Chapter 3
~~
Dahil sa bawal ang pusang dala ni Robin sa loob ng library ay dinala nalang niya ito sa field kung saan madalas siyang mamalagi. Malamig kasi doon at sariwa ang hangin dahil sa napalilibutan ng mga nagtataasang mga puno ang lugar. Mula sa kinalalagyan niya ay tanaw niya ang lawak ng Lazeu Academy, nakikita niya ang mga estudyante na naglalaro ng basketball at soccer sa ibaba.
Nagpatuloy siya sa paglalakad habang humahanap ng lugar na maaari nilang pahingahan ng pusang dala niya.
Habang naglalakad siya ay napapatingin sa kanya ang mga estudyante lalo na sa pusang dala niya.
She saw disgust to their faces lalo na sa mga babaeng ka schoolmate niya. She heard someone said "Weird talaga" but she ignore it.
Hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit nalamang ganoon ang mga tingin nito sa kanya pero ang mga ito din ang may kasalanan dahil naniniwala ang mga ito sa sabi sabi at bintang sa kanya sa University.
Napatingin muli si Robin sa pusa kanina lamang ay gising ito ngayon ay tulog na tulog nanaman sa bisig niya. Huminto siya sa damuhan at ilalim ng malaking puno at naupo saka maingat na ibinaba ang pusa na siyang naging dahilan ng pagkagising nito. Nag-ingat na nga siya para hindi magising pero nagising pa din! Lumayo ito sa kanya at naupo sa kanyang tapat.
Muli ay titig na titig nanaman sa kanya ang pusa.
The Cat was staring at her .. Para bang may gusto itong sabihin.. Umikot ikot ito sa harap niya at tumalon sa kandungan niya.
"Meow.."
"Oh, sorry nagising ba kita?"
"Meow.. meow..."
"Huh? Teka saan kaba galing? Bakit ngayon lang kita nakita dito sa Lazeu?"
Siguradong mas makakatanggap siya ng salita kapag may nakarinig sa kanya na kinakausap niya ang pusa.
Nang gumalaw ang pusa ay umalis ito sa kandungan niya at tumalikod mula sa kanya..
"Meow.. Meow Moew..."
She tap her cheeks twice, Goodness why is she even talking to a cat? Hindi naman sila nito magkakaintindihan. She will ask a question and all that the Cat can do is to reply meow..
"Sira ka talaga Robin, as if the Cat would tell you 'I came from the north and I was lost' "
Napabuntong hininga nalamang si Robin ng mapagtanto niya na kahit anong kausap niya sa pusa ay hindi niya ito maiintindihan.
Syempre pusa iyan! Hindi ka naman pusa para maintindihan mo ang sinasabi niyan!
Lumapit muli ang pusa sa kanya at ikiniskis nito sa pants na suot niya ang mukga nito.
"Meow.. Meow.."
"Wala ka sigurong tirahan.. Do you want me to adopt you?" Okay, if someone sees her talking to the cat they will think she is crazy. That will be another issue for the university. But she don't care dahil ang gaan ng loob niya sa pusa.
''Meow.."
"Ngayon lang kita nakita dito siguro nawala ka.."
"Meow.. Meow.."
Napapailing na binuhat ni Robin ang pusa at muli itong inilagay sa kanyang kandungan at hinimas ang itim na itim nitong balahibo. Nang makita niya ang mga mata nito kanina ay may pumasok na tao sa isip niya.
A pair of golden eyes..
Kanina niya pa hinihiling na sana maalala na niya ang itsura ng batang nagligtas sa kanya, gusto niyang malaman kung nasaan na ito. Sabi nito ay isa siyang half Vampuire half human kaya't sigurado siya na naninirahan din ito sa lugar nila.
"Meow.."
Robin caressed the Cat's eyes, mukhang kumportable namana ng pusa sa kanya dahil hindi siya nito kinakagat o hindi ito umiiwas sa paghawak niya. Malambing ang pusa at panay ang dila nito sa kanyang kamay.
"Ganyan na ganyan din ang mga mata niya."
"Pero may pagkadark ang kanya hindi tulad ng sa iyo light.."
Kung kanina ay sumasagot sa kanya ang pusa ngayon ay tahimik na ito.
"Sa akin ka nalang? Pupwede kitang alagaan.. Ano kayang ipapangalan ko sayo? hmm.."
"babae ka.. so.. Mimi nalang ang ipapangalan ko sayo?"
Sabi niya sa pusa na muli nanamang nakatulog sa kanyang kandungan.
"Eto nanaman ako kinakausap nanaman kita, eh hindi ka naman sa akin--
Napahinto si Robin sa pagsasalita ng may mahulog na mansanas sa kinalalagyan niya at sakto sa ulo niya.
"Aw!" She said and look up,
"Saan ba galing yung-
Sht.
Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay may kung anong nalaglag nanaman sa lupa at naglanding iyon sa harapan niya. Sa gulat ay napatayo siya dahilan para malaglag ang pusa sa kandungan niya.
"A-Anong.."
Dahan-dahang tumayo ang lalake sa harap niya at pinulot ang mansanas na nalaglag sa tabi niya. The man has black hair, ang lamlam ng bughaw na mga mata nito at medyo hindi normal ang kaputian ang labi ay pulang pula at parang nahiya sa sariling labi. She also notice the cross earring on his left ear.
"Sayang.."
She heard the guy murmured after nitong ipahid ang nalaglag na mansanas sa damit nito at umalis.
"T-Teka.."
Hindi na siya nakapagsalita pa ng tuluyang mawala ito sa harap niya. Para bang ni hindi manlang siya nito nakita!
Damnit. Ano yon?!
Her mind shouted. Nagulat nalang siya sa pagsulpot nito at nagulat nalang din siya ng walang sabi itong umalis na parang hindi siya nito nalaglagan ng mansanas sa ulo! ni hindi manlang ito nagsorry!
Robin didn't mind that at inalis nalang sa isipan niya ang lalakeng iyon. Napaka walang modo ng lalake para hindi manlang magsorry sa nagawa nito!
"Sa susunod na makita ko siya ay sisiguruhin kong hihingi siya ng pasensya."
Kahit inis ay nanatili pa si Robin sa ilalim ng puno, At makalipas ang ilang oras ay pumunta siya sa library dala ang pusang kulay itim na hindi niya pa napapangalanan hanggang ngayon. Alam niyang bawal ang pusa doon pero sa oras na iyon ay may tao siyang maaaring mapakiusapan.
"Hi Robin."
Napatingin siya kay Conilia Toralba ang estudyanteng naka duty sa library. Ito lang siguro ang kaisa isang estudyante na kasundo niya dito sa skwelahan nila. Ito rin ang taong hihingan niya ng pabor para maipasok ang pusa sa loob.
"Hi conny."
Ngumiti sa kanya si Conny at nagawi ang tingin nito sa pusa na nasa mga bisig niya.
"Saan galing iyang pusa?"
"Sa puno, nagulat nalang ako ng tumalon kanina papunta sakin. Madami bang tao ngayon dito?"
Ang tinutukoy niya ay kung madaming tao sa loob ng library.
"Wala, halos ikaw nga lang ang pumupunta dito araw-araw. Alam mo naman takot sa mga libro ang mga estudyante dito." Conny said and chuckled.
The real reason why hindi masyadong pinupuntahan ang Main library ng Lazeu ay dahil marami ang sabi-sabing may kababalaghan na nangyayari sa ikalawang palapag ng library. At may mga ligaw na kaluluwa ang guma-gala.
"Sige.. vacant ko at naghahanap sana ako ng mapaglilipasan ng oras. " She said at ibinigay dito ang gamit niya matapos ibaba ang pusa na hindi na umalis sa tabi niya.
"Nanaman? ang dalas." conny said and place her things sa isa sa mga spaces doon and give her number.
"Oo. Sige Conny, puslit ko na itong pusa ha? Wala naman ang Head hindi ba? Iuuwi ko kasi ito sa amin at aalagaan."
Conny chuckled. Dito lamang niya ipinapakita ang ganoong ugali. Ito lang kasi ang matatawag niyang kaibigan sa buong university.
"Mahilig ka pala sa pusa Robin.." tukso ni Conny
"Ngayon lang, Saka pala kapag nakatulog ako pakigising nalang ako kung maglalock kana ha? "
She said nasa alas tres na kase ng hapon iyon at alas syete ang pasok nya na saktong sara naman ng library.
"Sure sige. Ipasok mo nadin iyang pusa mo mukhang walang balak magpaiwan. Wala naman ang head kaya safe tayo." Sabi nito at ganoon nga ang ginawa niya dinala niya ang pusa sa loob.
Nagtataka si Robin kung bakit ang gaan ng loob niya sa pusa. Kung bakit hindi ito malikot sa kanya na kapag binuhat niya ito ay tahimik lamang ito at hindi nagwawala unlike ng ibang pusa. para bang may isip ito at kinikilala siya agad bilang amo.
"Hey, dito ka muna ha? Hahanap lang ako ng librong pwedeng basahin." She told the cat after niya itong ibaba sa lamesa.
Hindi naman ito nag 'meow' kaya't umalis na si Robin at inikot ang library para maghanap ng librong mababasa niya.
"Section A.. B.. C.."
Basa niya sa mga section doon. Iniisa-isa lamang niya ang bawat section nang papaliko na siya ay nagulat siya ng makita ang isang lalaking nakahiga sa sahig habang may katabing mansanas na may kagat na.
teka wag mong sabihing ito yung lalake kanina?
"It's rude to stare."
Napasinghap siya ng mapagtantong gising pala ito. Biglang bumangon ang lalake at kinuha ang apple na nasa sahig pagkatapos ay ipinahid ulit sa damit nito at kinagatan. Mataman na ngayong nakatingin sa kanya ang lalake habang nginunguya nito ang hawak na mansanas.
Nakaramdam siya ng inis habang nakatingin sa mansanas na taban nito.
Hindi manlang kasi nagsorry ang lalake nang malaglagan siya nito ng mansanas sa ulo kanina sa field.
"Do you like?" Alok nito sa mansanas na taban nito.
Aba at inalok pa siya!
"syempre biro lang hindi ako nagpapamigay ng mansanas."
What the hell?
Doon na napakunot ang noo niya. "Actually you accidentally drop your apple on my head earlier sa field, you owe me an apology."
aba't dapat lang na magsorry siya!
Ang akmang pagkagat nito sa mansanas ay natigil nang marinig siya. Tumingin sa kanya ang lalake at lumapit. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kakaiba sa paligid, Umatras siya ng umatras at nang masandal siya sa pader ay itinukod nang lalake ang kamay nito sa gilid niya.
"You said.. accidentally."
Sa sobrang lapit ng mukha nito ay halos hindi na siya humihinga.
what the hell?
Pumikit siya nang unti-unting lumapit ang mukha ng lalake, ngunit nang makaramdam ng malakas na hangin ay napadilat din siya.
She was now holding an apple. Ang mansanas ay pulang-pula.
"N-Nasaan na iyong lalake?" Pumikit lamang siya sandali ngunit bigla na itong nawala.
Namamaligno ata siya sa library kahit doon sa puno kanina.
Pagkabalik ni Robin sa mesa na pinag-iwanan niya sa pusa ay wala na ito doon.
Saan na nagpunta iyon?
But Robin decided on just taking a nap kesa magbasa ngayong araw tutal dinadalaw siya ng antok.
Robin run don't let him near you..
Robin do you hear me?
Robin..
Robin faster...
Robin run..
"sino kaba!!"
"bakit ako hinahabol ng mamang iyon?!"
"noooo! " she screamed as the guy with red eyes caught her.
"Hey there. thirsty Vampire put the girl down right now or I'll rip your head."
"I won't bite."
"Next time wag kang masyadong lumapit sa pusod ng gubat masyadong delikado dito."
"Aalis na ako. Mag-iingat ka."
"Aalis na ako. Mag-iingat ka."
"Aalis na ako. Mag-iingat ka."
Agad na napadilat si Robin ng may marahang tumatapik sa kanya.
"Robin? kanina pa kita ginigising late kana sa last subject mo."
Bungad sa kanya ni Conny.
Agad na nagayos ng sarili si Robin at tinungo ang kinaroroonan ng gamit niya.
"Conny kilala mo ba yung lalake dito kanina?"
"Huh? Walang lalake dito kanina ikaw lang ang tao dito."
"Yung may hikaw na krus sa kaliwang tenga? yung blonde ang buhok?"
"Wala nga, nako naman robin tatakutin mo pa ako."
Napabuntong hininga si Robin. minumulto ba siya o ano?
Pagkakuha niya ng gamit ay nagpaalam siya agad kay Conny na aalis na dahil tulad nga ng sabi nito ay late na siya. She glance at her wrist watch at pasado 7:25 na magkakalahating oras na siyang late!
Pagdating niya sa harap ng room nila narinig niya ang boses ng professor nila na nagdidiscuss. Robin knock on the door at marahan itong binuksan.
"Sorry Sir I'm late."
"It's okay miss simonne, take a sit." Sabi nito sa kanya kaya't tinungo na niya ang bangko sa dulo malapit sa bintana ngunit. nadismaya siya ng makitang may ibang taong nakaupo doon at nakadukdok kaya no choice siya kundi maupo sa harapang upuan nito tutal tabi din naman ng bintana iyon nga lang hindi siya ang nasa dulo.
Napatingin si Robin sa labas. Dahil nasa fifth floor ang room na iyon ay kitang kita ang ganda ng labas mula sa mga establishimento at sa mga sasakyan na pinagmumulan ng iba't ibang ilaw.
She also look at the sky, ang daming bituin sa itaas at napakakikinang ng mga ito she can't take her eyes off of those dazzling star, tuloy naalala nanaman niya ang batang lalakeng may gintong kulay na mga mata.
"Love the night?"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon and there! the man on the tree! the man in the library! She was so irritated.
Ito pala iyong lalakeng nakadukdok. Naiinis siya dito dahil hindi ito nagsorry at talagang wala itong balak na humingi ng sorry.
"No."
Mahinang sagot niya dito sapat na para marinig nito.
"Your eyes says the truth. Eyes can't lie."
She gasped when she felt her fingers playfully playing her hair.
"W-What do you think you're doing?" Mahina ngunit puno ng otoridad niyang sabi dito habang nakatalikod.
and that's when she felt he stop playing her hair napahinga siya ng mapagtantong tinigilan na nito ang paglalaro sa buhok niya.
but she almost scream when she felt his breath on the back of her neck!
"You smell.. so good.."