Ika-Pitong Kabanata

1111 Words
“Criszelle! Where’s the next page? Ano ba?! Deadline mo na nga ngayon at kulang kulang pa ang pinasa mo. You should know that halos wala ng nagbabasa ng mga dyaryo natin knowing that our biggest rival is the technology. Ayusin mo nga ang trabaho mo!”, nakakairitang sigaw ng isang editor. Nakakairita ito para kay Criszelle dahil halos paulit ulit na niya itong naririnig sa lalaki. Tila ba isang sirang plaka kung maituturing ang editor niya na ito. Kung hindi lang siya pinilit ng kaniyang kaibigan na magtrabaho dito noong nakaraang buwan ay hindi niya ito gagawin. Hindi rin maalis sa isipan niya na pinilit silang pagtrabahuhin ng kanilang boss gayong holiday dapat ngayon. Dapat ay nasa kani-kanilang mga pamilya sila at nagsasalo-salo pero wala silang magawa, maliban na lang sa kaniya na laging binabara at sinusungitan ang boss nila. Maliit na nga lang ang kinikita niya dito, hindi pa siya pwedeng umalis dahil sa naging pustahan nila ng kaibigang si Desiree. Sa pagkaka-alam nito, walang nakakatagal sa kompanyang ito. Lahat sila ay umalis ng wala pang isang buwan dahil na rin sa editor-in-chief nila. “Sir, nandyan po ang next page. Hindi ko po alam kung bulag po ba kayo o nagtatanga-tangahan lang. Well, you know what? Fire me then! If that’s what you want! Ako na nga lang ang natitirang editorial news writer niyo eh dahil walang taong nakakatiis dyan sa ugali niyo. Kaya walang nagbabasa ng mga dyaryo niyo eh kasi nababasa at nararamdaman nila na may bad vibes ang dyaryo niyo!” Agaw-atensyon ang sigawan nilang dalawa. Lahat ng staffs at writers na nanonood ay hawak-hawak ang kanilang mga cellphone at vinivideohan ang pagtatalo nila. Alam niyang kung may magpopost man ng video na iyon ay sigurado siyang magiging sikat na usapin iyon. “Okay then go! Umalis ka na! Hindi kita kailangan dito!" Hindi sumagot si Criszelle at mabilis na kinuha na lamang ang kaniyang bag at iba pang mga gamit. Narinig niyang tumawa ng mahina ang boss niya. "So aalis ka talaga, huh? Tignan natin kung may tatanggap pa sa'yo." Nakangisi ang editor niya habang tinuturo ang mga cellphone na ngayon ay nakatutok kay Criszelle. Walang emosyon na tumingin si Criszelle sa kaniyang boss habang binubuksan ang isang file sa kaniyang computer. Nanlaki ang mga mata nito ng mapag-alaman kung ano ang nakalagay sa screen nito. "P-Paano..." Nagsimula ang mga bulungan sa buong kwarto. Nakalagay sa file ang lahat ng mga articles na ninakaw ng editor-in-chief sa ibang mga manunulat na hindi naman sakop ng kaniyang kompanya. "S-Saan mo nakuha iyan? Hindi iyan totoo!", sigaw ng lalaki kay Criszelle pero tipid na ngiti lamang ang binigay ng dalaga dito. "Itigil niyo yung pagvivideo!" Kahit ano mang sigaw ng editor-in-chief ay wala rin siyang magagawa. Mabilis na inupload ni Criszelle ang file at ang isang buong eksplanasyon tungkol dito sa kaniyang blog bago naglakad papaalis. Sumigaw pa ang lalaki sa kaniya pero hindi na siya lumingon dito at binuksan na lamang ang pinto palabas ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas niya sa building ay agad siyang nakatanggap ng tawag mula sa kaniyang kaibigan. “Hoy girl! Nabalitaan ko yung ginawa mo sa boss mo. Naku, pangit ba yung nirecommend ko? Sorry ah, pero girl! Ang amazing mo doon ah, dahil dyan gusto mo magshopping? Libre ko. Well, dahil din naman sa akin kaya bad vibes ka ngayon. Dapat pala hindi ko na nirecommend iyan sa’yo.” She then again look at the caller. ‘Tsk, it’s Desiree Agaton, ang dakilang chismosa s***h model ng bayan’, sabi niya sa kaniyang isip. “Hindi na ako magtataka kung bakit ang bilis umabot ng balita sa iyo. Kakalabas ko pa lang ng building oh. Sunduin mo na lang ako dito then papayag ako na magshopping kasama ka.” “Yes naman girl! Alam kong hindi mo ko mahihindian. I love you! Mwah! Bye bye!” Binaba na din ni Criszelle ang telepono. Napabuntong hininga na lamang si Criszelle at umupo sa bench para maghintay sa kaibigan niyang susundo sa kaniya. Wala pang ilang minuto ay nakatanggap naman siya ng tawag mula sa isa din niyang kaibigan at kababata. “Hey, Raiden. Bakit ka napatawag?”, nagtatakang tanong niya. “Well, I heard na umalis ka daw sa trabaho mo and you made some scene. Kamusta?” ‘Si Desiree na naman ang nagpakalat ng balitang ito. Hindi na ako magtataka kung pati ang iba pa naming mga kaibigan ay alam din ang tungkol dito’, she said to herself. “Hey, Crisz, nandyan ka pa ba?” Napabalik siya sa wisyo ng magsalita ulit si Raiden. “Ahh, oo naman Den. Ayun, ayos naman. Wala namang nangyaring masama”, sagot ni Criszelle. “Kung wala kang trabaho ngayon, you can be a writer dito sa akin”, pagaalok ng kaibigan. “No, ayos lang. At saka, puro history ang sinusulat niyo. Alam mo namang bagsak ako sa subject na yan nung high school. Opinions and feature news lang ang kaya kong gawin. Magfofocus na lang muna ako ngayon sa blog ko at sa pagsusulat ng maraming books. If may interesting ka ulit na subject ng book like the book we wrote before then maybe I'll try.” “If that’s what you want.” Pagkasabi na pagkasabi ni Raiden noon ay agad may bumusinang sasakyan sa harapan niya. Red Porsche, very Desiree’s style. “I’m going to hung up na. Andito na si Desiree”, sabi nito kay Raiden at binaba na ang tawag. Pumasok na siya sa kotse, katabi ng driver seat at nagsuot ng seatbelt. “Hoy, ang daldal mo talaga. Pinagkalat mo na naman yung balita noh?”, tanong ni Criszelle kay Desiree habang nagaayos ng seatbelt. Ngiti ang itinugon ni Desiree sa kaibigan at sinagot ang tanong nito. “Si Raiden lang naman ang pinagsabihan ko since kinamusta ka niya sa akin sakto pagkaalam ko ng balita but hindi ko pa sinasabi sa iba yung tungkol doon.” “What? ‘Pa?’ So may balak ka talaga sis?”, tanong ni Criszelle sa kaniya na ikingiti lang nito. ‘Well, she’s my friend. Hayst, paano ko ba kasi ito naging kaibigan?’, tanong ni Criszelle sa kaniyang isip. “Anyways, attend ka ng fashion show ko next week ah. Ininvite ko na rin sina Raiden, Nhikolei at Michelle pero mukhang kayong dalawa lang ni Raiden ang makakaattend. Si Michelle busy sa States since mukhang may bago na naman silang ginagawang research sa NASA then si Nhikolei naman ay busy sa school works. Well, you know, psychology stuff. Ewan ko ba sa taong iyon at nahilig sa mga ganoong bagay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD