Ika-Walong Kabanata

1333 Words
Winisik ng lalaki ang kamay ni Desiree na nakadantay sa noo niya. "Hindi ko maintindihan ang inyong lenggwahe. Sabihin niyo na lang sa akin kung saan ang labasan nang ako ay makauwi na." Kumuha ng upuan si Criszelle at nilagay sa tapat ng lalaki. "Hindi pa pwede. Kailangan mo pa daw magpahinga dito ng tatlong araw sabi ng doktor." Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa narinig. "Tatlong araw? Kailangan ko ng umalis kung ganoon din pala katagal ang pagpapahinga ko dito." Nagtatakang tinitigan siya ni Desiree. "Kuya, bakit napaka-unpatient mo naman? Three days ka na nga lang na magpapahinga, ayaw mo pa. May date ka po ba?" "Binibini, ano bang lenggwahe ang iyong sinasambit? Sumasakit ang ulo ko sa tuwing ika'y nagsasalita", sagot ng lalaki kay Desiree. Mahinang napatawa naman si Criszelle. Narinig iyon ni Desiree kaya binigyan niya ng nakakamatay na tingin ang kaibigan. "Pahingi na lang kami ng number ng pamilya mo or any relatives then kami na ang tatawag sa kanila para malaman nila yung lagay mo." "Number? Ano ang ibig sabihin noon?" Nagkatitigan si Criszelle at Desiree. "Numero. Pakibigay na lang sa akin ang numero ng pamilya mo", sagot ni Criszelle dito. Malalim na napa-isip ang lalaki. 'Anong numero ang kanilang nais malaman at may kinalaman daw sa aking pamilya?', tanong niya sa kaniyang sarili. "Isa?", hindi siguradong sagot niya sa dalawa. Malalim na napabuntong hininga sina Desiree at Criszelle. "Pangalan mo na lang kuya. Anong pangalan mo?", tanong ni Desiree dito. "Luisito Santiago", sagot ng lalaki. Napakunot ang noo ni Criszelle sa narinig. Pamilyar sa kaniya ang pangalan na iyon ngunit hindi niya maalala kung saan niya iyon huling narinig. Mabilis na hinanap ni Desiree ang pangalan ni Luisito sa f*******:. Nanlumo siya ng makitang maraming tao ang may kaparehas na pangalan tulad ng kaniya. Inabot ni Desiree ang cellphone kay Luisito. "Tignan mo dyan kung saan dyan yung f*******: profile mo." Nagtatakang kinuha ni Luisito ang telepono sa kaniya. Tinitigan niya ito at inobserbahan. 'Ano itong manipis na bagay na ito?' Inikot-ikot niya ito na para bang isang laruan. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong bagay. Hinampas niya ito sa table na naging dahilan ng pagkabasag nito. Napanganga naman si Desiree sa nasaksihan. "Don't tell me you also haven't seen a cellphone before?" "Ano ang iyong sinasabi? At bakit mukhang basag yata itong bagay na binigay mo sa akin?" Hindi na nagsalita pa si Desiree at kinuha na lamang ang kaniyang cellphone kay Luisito. Pigil luhang tinitigan na lamang niya ang cellphone niya na halos fifty-thousand ang halaga. "Bili ka na lang ng bago", pag-aalo ni Criszelle sa kabigan. Napapikit si Desiree at tumayo. Hindi siya sumagot kay Criszelle at nagsimulang maglakad papaalis habang hawak-hawak ang cellphone niya. Napatingin si Criszelle kay Luisito na ngayon ay kumakain lamang ng mansanas. "Weird", bulong ni Criszelle sa sarili bago sinundan si Desiree. Hindi man naintindihan ni Luisito ang nangyayari, napagpasiyahan niyang maglibot na lamang sa kwarto niya. Napansin niya ang isang malaking bagay na halos katulad lamang ng bagay na inabot kanina sa kaniya ni Desiree. Ang kaibahan lamang ay mas malaki ito at malapad. Mabilis na nilapitan niya iyon at hinawakan. Manghang napangiti siya dahil sa makinis na tekstura nito. Nag-ikot-ikot pa siya nang makita niya ang maliit na kalendaryo na nakapatong sa isang munting lamesa. Mabuti na lamang at purong tagalog ang nakasulat sa kalendaryo kung kaya't naintindihan niya agad ito. "Taong dalawang libo't labing pito?", pagbabasa niya sa nakasulat na taon sa kalendaryo. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit iba ang taon na nakasulat dito. 'Hindi ba't taong isang libo't walong raan at siyam na pu't pito ngayon?' "Luisito!" Binalik niya ang kalendaryo sa dati nitong pwesto nang marinig niyang may tumawag sa kaniya. Nakangiting kumaway siya sa babaeng bumisita sa kaniya kanina. Kakaiba ang mukha ng babae para sa kaniya dahil may mga anggulo na kamukha niya ang babaeng minamahal niya na si Josefina. "May mga kailangan lang akong gawin. If you have any concerns—" Napatigil si Criszelle ng maalala na hindi pala nakakaintindi ng ingles ang lalaki. "—kung may kailangan ka, tawagin mo lang yung nurse dito. Siya yung nakaputi na babae na nag-aalaga sa iyo. Ayos ba?" Tumango si Luisito kay Criszelle. "Salamat sa iyo, binibini." Napataas ang kilay ni Criszelle sa narinig. 'Binibini? Sounds very old but somehow romantic.' Nakangiting tumango siya kay Luisito. "Walang anuman. Babalik ako dito bukas para tulungan kang hanapin yung pamilya mo." Lumabas si Criszelle at iniwan ang lalaki sa kwarto nito. Mabilis siyang nagtext kay Raiden na papunta na siya. Sinamantala naman ni Luisito ang pagkakataon na iyon para tumakas at bumalik sa labanan. Tinanggal niya ang nakakabit sa kamay niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Tumambad sa kaniya ang maraming tao. Hindi maalis sa isipan niya na magtaka kung bakit hindi sila nababahala sa labanan na nagaganap at ang kanilang kasuotan ay pawang kakaiba sa paningin niya. "Sir, ayos lang po ba kayo?" Napalingon siya sa lalaking nagsalita. Halos kasing tangkad lamang niya ang lalaki ngunit masasabi niyang mas makisig ito kaysa sa kaniya. Tumango siya sa naging tanong ng lalaki. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan ang labasan?", tanong niya dito. Mabilis naman na tinuro ng lalaki ang exit ng ospital. "Iyon. Pero, mukhang naka-admit kayo dito. Hindi kayo pwedeng lumabas." Malungkot na tumango na lamang si Luisito. "Kailangan ko ng umuwi sa amin. Sigurado akong hinahanap na ako ng aking mga kapanalig." Napa-isip ang lalaki. "Okay, I'll help you with that. Ano yung room number mo?" Napakunot noo ulit si Luisito. 'Ano na namang numero ang kailangan niya? Bakit lahat ng tao may hinihinging numero?' Umiling si Luisito sa lalaki. "Hindi ko alam ang numero na iyong tinatanong." Napabuntong hininga ang lalaki. "Wait for me here. I'll try to find your room number. Kaka-admit mo lang dito?" Kahit hindi maintindihan ay tumango na lamang si Luisito. Iba ang lenggwahe na sinasabi nila kaysa sa nakasanayan niya. Español at Tagalog lamang ang mga alam niyang salita kaya hindi niya mawari kung ano ang mga pinagsasabi ng mga tao sa paligid niya. Umalis ang lalaki habang siya ay umupo na lamang sa bakanteng upuan na nakita niya. Nilibot niya ang paningin sa buong lugar. Ngayon lamang siya nakakakita ng mga ganitong kagamitan at ang disenyo ng istrukturang ito ay bago lamang din sa paningin niya. "Sabi nila pwede ka na daw umalis dahil bayad na daw yung mga bills mo. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita", pag-aalok ng lalaki. Nqpangiti siya sa kaniyang narinig. "Salamat sa iyong alok, ginoo. Nais ko lang malaman kung nasaan ako ngayon? Tila kasi kakaiba ang lugar na ito sa aking bansang sinilangan. Marahil nasa ibang bansa ba ako ngayon?" Manghang napanganga ang lalaki sa narinig. "Nhikolei na lang. Huwag na 'ginoo'. Masyadong malalim po ang tagalog niyo pero ayos lang, nakakaintindi naman ako." 'Nhikolei? Pati ang kaniyang pangalan ay kakaiba din', sabi ni Luisito sa kaniyang isip. "Nasa Pilipinas pa rin kayo. Siguro hindi kayo masyadong nakakalabas. Taga-probinsiya siguro kayo?", tanong ni Nhikolei. Mabilis na umiling si Luisito. "Maaari mo akong tawaging Luisito at ako ay nakatira sa Cavite. Sa pagkakatanda ko ay nasa ilalim pa ng pamumuno ng Espanya ang ating bansa, bakit tila ba'y hindi kayo nababahala?" Napakunot ang noo ni Nhikolei. "Spanish Colonization? Matagal ng nangyari iyan. Ihahatid muna kita sa inyo at sa kotse na lang tayo mag-usap." Hindi nakasagot si Luisito nang biglang umalis si Nhikolei. Sinundan niya ang lalaki at napadapad sila sa labas ng ospital. Masaya si Luisito nang makalabas na siya ngunit mas lalo siyang nagtaka nang makita ang mga kotse at motorsiklo na bago lang din sa mata niya. "Sakay ka na", pag-aaya ni Nhikolei pagkatapos buksan ang pinto ng kanyang kotse kay Luisito. Mariing tinitigan ni Luisito ang malaking bagay na nasa harapan niya, "Hindi ba ito nakakamatay?" Natatawang umiling si Nhikolei. "Sobrang hindi. Ito yung bagay na magpapadali ng buhay mo sa pagpunta sa iba't ibang lugar ng mabilisan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD