Chapter 13

1393 Words
Wala pa naman talagang plano si Liljin kung paano niya gagawin na agawin si Randolf kay Harvey, pero dahil kailangan niyang gawin at hindi siya maaaring pumalpak ay kailangan niyang mag-isip ng mabuti. Gusto sana niyang humingi ng tulong kay Nikki pero hindi naman niya maaaring sabihin dito ang kasunduan nila ng mga magulang ni Randolf. Habang naka-upo siya at nakaharap sa salamin sa pader ng kwarto niya ay napabuntung-hininga na lamang siya. “Ang usapan naman paibigin lang at hindi agawin. Hay naku, pahirap yata ng pahirap ang trabaho ko ah,” sabi niyang nakatitig sa sarili niya. Inilugay niya ang kanyang buhok at sinuklay pero kahit ilang beses niya itong suklayin ay hindi ito matuwid. Permanente na yata ang baywang ng buhok niya dahil lagi itong nakatali. Kailangan kasi iyon sa trabaho niya. Itinali na lang niyang muli ang buhok at nagpalit ng t-shirt. Lumabas na siya ng kwarto. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig bago umalis at nakita niya doon si Nikki. “Sabihin mo nga sa akin Niks, itong hitsura ko ba pwede nang mang-agaw ng boyfriend?” seryosong tanong niya dito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. “At kaninong boyfriend naman ang aagawin mo?” “Eh di doon sa bwisit na gusto ko nang itulak sa bangin kung pwede lang,” nanggigigil na sabi niya. Tinitigan naman siya ni Nikki na waring nag-iisip. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Alam mo girl, kung plano mong mang-agaw ng boyfriend kailangan unang tingin pa lang sayo pak na pak na, eh iyang itsura mo ngayon,” itinuro pa siya nito mula ulo hanggang paa, “mas mukha ka pang boyfriend kaysa sa mang-aagaw ng boyfriend.” “Ay grabe din iyong panlalait mo, wagas.” “Eh totoo naman.” “Ano ba kasing hitsura nong pak na pak?” seryosong tanong niya. Inakbayan siya nito at tumingin sa kisame. Tumingala din siya at wala naman siyang nakitang kakaiba doon. “Ako’ng bahala sayo girl,” tatangu-tangong sabi nito. Pumasok sila sa kwarto niya at ni-raid ni Nikki ang cabinet niya. “Girl, pare-parehas lang ang damit mo, iba’t iba lang ang kulay, tsaka puro maong pants. Wala akong mapili dito,” disappointed na sabi nito. Dumako ang tingin nito sa mga paper bags na nasa baba ng kama niya. Sumilay ang ngiti sa labi nito. “Oo nga pala, ipinag-shopping ka ni madam. Tingnan natin ang laman ng mga iyan.” Binuklat nito lahat ng paper bags at inilagay ang mga laman sa ibabaw ng kama niya. “Ang dami palang laman ng mga iyan,” comment niya. “Talaga? Ngayon mo lang nakita kung anong laman ng mga ‘to? As in hindi mo binuksan?” parang galit ang tonong sabi nito. “Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng mga ganito tsaka mag-make up,” sabi nitang itinaas pa ang isang dress. Si Nikki naman ay halatang excited sa mga iyon, “Sosyal naman nito...,” sabi nito habang tinitingnan ang mga pang-make up, “mamahaling brand kaya ang mga ‘to.” “Sige na Niks, ano bang una nating gagawin, baka kasi pagpunta ko sa club wala na akong maabutan,” pagmamadali niya dito. “Okay sige, i-try mo ‘to.” Iniabot nito sa kanya ang isang dress na kulay navy blue at may print na mga bulaklak, short-sleeved ito at hanggang tuhod niya. Pumasok siya sa CR at doon nagpalit ng damit. Paglabas niya ay tiningnan siyang mabuti ni Nikki. “Hmm…,” sabi nitong inilagay pa ang isang daliri sa pisngi na parang nag-iisip. “Hindi pwedeng pang club.” Hinalungkat nito ang mga damit at kinuha ang isang high waist na black shorts at isang puting vintage top. Nagpalit kaagad siya ng damit at paglabas niya ay ipinakita niya kaagad kay Nikki. “Ahm, Nikki, mataas na itong shorts pero itong damit,” sabi niyang pilit itong hinihila pababa, “bakit ang igsi, maluwag naman kaso maigsi talaga at kapag itinaas ko ang mga kamay ko,” itinaas niya ang dalawa niyang kamay, “kitang-kita na ang kaluluwa ko.” “Loka, ganyan talaga iyan. Ang ganda nga eh, bagay sa’yo. Maupo ka na dito at aayusin ko na iyang buhok mo.” Naupo siya at humarap sa salamin. Tinanggal ni Nikki ang tali ng buhok niya at sinuklayan siya. Nagpaalam itong lalabas saglit at pagbalik nito ay may dala itong electric hair curler. Sinimulan kaagad nitong kulutin ang dulo ng buhok niya. Pagkatapos ayusin ni Nikki ang buhok niya ay nilagyan naman siya nito ng make up. Halatang sanay na sanay ang mga kamay nito sa paglalagay ng make-up dahil mabilis itong natapos. Pinatayo na siya nito at tiningnan ang kabuuan niya. “May kulang pa,” sabi nito nang makita ang mga paa niya. Kinuha nito ang isang platform wedge shoes na kulay pula ang straps at ipinasuot sa kanya. “Hayan, perfect na,” malaki ang ngiting sabi nito. Sinubukan niyang maglakad, mataas ang sapatos pero awa ng Diyos ay hindi naman siya nadadapa. Humarap siya sa salamin at tiningnan ang hitsura niya. “Ako ba talaga iyang nasa salamin?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Nikki. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi niya. Bagay pala sa kanya ang nakalugay ang buhok at kulot ang dulo. “Oo, ikaw talaga iyan. Inilabas ko lang naman ang tinatago mong ganda girl,” sabi nitong inakbayan pa siya. “Ang ganda ko!” Niyakap niya ito sa tuwa. Ngayon lamang niya nakitang ganoon ang sarili niya. “Thank you!” “Sige na, mang-agaw ka na ng boyfriend. Go girl!” sabi nitong pinalo pa siya sa pwet. Nagmadali siyang lumabas ng mansyon at sumakay ng sasakyan na kanina pa naghihintay sa kanya. Naabisuhan na ni madam ang driver kaya alam na nito kung saan sila pupunta. Kinakabahan pa rin si Liljin kahit hindi naman iyon ang unang beses na pupunta siya sa club na iyon. Humugot na lang siya ng malalim na hininga at kinuha sa dala niyang maliit na sling bag na itim ang pressed powder. Binuksan niya iyon at tiningnan ang mukha niya sa salamin. Ibang-iba na ang hitsura niya sa unang beses na nagpunta siya. Hindi kasi siya handa noong una. Ngayon ang pakiramdam niya ay sasabak siya sa giyera na may dala na siyang sandata. Nginitian niya ang sarili. Kaya mo iyan! Huminto na ang sasakyan, “Nandito na tayo,” sabi ng driver. “Okay, kuya. Huwag mo na akong hintayin kay Randolf na ako sasabay pauwi,” sabi niyang parang siguradong-sigurado na sasama na ito sa kanya ngayon. Bumaba na siya ng sasakyan, ngumiti at confident na naglakad papasok ng club. Binati siya ng guard. Bumati siya pabalik dito pero hindi siya tumingin sa nilalakaran niya kaya natakid siya. Muntik na siyang masubsob sa sahig, mabuti na lamang at may sumalo sa kanya. “Miss, are you okay?” tanong nito. Tiningnan niya ito. Napatitig siya dito, tall, dark and handsome at matangos pa ang ilong. “Are you okay?” muling tanong nito na nagpabalik sa ulirat niya. “Y-yes, okay…okay lang ako.” Hindi ka nagpunta dito para lumandi, Jin! Pinagalitan niya ang sarili. “Be careful,” paalala nito at binitiwan na siya. “Yes. Thank you,” sabi niya at nagpatuloy sa pagpasok sa club. “Epic fail pa ang entrance ko ah,” sabi niya sa sarili. Lumapit kaagad siya sa bar tender na siya ring pinagtanungan niya kagabi. “Hi Mister Bar Tender!” bati niya. “Natatandaan mo ba ako?” Tiningnan siya nito at parang kinikilala siya. “Hindi ako sure Miss.” “Ako iyong girlfriend ni Randolf, iyong kaibigan ni Harvey.” “Ah,” sabi nitong natandaan na siya. “Nag-iba kasi ang hitsura mo.” “Oo nga eh, ganito talaga ako. Iyong kagabi medyo haggard lang. Itatanong ko lang kung nandoon na sila sa taas.” Tumuro pa siya sa second floor. “Oo. Kanina pa sila doon.” “Okay, thank you.” Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdanan. “Ang hirap naman nito, nakakapagod umakyat. Ang sakit sa legs.” Nang makaakyat na siya ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Randolf. Nakita niya ito sa pwesto din nito kagabi at kasama pa rin nito ang dalawang lalaki na kasama nito kagabi. Silang tatlo lamang ang nakaupo doon at wala ang dalawang babaeng kasama ng mga ito. Habang naglalakad siya papalapit sa mga ito ay tumingin sa kanya si Randolf. Nagtama ang mga mata nila. Huminto siya sa harap ng mga ito. Nakatingin sa kanya ang tatlo at nakanganga pa ang isa habang titig na titig sa kanya. Hindi niya inalis ang tingin niya kay Randolf at hindi rin nito inalis ang tingin sa kanya. “Hi boys.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD