"Luisito!"
Napatayo si Luisito nang marinig ang sigaw ni Criszelle.
Mabilis siyang lumabas at nakita niya ang nakangiting dalaga sa bakuran nito. Nakangiti ito sa kaniya ngunit tila ba ay galit ang mga mata nito.
"Ano iyon, Binibini?" Tanong niya sa dalaga.
Mariing tinuro ni Criszelle ang mga halaman niya na ngayon ay wala ng mga bulaklak at ang lupang tinatapakan niya na dati lamang ay puno ng mga d**o.
"Ano na namang ginawa mo? 'Yung mga bulaklak ko, nasaan na? At bakit mo naisipang bunutin lahat ng d**o dito sa bakuran? Design iyan!"
Napakamot ng ulo si Luisito sa narinig. "Iyong mga bulaklak ay nilagay ko sa isang lagayan at nilagyan ng tubig. Nakapatong na iyon ngayon sa sala. Iyong mga d**o naman..."
"Hmmm?" Nakataas ang kilay ni Criszelle na nakatingin sa kaniya.
"Binunot ko iyan para hindi na sila dumami pa," sagot ng lalaki.
Binigyan ulit ni Criszelle ng pekeng ngiti ang lalaki. "Sa susunod, huwag mo ng kunin iyong mga d**o. Hayaan mo na lang silang tumubo dyan. Design iyan, okay?"
"D-De-sayn?"
Napapikit si Criszelle at pinipigilan ang inis na kumawala sa sistema niya. "Basta!"
Naglakad papasok si Criszelle sa loob ng bahay. Susunod na sana si Luisito nang marinig niya ang doorbell. Dumiretso siya sa gate at binuksan ang pinto.
Tumambad sa kaniya ang dalawang matanda na gulat na nakatingin sa kaniya.
"Luis! Ako na lang magbubukaaAa~"
Dahan-dahang tumalikod si Criszelle nang makita ang dalawang matanda.
Naguguluhang lumapit naman si Luisito kay Criszelle. "Anong mayroon? Tila ba kinakabahan ka?" Tanong niya rito.
Hinila ni Criszelle si Luisito papalapit sa kaniya at bumulong. "Mga magulang ko iyan, hindi nila alam na nandito ka."
"Bakit hindi nila alam?"
Sasagot pa sana si Criszelle ngunit narinig nila ang pekeng pag-ubo ng tatay nito.
Unang nagsalita ang nanay ni Criszelle. "Who is this? Boyfriend mo?"
Natahimik si Criszelle at halos hindi makasagot sa naging tanong ng nanay niya.
Napansin naman iyon ni Luisito. Hindi niya maintindihan kung anong naging tanong ng nanay ni Criszelle sa dalaga kaya natahimik ito. Mas minabuti na lamang ni Luisito na siya na ang magpaliwanag.
"Ako po si Luisito Santiago. Tinutu—wamskskiekkdijsdn."
Mabilis na tinakpan ni Criszelle ang bibig ni Luisito bago ito nakangiting nagsalita. "Opo Ma, boyfriend ko po."
Halos mabuga ng tatay ni Criszelle ang tubig na iniinom niya nang marinig ang sagot ng anak. "What? May boyfriend ka na?"
Nakatakip pa din ang mga kamay ni Criszelle sa bibig ni Luisito nang tumango ito. Iginaya niya din ang ulo ng lalaki sa pagtango.
"Let us enter the house at doon tayo mag-usap."
Diretso ang lakad ng mga magulang ni Criszelle.
Nagpahuli naman ang dalawa upang mag-usap.
Inalis ni Criszelle ang kamay ni Luisito at marahang bumulong dito. "Papatirahin kita dito basta tulungan mo lang ako na sa mga magulang ko na magboyfriend-girlfriend tayo."
Puno ng pagtataka ang mukha ni Luisito. Hindi niya alam kung bakit gustong ni Criszelle sa mga magulang niya ngunit mas hindi niya naiintindihan ang huling sinabi nito. "Boyprend-girlprend?"
"Magkarelasyon. Ganoon."
Nanlaki ang mga mata ni Luisito sa narinig. "B-Bakit?"
"Kayong dalawa dyan, hindi pa ba kayo papasok? Tirik na tirik ang araw, gusto niyo bang magpa-tan?"
"Papasok na!" Sagot ni Criszelle sa nanay nito.
Nagsimulang maglakad papasok ang dalawa. "Sasabihin ko sa iyo mamaya, tulungan mo na lang muna ako."
Kahit hindi alam ni Luisito ang dahilan ni Criszelle ay sumunod na lamang ang lalaki.
Pagkapasok nilang dalawa ay sabay silang umupo sa sofa na katapat ng inuupuan ng nga magulang ni Criszelle.
"Oh, you haven't formally met each other. Ma, Pa, si Luisito po. B-Boyfriend ko," panimula ni Criszelle.
Yumuko naman si Luisito at nakipagkamay sa mga magulang ng dalaga.
Titig na titig ang nanay ni Criszelle kay Luisito na para bang nakita na niya ito dati ngunit hindi niya lamang matandaan.
"So, paano kayo nagkakilala?"
"Sa ospital/In the hospital." Sabay na sagot ng dalawa.
Napakunot ang noo ng mga magulang ni Criszelle sa narinig. "Hospital? What are you two doing here?"
Wala pang kalahating minuto ay sinagot agad ni Criszelle ang tanong ng kaniyang ina.
"Naaksidente siya then I brought him to the hospital with Desiree. It was just a minor injury and he thanked us and that's where we officially knew each other." Hindi naman lahat ng sinabi ko kasinungalingan.
Mrs. Martinez dialed Desiree's number for confirmation. Habang ang tatay naman ni Criszelle ay kumakain lamang ng chips habang seryosong tinititigan su Luisito. Tila ba ay inoobserbahan nito ang buong pagkatao ng lalaki.
"Hello po, Tita?" Pagbati ni Desiree sa kabilang linya. She was resting while at a photoshoot nang tumawag ang kamag-anak.
"Desiree, I have a question for you. Kilala mo ba ang boyfriend ni Criszelle?"
"Boyfriend ni Criszelle?"
"Si Luisito. Kakauwi ko lang sa bahay ngayon and I saw her with a man whom she claimed is her boyfriend. Kilala mo ba siya?"
'Oh gosh, nabuking pala si Criszelle that's why she's calling,' sabi ni Desiree sa isip nito.
Napahagikgik na lamang si Desiree. "Of course, Tita. We met him when we tried to take him to the hospital after we saw him had an accident. Ako pa nga ang nag-insist na tulungan siya eh. Hindi ko naman alam na magkakainlove-an pala ang dalawang iyan."
Criszelle's mother look at Criszelle bago nagpalaam kay Desiree.
Binigyan ng malaking ngiti ni Criszelle ang nanay niya dahil ramdam niya na hindi siya binuking ng pinsan. 'Desiree, hulog ka talaga ng langit.'
"See? Mom, I told you, ako na ang bahala sa lovelife ko."
Tumango na lamang ang nanay ni Criszelle. "Sige, hindi ko na kayo papakialaman pa. Basta bigyan niyo na ako kaagad ng apo."
Nanlaki ang mata ng dalawa sa narinig.
"Ma!"
Tumatawang tumayo ang nanay ni Criszelle at hinila ang asawa. "Sige na, bibigyan na namin kayo ng alone time."
"Huwag mong sasaktan itong anak ko ah," bilin ng tatay ni Criszelle kay Luisito.
Tumango na lamang ang lalaki sa kaniya bago kumaway sa papaalis na mag-asawa.
Maya-maya lamang ay narinig na nila ang pagsarado ng pinto ng master's bedroom.
Isang malalim na buntong hininga ang nilabas ni Criszelle nang umalis ang mga magulang niya.
"Oh my god, that was a breath taking moment. Whoo!" Sigaw ni Criszelle para pakalmahin ang sarili.
Nagkatinginan ang dalawa at isang matamis na ngiti ang binigay ni Criszelle kay Luisito habang ang lalaki naman ay naguguluhan sa inasal ng babae.
"Bakit kailangan kong magpanggap na nobyo mo? Mayroon ka bang ginawang mali?" Tanong nito sa kaniya.
Umiling naman si Criszelle. "Syempre, wala. Ganito kasi iyon, 'yung mga magulang ko, atat na atat na silang magpakasal ako. O 'di kaya naman maging fully committed sa isang relasyon."
"Fully committed?"
"Iyon bang handa na ako na pumasok sa isang seryosong relasyon. Hindi pa kasi ako nakaranas na magkaroon man lang ng paghanga sa iba. I mean...ang hirap mong kausapin sa tagalog." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Criszelle nang mahirapang itranslate sa tagalog ang mga gusto niyang sabihin.
"Paumanhin, Binibini. Hindi ako nakakasunod sa mga lenggwahe na sinasabi mo ngunit, naiintindihan ko naman ang nais mong iparating. Gusto ng mga magulang mo na magkaroon ka ng nobyo dahil hindi ka pa nakakaranas nito. Kung kaya't sinabi mo na magpanggap ako dahil maaring ipakilala ka ng mga magulang mo sa mga kalalakihan na iyong ka-edad. Tama ba ako?"
Tumango-tango si Criszelle kay Luisito. "Yes, yes. Tama ka. Ganoon na nga. Pwede ba na tulungan mo ako?"
Nagdalawang-isip si Luisito sa sinabi ng dalaga. Hindi niya alam kung tutulungan ba niya si Criszelle o hindi.
Malaki ang pasasalamat ni Luisito sa dalaga dahil sa mabuting pakikitungo at sa tulong nito sa kaniya. Sigurado siya na tatagal pa siya sa mundong ito dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung paano siya napadpad sa makabagong panahon.
Bagama't gusto man niyang tulungan ang dalaga, pagtataksilan niya ang kaniyang nobya na si Josefina kung tutulungan man niya ito. Hindi magagawa ng kaniyang puso na pagtaksilan ang nobya na minamahal. At isa pa, kahit kamukha ni Criszelle si Josefina, magkaibang-magkaiba ang ugali nito. At maaring kaanak pa ni Josefina si Criszelle sa panahong ito.
"Huy!"
Napatingin siya kay Criszelle nang pitikin nito ang daliri niya sa harapan niya.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Para namang iniisip mo na mahuhulog tayo sa isa't isa. Hoy, pinapangako ko sa'yo na walang feelings na magaganap sa ating dalawa. Pure pagpapanggap lang. Walang inlaban na magaganap. Okay?"
Nanliit ang mga mata ni Luisito sa narinig. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi ni Criszelle. May halong Ingles ang sinasabi nito.
Napakamot na lamang si Criszelle ng ulo niya nang mapagtanto ang sinabi. "Basta sabi ko, 'wag kang mag-alala. Hindi ako magkakagusto sa'yo at batay sa reaksyon mo kanina, mukhang hindi ka rin magkakagusto sa akin. Tutulungan kita na mahanap ang pamilya mo, tutulungan mo din ako sa problema ko na ito. Deal?"
Mabilis na tumango si Luisito kay Criszelle. "D-Deal?"
Napangiti si Criszelle at tumango kay Luisito. "Ngayon, magluto na lang muna tayo ng makakain nina mama. Mukhang tatagal pa ata iyong dalawang iyonsa loob. Pagod sa biyahe eh."
Sumang-ayon si Luisito at dumiretso silang dalawa sa kusina.
Mabilis na nilatag ng dalawa ang mga ihahandang pagkain. Matapos ang isa't kalahating oras ay natapos na rin ang dalawa sa pagluluto.
Sabay din na bumukas ang pinto na pinasukan ng mga magulang ni Criszelle at lumabas ang mag-asawa. Agad nilang nakita ang mga nakahaing pagkain sa mesa.
"You two cook all of these?" Gulat na tanong ng nanay ni Criszelle.
Tumango naman si Criszelle at umupo sa tabing upuan ng ina. Tumabi rin si Luisito sa dalaga.
"I know Criszelle that you aren't a great cook. Si Luisito siguro ang nagluto ng lahat ng ito, ano?"
Mabilis na umiling si Luisito. "Iyong kanin at sabaw po ay niluto ni Criszelle."
Proud na ngumiti si Criszelle sa nanay niya. "Naglelevel up na ang cooking skills ko noh."
Nagsimulang kumain ang lahat kasabay ng mga asaran at kwentuhan.
"By the way, iho, hindi ko pala natanong. Taga-saan ka? Anong trabaho mo?"
Nabulunan si Criszelle sa naging tanong ng nanay niya. Mabilis naman na binigyan ng isang baso ng tubig ni Criszelle si Luisito.
Nagkatinginan ang dalawa. Hindi nila alam ang isasagot sa biglaang tanong.
"Hello? You haven't answered me pa."
"Uhm, taga-Cavite po ako."
"Here? Saan dito?" Dagdag na tanong ng tatay ni Criszelle.
"Sa—"
"Kaanak siya ni Nhikolei. Malayong pinsan. It was kinda a coincidence but he isn't staying with him now kasi mayroong pinapagawa sa bahay ni Nhikolei. So, ayaw ko naman na gumastos pa siya ng malaki para mag-rent ng house so sinabi ko na dito na lang muna siya tumira. Wala naman akong kasama dito eh." Mahabang paliwanag ni Criszelle.
Kahit hindi naiintindihan ang ibang mga sinabi ni Criszelle ay sumang-ayon na lamang si Luisito. "Opo. Ganoon po ang nangyari."
"Kaanak ka pala ni Nhikolei. Sabagay, may nakikita din akong resemblance niyo. Then how about work? Anong trabaho mo ngayon?"
"Ak—"
Mabilis na pinutol ni Criszelle ang sasabihin ni Luisito. "Nagttrabaho siya ngayon kay Raiden. Isa din siyang author, mostly tungkol sa kasaysayan ang sinusulat niya."
Pumalakpak ang nanay ni Criszelle sa tuwa. "Author ka pala? Grabeng coincidence naman iyon. Siguro destined talaga kayo para sa isa't isa. Soulmate kumbaga!"
Tango ang ngiti lamang ang sinagot ni Luisito dahil naguguluhan siya sa mga sinabing mga salita ni Criszelle at ng nanay nito.
'Author? Destined? Soulmate?'
Matapos ang isang mahabang araw, pumasok si Luisito sa kwarto niya. Hindi niya alam kung ano ang sunod na gagawin. Hindi niya rin alam kung paano hahanapin ang dahilan ng pagpunta niya sa panahon na ito.
"Luis? Gising ka pa ba?" Rinig niyang tawag ni Criszelle sa kaniya sabay ng pagkatok sa pinto.
Dali-dali siyang tumayo at pinagbuksan ang dalaga. "Oo, gising pa ako. Anong kailangan mo, binibini?"
"Ganito kasi iyon, sinabi ko kasi kanina kay mama na author ka, manunulat ganu'n. Ngayon, tinawagan ko si Raiden kanina para tulungan tayo. Gusto ko lang itanong kung kaya mo ba na magtrabaho bukas?" Paliwanag ng dalaga.
"Magsusulat ka lang naman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Wala ng iba."
Ngumiti si Luisito sa dalaga. "Sige."