Kabanata 2

2379 Words
"Sa tingin mo, bakit kaya siya duguan?" Napatingin si Criszelle kay Desiree. Hindi siya sumagot. Sobrang nakakatakot ang lagay ng lalaki kanina bago nila ito dinala sa ospital na nagpakaba sa kaniya. Hindi niya alam sa sarili niya bakit parang may kakaiba sa lalaking iyon. Pamilyar sa kaniya ang mukha at pigura ng lalaki pero hindi niya alam kung saan niya iyon nakita. "Hey, Criszelle, Earth toh." Napabalik siya sa realidad nang pinitik ni Desiree ang kaniyang daliri sa harapan niya. "Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa tulala?" Umiling si Criszelle sa kaibigan. "Wala iyon. Medyo naguguluhan lang ako doon sa lalaking tinulungan natin." Napatango naman si Desiree. "Ako din eh. You know, ang weird ng get-up niya. Mukha siyang farmer or yung suot nung mga Katipunero sa pictures na nasa mga libro." Criszelle agreed with her. Siguro taga-bundok lang talaga ang lalaki at hindi marunong mag-ayos sa sarili pero hindi makakaila na sobrang gwapo ng mukha nito. Sayang lang dahil duguan siya. "Criszelle, may tumatawag sa iyo", Desiree said while pointing at her phone. Mabilis naman na kinuha niya ang cellphone niya at tinignan ang caller. "Michelle?", takang tanong niya sa sarili. "Akala ko ba busy siya?" Nagkatinginan sila ni Desiree pero nagkibit balikat lang din ang dalaga. Sinagot ni Criszelle ang tawag at naghanap ng tahimik na lugar. "Hello, Mich? Bakit ka napatawag?" "May itatanong lang sana ako", sabi ng kaibigan sa kabilang linya. "Ano yun?", tanong niya rito. Minsan lang tumawag si Michelle kaya alam niyang importante ang sasabihin nito dito. "May nangyari bang kakaiba dyan kanina? Like, parang may pumipigil sa inyo ganun or something very uncommon." Napaisip si Criszelle. 'May nangyari bang kakaiba kanina?', tanong niya sa sarili. Naalala niya ang dinalang duguan na lalaki but hindi naman siguro kakaiba iyon, sa isip-isip niya. "Just tell me everything na lang na nangyari dyan", pagdadagdag ng kaibigan. Sinimulang ikwento ni Criszelle ang kaganapan kanina, mula noong bigla na lamang huminto ang sasakyan hanggang sa nakita nila ang duguang lalaki. "That's it. Then we took him to the hospital." "Iyon lang? Wala ng iba pang nangyari?", paninigurado ni Michelle. "Yep, 'yun lang. Bakit? May nangyari ba?", tanong ni Criszelle pabalik sa kaniya. Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago nagsalita si Michelle. "Ikukuwento ko sa iyo 'pag uwi ko dyan." "What? Babalik ka?" "Yes, we will have some research activity dyan sa Philippines so I'll tell you about it when I get there", sagot nito bago pinatay ang tawag. Malalim na napaisip si Criszelle sa mga nangyayari. Sigurado siya na mayroong kakaibang kaganapan ngayon pero hindi niya pa alam kung ano mismo iyon. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Desiree. Nakita niya itong may kinakausap na doktor bago ito nagpaalam na umalis. "Ano daw nangyari?", bungad ni Criszelle sa kaibigan. Napahawak naman sa dibdib si Desiree sa gulat. "Pwede ba hinay-hinay ka lang. Aatakihin ako sa puso sa iyo." Hindi sumagot si Criszelle at umupo sa dati nitong pwesto. "So, ano nga daw iyon?", pagbabalik na tanong niya. "Gising na daw yung lalaki, gusto mong kausapin?", sagot ni Desiree sa kanya. Napataas ang kilay ni Criszelle at binigyan siya ng makabuluhang tingin. "Ako ba ang tinatanong mo o ang sarili mo? I know you want to see him", pang-aasar nito. Desiree rolled her eyes. "Oo na, oo na. Gwapo eh. Hindi ka ba sasama?" Mahinang napatawa si Criszelle. "Sasama na. Baka kung ano pang gawin mo doon, mahirap na." Tinignan siya ng masama ni Desiree bago pumasok sa loob ng kwarto ng lalaki. Sumunod naman si Criszelle sa kaniya. "Nasaan ako? Ano itong lugar na ito?", sunod-sunod na tanong ng lalaki. Tinitigan nito ang kaniyang mga palad. 'Ano itong nakadikit sa aking mga kamay?', tanong niya sa kaniyang sarili. Tatanggalin na dapat niya iyon nang pigilan siya ng babaeng nakaputi. "Sir, huwag niyo po tanggalin iyan", bilin ng babae sa kaniya. Kahit hindi niya alam kung bakit ay tumango na lamang siya. Lahat ng ito ay kakaiba para sa kaniya. Ngayon lamang siya nakakita ng mga ganitong aparato. "Nasa ospital po kayo, sir. Later on, pupunta na dito yung nagpa-admit sa inyo", sagot ng isang nurse sa kaniya habang may sinusulat sa isang malaking papel. "Binibini, hindi ko maintindihan ang iyong tinuturan. Maari bang pakipaliwanag sa akin ng mas klaro? At bakit ganyan kaiksi ang inyong kasuotan? Hindi dapat ganyan manamit ang isang dalaga", saad niya dito. Napakunot ang noo ni Criszelle sa narinig. "Taga-bundok ba talaga siya?", tanong niya kay Desiree. Napatingin sa kanilang dalawa ang lalaki at ang nurse. Nang makita silang dalawa ay mabilis na umalis ang nurse pagkatapos magpaalam. "Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?", tanong ng lalaki sa kanila na tila ba ay handa silang kalabanin anomang oras. Nakakuyom ang mga kamao nito habang binibigyan ng nakakamatay na tingin ang dalawa. Lumapit si Desiree sa lalaki at tinignan ang lagay nito. "Ang weird mo kuya, nakadrugs ka ba?" Winisik ng lalaki ang kamay ni Desiree na nakadantay sa noo niya. "Hindi ko maintindihan ang inyong lenggwahe. Sabihin niyo na lang sa akin kung saan ang labasan nang ako ay makauwi na." Kumuha ng upuan si Criszelle at nilagay sa tapat ng lalaki. "Hindi pa pwede. Kailangan mo pa daw magpahinga dito ng tatlong araw sabi ng doktor." Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa narinig. "Tatlong araw? Kailangan ko ng umalis kung ganoon din pala katagal ang pagpapahinga ko dito." Nagtatakang tinitigan siya ni Desiree. "Kuya, bakit napaka-unpatient mo naman? Three days ka na nga lang na magpapahinga, ayaw mo pa. May date ka po ba?" "Binibini, ano bang lenggwahe ang iyong sinasambit? Sumasakit ang ulo ko sa tuwing ika'y nagsasalita", sagot ng lalaki kay Desiree. Mahinang napatawa naman si Criszelle. Narinig iyon ni Desiree kaya binigyan niya ng nakakamatay na tingin ang kaibigan. "Pahingi na lang kami ng number ng pamilya mo or any relatives then kami na ang tatawag sa kanila para malaman nila yung lagay mo." "Number? Ano ang ibig sabihin noon?" Nagkatitigan si Criszelle at Desiree. "Numero. Pakibigay na lang sa akin ang numero ng pamilya mo", sagot ni Criszelle dito. Malalim na napa-isip ang lalaki. 'Anong numero ang kanilang nais malaman at may kinalaman daw sa aking pamilya?', tanong niya sa kaniyang sarili. "Isa?", hindi siguradong sagot niya sa dalawa. Malalim na napabuntong hininga sina Desiree at Criszelle. "Pangalan mo na lang kuya. Anong pangalan mo?", tanong ni Desiree dito. "Luisito Santiago", sagot ng lalaki. Napakunot ang noo ni Criszelle sa narinig. Pamilyar sa kaniya ang pangalan na iyon ngunit hindi niya maalala kung saan niya iyon huling narinig. Mabilis na hinanap ni Desiree ang pangalan ni Luisito sa f*******:. Nanlumo siya ng makitang maraming tao ang may kaparehas na pangalan tulad ng kaniya. Inabot ni Desiree ang cellphone kay Luisito. "Tignan mo dyan kung saan dyan yung f*******: profile mo." Nagtatakang kinuha ni Luisito ang telepono sa kaniya. Tinitigan niya ito at inobserbahan. 'Ano itong manipis na bagay na ito?' Inikot-ikot niya ito na para bang isang laruan. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong bagay. Hinampas niya ito sa table na naging dahilan ng pagkabasag nito. Napanganga naman si Desiree sa nasaksihan. "Don't tell me you also haven't seen a cellphone before?" "Ano ang iyong sinasabi? At bakit mukhang basag yata itong bagay na binigay mo sa akin?" Hindi na nagsalita pa si Desiree at kinuha na lamang ang kaniyang cellphone kay Luisito. Pigil luhang tinitigan na lamang niya ang cellphone niya na halos fifty-thousand ang halaga. "Bili ka na lang ng bago", pag-aalo ni Criszelle sa kabigan. Napapikit si Desiree at tumayo. Hindi siya sumagot kay Criszelle at nagsimulang maglakad papaalis habang hawak-hawak ang cellphone niya. Napatingin si Criszelle kay Luisito na ngayon ay kumakain lamang ng mansanas. "Weird", bulong ni Criszelle sa sarili bago sinundan si Desiree. Hindi man naintindihan ni Luisito ang nangyayari, napagpasiyahan niyang maglibot na lamang sa kwarto niya. Napansin niya ang isang malaking bagay na halos katulad lamang ng bagay na inabot kanina sa kaniya ni Desiree. Ang kaibahan lamang ay mas malaki ito at malapad. Mabilis na nilapitan niya iyon at hinawakan. Manghang napangiti siya dahil sa makinis na tekstura nito. Nag-ikot-ikot pa siya nang makita niya ang maliit na kalendaryo na nakapatong sa isang munting lamesa. Mabuti na lamang at purong tagalog ang nakasulat sa kalendaryo kung kaya't naintindihan niya agad ito. "Taong dalawang libo't labing pito?", pagbabasa niya sa nakasulat na taon sa kalendaryo. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit iba ang taon na nakasulat dito. 'Hindi ba't taong isang libo't walong raan at siyam na pu't pito ngayon?' "Luisito!" Binalik niya ang kalendaryo sa dati nitong pwesto nang marinig niyang may tumawag sa kaniya. Nakangiting kumaway siya sa babaeng bumisita sa kaniya kanina. Kakaiba ang mukha ng babae para sa kaniya dahil may mga anggulo na kamukha niya ang babaeng minamahal niya na si Josefina. "May mga kailangan lang akong gawin. If you have any concerns—" Napatigil si Criszelle ng maalala na hindi pala nakakaintindi ng ingles ang lalaki. "—kung may kailangan ka, tawagin mo lang yung nurse dito. Siya yung nakaputi na babae na nag-aalaga sa iyo. Ayos ba?" Tumango si Luisito kay Criszelle. "Salamat sa iyo, binibini." Napataas ang kilay ni Criszelle sa narinig. 'Binibini? Sounds very old but somehow romantic.' Nakangiting tumango siya kay Luisito. "Walang anuman. Babalik ako dito bukas para tulungan kang hanapin yung pamilya mo." Lumabas si Criszelle at iniwan ang lalaki sa kwarto nito. Mabilis siyang nagtext kay Raiden na papunta na siya. Sinamantala naman ni Luisito ang pagkakataon na iyon para tumakas at bumalik sa labanan. Tinanggal niya ang nakakabit sa kamay niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Tumambad sa kaniya ang maraming tao. Hindi maalis sa isipan niya na magtaka kung bakit hindi sila nababahala sa labanan na nagaganap at ang kanilang kasuotan ay pawang kakaiba sa paningin niya. "Sir, ayos lang po ba kayo?" Napalingon siya sa lalaking nagsalita. Halos kasing tangkad lamang niya ang lalaki ngunit masasabi niyang mas makisig ito kaysa sa kaniya. Tumango siya sa naging tanong ng lalaki. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan ang labasan?", tanong niya dito. Mabilis naman na tinuro ng lalaki ang exit ng ospital. "Iyon. Pero, mukhang naka-admit kayo dito. Hindi kayo pwedeng lumabas." Malungkot na tumango na lamang si Luisito. "Kailangan ko ng umuwi sa amin. Sigurado akong hinahanap na ako ng aking mga kapanalig." Napa-isip ang lalaki. "Okay, I'll help you with that. Ano yung room number mo?" Napakunot noo ulit si Luisito. 'Ano na namang numero ang kailangan niya? Bakit lahat ng tao may hinihinging numero?' Umiling si Luisito sa lalaki. "Hindi ko alam ang numero na iyong tinatanong." Napabuntong hininga ang lalaki. "Wait for me here. I'll try to find your room number. Kaka-admit mo lang dito?" Kahit hindi maintindihan ay tumango na lamang si Luisito. Iba ang lenggwahe na sinasabi nila kaysa sa nakasanayan niya. Español at Tagalog lamang ang mga alam niyang salita kaya hindi niya mawari kung ano ang mga pinagsasabi ng mga tao sa paligid niya. Umalis ang lalaki habang siya ay umupo na lamang sa bakanteng upuan na nakita niya. Nilibot niya ang paningin sa buong lugar. Ngayon lamang siya nakakakita ng mga ganitong kagamitan at ang disenyo ng istrukturang ito ay bago lamang din sa paningin niya. "Sabi nila pwede ka na daw umalis dahil bayad na daw yung mga bills mo. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita", pag-aalok ng lalaki. Nqpangiti siya sa kaniyang narinig. "Salamat sa iyong alok, ginoo. Nais ko lang malaman kung nasaan ako ngayon? Tila kasi kakaiba ang lugar na ito sa aking bansang sinilangan. Marahil nasa ibang bansa ba ako ngayon?" Manghang napanganga ang lalaki sa narinig. "Nhikolei na lang. Huwag na 'ginoo'. Masyadong malalim po ang tagalog niyo pero ayos lang, nakakaintindi naman ako." 'Nhikolei? Pati ang kaniyang pangalan ay kakaiba din', sabi ni Luisito sa kaniyang isip. "Nasa Pilipinas pa rin kayo. Siguro hindi kayo masyadong nakakalabas. Taga-probinsiya siguro kayo?", tanong ni Nhikolei. Mabilis na umiling si Luisito. "Maaari mo akong tawaging Luisito at ako ay nakatira sa Cavite. Sa pagkakatanda ko ay nasa ilalim pa ng pamumuno ng Espanya ang ating bansa, bakit tila ba'y hindi kayo nababahala?" Napakunot ang noo ni Nhikolei. "Spanish Colonization? Matagal ng nangyari iyan. Ihahatid muna kita sa inyo at sa kotse na lang tayo mag-usap." Hindi nakasagot si Luisito nang biglang umalis si Nhikolei. Sinundan niya ang lalaki at napadapad sila sa labas ng ospital. Masaya si Luisito nang makalabas na siya ngunit mas lalo siyang nagtaka nang makita ang mga kotse at motorsiklo na bago lang din sa mata niya. "Sakay ka na", pag-aaya ni Nhikolei pagkatapos buksan ang pinto ng kanyang kotse kay Luisito. Mariing tinitigan ni Luisito ang malaking bagay na nasa harapan niya, "Hindi ba ito nakakamatay?" Natatawang umiling si Nhikolei. "Sobrang hindi. Ito yung bagay na magpapadali ng buhay mo sa pagpunta sa iba't ibang lugar ng mabilisan." Pumasok si Luisito sa loob ng kotse at nagtiwala sa lalaking bagong kilala niya pa lamang. Mabilis na pinaandar ni Nhikolei ang makina at nagmaneho. Manghang-mangha na napatingin si Luisito sa bintana ng mapansing mabilis silang bumibiyahe paalis sa ospital. Sa isip-isip niya ay mas mabilis pa ang bagay na ito sa isang kalesa. "So, taga-saan ka sa Cavite? Ihahatid na kita doon." "Sa pinaka-unahan ng Silang", sagot ni Luisito. Agad na tinahak nila ang daan patungo sa Silang habang nagsisimula ng lumubog ang araw. Si Luisito naman ay namanangha sa iba't ibang ilaw ng mga estruktura na kaniyang nakikita. Tila ba sobrang daming bituin ang nakikita niya. Hindi niya akalain na sobra palang makulay at puno ng liwanag ang bansang kinagisnan niya. "Nandito na tayo. Pero parang wala naman akong nakikitang bahay dito." Lumabas si Nhikolei at sumunod naman sa kaniya si Luisito. Totoo nga ang sinabi ni Nhikolei, walang mga bahay sa harapan niya. "Sigurado ka bang nasa Silang tayo?" Mabilis na tumango si Nhikolei. "Oo naman. Kahit tanungin mo pa ang lahat ng mga tao na nandito." Nagtatakang tinitigan ni Luisito ang lugar na pinagtatayuan dati ng kaniyang bahay. Isang malaking istruktura na ngayon ang nakatayo doon. "Wala ka na bang ibang mapupuntahan?" Malalim na napa-isip si Luisito sa naging tanong ng lalaki. Agad niyang naalala ang bahay ng kaniyang nobya. "Oo, meron pa. Ilang minuto lang malapit dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD