa bahay na rin tayo." Mas lalo ako nakaramdam ng pananabik, ilang oras na lang ang siyang lilipas magkakaroon na kami ng lovestory ni Lenard, naibulong ko sa sarili kasabay ang lihim na ngiting sumilay sa labi ko. LENARD "MANANG! MANANG!!" ilang beses na yata akong nagsisigaw pero wala pa ring katiwala ang siyang lumalapit sa akin. Ayaw kong tuluyan masira ang araw ko at may naka-schedule pa kaming lakad ng mga kaibigan ko same as usual sa Tomas Morato. Ilang sandali naramdaman ko ang siyang pagbukas ng pinto, pasaring akong sumulyap sa gawi nito. "Sir, may kailangan po kayo?" tanong sa akin ng nahahapo pang isa sa mga katiwala namin. Hindi ko alam ang pangalan nito kaya hindi ko alam ang itatawag dito. "Kailan babalik si Manang Aida?" tanong ko rito. Muling binalik ang tingin sa nilalaro ko sa PS5 ko. "Tumawag na ho siya, Sir. Mamayang hapon raw," sagot nito. Alas onse kwarenta pa lang. Mabuti naman kung babalik na agad si Manang Aida sa lahat kasi ng mga tao rito sa bahay ito lang ang siyang madali kong utusan at tawagin. Hindi tulad ng ilang katiwala ritong kitang-kita sa mga mata nilang hinahangaan nila ako pag nakakaharap ko sila at ayaw ko ng ganoon. Kaya nga siguro umalis na ang isang katiwalang nag-aasikaaso sa akin sa gabi. “Sigi na. Ipaalam niyo sa akin pag bumalik na siya may mga kailangan akong ipapagawa sa kaniya,” utos ko rito. Matapos itong magpaalam narinig ko ang siyang pagsarado ng pinto. I’m feel so bored. Pero kailangan ko hintayin ang pagbalik ni Manang Aida bago ako umalis, kailangan ko kasing pakiusapan ito na huwag sasabihin kay Mommy ang mga naging lakad ko. Since pabalik na ito ng bansa galing Amerika, para bisitahin ang mga kapatid nitong nakatira roon. HEAVEN MABILIS kaming nakarating sa bahay nina Lenard na ayon kay Manang Aida, Alabang daw ang lugar na ito. Halos isang oras lang din kasi ang byahe mula Iloilo hanggang Manila, sosyal pa nga at naka-airplane pa kami. Namamangha ako sa naglalakihang bagay na nadaanan namin hanggang sa makarating kami mismo sa bahay ng lalaking hinangaan ko sa mahabang panahon at ngayon nandito na ako. Kung nananaginip man siguro ako ayaw ko ng magising. "Ayos ka lang ba, Heaven?" tanong sa akin ni Manang. Ngiti ang siyang tinugon ko sa kaniya, ngayon pa ba ako kakabahan kung nandito na ako. "Ayos lang ako, Manang Aida. Medyo kinakabahan lang..." Ngumiti ito sa akin. Inalalayan akong makababa nito sa isang malaking Van ng pamilya Sarmiento. May dalawang katiwala ang siyang sumalubong sa akin na nakilala kong si Manang Stella at Manang Elsa. Matapos magkamustahan tumuloy na kami sa isang malaking silid na ayon sa mga ito servants quarter may apat na single bed katabi ang apat ding may hindi kalakihang cabinet. "Diyan magiging higaan mo, Heaven," aniya sa akin ni Manang Aida, sinundan ko ng tingin ito. Mukhang kakapalit lang din ng kobre kama at unan. "Kung gusto mo magpahinga muna, sigi lang. Bukas ka nalang magsimulang magtrabaho," dugtong pa nito. Umupo ako sa malambot na kama, mabuti pa rito hindi papag ang siyang hihigaan ko pero bigla kong namiss ang higaan ko sa bahay. "Kahapon ka pa hinahanap ni Lenard, Manang. Sigaw nang sigaw dito sa loob ng bahay hanap ka." Narinig kong sabi ni Manang Stella kay Manang Aida tumawa rin si Manang Elsa. "Iyong batang iyon hindi nabubuhay ng wala ka. Palibhasa sa lahat yata ng pumasok dito ikaw lang ang siyang hindi nagkagusto bukod sa amin ni Stella," natatawang sabi ni Manang Elsa. Nagkasya akong pakinggan sila ng ilang sandali may narinig kaming boses sa likuran namin tawag si Manang Aida at walang iba kundi si Lenard. "Manang Aida, Manang Aida! You're back!" Nagmadali itong lumapit kay Manang Aida at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ang pagsalubong ng tingin namin. Napalunok ako ng tuyong laway nang magbawi ako ng tingin mula rito. Sa isip ko kailangan kong tandaan na hindi ko ipapakita ritong gusto ko ito. Kung hindi tapos ang siyang maliligayang araw ko. "Who is she?" Narinig kong tanong ni Lenard nang kumuwala ng yakap kay Manang Aida at alam ko kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ako ang siyang tinutukoy nito. "Si Heaven, Hijo. Papalit kay Marites.." Napilitan akong lumingon sa gawi nito pilit na kinontrol ang sariling walang ipapakitang kahit na ano'ng emosyon dito. "Heaven si Señorito Lenard, magiging amo natin.." Tumango-tango ako sa harap niya. Pilit kong tinago ang kamay kong naramdaman ko ang panginginig sa kaba. Bakit ba naman kasi napaaga ang siyang paghaharap naming dalawa? Hindi ko napaghandaan hindi ko yata maitatago ang lihim kong nararamdaman dito. "Welcome sa bahay, Heaven.." nakangiting sabi nito sabay na nilahad ang kamay niya sa harap ko. Hindi ko napigilang isipin na sa paligid kaming dalawa lang ang siyang naroon. Napatayo matamis na ngumiti sa kaniyang tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. "S-salamat! Señorito L-Lenard," nanginginig kong turan sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD