Chapter 9

2077 Words
Chapter 9 "No." Napa face palm nalang is Robin sa sinabi nito at nang mag-angat siya ng tingin dito ay nandoon na naman ang arogante nitong ekspresyon. Mukhang siya ang nakapag pa "on" ng bad mood nito. Bumalik si Alex sa upuan nito at kahit na nagsimula na ang klase ay hindi na siya kinausap pa. Binati siya ng Professor nila at itinanong kung bakit hindi niya suot ang uniform nila. Sinabi na lamang niyang nahulog siya kanina sa fountain habang nag didilig ng mga halaman. Ayaw niyang sabihin ang totoo dahil minsan na siyang binaligtad ng mga kaklase. Nagkampihan ang mga ito sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. May ipinasusulat ang Professor sa kanila, dahil wala si Robin na gamit ay pinagsalikop niya ang mga kamay at luminga sa mga kasama hindi siya sanay ng ganito dahil basta't may ipinagawa ang Professor nila ay isa pa siya sa nangunguna sa paglabas ng gamit. Napabuntong hiningan nalang siya nang maalalang basang-basa ang mga gamit niya at dala ito ni Xandro kanina. "Sana ay tiningnan ko pala muna baka hindi naman lahat nabasa. Wala tuloy akong gagamitin." Abala sa pagsusulat sa pisara ang kanilang Professor nang biglang may kumatok sa pintuan ng classroom nila. Napadako ang tingin ng halos lahat ng nasa loob ng klase, at nang bumukas iyon ay nakita ni Robin ang isang lalake na may kulay abong buhok at may kayumangging mga mata. Napansin niya ang krus na hikaw nito at napalingon siya kay Alex dahil katulad ito ng hikaw na suot nilang dalawa ni Xandro. Nang malingunan niya si Alex ay nakadukdok ito at mukhang tulog nanaman. "Yes.. Mr. Goodnight?" Goodnight? Kapatid ba ito ni Alex? "Good Morning Professor, I am looking for Robin Callie Simonne." Naituro ko ang sarili ko ng ang lahat ng ka-klase ko ay tumingin sa akin at halos lahat ng babae ay masama ang tingin sa akin. Atensyon nanaman. "Anong kailangan mo kay Miss. Simonne, Mr. Goodnigt?" Tanong ng Professor nila. "Well some assholes harassed her at the Garden earlier when she was watering the plants." "I came to give her things. May I know who is she?" Wala akong lakas ng loob na magtaas ng kamay pero itataas ko na sana ito ng tabanan ni Alex ang kamay ko. "Give it here." "A-Alex! Ako na ang pupunta sa harap." Sabi ko kay Alex pero ayaw niyang bitiwan ang kamay ko. Nakadukdok pa din siya. Nang patuloy kong binabawi ang mga kamay ko ay iniharap niya sa akin ang mukha niya habang nakapatong pa rin ang kanyang ulo sa mesa. Napalunok ang sa itsura niya lalo na sa klase ng tingin niya. Napakapungay ngayon ng mga mata niya. "Umuwi ka daw mamaya sa bahay Kuya." Napatingin si Robin sa kaharap na lalake at nakangiti ito ngayon sa kanya mukhang si Alex ang kausap nito sa sinabi dahil tinawag nitong "Kuya" Magka apelyido at may pagkakahawig rin ang dalawa. "Try." Maigsi namang sagot ni Alex na hindi parin nag-aangat ng tingin. Ang kamay niya ay taban pa rin nito at parang ayaw bitawan. "Paano nakilala ni Robin si Alejandro? Pati si Alejandro ba naman?" Napatingin siya sa nagsalita. Ipinalibot niya ang tingin sa buong klase. Natigil ang mga ito sa ginagawa at nasa kanila na ang atensyon ng mga ito, napalunok siya ng hindi na maganda ang tingin sa kanya ng mga kaklaseng babae. Parang kakainin siya ng mga ito. "So, Lazeu still has immature students huh? Professor, My Borther, Xandro already reported the incident happened at the Garden. Sana ay mabilis itong mabigyan ng solusyon. We don't want to ruin the good image of the Academy right?" Tumingin ito sa aming Professor at kaagad naman na sumagot ang huli. "O-Oo naman Mr. Goodnight." "Shocks.. the authority from Alejandro.. Tamang-tama at bagay talaga sa kanya maging student counsil President." "Pero nakakainis naman kasi! anong kinalaman ni Robin sa magkakapatid?" "Kailangan ba na lahat ng magkakapatid ay kilala niya? kanina ay nakita daw na magkasama si Alex at Robin sa lockerroom ng mga lalake at buhat-buhat pa daw ni Alex si Robin! The never of this ambisyosa weirdo!" Kahit anong sabihin nila ay ayaw nang maprocess pa ng utak ni Robin, Nang matandaan na kaklase niya ang mga may gawa ng insidente kanina ay nilingon niya ang mga ito at muntik na siyang mapatawa nang makitang mukhang tinakasan na ng kulay ang mga mukha. Nakayuko ang mga ito at hindi na gumagalaw sa kinauupuan. Siguro ay mas higit nilang kilala ang magkakapatid kaya't kanina din ay bigla na lamang napatakbo ang dalawang kaklase niya nang makita si Xandro. "Here.. Robin. Maaari mong gamitin ang mga iyan. Mga bagong notebooks at ballpen. I already put some of your personal things here." Nang maalala ni Robin ang personal things ay bigla namula ang kanyang pisngi. Nabitawan ni Alex ang kamay niya nang kunin niya ang bag na inaabot ni Alejandro. Oo nga pala at may napkin siya doon at panty liners! Nakakahiya! "S-Salamat hindi na sana kayo nag-abala pa. Pakisabi k-kay Xandro na salamat din." Ngumiti lamang si Alejandro sa kanya at tumingin sa lalake sa likod niya. "Kuya, Mama wants to see you. Dinner later sa bahay ha." Sabi nito at nagpaalam na sa kanila na umalis. Nang tingnan ni Robin si Alex ay nakatingin na ito sa labas ng bintana. May hindi ba pagkakaintindihan ito at ang kanilang Mama? Bakit kailangan pang sabihin ni Alejandro ito iyon at parang matagal nang hindi umuuwi si Alex sa kanila? Sa tagal na nakatingin ay hindi inaasahan ni Robin na biglang lilingon sa gawi niya si Alex kaya't kaagad siya humarap sa pisara. "Muntik na, baka mamaya ay kung ano ang isipin niya kung bakit ako nakatingin." Binuksan ni Robin ang loob ng bag at tiningnan ang mga laman noon. Wala na ang dating mga notebook niya pero ang toiletries niya ay nandoon pa din. Ang pouch ng napkins and panty liners at ang tooth brush at toothpaste niya. Naglabas si Robin ng notebook at ball pen, ngunit may isang bagay siyang nahagip sa loob ng bag niya nang biglang kumislap ito. Kinuha niya iyon at inilabas. Nang makita ay isang kwintas na Krus iyon. "Alex, do you think Alejandro drop this?" Nilingon niya si Alex at ipinakita dito ang Krus na taban. Nang makita naman nito ang taban niya at kinuha nito iyon sa kanya. "Where did you get this?" Mukhang wala nanaman ito sa mood dahil nagngangalit ang panga nito. Parang may ginawa nanaman siyang hindi maganda. "N-Nakita ko nga lang dito sa loob ng bag. B-Bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko? Kaya nga tinatanong kita kasi baka naiwan lang or naisama nila Alejandro sa gamit na ibinigay sa akin." Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya. Nagtatanong lang naman ako tapos bakit ganoon na parang galit na siya? Hindi ko alam kung bakit sa paaralang ito napaka big deal na kapag may kasama kang sikat ay gagawan kana ng issue. Ang malala pa ay ibubully ka. Bullying is a crime. Ano ba ang nakukuha nila kapag may ipinapahiya silang tao? Kapag may sinasaktan sila o kapag may isang tao na bumababa ang self-esteem? Parang sila itong mga tuwang-tuwa pa. "Serves you right bitch." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, nag-isang linya ang aking mga labi atpinalis ko ang spaghetti na dumikit sa mukha ko. "Serioiusly Robin? Tatlong magkakapatid pinagsasabay mo?" Hindi ako sumagot at kinuha lang ang panyo na nasa bulsa ko. I was having my lunch here at the cafeteria when suddenly a group of 4 ladies interrupted me. Noong una ay naupo lamang ang mga ito sa table kung nasaan ako at nagulat na lang ako ng ang pagkain nila ay sabay-sabay nilang ibuhos sa akin. "Hindi ko alam ang sinasabi niyo." "Btch." Isinaboy ng babae sa akin ang juice na taban nito at ibinato pa ang plastic cup sa akin. Ito iyong sinasabi ko kay Alexander kung bakit ayaw kong samahan niya pa akong umuwi. Kung bakit ayaw kong madikit pa siya sa akin o makitang magkasama kami. Kahit sino man sa kanilang magkakapatid. Hindi kasi ako matatahimik, sigurado akong palagi akong pag-iinitan ng mga babaeng ito na halata namang may gusto sa kanilang magkakapatid. Hindi ko naman sana aagawin ang mga pinagpapantasyahan nila. "So sabihin mo nga Robin? Sino sa magkakapatid ang gusto mo? Si Alex ba? Si Xandro or si Alejandro? Kasi parang super btch ka na kapag silang tatlo pa hindi ba?" Gusto kong matawa sa tanong sa akin. Sabi nila madalas na ginagawan ka ng masama ng mga taong hindi ka kayang malamangan, iyong mga taong naiinggit sa kung anong mayroon ka sa buhay. Iyong mga taong kahit anong gawin ay hanggang tingin nalang sa kung anong mayroon ka na wala sila. Kahapon lang ay muntik na akong pagsamantalahan ng mga kaklase ko, Nanghiram pa ako ng damit kay Alex dahil sa pagkakabasa ng uniform ko at binilhan pa ako ng gamit ni Alexandro at Alejandro dahil nabasa ang mga gamit ko. Hindi ko alam na sikat sila sa Lazeu dahil hindi ko naman nababalitaan, Pero narinig ko na mga transferry sila galing ng Europe at dito na nagpatuloy ng pag-aaral. Pero tingnan mo ang mga babaeng ito. Sa ganitong paraan ba nila gustong mapansin? "Kung gusto nyo ay sasabihin ko kay Alex na kausapin niya kayo. Wala kasi kayong mapapala sa katulad ko. Nagsayang pa kayo ng pagkain. Sayang at masarap pa naman ang spaghetti dito." Sabi ko at ngumiti sa kanila. Ang sumunod na ginawa ko ay tumayo at inilahad ang kamay kong may spaghetti pa. Iyon yung tinanggal ko sa mukha ko kanina. "Wala akong pakialam sa mga sinabi niyo. Si Alex? Hindi ko siya pinipilit na sumama sa akin o kahit na sino man sa kanilang magkakabait. Maawa kayo sa sarili niyo dahil nagkakaganyan kayo sa mga lalakeng wala namang pakialam sa inyo. Nakakapagod nadin maging tahimik sa paaralang ito." Humakbang ako palapit sa apat na babae at itinapon sa harap nila ang spaghetti na nasa kamay ko. The nerve of these girls to show how immature they are because they want to be notice by the Goodnight Brothers. "Kung gusto niyong mapansin ng magkakapatid na iyon ay sa kanila niyo sana itinapon ang mga pagkain na ito at hindi sa akin. Oh gusto niyo pang tawagin ko si Alex at ang mga kapatid niya?" Napaatras sila nang muli akong humakbang. "Just because I am being quiet wala na akong pakialam sa mga ginagawa niyo. Grow up, hindi na kayo mga bata. Kung may gusto kayong lalake tell them hindi yung ganito ang gagawin niyo out of jealousy." Nginitian ko sila at tumalikod na. "What the hell!" Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pag balibag ng plato sa akin harapan. "Sa palagay mo ba ay magaling ka na dahil nasa side mo sila? At may karapatan ka na na magsalita ng mga ganyang bagay Robin? You are nothing. My father is the biggest stockholder of this school kayang-kaya kitang ipatanggal dito kahit wala kang ginagawang kasalanan!" I looked at my legs, Nakaramdam ako ng hapdi sa gawing iyon at nang makita kong umaagos ang dugo mula sa aking binti ay nagdalawa ang paningin ko. I can't stand seeing a lot of blood. It scares me. Napataban ako sa ulo ko nang bigla akong mahilo at hindi ko agad nabalanse ang pagkakatayo ko. Naramdaman ko ang unti-unti kong bagsak at handa na sana akong muling masaktan nang may mga braso ang sumalo sa akin. That smell.. "According to the Student Handbook rule number 54 The Lazeu Academy will not tolerate behavior that infringes on the safety of any student. A student shall not intimidate, harass, or bully another student through words or actions. Such behavior includes: direct physical contact, such as hitting or shoving; verbal assaults, such as teasing or name-calling; and social isolation or manipulation. Whoever violates the law shall be liable to a just punishment." Napatingin ako sa gilid ko dahil sa nagsalita na iyon at nandoon nakit ko si Alejandro na katabi si Xandro. Walang reaksyon na makikita sa mukha ng mga ito. Nang iangat ko ang tingin ko sa lalakeng sumalo sa akin ay hindi ko na kailangan pang pangalanan dahil amoy palang ay alam kona kung sino siya. "A-Alex." "I told you. You need to stick with me." Ang bawat salita nito ay mabibigat at ang dilim ng kanyang itsura. Nang maalala ko na marumi ako at nanlalagkit ay kaagad akong umayos ng tayo at lumayo kay Alex. "M-Madumi ako. Baka madikitan ka." "I don't care." Hinila niya akong muli sa kamay. Malalim ang paghinga nya at parang nagpipigil na tiningnan niya ang binti ko kung saan umaagos pa ang dugo mula roon. Medyo malalim ang pagkakatama ng basag ng plato sa akin. Lumuhod sa aking harap si Alex at kaagad niyang sinira ang polo na suot upang ipantali sa dumudugo kong binti. Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao sa ginawang pagluhod ni Alex sa harap ko. "T-Tumayo ka nga jan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD