LENARD
Matapos ang munting kamustahin kay Manang Aida ay nagpaalam na ako rito.
Nagawa ko pang tapunan ng huling sulyap ang dalagitang kasama nito; pamilyar ito sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko nga ba ito nakita— pero sigurado akong minsan ko na itong nakaharap n'on.
Lihim akong nagpaalam kay Manang Aida sa lakad ko ngayon, ayaw pa sana nitong pumayag pero wala rin naman siyang nagawa. Kilala naman nito si Tricia, at isa pa buo ang tiwala sa akin ni Manang Aida. Mahigpit lang ang naging bilin nito sa akin na hindi ako magpa-abot ng madaling araw sa labas. Pinangako ko rin sa kaniya na uuwi ako agad at hindi ako magpapakalasing, nagtiwala rin naman sa akin si Manang Aida kasabay nang pangako na hindi sasabihin kay mommy ang mga naging aktibidades ko rito habang wala siya. Sigurado akong magiging katulad lang ito ni Bea, natawa na lamang ako sa mga naisip kong maaaring maging litanya ni mommy kung sakali.
[ Pupunta ka ba pa? ]
Ito ang text message na natanggap ko mula kay Tricia. Hindi ko na binalak pang replayan ito dahil pupunta rin naman ako kahit pa ipaalam ko sa kaniya o hindi. Nandoon din naman ang tropa, alam kong susunod din naman si Tricia kahit pa sabihin kong pupunta ako o hindi man, kilala ko ang dalaga. Wala pa naman itong pinapalampas na kahit na ano'ng lakad lalo pa't kasama ang ilan sa mga kaibigan namin n'on pa man.
She will be there what ever happen. Napangiti na lamang ako sa mga naiisip kong pweding mangyari sa amin mamaya. Kilala ko si Tricia alam ko naman ang limitasyon nito, tiwalang hindi kami lalagpas d'on— lalo pa't wala pa itong gaanong pangalan na naipupundar sa showbiz. Pero hindi naman ibig sabihin n'on ay ginagamit lang ako ng dalaga.
Maganda si Tricia, hindi ko pweding ika-ila iyon. Kung ganda lang ang basehan nila ni Bea wala itong binatbat sa babaeng nakadikit ngayon sa pangalan niya.
Napasinghap ako nang maalala ang dalaga. Hindi ba dapat hindi ko sila kinukumparang dalawa dahil kahit saan man tingnan talagang magkaiba ang mga ito. Nagiging unfair din ako kay Bea, wala naman itong ginagawa sa aking mali. Ang mabuti pang ginawa ko ay nag-ayos na ako ng damit kong masusuot mamaya. Aalis ako kahit na makarating man ito kay Bea. Wala rin naman siyang magagawa kahit na hindi niya ako payagan.
--
HEAVEN
HINDI pa rin ako lubos na makapaniwala sa nangyayari ngayon sa akin. Parang panaginip lang talaga na nandito na ako sa mga bahay ng mga Sarmiento— sa bahay ng pamilya ni Lenard. Pakiramdam ko nananaginip lang talaga ako, pero hindi dahil kanina nakaharap ko mismo ang lalaking hinahangaan ko sa napakahabang panahon. Heto na nga, ito na nga ang simula ng lahat ng ito; magkasama na kami at hindi ko na pwedi ika-ila pa iyon.
Napatingin ako sa uniporme na nasa ibabaw ng higaan ko. Wala na ngang kawala ang pinangarap ko n'on, dahil simula sa araw na 'to kasama ko na si Lenard. Kahit na sabihin pang napakalaki ng bahay na 'to siguro naman magkikita at magkikita pa rin kaming dalawa. Pero hindi na bali iyon, dahil ang mahalaga ngayon ay nasa loob na ako nang tahanan nila at hindi na magbabago iyon— dahil hindi lang ako nananaginip ngayon.
"Heaven, Ineng.. Pinapatawag ka ni Manang Aida, baka raw gusto mo munang mag-meryenda bago ka magpahinga."
Napalingon ako sa pinto, ang isang katiwalang si Stella ang pumukaw sa pansin ko sa aking pag-iisip tungkol kay Lenard. Ngumiti ako nang maluwag sa kaniya.
"Salamat ha. Susunod ako, magbibihis lang ako ng uniporme ko," turan ko sa kaniya sa mga sinabi nito sa akin.
"Oh sige! Ako nga pala si Stella. Sana magtagal ka rito sa pamilya Sarmiento para hindi naman pabago-bago ang nakakasama namin palaging alalay ni Sir Lenard."
Ngumiti lamang ako rito, hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot sa kaniya tungkol sa mga sinabi nitong nakaraang naging alalay ni Lenard— dahil kung may alam man siya sa sarili niya iyon ay ang sisiguraduhin nyang hindi darating ang araw na iiwanan ko si Lenard lalo na kapag sa maliit na bagay lamang ito.
Noon ngang nangangarap pa lang ako sabi ko sa sarili ko kahit walang sahod ay ayos lang para sa akin eh. Ang mahalaga lang naman d'on ay ang natatanaw ko siya sa lahat ng oras nang buhay ko.
Hays! Napasinghap ako nang iwan ako ni Stella; may mga gagawin pa raw ito kaya kailangan nya nang bumalik sa trabaho. Napag-alaman ko rin mula rito na wala ang mga magulang ni Lenard sa bansa, nasa ibang bansa raw ito. Pero ang sabi ni Stella ay kahit na ano'ng oras darating na ang mga ito; kaya nga abala na sila sa paglilinis at pag-aasikaso ng malaking bahay ng mga Sarmiento.
Ang sabi ko nga kanina kay Manang Aida ay pwedi naman na akong tumulong sa kung ano ang mga ginagawa nila. Pero ang bilin nito sa akin ay magpahinga muna ako at mahaba ang naging byahe namin papunta rito. Baka hindi raw ako sanay sa byahe kaya gusto muna nitong matulog ako. Ang hindi alam ni Manang ay sobra na akong nagmamadaling mag-trabaho sa pamilya nina Lenard. Ang trabahong pinapangako ko sa sarili kong ibibigay ko ang lahat para hindi naman ako mapahiya at hindi naman magsisi si manang na ako ang napili niyang manilbihan sa mga ito. Gagawin ko ang lahat— ibibigay ko ang lahat ng best ko para magampanan ko nang maayos ang lahat.
Kung si Lenard man ang magiging task ko; mas lalong walang problema sa akin dahil ipapakita at ipaparamdam ko kay Lenard ang lahat nang pag-aalagang kailangan nya.
Ang mabuti pang ginawa ko ay nag-ayos na ako nang sarili ko. Sisimulan ko na ang trabaho ko ngayon, walang lugar para sa akin ngayon ang magpahinga. I just want to make sure na hindi ko hahayaang magkaroon ng dahilan si Lenard na tanggalin ako sa trabahong 'to o isa man sa miyembro ng pamilya nya.
"Manang, magandang hapon po. Pasensya na ho kayo kung natagalan ako sa pag-aayos. Sinukat ko pa kasi lahat ng uniporme na binigay nyo at sobrang ang gaganda po nila. Fit na fit nga po halos ang lahat sa akin," masayang bigkas ko kay manang nang abutan ko ito sa kusina. Mukhang abala ito sa mga ginagawa nyang paghahanda nang iluluto siguro para sa hapunan.
"Mabuti naman at nakapagpahinga ka. Kumain ka na muna bago ka magpahinga ulit— ang gusto ko ngayon ay ang maka-idlip ka muna bago ang hapunan natin. Bukas ka na lang magsimula ng trabaho at hindi ko pa naman naituturo sa iyo ang lahat ng mga gagawin mo," ang tugon sa akin ni manang. Napangiti ako sa kaniya. Tinuro niya ako sa isang pang-apatang lamisa at d'on ay umupo ako. Napansin kong nand'on na rin ang mga pagkain na mukhang meryenda ng mga katiwala sa bahay na 'yon. Hinanap ng mga mata ko ang kahit isa sa kanila, pero napansin kong si manang lang ang nandito.
"Manang, kung hindi mo masasamain. Ilan po tayong katiwala sa bahay na 'to?" tanong ko sa kaniya, habang nagsasandok ako ng mainit pang spaghetti sa plato ko.
"Lima tayong katiwala sa pamilyang 'to, Heaven. Ang isa ay nasa day off nya at ang tatlo naman ay nasa kaniya-kaniyang trabaho pa. Pero nandito kanina ang mga iyon bago ka dumating. Nagmeryenda rin sila," nakangiting sagot sa akin ni manang.
Masasabi ko talaga sa sarili kong napakabait ni manang. Hindi talaga ako nahihiyang magtanong nang ilang impormasyon sa kaniya tungkol sa pamilya ni Lenard. Isa pa, tungkol sa trabaho lang din naman ang tanong ko kaya wala naman siguro akong kailangan ikahiya.
"Iyon nga lang. Wala talagang nagtatagal sa binakante kung saan ikaw ang pumalit, anak. Talagang madalas ay sinusukuan nila si Lenard. Lalo na pagdating sa pagpupuyat. Iba kasi talaga si Lenard, anak. Ikaw na ang bahala kung makakaya mo."
"Naku! Manang Aida, wala hi kayong dapat ipag-alala sa akin. Sanay po ako sa puyatan kung iyon lang ang pag-uusapan. Wala po kayong dapat ikabahala sa akin sa bagay na 'yon," mabilis kung sabi sa kaniya.
Kung pwedi ko nga lang sabihin kay Manang Aida na hobby ko na yata ang magpuyat sa mga palabas ni Lenard na inuulit-ulit ko na lang panoorin. Minsan nga inaabot pa ako nang madaling araw para lamang manuod; kaya masasabi ko talagang wala itong dapat ipag-alala tungkol sa bagay na 'yon— kung patibayan lang din ang pag-uusapan masasabi kong matibay pa ako sa matibay.
"Ikaw ang bahala, Ineng. Basta kung sa pagkain naman at sahod ang pag-uusapan ay masasabi kong hindi ka talo. Libre ang lahat ng mga kailangan mo rito, hangga't nandito ako sa pamilyang ito makakaasa kang hindi kita pababayaan."
Ngumiti ako sa mga sinabi sa akin ni manang. Malaki talaga ang pagpapasalamat ko sa kaniya dahil kung hindi dahil dito ay hindi ako mapapalapit kay Lenard.
"Maiwan muna kita, Heaven. Titingnan ko lang ang silid ni Lenard kung nasa maayos. Kilala ko kasi ang batang 'yon at may pagiging ahas iyon kapag walang sumusunod ng mga kalat nya," paalam sa akin ni Manang Aida. Tumango lang ako sa kaniya. Wala naman problema kung iwan niya muna ako ritong mag-isa. Ayos lang naman, mabuti na rin iyong masasanay ako sa bahay na 'to at ito ang magiging tahanan ko na masisigurado kong pangmatagalan na ito.
Ilang minuto na rin ang nakalipas nang iwan ako ni Manang Aida dito sa kusina; tapos na rin naman akong kumain. Wala na talaga akong ganang magpahinga. Ang mabuti pa ay maghugas na lang ako nang mga nagamit ni manang sa paghahanda nya kanina o 'di kaya ang maghiwa nang mga gulay na maayos na nakatabi dito sa may preparing table nila. Iyon na lang siguro ang gagawin ko since hindi ko pa naman alam ang gagawin kong trabaho.
Medyo natagalan yata si manang sa silid ni Lenard. Baka may pinapagawa pa rito si Lenard kaya hindi siya nakabalik agad. Tumayo ako para gawin ang mga kailangan kong gawin na nasa isip ko kanina. Hindi naman gan'on karamihan ang mga hugasin kaya hindi ko naman masasabing mahihirapan ako, pero kahit gaano pa karami siguro ito ay walang problema sa akin. Gusto ko naman ang ginagawa ko at syempre inspired naman ako dahil nga nakaharap ko kanina si Lenard.
"Hi.."
Halos mapatalon ako sa gulat nang may narinig akong boses sa likuran ko. Iyon na lamang ang pagkabigla ko nang si Lenard ang napaglingunan ko.
"Ikaw iyong bago hindi ba?" tanong nito sa akin. Mabilis naman yata akong nakalimutan ni Lenard.. tila kanina lang naman ako nakita nito, hindi naman lumipas ang isang araw para hindi ako maalala nito agad.
"H-heaven ho.." tugon ko sa kaniyang nag-aalangan.
"Yes. Oo nga pala. Heaven nga pala ang pangalan mo. Uhm- si Manang Aida?" tanong nito sa akin. Nagpalinga-linga ito sa paligid. Napakunot-nuo tuloy ako at hindi alam ang isasagot sa kaniya, nagpaalam kasi sa akin si Manang Aida na pupunta sa silid nito para tingnan kung nasa maayos ba ang mga gamit nito.
"Uhmmm. Ang sabi nya kanina ay titingnan niya ho ang mga gamit mo sa silid nyo," magalang kung sagot dito.
Iniwas ko ang tingin ko kay Lenard. Ayaw ko kasing makita nito sa mga mata ko ang paghanga na mayroon ako sa kaniya. Kinakabahan ako at baka mahalata nito ang lihim kong pagtingin sa kaniya. Pero sa sarili ko hindi ko magawang itanggi talaga ito, dahil sa ayos nito ngayon ay hindi ko talaga maikakaila kung gaano ito ka-gwapo lalo na sa suot nito ngayon— mukhang may lakad yata ito.
"Ah.. Okay. Mabuti naman kung ganoon. Ikaw? Ano ang trabaho mo rito?" tanong sa akin ni Lenard. Heto na naman at tila nagiging blangko na naman ako sa isasagot ko sa kaniya.
"H-hindi ko pa alam, sir. Hindi pa po nasasabi sa akin ni manang. Pero itatanong ko ho agad sa kaniya kapag bumalik na siya rito."
"Never mind. Don't worry. Wala naman magiging problema kung hindi mo pa alam ang duties mo. By the way.. I have to go. Pakisabi na lang kay manang na umalis na ako."
Hindi na nito hinintay ang sasabihin ko mabilis na itong tumalikod. Sa muling pagkakataon pinakawalan ko ang masayang pagsinghap sa sarili ko. Napakasaya ng puso ko ngayon dahil sa pag-uusap naming iyon ni Lenard— simple lang pero masasabi kong may malaki na itong impact sa araw ko at hindi ko na magawang kalimutan pa.
Hiling ko na lang na sana maayos ang maging lakad niya kung ano man ito o kung saan man ito pupunta ngayon.
"Hi, Heaven. Nandito ka pala. Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Stella nang bigla itong sumulpot sa likuran ko. Mabuti na lang hindi siguro nito nakita ang pag sunod ko nang tingin kay Lenard.
"Oo. Katatapos ko lang mag meryenda. Ayos naman ako. Heto at nangangapa lang ng magiging trabaho dito sa bahay. Hindi pa kasi nasasabi sa akin ni manang ang mga kailangan kong gawin kapag nagsimula na ako," tugon ko kay Stella.
Sinundan ko siya nang tingin, kumuha ito ng isang baso at nagsalin nang tubig mula sa ref na nasa kusina din. Kung bibilangin ko pala ang ref na nandito ay apat pala ito.
"Siguradong nandoon si manang sa silid nang alaga niya. Kung hindi mo kasi naitatanong, Heaven— e si Manang Aida na 'yang tumatayong magulang ni Lenard kapag wala ang mag-asawa rito," kwento sa akin ni Stella.
Sa tingin ko nga, tama ito dahil iyon na rin naman ang nakikita ko. Talagang si Manang Aida na ang nag-aalaga kay Lenard— mukhang sanay na sanay na nga silang dalawa sa isa't isa at heto nga si manang kanina ang hinahanap ni Lenard kanina sa akin.
"Si manang lang din naman ang laging nandiyan para dito. Wala na rin naman kasing ibang inaasahan ang magulang nito kun 'di si manang lang talaga. At isa pa, maswerte pa rin kami kapag nandito si manang dahil mas nababawasan ang pagiging suplado ni Lenard kapag may natatawag siyang komportable siya."
Napangiti ako sa mga sinabi sa akin ni Manang Stella. Hindi ko naman hihilingin pero tratrabahuhin ko para maging malapit sa akin si Lenard— I mean para maging komportable siya sa akin. Siguro naman hindi ako mahihirapan gawin 'yon, mabait naman kasi si Lenard n'ong mga panahon na magkasama kami n'ong mga bata pa kaming hindi niya na siguro naaalala; mabait na mabait siya n'on.. hikain nga lang talaga. Sa ngayon sa nakikita ko sa kaniya mukhang wala na iyong sakit na iyong nagpapahirap sa kaniya. Parang ang lusog niya na nga ngayon kung pagmamasdan mo siya. Napakalaki nang pinagbago ni Lenard.
"Maiwan muna kita, Heaven. May aayusin pa pala ako sa kwarto ni Mrs. Sarmiento. Dito ka lang ha. Magpahinga ka kung kailangan mo, dahil kapag dumating na ang araw na alam mo na ang trabaho baka hindi mo na kayanin ang pagpupuyat. Mahihirapan ka."
Tumango-tango ako kay manang. Tumalima na ito matapos magpaalam sa akin. Masasanay din ako sa mga taong nandito— hindi na rin ako mahihiya sa kanila kapag dumating na ang araw.
Pinuno ko nang saya ang puso ko. Sayang walang katumbas dahil sa pangarap kong natupad na.