Chapter 4

2647 Words
Chapter 4   "You smell so good.." Robin was shocked. May kakaiba siyang naramdaman na naging dahilan nang biglaan nyang pagtayo. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kanyang naging reaksyon sa ginawa nito matapos  nitong hipan ang kanyang batok. Hindi niya ito sinaway dahil na rin sa pagkagulat. Her seatmate at the back surely enjoying teasing her. Ni hindi manlang ito nagsalita matapos nang ginawa at mukhang uulit pa kung hindi lamang siya kinalabit ng kaklase niya sa katabing silya. Ano ba ang problema nito?  "May problema ba, Miss Simmonne?"  Tanong ng Professor niya sa kanya. Nang mapatingin siya sa Professory ay nakatingin sa kanya ito at napansin niyang ang mga kaklase niya ay may naglalarong ngiti sa mga labi. Here we go again, Nakuha nanaman niya ang atensyon ng mga ito. Mukhang inaasahan ng kanyang mga ka-klase na mapapagalitan siya. Nakita niyang nagbubulungan na ang iba sa mga ito Robin doesn't want attention. Ayaw na ayaw niya dahil hindi niya gustong pinag-uusapan siya ng mga tao sa paligid niya mapa-maganda man ang nangyari o hindi. She knows these kind of students. Ang mga estudyanteng hindi magiging buo ang araw kapag hindi nakaakwitness ng pamamahiya o pambubully sa isang mag-aaral. "Wala po."  Sagot ni Robin at naupo na muli. Nilingon niya ang lalake sa likod at nakadukdok na ito, hindi na lamang niya pinansin at nag-focus na lamang sa itinuturo ng Professor ngunit nang maramdaman nanaman niya ang kamay nito sa kanyang buhok ay hindi na siya nakapagpigil. Sa inis ay umatras siya at sinadyang tamaan ang table nito. Hindi naman iyon lumikha ng ingay, sapat lamang para makuha niya ang atensyon nito.  Ano ba kasi ang problema ng lalakeng ito? Hmp. Hindi naman kami close. Hindi ko rin siya kilala. Inulit niyang muli ang pag-atras. Sigurado siya na gising ito kahit pa nakadukdok. Wala rin siyang pakialam kung mainis ito sa ginawa niya. "What are you doing?" The man's voice was different at nakakakilabot. Napakalalim ng boses nito at may kakaiba na hindi niya maipaliwanag. Naiinis man ay hindi na lang siya sumagot pa at hindi na muli iniatras ang inuupuan. "Humanap na kayo ng kapartner niyo sa project. Next week ay dapat naipass niyo na ito. Napakadali lang, baka naman deadline na ay gusto niyo pang iextend ko." Nagsusulat si Robin sa kanyang notebook ng instructions ng kanilang Professor para sa project na ipapass nila sa susunod na linggo. Kailangan nilang bumuo ng sariling kwento, isang kwentong hindi pang karaniwan. Hindi hango sa internet, iyong sariling gawa dapat. Hindi pa naman ako maalam sa pagsusulat ng storya, lalo na at tungkol pa ito sa dalawang nagmamahalan. Ano ang alam ko sa pag-ibig? Hindi ko pa iyon nararanasan. "Dahil love story ang gusto kong gawin niyo ay dapat na babae at lalake ang magkapareha." Nag-ingay ang mga kaklase niyang lalake at nagsalita ang mga kaklase niyang babae at ipinaparating ang hindi pag-sang-ayon sa naging desisyon ng kanilang Professor. Para kay Robin, kahit siya lang mag-isa ay ayos lang. Hindi na niya kailangan ng kapareha dahil kaya naman niyang bumuo mag-isa ng storya. Pero sa huli ay napa isip sya, Love story? Kwentong tungkol sa pag-ibig? sa dalawang taong nagmamahalan? "Sir paano 'yan? bunutan na lang para patas, sure kasi ako na puro magaganda lang ang pipiliin ng ibang mga lalake diyan." Suggest nang isa niyang kaklase na babae. Robin just continue writing the instructions.  "Kami pa ang sinisi, sigurado din naman na gwapo lang ang pipiliin niyo kung sakali. Sige, Sir. Mas okay nga po ang bunutan." Wika ng isa niyang ka-klase na lalake. Napabuntong hininga ang Professor at may kinuha ito sa loob ng bag. "Okay, Sige. Kung iyan ang gusto ninyo. Para na rin maiwasan ang mawalan ng kapareha." Sa akin ay ayos lang na wala akong kapareha. Mas mapapadali ang trabaho. "Kailangang nasa isang libong salita, may lima o higit pang karakter... Bawal kumuha sa internet..." Mahinang basa nya sa mga nakasulat sa pisara. Nang mapagdesisyunan ng kanilang Professor na bunutin na lamang ang magkakapareha ay inintay niyang matawag ang kanyang pangalan. Sana huwag akong mapunta sa bwisit. Baka ito pa lang ang project na hindi ko magagawa kung sakali. Nang matawag ang pangalan ng mga kaklase niya ay Isa-isang tumayo ang mga ito at hinanap ang mga kapareha. Siya't nakahalukipkip na nag-aabang na matawag ang pangalan. Sigurado naman siya na kahit sino ang ipareha ay siya lang ang gagawa ng gawain iyon nga lang sana talaga ay hindi bwisit ang matapat sa kanya, ang gagawin na lang niya ay magpiprisinta na siya na siya ang gagawa ng storya para iwas gulo at dahil din ayaw niyang may nakakasamang ibang tao.  Sasabihan na lang niya na siya na lang ang gagawa at kapag natapos na ay ise-send na lang niya sa email nito para mapag-aralan ang nagawa niyang storya. "Miss Simmonne and Mr. Goodnight" Tumayo si Robin at hinanap ang kaklaseng may apelyidong Goodnight.  Goodnight? Tama ba? Hindi pamilyar sa kanya ang apelyido kaya nang walang tumatayo ay dumiretso siya sa Professor. Sigurado ba na ito talaga ang apelyido? Goodnight?     "Kapareha siya ni Alex..." "Hay sayang naman si Alex pa naman ang gusto ko maging kapareha." "Bakit si Alex ba ang naging kapareha ni Robin?"   Napapatingin siya sa mga kaklaseng babae na nadadaanan. Bakit parang siya lang ang hindi nakakakilala sa Goodnight na yon. At sino ba ang tinutukoy ng mga ito? Nang makalapit siya sa Professor ay kinuha niya ang atensyon nito sa pamamagitan ng pagbati. Nakayuko kasi ito at busy sa pagsusulat ng pangalan ng magkakapareha para sa project na gagawin. "Sino po si Mr. Goodnight, Sir" Tanong niya sa Professor, Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay bigla itong napaatras at hindi nabalanse ang sarili kaya't bumagsak sa upuan. Napangiwi siya. Mukhang nagulat niya ang Professor. Nagtawanan ang mga kaklase niya dahil sa nangyari, Siya naman ay mariing napapikit nang makitang dali-daling bumabangon sa pagkakabagsak ang Professor. Wala naman siyang ibang ginawa at nagtanong lang naman siya, hindi niya alam na magugulatin pala ito. "Ano na naman Robin ang ginawa mo? Natakot ata si Sir sa 'yo! hahaha." Nagtawanan ang mga kaklase niya. Hindi na niya inintay na sabihin ng Professor kung sino ang Mr. Goodnight na tinutukoy nito at bumalik nalang sa silya niya. Hindi pa siya nakakaupo nang mapatingin na naman siya sa lalake na nasa likod ng upuan niya.  Nakadukdok pa rin ito at parang walang pakialam, Parang wala ito sa loob ng klase. Hindi rin niya alam kung bakit hindi naman ito binabawal ng kanilang Professor at parang hinahayaan lang na matulog ito sa gitna ng klase. Kanina pa niya kasi napapansin na natutulog lang ito habang nagdidiscuss ang kanilang Professor. Parang wala itong pakialam sa paligid.  "O-Okay Class. Gusto ko lang din i-announce na ang nabunot niyong kapareha sila nadin ang magiging kapareha niyo sa mga susunod na activity. Since hindi na ako magpapa-activity ng tatlo o higit pang magkaka-grupo. Mas maayos kasing dalawa na lang dahil na din sa nangyari last semester may mga hindi naman nakikipagparticipate at nagkakaroon ng grades. Ang dami sa akin na nagreklamo."   Mas madali nga 'yon. Mas okay na ang iisa ang gagawa. Lalo na sa kaso ko, ayoko na may nangingialam ng mga ginagawa ko. Lalo na kung ang kasama ko ay ang mga bully kong ka-klase. "Sir! Huwag naman ganoon! Nakakasawa din itong mukha ni Ralph ha!" "Wow naman, Alisa so sa tingin mo hindi ako nagsasawa sa mukha mo na 10 layer ang make-up?" "Buong semester na? Kawalang gana naman." "Class quiet! It's final. Nakapagdesisyon na ako." Maraming hindi sumang-ayon sa naging desisyon ng Professor pero sa huli ay wala nang nagawa ang kanyang mga kaklase.  Ngayon paano niya malalaman kung sino ang Mr. Goodnight na tinutukoy ng Professor? Ayaw naman niyang magtanong sa mga kaklase dahil tiyak na hindi din siya makakakuha ng matinong sagot sa mga ito. "That's all, Wala na akong ibang ipapagawa pa sa inyo dahil gusto kong mag-focus kayo sa project na 'yan. Alam kong alam niyo na ang anniversary ng Lazeu. Naghahana na rin kami para roon." Oo nga pala, nalalapit na ang anibersaryo ng academy, kaya busy na rin ang kanyang Ama. Ginagabi na ito ng uwi minsan at nakakalimutan pang tumawag kaya't sobrang nag-aalala ang kanyang Ina.     "Good bye, Class. Be safe on your way home." Hindi kaagad tumayo si Robin mula sa kinauupuan. Nakita niya kasing iniwan sa table ng Professor nila ang listahan ng magkaka-grupo sa pinapagawa nitong project. Kailangan niyang malaman ang pangalan ng kapareha para madali niyang mahanap ito. Ayaw nya rin kasing magtanong sa mga kaklase kaya't hahanapin na lamang niya ang pangalan nito baka kilala ito ni Conny.   "Ano pang hinihintay mo weirdo? Bakit hindi kapa umaalis? Ano pa ang gagawin mo dito? Gabi na oh.. Baka mapahamak ka." Tanong sa kanya ng isang kaklaseng Babae. May natira pa pala sa mga ka-klase niya. Mapula ang mga labi nito dahil sa kilalang brand ng lipstick na gamit,  lalo na ang pisngi, humahabol sa pula ng mga labi, Kulot ang buhok nito sa ibaba, Maigsi ang skirt at nakabukas ang unang butones ng blouse.  Hindi sumagot si Robin nang tanungin siya nang babae, Tumayo siya para pumunta sa harapan at upang tingnan ang listahan ng mga magkaka-grupo sa kanyang paglalakad ay bigla nalang siyang pinatid ng babae nang dumaan siya sa harapan ng mga ito. Nadapa si Robin at tumama ang ulo niya sa dulo ng mesa, Nagtawanan naman ang mga babae na naiwan at umalis na ang mga ito sa loob ng Classroom. Hindi kaagad nakatayo si Robin dahil sa hilo na kanyang naramdaman. Nang tatayo na sana ay bigla nalang may tumulo na nanggaling sa kanyang ilong. "s**t. Kapag minamalas ka nga naman." Dumudugo ang ilong niya. Robin take out her handkerchief at itinakip agad sa kanyang ilong para mapatigil ang pagdurugo, akmang Tatayo na sana siyang muli nang biglang may dalawang pares ng mga kamay ang naramdaman niya sa kanyang magkabilang balikat. Tinulungan siya nitong makatayo. Nang tingnan ni Robin ang taong tumulong sa kanya ay ito ang lalakeng nakaupo sa likuran niya. Ito iyong lalake na pinagtripan siya kanina! Nagtama ang kanilang paningin at napaawang ang mga labi niya ng makita ang kulay asul nitong mga mata. Ang ganda, nakakamangha ang mga mata nito. Ang tingin nito ay kasing lamig ng yelo. Walang emosyon na makikita sa mukha nito. Nakatingin lamang ito sa kanya na parang may hindi siya magandang ginawa. The man look at the blood on the floor, Hindi niya alam kung bakit parang iritado itong nakatingin doon.  "Wait me here." Sabi nito sa kanya at umalis sa harap niya. Para itong iritado sa nakita. Ayaw ba nitong nakakakita ng dugo? Takot ba ito sa dugo? Sa klase ng itsura nito kanina habang nakatingin sa sahig ay mukhang hindi nito gustong nakakakita ng dugo. "T-Teka.." pahabol niya ngunit nawala na ang lalake sa harapan niya. Iniwan siya nito doon, Robin sit on her chair at itiningala niya ang kanyang ulo para hindi na tumuloy pa ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang ilong. Napapikit na lamang siya ng maalala ang dahilan ng pagdurugo noon. Those girl did it on purpose. She knows that of course. Hindi na dapat ibintang pa dahil alam naman niyang sinadya nito ang pagpatid sa kanya sa klase pa lamang ng tawa ng mga ito.  Sanay naman na siya sa ganoong klase ng mga babae. Simula 1st year college ay hindi na siya tinigilan ng mga ito sa pambu-bully. Hindi niya alam kung bakit minsan ay siya ang napipili ng mga ito na pag-tripan. Hindi nga niya alam kung ano ang nasa isip ng mga ito at kung ano ang dahilan. Narinig lang niya minsan na "Malas" daw siya. "Mag-aalala si Mom kapag nalaman niya ito."  Ito pa naman ang isa sa iniiwasan niyang mangyari. Ang mag-alala ang kanyang Ina kaya kahit madalas siyang ma-bully ay itinatago niya ito sa mga magulang. Ayaw niya ang mga ito na mag-alala. "Here." Sa gulat ni Robin ay nabitawan niya ang panyo na nakatakip sa ilong at nalaglag iyon sa sahig. Hindi manlang niya narinig ang mga yabag ng lalake o ang pagbukas manlang nito ng pinto. Walang ingay na bigla nalang itong sumulpot sa gilid niya.  "Do you drink coffee?" Pinulot ng lalake ang panyo at agad na ibinalik sa kanya. She rolled her eyes about what he said. Oo umiinom siya ng kape pero hindi madalas. At alam niya ang ibig sabihin ng sinabi nito. "Use this. Ilagay mo sa parteng tumama." Ibinigay nito sa kanya ang cold compress na taban. Hindi naman siya makapaniwala na kumuha ito noon para ibigay sa kanya. Nang titigan lamang niya ang iniaabot nito at nang hindi kunin ay ito na mismo ang naglagay sa parte ng kanyang ulo na tumama sa table kanina.  "A-Ako na." Sa hiya at sobrang lapit nito ay kinuha niya ang cold compress at siya na ang nagdikit mismo sa ulo nya.  Naaamoy niya ang panlalakeng pabango nito at hindi niya alam kung bakit iba ang dating nito sa kanya. Ang gaan sa ilong at gustong-gusto niya ang amoy. Iniiwas niya ang tingin sa kaklase dahil hindi niya matagalan ang klase ng tingin na ibinibigay nito. Hindi naman pala ito masamang tao. Mabait naman pala ito kahit na kanina ay hindi siya pinansin nang matamaan siya ng mansanas sa ulo.  Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin umaalis ang lalake, nang tingnan niya ang baba na pinaghulugan niya kanina at kung saan tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong ay nagulat siya ng wala na ang ilang patak ng dugo mula roon. Nilinis niya? pero... hindi ko nakita... "When we will begin to make the story?" Naagaw ang atensyon ni Robin na nakatingin sa ibaba ng biglang magtanong sa kanya ang kanyang ka-klase.  Hindi kaagad nakuha ni Robin ang sinabi nito, kaya't nang tumayo ito at may kinuha sa table ng teacher ay napangiwi na lamang siya.  "Siya ang partner ko." "I am Alexander Mitchell Goodnight, your partner. So when we will begin the story?" Ito iyong may weird na apelyido? Siya yung magiging kapartner ko sa buong sem kapag may activity? Hindi ko ata siya matatagalan kasi naiinis parin ako sa ginawa niya kanina kahit na tinulungan niya ako ngayon. Hindi alam ni Robin kung bakit bigla nalang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng lalakeng kaharap. Ang kaninang walang emosyong mukha nito ay napalitan na. Tumaas ang sulok ng itaas ng labi nito at biglang naupo sa tapat niya. "So, are we going to make the story in your place... or in my place?" Bigla siyang napatayo sa tanong nito. Hindi niya inaasahan ang tanong nito. Wala din siyang balak na pumunta sa lugar nito! Kung gagawin man nila ang project ay sa Academy na lang at hindi na sa lugar niya o sa lugar nito! And then she remembered something. Iyong naisip kanina na maaari naman na siya lang ang gumawa at hindi na ito. "M-Mr. Goodnight. It's okay kung ako na lang gagawa ng story. Sasabihin ko na lang sayo kapag tapos na. Maaari ko naman i-send through email ang matatapos ko. You don't need to help me from making the story. Hindi ka naman mahihirapan, I am willing to do the story alone you just have to learn everything when I finished making- "But it is a group work and I should help you." Napatingin si Robin dito nang magsalita ito, lalo na sa mga labi nito, Iyon ang isa sa napansin niya kanina nang bigla nalang itong malaglag sa harapan niya para pulutin ang mansanas.  Parang napaka imposible sa isang lalake magkaroon ng ganoon kapulang mga labi. Kakaiba ang pagkapula ng mga labi nito. Parang kapag kinagat pa ay magiging kasing pula na ng mansanas. His lips looks different..  "Did my lips bothers you?"  Nanlaki ang kanyang mga mata sa biglaang tanong ng kaharap,  Sa gulat dahil sa tanong ni Alexander ay naibaba niya ang cold compress at kaagad na kinuha ang bag at binitbit. Hindi niya maiwasan hindi pamulahaan ng mukha dahil tama ito ng sinabi.  "Hmm?" Umiling si Robin sa harap ni Alex, ang huli ay humalukipkip lamang. What was she thinking! Nasa harapan niya ito at ganoon ang nasa isip niya? Seriously? Ganoon ba siya kamangha sa mga labi nito? "W-What are you saying? A-Alis na ako. Pag-usapan nalang natin bukas ang tungkol sa project. I-Isa pa madali lang naman ang gagawin."  Pagkasabi ni Robin non ay iniwan na niya si Alexander sa classroom.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD