"Sure ka ba dito yung sinasabi mong bahay?", tanong ni Nhikolei kay Luisito. Mabilis na tumango ang lalaki.
"Oo naman. Sigurado ako na kailangan nating dumaan sa bakod. Hindi pupwedeng makita ako ng mga magulang ni Josefina dito."
"What do you mean? Sinong Josefina? At saka, kilala ko ang may-ari ng bahay na ito. Magmumukha pa tayong akyat-bahay kapag ginawa natin iyan."
Napakunot ang noo ni Luisito sa narinig. "Kamag-anak ka ba ni Josefina? O isa ka bang heneral ng Espanya? Paano mo nakilala ang nagmamay-ari ng bahay na ito?"
Hindi sumagot si Nhikolei at pinindot na lamang ang doorbell ng bahay. Kahit nagtataka ay nanatili siyang kalmado habang patuloy na minamatyagan ang lalaking nasa tabi niya. Hindi niya lubos maisip na mayroon pang mga tao na sobrang malalim ang pagsasalita ng Tagalog at hindi nakakaintindi ng kahit kakaunti lamang na Ingles.
Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga Pilipino ay may alam na isa o dalawang salita ng Ingles o 'di kaya ay nakakaintindi ng lengguwaheng ito dahil sa isa itong subject sa paaralan o 'di kaya ay dahil sa mga napapanood na mga pelikula ngunit ang lalaking ito ay wala talagang kaide-ideya.
Manghang napatitig naman si Luisito sa doorbell. Sa isip-isip niya ay nag-iba ng husto ang bahay na ito. 'Ilang buwan kaya akong nawala?', tanong ng lalaki sa sarili niya.
Ang buong paligid niya ay nagbago at hindi ito ang nakasanayan niyang bayan. Hindi pa rin sumasagi sa isipan niya na siya ay nasa ibang panahon—o ayaw niya lang talagang isipin na ganoon nga ang nangyari sa kaniya.
"Wait lang!", sigaw ng pamilyar na boses bago binuksan ang gate ng bahay.
Napatulala si Luisito nang makita ang dalagang nagbukas ng pinto.
"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?", gulat na tanong ni Criszelle sa lalaki.
Hindi pa naaaninag ng kaniyang paningin ang kaibigan na katabi lamang ni Luisito.
Nasa isip ng dalaga na marahil ay isang stalker ang lalaking nasa harapan niya. Dapat ay nasa ospital ito at nagpapahinga pero ngayon ay nasa harapan na ng bahay niya ito.
Sumagi din sa isipan niya na baka planado ng lakaki ang lahat—mula sa aksidenteng pagkikita nila hanggang sa dalhin niya ito sa ospital ngunit hindi niya mawari kung ano ang motibo nito.
Hindi sumagot si Luisito. Kahit siya ay gulat pa din na makita ang babaeng halos kamukha ng kaniyang kasintahan sa bahay mismo nito.
Napansin naman ni Nhikolei ang awkward na ambience ng paligid kung kaya't minabuti niyang putulin ito.
"Criszelle. Hindi mo ba kami papapasukin?", tanong ni Nhikolei sa kaibigan.
Agad na napatingin si Criszelle sa lalaki na ngayon niya lamang napansin. "Anong ginagawa mo dito?"
"Mamaya ko na ipapaliwanag, papasukin mo muna kami. Kanina pa ako nauuhaw."
Nagdalawang-isip si Criszelle sa narinig. Gusto niyang papasukin ang kaibigan ngunit ayaw niyang makitang nakatapak ang mga paa ng estrangherong lalaki sa bahay niya.
"You could trust me he is not a threat. But he is surely acting like a dumb person", sabi ni Nhikolei kay Criszelle na nagpatawa sa dalaga.
Mabilis na napatingin si Luisito kay Nhikolei. "Ano ang iyong sinabi sa binibini? Sinabihan mo ba ako ng hindi kaaya-aya?"
Mabilis na umiling si Nhikolei kahit na alam niyang totoo ang naging tanong ni Luisito sa kaniya.
"Okay, okay. I'll trust you."
Pinapasok ni Criszelle ang dalawa sa loob ng bahay—o mas dapat tawagin na mansion dahil sa sobrang laki at magarbo na disenyo nito.
Kahit na marami ang nagbago dahil sa pagrereconstruct ng bahay, mayroon pa ring mga bakas ng mga nakaraang panahon sa iba't ibang parte ng mansion, gaya na lamang ng matayog na puno ng Narra na nasa tabi lamang ng bahay na agad na nagpukaw ng atensyon sa mga mata ni Luisito.
Habang naglalakad papunta sa pinto ng bahay, patuloy lang sa pagoobserba si Luisito. Ramdam niya na ito ang bahay na kung saan niya lihim na sinusundo si Josefina papunta sa kanilang tagong lugar na sila lamang dalawa ang nakaka-alam ngunit hindi din niya alam bakit parang kakaiba ang pakiramdam niya sa bahay na ito.
"Mayroon bang dalaga na nagngangalang Josefina dito?", biglang tanong ni Luisito.
Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan sa naging tanong ng lalaki.
"Josefina? Wala naman. Merong Josephine, nanay ko but Josefina? Hindi ko matatandaan na may kamag-anak ako na ganoon ang pangalan", sagot ni Criszelle.
Bumukas ang pinto ng bahay at mabilis silang nakapasok sa sala.
Napatango-tango na lamang si Luisito sa naging sagot ni Criszelle. Gusto pa sana niyang magtanong pa nang magtanong ngunit nilukob siya ng kaniyang hiya. Ayos na sa kaniya na malaman na wala si Josefina dito.
Sigurado siya na nasa ibang bayan ito kasama ang mga magulang at doon na lumipat para manirahan at kalimutan na ang mapait na nakaraan. Sana lamang ay pati siya ay hindi nakalimutan ng minamahal.
"So, can you tell me now what happened? And why are you with him?", tanong ni Criszelle kay Nhikolei matapos itong bigyan ng isang baso ng tubig.
Umupo ang dalawang lalaki sa sofa at agad na kinuwento ni Nhikolei ang nangyari kay Criszelle.
Si Luisito naman ay nasisiyahan sa malambot na bagay—kung kaniyang ituring. Patayo-tayo siya at pinagmasdan ang inuupuan niya. Dahil dito ay naagaw niya ang atensyon ng dalawang magkaibigan na nag-uusap.
"Pwede po bang maupo ka muna? Nahihilo ako sa ginagawa mo", sabi ni Criszelle sa lalaki.
Ngiti lamang ang tugon ni Luisito at mabilis na sinunod ang dalaga.
Natatawang napailing naman si Nhikolei sa nasaksihan. "By the way, iiwan ko na siya dito sa iyo. I thought it would be best if you let him stay here with you since you are his guardian."
Napanganga naman si Criszelle sa narinig. "Why would I be his guardian? Ang laki-laki niyang tao tapos ako ang guardian niya?"
Isang malakas na tunog na parang may nabasag ang narinig nilang dalawa.
Napatingin sila sa gawi ni Luisito na ngayon ay pinupulot ang mga bulaklak sa vase na kaniyang nabasag.
"See? Do you think he is mature and not in need of guidance? Ever since you brought him into the hospital, you are already in charge of him."
Inis na tumingin si Criszelle kay Nhikolei.
"It should be Desiree who is his guardian. And I only helped him. From the very time I left him there and paid for his hospital expenses, my help for him already stopped. Hanggang doon na iyon. Bahala na siya sa buhay niya after he was discharged."
Tinitigan ni Nhikolei ang dalaga. "Do you think you can let him be starve on the street and be bullied because his mind wasn't that right and is maybe suffering from an amnesia or traumatic experience?"
Napatahimik si Criszelle sa sinabi ni Nhikolei. She knows the best how it felt to be starved for days because she already experienced the same when she was a kid. Nawala siya ng ilang linggo sa kaniyang mga magulang at napunta sa kalsada at doon na lamang natulog.
It was a traumatic experience for her and still, everytime she saw a kid or person on the street, begging for money to eat, she can't help but to reminisce the time she did the same.
Dahil dito, simula ng magkaroon siya ng sariling trabaho at pera, nagsimula siyang magtayo ng sariling Foundation that aims to give homeless people their own home and a job for them.
"So, what do you think?"
Bumalik ang tingin niya kay Nhikolei na naghihintay ng sagot niya. "Bakit ba parang gustong-gusto mo siyang nandito sa akin? Aren't you afraid that he will try to do something bad to me?"
Napatawa naman si Nhikolei sa narinig. "Seriously? I promise, even if I am still suspicious of his identity somehow, I am one hundred percent sure that he won't even touch you once. Kahit na masyadong magulo ang takbo ng utak niya, I observed that he is a gentleman."
Napataas ang kilay ni Criszelle. "Don't tell me lalaki ang type mo?"
Mabilis na binigyan ng nakakamatay na tingin ni Nhikolei ang kaibigan.
"No, I am certainly not. I just want a trusted man in your house. Masyadong maraming magnanakaw these days. And I don't have a spare room for him even if I wanted to let him in my house."
"You don't have? Sino ang nag-occupy ng isang room mo?"
Ngiti lang ang sinagot ng lalaki at tumayo. "I have to go na."
Mabilis na pinigilan siya ni Criszelle. "May girlfriend ka na? Sino? Do we know her?"
"I haven't told you na may girlfriend ako", natatawang sagot ni Nhikolei. "Luisito! Dito ka na tumuloy kay Criszelle, kailangan ko ng umalis."
Hindi na pinigilan ni Criszelle si Nhikolei. It is okay to her if her friend will hide his relationship status to her because it is his personal life but she is still thinking of the precious woman that caught Nhikolei's heart.
Hindi niya maiwasang mag-isip kung ang babae ba na iyon ang naging dahilan ng paglipat ng course ng kaibigan.
"Criszelle ang ngalan mo, hindi ba?"
Napatingin siya kay Luisito nang magtanong ito. Agad niyang naalala na dito pala tutuloy ang lalaki hanggang sa mahanap nila ang pamilya nito.
Tumango si Criszelle sa naging tanong ni Luisito. "Yes—I mean, oo, bakit?"
"Ano kasi..."
"Ano iyon?"
Tumunog ang tyan ni Luisito hudyat na gutom ito. Tumingin siya kay Criszelle at pilit na ngumiti. "Alam mo na..."
Natatawang tumango si Criszelle. "Sundan mo ako."
Masayang sumunod si Luisito kay Criszelle habang hawak-hawak pa rin ang bulaklak na nakuha niya sa binasag niyang vase. Napansin naman iyon ni Criszelle.
"Ibaba mo na lang ang bulaklak na iyan doon sa mesa", utos niya sa lalaki habang nakaturo sa coffee table niya.
Mabilis naman na sumunod si Luisito at patakbong bumalik sa kinatatayuan niya kanina.
Pina-upo ni Criszelle si Luisito sa isang upuan sa dining area habang nilalabas ang mga pagkain na nasa refrigerator niya at ang iba naman ay nilalagay sa microwave para initin.
Ito ang mga natirang pagkain sa salo-salo nila kagabi nina Desiree at ng mga magulang nito habang nagccountdown para sa bagong taon.
Nakatitig lamang si Luisito sa mga nilalabas ni Criszelle na pagkain. Hindi niya alam kung pagkain ba ang mga iyon dahil ngayon niya pa lamang nakita ang mga putaheng iyon.
Maliban na lamang sa pancit na kakalagay pa lamang ni Criszelle sa mesa.
"Kumain ka na at pagkatapos mo, tawagin mo na lang ako. Nandoon lang ako sa study room."
"Study room?"
Criszelle sighed. "Basta yung silid na may mga libro. Makikita mo rin iyon. Eat well." At mabilis siya na umalis.
Naiwan si Luisito sa hapag-kainan na puno ng mga pagkain. Kumuha siya ng kaunti sa bawat putahe at tinikman.
Napangiti siya ng malasahan ang matamis na tinapay. Pamilyar ang lasa nito para sa kaniya ngunit ang itsura lamang ng pagkain na ito ang hindi niya matandaan.
Nagsimula siyang kumain ng marami hanggang sa maubos niya ang lahat ng mga nakahain na mga pagkain.
Pagkababa niya ng baso na kaniyang pinag-inuman ng tubig, nagsimula na siyang maglibot sa buong bahay. Hindi si Criszelle ang hinahanap niya, gusto niyang makita ang bakas ng kanilang pag-iibigan ni Josefina.
Lumabas siya ng bahay at dumiretso sa puno ng Narra. Hinanap niya ang inukit nilang bulaklak sa puno. Agad naman niyang nahagilap ito.
Hinawakan niya ang inukit at ramdam niya na ito nga ang ginuhit nila ng minamahal. Umupo siya sa ilalim ng puno at malalim na nag-isip.
Pilit niyang inaalam kung bakit kakaiba ang buong lugar kaysa sa nakasanayan niya. Mula sa mga maliliwanag at makukulay na ilaw, mga mabibilis na kalesa at marami pang mga bagay na ngayon niya lamang nakita.
Alam niya sa sarili niya na may kakaiba sa lugar na ito. Tila ba ay hindi siya dapat na nandirito o kakaiba siya kaysa sa ibang mga naninirahan dito.
"Luisito!"
Napatayo siya ng marinig ang sigaw ni Criszelle. Ilang oras na ba siyang nakatitig lamang sa kawalan?—hindi niya alam ngunit sigurado siya na hinahanap na siya ng dalaga.
Lumabas si Criszelle sa pinto at agad na nakita si Luisito na nakatayo sa ilalim ng puno. "Anong ginagawa mo dyan? Ang lamig dito sa labas tapos dito mo pa naisipang tumambay," singhal sa kaniya ng dalaga.
Mabilis na tinuro ni Luisito ang inukit na bulaklak sa puno ng Narra. "Kilala mo ba kung sino ang nag-ukit nito?"
Naningkit ang mga mata ni Criszelle sa tanong ng lalaki. "Iyan? Hindi ko alam pero lagpas isang daang taon na daw iyan sabi ng nanay ko. Siguro mga kapanahunan pa ng Espanyol iyan", sagot ni Criszelle na nagpagulat sa lalaki.
"Isang daang taon? Ano ang ibig mong sabihin, binibini?"
Napayakap si Criszelle sa sarili dahil sa sobrang lamig na panahon. "Pasok muna tayo. Ang lamig dito."
Sumang-ayon si Luisito at mabilis silang pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso naman si Criszelle sa kaniyang study room at kumuha ng ilang mga libro. Sumunod sa kaniya si Luisito na namangha sa dami ng mga libro na kaniyang nakikita.
Dahil hindi nakapag-aral, ang kaniyang nobya na si Josefina ang nagturo sa kaniya kung paano magsulat at magbasa. Ngunit nahinto iyon nang sumali si Luisito sa Katipunan.
"Here. Hindi ko alam kung marunong ka bang magbasa kaya kung may hindi ka naiintindihan, sabihin mo lang sa akin", sabi ni Criszelle pagkatapos ibigay kay Luisito ang isang makapal na libro.
Tinignan ni Luisito ang pamagat.
"Kasaysayan ng Pilipinas?", tanong niya at tumingin kay Criszelle.
Napangiti naman ang dalaga. "Marunong ka naman palang magbasa. Basahin mo na lang iyan tapos lahat ng mga tanong mo sa akin kanina, baka masagot niyan."
Tumango si Luisito at umupo sa isang gilid at binuksan ang mga pahina ng libro. Sa pangalawang pahina pa lamang ay nakita na niya ang talaan ng mga nilalaman. Pre-kolonyal, panahon ng Espanyol, panahon ng mga Amerikano, panahon ng Hapon at panahon ng makabagong Pilipinas.
Sa isip-isip niya ay sigurado na siyang nasa hinaharap siya ngayon. Base sa kaniyang nakikita, may mga sumunod pang mananakop ang Pilipinas pagkatapos ng Espanyol. Kahit hindi man makapaniwala, patuloy lamang siyang nagbasa.
Binuksan niya ang mga pahina papunta sa Panahon ng mga Espanyol. Binasa niya ng mabuti ang mga nakasulat. Dahil nakasulat naman ang lahat sa Tagalog, mabilis niya iyong naintindihan.
Nagsimula ang kuwento nang dumating si Magellan sa Pilipinas. Hindi niya alam ang tungkol dito kung kaya't namangha siya sa nabasa. Sumunod ay ang naging kwento na ng pag-aalsa ng KKK.
Isang ngiti ang namayani sa buong mukha ni Luisito nang mabasa na nanalo sa labanan ang Pilipinas.
Nagkaroon na rin ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang lagpas tatlong daan na pagkakasakop ng Espanyol sa bansa.
Sinarado na niya ang libro at binalik sa dating pwesto nito. Hinagilap ng mga mata niya si Criszelle na ngayon ay nasa tapat ng computer at nagsusulat ng panibagong nobela.
Tinitigan ni Luisito ang dalaga. Hindi niya talaga makakaila na malaki ang pagkakahawig ng dalaga sa kaniyang nobya. Idagdag pa na nakatira ito sa kaniyang mismong bahay. Naisip niya na siguro ay isa itong malayong kamag-anak ni Josefina.
Lumapit si Luisito sa dalaga para tignan ang ginagawa nito. Tumambad sa kaniya ang isang malaking bagay na nasa harapan ng dalaga. "Ano ang tawag sa bagay na iyan?"
Lumingon si Criszelle kay Luisito na nasa likod lamang niya. "Computer ang tawag dito. Hindi ka pa nakakakita nito?", tanong niya na ikinailing ni Luisito.
Pinaupo ni Criszelle si Luisito sa kaniyang upuan at tinuruan kung paano gamitin ang computer.
Blag!
Napatingin ang dalawa sa pinto ng study room nang makarinig sila ng malakas na tunog.
"Desiree?", gulat na tanong ni Criszelle sa babaeng nakanganga ngayon habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"What the hell is that guy doing here?"