HEAVEN
SAYA sa puso ang naramdaman ko nang matapos ang aking trabaho. Boluntaryo kasi akong nanguha nang mga ligaw na damo dito sa may malawakang hardin ng mga Sarmiento sa gilid ng kanilang malawak na swimming pool. Halos nalulula pa rin ako sa laki ng bahay nina Lenard. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ilan kaming kasambahay sa bahay na 'to.
Nakakatuwa lang isipin na may kaniya-kaniyang trabaho ang lahat. Simple lang naman kung tutuusin at sa nakikita ko kahit unang araw ko pa lamang dito ay sapat naman ang pagkain at pahinga ang binibigay ng pamilya. Iyon din naman kasi ang naririnig ko mula sa ibang kasambahay na nakakagaanan ko na rin ng loob.
"Kamusta ka diyan, Heaven?" Napalingon ako nang marining ang boses ni Manang Aida— kilala ko na ang boses nito sa tagal na pag-uusap namin sa kusina kanina habang kumakain nang masarap na tanghalian na hinanda nito.
"Okay lang ho ako rito, manang. Maganda na po ulit ang garden ni Mrs. Sarmiento."
"Ikaw talagang bata ka. Hindi naman iyan sakop ng trabaho mo. Pero salamat na rin at pinagkaabalahan mo 'yan. Tiyak na matutuwa si madam at malinis na ang garden niya," natatawang sabi sa akin ni manang.
"Wala ho iyon. Masaya naman po ako atsaka maganda naman talaga kapag malinis ang hardin. Hindi po natitirhan ng kahit na ano'ng insekto."
Napangiti kami ni manang sa isa't isa. Hulog talaga ng langit sa akin si manang— mabuti na lang at naging open book din ako n'on sa anak niya. Na-tsika siguro talaga nito na matagal ko nang pangarap na makasama si Lenard.
"Oh siya. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. Sa tingin ko kasi parang mahihirapan akong pigilan kang gumalaw-galaw muna habang wala si Lenard na magbibigay sa iyo ng trabaho mo."
Hindi ko naiwasang mapalunok sa sinabi sa akin ni manang, talatang si Lenard pala ang magbibigay sa akin ng assignment ko sa trabaho. E paano kapag wala siya? Ano ang magiging trabaho ko sa malaking bahay na 'to?
Hindi naman pweding humilata na lamang ako at panuurin ko ang mga kasamahan kong abala sa kanilang gawain. Mas mapapagod yata ako kung sakaling iyon ang gawin ko. Kahit naman sabihin na sa Isla ay wala akong ibang ginagawa kun 'di ang manunuod ng mga palabas ni Lenard sa YouTube ay iba na yata rito. Isa pa iniiwasan ko rin na may makakita sa akin na nanunuod ako ng mga pelikula at palabas ni Lenard dahil baka makarating ito sa kaniya.
"Maiwan muna kita at titingnan ko pa ang ginagawa ng ibang kasama natin. Mahirap na't dumating ang mommy ni Lenard na hindi maayos ang bahay. Lahat kami ay masasabon n'on."
"Magbanlaw na lang ho tayo pagkatapos masabon, manang," sabi kong natatawa sa biro ni manang tungkol sa mommy ni Lenard.
Nakitawag lang din ito sa akin. Matapos magpaalam ay tumalima na si manang. Ang ginawa ko naman ay niligpit ko ang mga munting damo na nakuha ko at nilagay ko sa isang trash bag.
Ang bilin sa akin kanina ni Ate Stella ay ilagay ko lang ito sa drum ng basura sa labas ng bakod at may kumukuha naman daw r'on kapag gabi iyong mga nangongolekta ng mga basura.
Masaya akong tinapos ang trabaho ko. Medyo maaga pa naman at mag-a-alas-kwatro pa lang ng hapon, ang sabi ni manang sa akin kung gusto ko raw magmeryenda ay kumain lang ako at huwag mahiya— sa kasamaang palad ay nandito pa rin sa puso ko ang hiyang gumalaw ng malaya sa kusina nila kahit sabihan pa ako.
Natigilan ako nang makaupo ako sa dining chair na nakalaan para sa aming mga kasambahay nang maalala ko si Lenard. Kanina pa yata ito nakaalis at hindi pa rin nakakabalik. Iniisip ko na lang na baka may taping ito or mall show o ibang activities pa na ginagawa ng isang sikat na artista kaya umalis ito kanina nang maaga.
Siguro naman ay babalik din naman siya kaagad.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," untag sa akin ni Stella. Malalim nga talaga ang iniisip ko at hindi ko man lang namalayan ang pagdating nito sa tabi ko.
"Wala naman."
"Nag meryenda ka na ba? Meryenda na tayo."
Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa kumuha ito ng tinapay at palaman sa ref. May nakatimplang juice na rin d'on at nilatag nya ito sa mesa namin.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo sa bahay ng mga Sarmiento? Okay ka lang ba? Hindi ka naman ba hirap?" tanong nito sa akin.
"Medyo hindi naman. Magaan lang naman ang trabaho niyo hindi ba?" aniya ko sa kaniya.
Umupo paharap sa akin si Stella.
"Magaan talaga ang trabaho dito, Heaven. Lalo na kapag nasa labas ng bansa ang mag-asawa. Pero kahit naman nandito sila sa bahay ay madalas hindi rin naman sila naglalagi dito at nar'on sila sa hotel nila sa Isla."
Alam ko ang sinasabi nitong hotel. Sa Higantes iyon. Minsan ko na rin nakita ang malawak na hotel na iyon, para nga sa akin isa iyong paraiso. Napakaganda at talagang napakalawak ng buong paligid— halos kumpleto rin sa magagandang aktibidad ang hôtel resort ng mga ito.
"Kain ka lang, Heaven ha. Huwag mong titipirin ang sarili mo. Basta kapag may pagkain, kain lang."
"Maraming salamat, Stella. Mukhang lulubo yata ako rito," natatawa kong sabi sa kaniya.
Tumawa rin ito nang sabihin ko iyon. Pero pakiramdam ko naman hindi naman na ako tataba— bente singko lamang ang beywang ko, kahit na ano'ng kain ko n'on sa isla ay talagang ganito na yata ako.
"Oo nga pala. Baka magiging P.A ka pa ni Sir Lenard kapag pinalad ka. Aalis na raw ang madalas na kasama n'on na si Mae Ann at ikakasal na sa susunod na buwan. Iyon ang narinig ko kay Daya, close nya kasi iyong P.A ni Lenard."
Lihim akong napanganga sa sinabi sa akin ni Stella. Hindi naman ito nabanggit sa akin ni Manang Aida, pero kung magkataon nga— aaayaw pa ba ako kung ito ang talagang minimithi ng puso ko? Ang makasama si Lenard araw-araw ng buhay niya?
••
LENARD
AKO yata ang nauna sa lugar na usapan namin ng mga kaibigan ko. Ang buong akala ko pa naman ay ako pinakahuli. Inabala ko na lang ang sarili kong mag-scroll sa social media accounts ko; nasa tagong parte naman ako ng lugar na 'to kaya wala naman akong dapat ipangamba na may makakita sa akin. At kung mayroon man ay ako na ang bahalang tumanggi sa madalas na pagpapa-picture at autograph na hinihingi ng karamihan. Wala ako sa mood ngayon makipag-usap at makihalubilo kahit kanino man. I want my me time today— o kung pwedi nga lang sa lahat ng oras ng buhay ko mayroon akong kalayaan.
Napangiti na lamang ako sa mga naiisip ko. Paano ko pala gagawin iyon ngayon? E, mula yata nang pumasok ako ng showbiz wala na akong pahinga, halos lahat na lang nilaan ko rito. Ang malungkot lang sigurong parte ay iyong madalas akong nagtatago para lang walang asungot na aabala sa mga ginagawa kong pribado. D'on naman ako madalas bilib kay Bea, nagagawa nyang gampanan ng maayos ang buhay niya pribado o publiko man. Puno siya ng ingat na hindi ko rin naman masisisi kung bakit kailangan niyang alagaan ang pangalan nya.
"And, I'm not like her," bulong kong natatawa sa aking sarili. Kung tutuusin hindi ko naman kailangan maging maingat sa kung ano man ang mayroon ako. Para sa akin kung gusto ako ng tao kahit na ano pa ang ipakita ko sa kanila ay gugustuhin nila ako. Hindi ko kailangan magpanggap.
"Ang aga mo naman." Boses ni Tricia ang nagpabalik ng loob ko. Nagtaas ako ng tingin dito, walang pinagbago napakaganda pa rin ng dalagang nasa likuran ko idagdag pa ang mabangong amoy nito.
"Late ka lang," ani ko sa kaniyang natatawa. Maganda talaga si Tricia, iyon nga lang at mas pinili nitong magmodelo sa iba't ibang brand ng damit at ilang beauty products kumpara sa acting.
"Ang oa kasi ng traffic," tugon nito sa akin. Umupo ito patabi sa akin nang ipaghila ko siya ng upuan niya.
"Sana inagahan mo't alam mo naman ng C5 kapag ganitong oras hindi ba," ani ko naman sa kaniya.
"But at least I'm here. Ang oa mo rin e 'no, wala pa naman si Juan at Red ah. Mukhang nagmamadali ka naman. Nagugutom ka na ba? Hindi ka naman kumain sa inyo 'no? Nasaan ba P.A mo at hindi mo inutusang ipagbaon ka." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa komento nito. Pinili ko na lang ang una nang matawa ako sa sinabi niya. Alam naman nitong matagal nang nagpaalam sa kaniya si Mae Ann na aalis sa trabaho dahil magpapakasal na ito. Iyon nga lang hindi pa kami nakakuha ng panibago dahil sa hinihintay nya ang approval ng mama ko.
Tsaka sumagi sa isip ko si Heaven ang bagong kasambahay namin na kagagaling lang sa probinsya na ang sabi sa akin ni Manang Aida ay sa akin daw nakatoka kapalit ni Marites na umalis kailan lang.
"Ano ang iniisip mo?" tanong sa akin ni Tricia. Mukhang napansin yata nito ang pananahimik ko.
"Wala naman. May sumagi lang sa isip ko kanina. But I'm fine. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ako na ang mag-order ng pagkain natin?" tanong ko sa kaniya.
Bigla kasi kumalam ang sikmura ko nang banggitin nito ang pagkain. Tsaka ko naalala na hindi pa pala ako kumakain mula kanina.
"I'm fine too. Kumain na ako sa bahay nang umalis ako, baka magkape na lang ako. Ikaw ba? Heavy meal ka ba agad? Hindi mo na ba hihintayin ang mga kaibigan mo?" tanong sa akin ni Tricia.
Hindi ko nga alam kung ano ang isasagot dito tungkol kay Red at Juan, hindi naman kasi nag-cha-chat ang mga ito sa GC namin. Baka sa oras na mga ito ay kung saan-saang lupalop na naman napadpad ang dalawa. Kilala ko rin naman kasi ang mga ito, lalo na si Red na walang hilig madalas sa mga lakad namin; napipilitan lang ito minsan.
"Ako na. Caramel Machiato ba?" tanong ko kay Tricia. Madalas ko naman itong kasama mag coffee break kapag may mga pagkakataon kaya alam ko na ang hilig nito kun 'di espresso ay Machiato.
"You're the boss. Treat mo 'di ba? Kaya ikaw na ang masusunod," anito pa sa akin. Natawa na lang ako sa tugon nya.
"Okay. Maiwan muna kita dito."
"Okays."
Tumalima na ako para mag-order nang pagkain naming dalawa. Parang gusto ko na lang din magkape, hihintayin ko na lang siguro ang mga kaibigan ko para may kasama akong kumain. Sa tingin ko hindi naman kami maglalagi rito, ito lang ang napiling lugar ni Tricia na meet up place namin dahil malapit sa kaniya pero ang siste e late pa rin ito.
"Two caramel Machiato with two banana pie.. Thank you."
Tulad nang inaasahan ko, nakita ko ang kilig sa mga mata ng mga babaeng nasa counter. Hindi na ako pweding magtago pa tulad ng ginawa ko kanina. Nakilala na ako ng mga ito for sure— ayaw ko naman na si Tricia ang utusan kong mag-order para sa pagkain naming dalawa. After all, babae ito.
"Moment, sir. Pwedi nyo pong hintayin na lang ang order nyo sa table niyo," anito sa akin. Bumaling ito sa mesa kung saan ko kasama si Tricia, kaya malamang ay kanina pa siguro ako nakita ng mga ito.
"Thank you. I'll wait then," ani ko naman. Tumalima na ako matapos nitong i-suhestyon sa akin na maghintay na lang ako sa table namin.
"Your good?"
"I'am. Coffee na lang din muna ako."
"So. How's your day? Okay naman ba?"
"Good. Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung nakarating sa on screen partner mo ang lakad natin kagabi." Si Bea ang tinutukoy nito.
"Malamang. Wala ka naman pweding itago kay Bea eh. She knows everything. Kahit siguro kaliit-liitang detalye ng buhay ko na mayroon ako alam niya. Si Bea pa," pagsasabi ko ng totoo sa kaniya tungkol kay Bea. Tama naman ako dahil kagabi lang iyon ang pinag-uusapan namin ng dalaga nang tumawag ito sa akin.
"I know it. One day hindi na talaga ako magtataka kapag pinagbawalan ka niyang lapitan ako. Daig niya pa ang nanay mo," natatawang kuda ni Tricia. I'm not against of what Bea did. Naiintindihan ko naman ito at hindi lang ang pangalan nya ang iniingatan nito — kun 'di alam kong pangalan ko rin mismo.