Ika-Anim Na Kabanata

1002 Words
It was a traumatic experience for her and still, everytime she saw a kid or person on the street, begging for money to eat, she can't help but to reminisce the time she did the same. Dahil dito, simula ng magkaroon siya ng sariling trabaho at pera, nagsimula siyang magtayo ng sariling Foundation that aims to give homeless people their own home and a job for them. "So, what do you think?" Bumalik ang tingin niya kay Nhikolei na naghihintay ng sagot niya. "Bakit ba parang gustong-gusto mo siyang nandito sa akin? Aren't you afraid that he will try to do something bad to me?" Napatawa naman si Nhikolei sa narinig. "Seriously? I promise, even if I am still suspicious of his identity somehow, I am one hundred percent sure that he won't even touch you once. Kahit na masyadong magulo ang takbo ng utak niya, I observed that he is a gentleman." Napataas ang kilay ni Criszelle. "Don't tell me lalaki ang type mo?" Mabilis na binigyan ng nakakamatay na tingin ni Nhikolei ang kaibigan. "No, I am certainly not. I just want a trusted man in your house. Masyadong maraming magnanakaw these days. And I don't have a spare room for him even if I wanted to let him in my house." "You don't have? Sino ang nag-occupy ng isang room mo?" Ngiti lang ang sinagot ng lalaki at tumayo. "I have to go na." Mabilis na pinigilan siya ni Criszelle. "May girlfriend ka na? Sino? Do we know her?" "I haven't told you na may girlfriend ako", natatawang sagot ni Nhikolei. "Luisito! Dito ka na tumuloy kay Criszelle, kailangan ko ng umalis." Hindi na pinigilan ni Criszelle si Nhikolei. It is okay to her if her friend will hide his relationship status to her because it is his personal life but she is still thinking of the precious woman that caught Nhikolei's heart. Hindi niya maiwasang mag-isip kung ang babae ba na iyon ang naging dahilan ng paglipat ng course ng kaibigan. "Criszelle ang ngalan mo, hindi ba?" Napatingin siya kay Luisito nang magtanong ito. Agad niyang naalala na dito pala tutuloy ang lalaki hanggang sa mahanap nila ang pamilya nito. Tumango si Criszelle sa naging tanong ni Luisito. "Yes—I mean, oo, bakit?" "Ano kasi..." "Ano iyon?" Tumunog ang tyan ni Luisito hudyat na gutom ito. Tumingin siya kay Criszelle at pilit na ngumiti. "Alam mo na..." Natatawang tumango si Criszelle. "Sundan mo ako." Masayang sumunod si Luisito kay Criszelle habang hawak-hawak pa rin ang bulaklak na nakuha niya sa binasag niyang vase. Napansin naman iyon ni Criszelle. "Ibaba mo na lang ang bulaklak na iyan doon sa mesa", utos niya sa lalaki habang nakaturo sa coffee table niya. Mabilis naman na sumunod si Luisito at patakbong bumalik sa kinatatayuan niya kanina. Pina-upo ni Criszelle si Luisito sa isang upuan sa dining area habang nilalabas ang mga pagkain na nasa refrigerator niya at ang iba naman ay nilalagay sa microwave para initin. Ito ang mga natirang pagkain sa salo-salo nila kagabi nina Desiree at ng mga magulang nito habang nagccountdown para sa bagong taon. Nakatitig lamang si Luisito sa mga nilalabas ni Criszelle na pagkain. Hindi niya alam kung pagkain ba ang mga iyon dahil ngayon niya pa lamang nakita ang mga putaheng iyon. Maliban na lamang sa pancit na kakalagay pa lamang ni Criszelle sa mesa. "Kumain ka na at pagkatapos mo, tawagin mo na lang ako. Nandoon lang ako sa study room." "Study room?" Criszelle sighed. "Basta yung silid na may mga libro. Makikita mo rin iyon. Eat well." At mabilis siya na umalis. Naiwan si Luisito sa hapag-kainan na puno ng mga pagkain. Kumuha siya ng kaunti sa bawat putahe at tinikman. Napangiti siya nsnns"Kumain ka na at pagkatapos mo, tawagin mo na lang ako. Nandoon lang ako sa study room." "Study room?" Criszelle sighed. "Basta yung silid na may mga libro. Makikita mo rin iyon. Eat well." At mabilis siya na umalis. Naiwan si Luisito sa hapag-kainan na puno ng mga pagkain. Kumuha siya ng kaunti sa bawat putahe at tinikman. Napangiti siya ng malasahan ang matamis na tinapay. Pamilyar ang lasa nito para sa kaniya ngunit ang itsura lamang ng pagkain na ito ang hindi niya matandaan. Nagsimula siyang kumain ng marami hanggang sa maubos niya ang lahat ng mga nakahain na mga pagkain. Pagkababa niya ng baso na kaniyang pinag-inuman ng tubig, nagsimula na siyang maglibot sa buong bahay. Hindi si Criszelle ang hinahanap niya, gusto niyang makita ang bakas ng kanilang pag-iibigan ni Josefina. Lumabas siya ng bahay at dumiretso sa puno ng Narra. Hinanap niya ang inukit nilang bulaklak sa puno. Agad naman niyang nahagilap ito. Hinawakan niya ang inukit at ramdam niya na ito nga ang ginuhit nila ng minamahal. Umupo siya sa ilalim ng puno at malalim na nag-isip. Pilit niyang inaalam kung bakit kakaiba ang buong lugar kaysa sa nakasanayan niya. Mula sa mga maliliwanag at makukulay na ilaw, mga mabibilis na kalesa at marami pang mga bagay na ngayon niya lamang nakita. Alam niya sa sarili niya na may kakaiba sa lugar na ito. Tila ba ay hindi siya dapat na nandirito o kakaiba siya kaysa sa ibang mga naninirahan dito. "Luisito!" Napatayo siya ng marinig ang sigaw ni Criszelle. Ilang oras na ba siyang nakatitig lamang sa kawalan?—hindi niya alam ngunit sigurado siya na hinahanap na siya ng dalaga. Lumabas si Criszelle sa pinto at agad na nakita si Luisito na nakatayo sa ilalim ng puno. "Anong ginagawa mo dyan? Ang lamig dito sa labas tapos dito mo pa naisipang tumambay," singhal sa kaniya ng dalaga. Mabilis na tinuro ni Luisito ang inukit na bulaklak sa puno ng Narra. "Kilala mo ba kung sino ang nag-ukit nito?" Naningkit ang mga mata ni Criszelle sa tanong ng lalaki. "Iyan? Hindi ko alam pero lagpas isang daang taon na daw iyan sabi ng nanay ko. Siguro mga kapanahunan pa ng Espanyol iyan inukit. Hindi ako sure ah", sagot ni Criszelle na nagpagulat sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD