Chapter 10
Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao sa ginawang pagluhod ni Alex sa harap ko.
"T-Tumayo ka nga jan."
"You are hurt. Anong gusto mong gawin ko? Watch the blood flow to your leg?" Nakagat ko ang ibabang labi ng hindi makahagilap ng sasabihin sa kanya. Iniangat ko lamang ang tingin ko at napagawi ito sa apat na babae.
Parang mga wala na sa sarili ang mga ito dahil ang isa ay napaluhod pa. Mapuputla ang mga itsura nito at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nakakuha na rin kami ng atensyon sa mga kumakain at mukhang kanina pa sila nanonood. Ang iba ay kinukuhanan pa kami ng video.
"Any student who engages in bullying may be subject to disciplinary action up to and including expulsion." Si Alejandro.
"No! Hindi namin sinasadya ang ginawa namin kay Robin nadala lang kami ng inis namin because she is a b***h! You can't blame us kasi she is an attention seeker!"
Napapikit ako sa sinabi ng babae. Of course I am not an attention seeker. Sila ang nagiging dahilan kung bakit ako lagi nakakakuha ng attention sa tuwing ipapahiya nila ako at sa tuwing may hindi sila magandang gagawin.
"We have a lot of cctv's here. Some students saw the four of you na mismong lumapit kay Miss Simonne. So, Ano kaya ang pinaka mabigat na parusa para sa inyong apat?"
Alejandro continue. Funny how they are twisting the story. I was the victim and now they're putting the blame on me by saying I am an attention seeker.
Nang matapos si Alex sa pagtatali sa aking sugat ay tumayo na siya at inilagay ako sa likod niya na para bang itinatago ako.
"I'm okay. Gusto ko na lang magpalit ng damit. Hindi namana bago sa akin ang ganito." Sabi ko kay Alejandro. Nang magawi ang tingin niya sa akin ay lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha at malalim na napabuntong hininga.
Wala din namang say-say kahit na idala namin ito sa itaas. I'm sure na pagkakasunduin lang din kami at mauulit lang din ito sa mga susunod pang araw. Hindi na bago, May nagtangka na din sa aking tumulong dati pero nabigo nang pati ito ay binully ng mga estudyante sa L.A
"Are you sure? Pwede natin itong idala sa itaas at maexpel silang apat." Hindi ko rin naman gugustuhin na umabot pa sa ganoon dahil hindi rin ako sanay na may taong nagtatanim sa akin ng sama ng loob, though kasalanan ng iba kung bakit sila may galit sa akin at wala namana akong kinalaman at kaalam-alam sa galit nila.
Ayoko na ding pahabain pa ito at dumating sa punto na makick out sila sa Lazeu Academy. Mom will surely tell Dad to get the justice that I deserve, lalo na kapag nalaman niya na hindi ito ang unang beses na may nagtangka sa akin. Maraming beses na at sigurado akong mauungkat pa ang ibang mga pangyayari kapag nalaman ni Dad at Mom.
"Sigurado ako Alejandro. Salamat sa inyo ha? Nakikita ko na gusto niyo talaga akong tulungan pero ayos lang sa akin. Isa pa lalaki lang ang gulo."
Nginitian ko si Alejandro. He's sincere para tulungan ako dito. Pero hindi na dapat pang palakihin dahil ang isa sa mga babae ay anak ng stockholder ng Academy. Baka kung ano pa ang mangyari at kung saan pa makarating itong pagtatalo.
Sa tagal ko sa Lazeu ay alam kong lilipas at makakalimutan ito ng ibang mga estudyante at may bago nanamang pambubully ang magaganap.
"Sanay na ako hindi na bago ito sa akin. Uulitin lang nila ulit makakalimutan ko. Salamat."
"And you are saying that you are going to let this happen again? Come on Robin, Be a fighter. Do not be a victim of bullying. This should stop. Fight for what you think is right." He said.
Fight for what I think is right huh?
"Can you put down your cellphones! Don't take a video!" Sigaw nang babae at nagmartsa na ito paalis kasunod ang tatlo pa nitong kasama.
Actually I don't have any idea kung sino ang mga iyon. Hindi ko rin sila kaklase dahil hindi pamilyar ang kanilang mga itsura at tiyak kong nasa huling antas na din sila ng kolehiyo base sa uniform.
"I think they're your fans Alex. You have a fans club here remember?." Xandro said.
Napatingin naman ako kay Alex na may kung anong tinatanggal sa aking ulo ngayon. Tahimik lamang siya sa tabi ko.
"I don't know them. I don't also give a fck about their fans club." He said. He's busy with my hair. Nakahiyaan kong bawalin dahil mukhang tinatanggal niya ang mga spaghetti na nakaipit sa aking buhok. Ang lapit-lapit niya sa akin at amoy na amoy ko ang natural niyang bango.
"Your hair is so long." Napakagat ako sa aking labi nang bigla niyang masalat ang aking tainga. Inipit niya kasi ang nakawala kong buhok doon.
Tatlong taon na ata akong hindi nagpapagupit at malapit na sa aking bewang ang haba ng akin buhok. Ang sabi ni Mom ay maganda raw sa babae ang may mahabang buhok lalo na kung naaalagaan pa.
Gusto ko rin na sa tuwing gabi ay sinusuklayan ako ni Mom kaya humaba rin ng ganito ang bhuok ko dahil gustong-gusto niya na tuwing gabi ay suklayan ako.
"M-Magpapagupit na ako." Bigla kong sinabi. Napahinto si Alex sa paggalaw sa buhok ko at tumingin sa akin ng diretso.
"I didn't say it's ugly. It suits you. Don't cut it."
Napalabi ako dahil doon. Balak ko naman talagang magpagupit pero kung sabi niya.. pero kung sabi niya ay bagay sa akin siguro pag-iisipan ko ulit kung papatuluan ko ang buhok ko. Naiirita na din kasi ako minsan dahil sa sobrang haba nito at nakakasagabal na lalo kapag hindi ko nadadala ang pantali ko sa buhok.
"We need to go Alejandro. We have a meeting at the auditorium. Si Alex na ang bahala kay Robin." Si Xandro
"S-Salamat sa inyo. Hindi na sana kayo nag-abala pa ulit. Kaya ko naman iyong sitwasyon. Hindi na sana kayo nadamay pa dito."
Ang alam ko kasi ay tumatakbo bilang Student council President si Alejandro kaya't baka maapektuhan ang pagtakbo niya sa mga issue na ito. Ayoko naman na maging dahilan ako sa pagkakababa ng tiwala sa kanya ng mga tao.
May pagka unfair din kasi ang mga estudyante at ibang Professor dito sa Lazeu. Dahil kapag anak ka ng kilalang tao ay kahit nasa tama ka talo ka.
Umalis na din kami sa cafeteria. Alex was with me at hindi nanaman niya ako iniwan katulad nang kahapon. Ang sabi ko ay ayos na ako at pwede na siyang umalis pero hindi siya nagsalita at tinitigan lamang ako. Wala nanamang ekspresyon ang kanyang mata.
Ngunit nang sinabi ko sa kanya na may baon na akong damit ay nakita ko ang multo ng ngiti sa mukha niya. I didn't expect that he would show a little bit of that side. Ang akala ko pa ay ngingiti noon pala ay nagpasabik lang.
"If ever anything bad happens call me."
Sabi niya habang nasa tapat kami ng lockeroom ko. Pagkakuha ko ng mga damit ay inilahad sa akin ni Alex ang kanyang kamay. Nagtatanong naman ang mga mata ko sa kanya.
"Your phone. Give me your phone." Ahh. iyong cellphone ko naman pala.
Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone ko at kaagad na ibinigay sa kanya. Nagtipa siya doon at nang makatapos ay kaagad na ibinalik din sa akin ang cellphone. Ilang araw ko palang siyang nakilala pero parang ang tagal na dahil palagi siyang sumusulpot kapag kailangan ko. Para bang sa tuwing may mangyayaring hindi maganda ay nandoon siya at nakaabang.
"That's my number. Call me if anything bad happens. Palagi lang ako naghihintay."
His last sentence.. Hindi ko masyadong naintindihan ang ibig sabihin noon. Nang makapagpalit na ako ng damit ay nagpaalam na ako kay Alex na magbabasa sa library. Mabuti na lamang at hindi na niya ako sinundan pa dahil mukhang may mahalagang bagay din siyang pupuntahan.
Nang makarating ako sa library ay naghanap ako ng bagong libro na babasahin. Dahil wala na akong klase ay dito muna ako magpapalipas ng maghapon. Wala din naman akong masyadong gagawin sa bahay kaya't magbabasa-basa nalang muna ako ng libro.
Habang tumitingin ako ng mga libro na maaring mabasa ay nakarinig ako ng biglang pagkalaglag ng isang bagay sa dulo ng library. Lumingon ako sa kabuuan at nilibot ko ang paningin ko dahil pagpasok ko kanina ay wala namang tao.
Pinuntahan ko ang pinagmulan ng ingay at nakita ko ang isang libro sa sahig.
"Nalaglag?" Nakakapagtaka dahil wala namang ibang tao dito kung hindi ako lang.
Nang malapitan ko ang libro ay pinulot ko ito. Nagulat pa ako ng medyo may kabigatan kahit hindi naman malaki ang libro.
Ang libro ay kulay itim at walang pamagat sa harap wala din kung anong detalye sa gilid at sa likod. Nang buksan ko ito ay wala ding nakasulat.
Anong klaseng libro ito na wala namang nakasulat na kung ano?
Nang subukan kong buklatin pa ang ilang pahina ay nagulat ako ng biglang mag-init ang cover at nang mapaso ako sa init ay naibagsak ko ito.
Nang bumagsak ang libro sa lapag ay bumukas ito sa gitna at may lumitaw na larawan. Pinulot ko ulit ang libro at binasa ang nakasulat sa ibaba ng larawan.
"The humanity will vanished and the creatures from the lost world will rule them. Chants, spells, everything will going to be a place like hell.. No one will stay, everyone will pay because Witches and Wizards will make a way."
Sa bawal pagbanggit ni Robin ng mga salita sa libro ay parang may kakaiba siyang nararamdaman. Kinilabutan siya ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pagbaba sa libro.
"They will make a way from the lost world to the human world. Fairies will die, good creatures will die and the only one who can save them is cannot be found."
"Hm, Mukhang maganda ang mga susunod na nakasulat sa librong ito."
Nagpatuloy si Robin sa pagbabasa sa librong itim na walang pamagat. Hindi na nag-iinit ang cover ng libro, para maging kumportable sa pagbabasa ay naupo pa siya sa gilid.
"The only one who can save from the fall of the Lost World is the Princess of Verthron but what they will going to do if the princess has been dead for a long time."
Hala.. Nakakalungkot naman na patay na iyong Prinsesa.
"The Black Witch are ruining the beauty of the Lost World and they want to rule every creature living there. They are going to rebuild the world as the new creator. "
Robin was about to turn the next page nang unti-unti ay nawala ang nakasulat sa pahina na kanyang binabasa.
"Ay, anong nangyayari?"
Ibinalik niya ang naunang pahina at wala na ang nakasulat doon kanina. Wala nadin ang mga nauna. Tiningnan niya halos lahat ng pahina at wala nang mga nakasulat doon.
Nang ibabalik na ni Robin ang libro ay parang may pumitik sa kanyang ulo at nakakita siya ng imahe ng mga nagkakagulong mga tao.
"Umalis na kayo! Alis!"
"Kamahalan! Paano ka 'yo?! Paano ang Prinsiper Hexus?!"
"Alis na Nathalia! Iligtas mo ang anak ko ! Huwag mong hahayaan na maabutan kayo ni Khalisa!"
"Ahhh!"
Sigaw ni Robin nang biglang makaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo. Hindi niya alam kung ano ang mga nakita niya na iyon dahil sobrang labo ng mga ito pero ang mga tao ay nagkakagulo. Mausok at parang may mga naglalaban ang kanyang nakita.
Mayroon ding bata na umiiyak, taban ito ng isang babaeng hindi niya mapagmasdan ng maayos ang mukha. Ang bata ay may kwintas na suot.
Mukhang wala sa magandang sitwasyon ang nakikita niyang imahe dahil maraming dugo at may mga patay siyang nakikita.
"Ahhh!"
Muling dumaan ang sakit sa kanyang ulo kaya't napaluhod na siya nang hindi na niya kinaya. Patuloy ang pagdaloy ng kung anong pangyayari sa isip niya at nakita niya kung paano mawalan ng buhay ang isang lalake dahil nasaksak ito ng espada sa dibdib.
Hindi alam ni Robin ang gagawin, sa sobrang sakit ng ulo niya ay napahiga na siya. Bagp [a siya mawalan ng malay ay may nakita pa siyang pangyayari.
"Dadalhin kita sa human world Prinsesa, papalabasin natin na namatay tayong dalawa... Kailangan mong mabuhay dahil kailangan ka ng ating mundo. Sa tamang panahon ay maaalala mo ang lahat ng ito. Itanim natin iyan sa dulo ng ala-ala mo."
Umangat ang bata sa ere at pinalibutan ito ng liwanag.
"Let the wind take you to the human world. There will be no grief.. there will be no pain.. there will be no trouble... people will love you... and there will be another family who will love you and takes care of you... in the right time you will remember all of this... all of this...
Prinsesa Zoe Callie Verthron..."