13
IT IS almost sunset, but the scenery is perfectly beautiful, the golden orange skies, birds now finding where to sleep at the coming night, flowers that seems to shine from the golden orange rays of the setting sun, butterflies and the splendid fountain that makes the whole scene beautiful and perfect for my subject.
Natatawa kong hinawi ang mahaba kong buhok na halos takpan na ang mukha ko sa ginagawa ko, muntik na akong matawa ng makita ko ang dalawang ibon na nagtutukaan, opps. 'Yun naman talaga ang tamang term 'dun eh. Biruin mo, sa harap ko pa talaga, nananadya ata itong mga ibon na 'to.
Three hours sitting in this bench waiting for this beautiful scenery isn't a joke. Halos makatulog na ako, pero worth it naman dahil nai-painting ko pa rin. Isa pa, para naman hindi ko makita ang Mike na 'yun. Nakainom tuloy ako ng wine sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Nakakahiya pa, dahil naibuga ko sa harap nila.
Napatingin ako sa puti kong dress, malinis naman 'to, hindi naman nalagyan ng pintura. Buti na lang talaga, marunong akong mag-painting, kung hindi, makikita na lang nila kinabukasan ang katawan kong nakasabit sa chandelier sa loob ng living room, joke lang, parang ang pangit naman ng paraan ng pagka-chugi ko sa ganon.
"Lady Michaella, the young master expect your presence in the dining this dinner." I almost rolled my eyes.
So, the great and mighty Isaiah's now here. Nakakatuwa naman. Pero bakit bigla akong kinabahan? Ano ba naman 'tong pusong 'to, gusto na atang lumabas sa rib cage ko.
"Hmm? 'Ganun ba? By the way, where's Chase and Mike? I wanna chit chat with them." Tamad kong tanong sa isang men in black na lumapit sa akin.
Napaawang ang labi nito at mabilis na lumunok.
"Um...they're with the young master Isaiah, lady Michaella."
"Ayy. Pwede bang papuntahin mo sila dito sa garden kapag tapos na silang magusap?"
"I will try."
"Okay. Thank you. You can leave me for a while, I wanna be alone. Don't worry, 'di ko kayo tatakasan." Taboy ko at ikinumpas pa ang kanang kamay para paalisin ito.
"All right."
Takte lang talaga, bakit hindi tumigil sa pagpintig ng malakas ang puso ko, talagang ipapahamak pa ako.
The sun already set but I'm still watching the beautiful scene in front of me. Pinaligpit ko na rin sa mga men in black ang mga ginamit ko sa pagpi-paint. Ayos din pala, dahil hindi ko na kailangang tumawag ng katulong o kaya naman gawin kong mag-isa. May advantage din pala ang may sunod ng sunod sa'yo.
But Mike and Chase still nowhere to be found. The two men in black from earlier na naka-usap ko lang ang nakita ko.
Pinaglaruan ko ang kulot na dulo ng buhok ko, minsan talaga nagtataka ako, kanino ko kaya minana 'tong buhok na 'to. Straight naman ang buhok ni Nanay, but, maybe from my Tatay, kaso hindi ko na siya nakita pa.
I want to visit Nanay from the cemetery but I don't know where, at ang masaklap pa, habang pinaglalamayan siya, ako naman muntik ng paglamayan dahil sa pagkakadampot sa akin ni Isaiah. Ang ironic lang di'ba?
"Hey, lady Michaella, it's already 6:32 in the evening, kailangan mo na daw pumasok."
Napa-igtad ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. I automatically smiled, Chase and Mike are here with thier usual full black attire.
"Mamaya na. Saan pala kayo pumunta?"
"Oyy, si lady. Namissed kami." Sinundot pa ni Mike ang tagiliran ko at hindi ko mapigilang mapatawa.
"Hoy, tigilan mo nga 'yan. Malakas ang kiliti ko diyan."
"Haha. Ang ganda mo pala lady Michaella kapag tumatawa." Naulinigan ko ang lungkot sa boses ni Chase ng sumingit siya sa asaran namin ni Mike.
"Sus. Mambobola."
"Hindi naman po. Marunong lang po akong gumawa ng bata pero ang mambola, 'di ko kaya."
"'No konek?" Natatawa kong biro.
"Hoy, kayo ha. Talaga bang wala kayong relasyon? Parang ang close-close niyong dalawa eh." Biro ko na may halong katotohanan. Halos araw-araw kasi palagi ko silang nakikitang magkasama. Hindi naman sa nagdududa ako sa kasarian nila. Pero parang ganun na nga. Haha.
"Huh, kami? Lady Michaella. For the information of all, we are actually brothers. "
Natameme ako at mabilis na tumikhim.
"Hehe. Sorry. Pero, magkapatid talaga kayo? Eh, ang galing. Sayang, gusto ko rin sana ng kapatid." Malungkot kong tugon at pinagmasdan kung paano ilipad ng hangin ang mga bulaklak.
"Masyado na ba akong malas? Hay naku, kapag nagkataon talagang nakatakas ako dito, o sa inyo, gagawin ko kayong lahat na lechon, para naman maranasan niyo ng literal 'tong paghihirap ko."
This time, seryoso na ang aking mukha. Ayaw kong ipakitang nasasaktan ako, gusto ko makita nilang isa akong malakas na babae para naman hindi nila ako pagtulungan.
"Hala! Seryoso?" Tanong ni Chase na may nanlalaking mga mata. Lalong nagpatingkad sa kakisigan niya ang tatoo na nasa braso niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig dito.
"Seryoso. Bakit, sa tingjn niyo ba mahina ako?"
"Of course not, pero parang hindi mo kasi kayang gawin 'yun." Segunda ni Mike na nakabawi na sa pagkabigla sa mga sinabi ko.
"Okay, okay. Para naman kayong mga naluging baka, papasok na nga ako. Baka mapaguntog ko pa ang mga ulo niyo." Sabay dampot ng ipinaint ko at mabilis na nagdire-diretso palabas ng garden.
"Wow. Ang ganda naman niyan! Can we see it?" I almost rolled my eyes when Mike walked beside me.
"Bawal. Para lang 'to sa magiging asawa ko." Biro ko at halos matawa ng sumimangot ito.
"Anong asawa ang naririnig ko?" At ayan na naman si Chase na tumabi naman sa akin at inakbayan pa ako. Wow. Bodyguard na umaakbay sa binabantayan. Galing.
"Woy. Kamay mo pre. Baka gusto mong 'yan ang una kong lechonin." Matabang kong wika at pilit inaalis ang matitigas niyang braso sa leeg ko.
"Maya na. Wala naman si young master. Hehe."
"Ano naman ang paki ko 'dun?"
"Wala. Baka kasi siya pa ang maunang mag-lechon ng braso ko."
"Aba't, pilisosopo ka ah."
"Lady Michaella!"
Sabay-sabay kaming napatingin sa malakas na tumawag sa akin. Ito iyong colonel ah. Bakit na naman ba?
"Sir." Sabay na wika ng dalawa kong katabi habang pormal na ang tindig at inalis na ni Chase ang braso niya sa leeg ko. Balak ata akong sakalin eh.
"Major Chase, can you please report to the headquartes tonight? I'll be very busy, and you Major Mike, stay by Lady's side and accompany her to her room. Understand?"
Sabay ding sumaludo ang dalawa at maayos na naghiwalay.
"Um. Mike? Bakit kailangan mo pa akong ihatid sa kwarto? Kaya ko naman na." Mahina kong saad ng makapasok na kami sa main door.
"Kailangan kasi. May mga katulong kasing maga-ayos sa'yo, baka raw itakas ka sabi ni young master."
"What the? Itakas? Katulong? Akala ko ba nasa bakasyon sila?"
"Iyong iba lang. Bumalik kasi ang iba dahil pinabalik ni young master.
"Ang sama naman niya."
"Yeah. That's life. I was really thinking, how would you look if they'll fix your hair and your face? Hmm?"
"Woy. Para namang sira ang mukha at buhok ko para ayusin."
"No. What I mean is, make-over."
"Make-over! Ako?" Nanlalaki ang mga mata ko at mabilis na kumapit sa damit niya.
"Yep."
"Pero, ayaw ko. Gusto ko natural lang. Bakit? Para saan naman ba ang make-over chuchu na iyan?"
"For the dinner, lady Michaella."
"Dinner lang pala! Kailangan pa niyan! 'Wag na lang."
Bigla akong napatigil sa pagpasok sa living room ng makita ko si Isaiah na prenteng naka-upo sa pang-isahang sofa habang naka-dekwatro ang mga paa at may kung anong pinapanood sa Apple laptop niya na nakapatong sa center table.
Muntik pa akong mabundol ni Mike pero mabilis akong naka-iwas. Naramdaman niya atang may tao kaya nag-angat siya ng tingin.
My heart stopped beating for a second. I think mamamatay na ako dahil sa kaba at nagpapawis na rin ng malamig ang katawan ko. Takte.
"Young master." Biglang yumuko ng bahagya si Mike sa tabi ko at mabilis na hingip ang braso ko.
"Ano?" Mahina kong bulong.
"Give respect." Mahina din nitong tugon. Para kaming mga timang dahil nagbubulungan kami.
Inikutan ko siya ng mga mata.
"Paki ko. Sino ba siya para bigyan ng galang?" Ah, alam ko na hari ng mga demonyo.
"Major Mike. Glad to see you here."
"Young master, I'll just bring her upstairs."
"Sure." Hindi manlang niya ako nilingon dahil bumalik na siya sa panonood. Hindi ko namalayang halos hatak-hatak na pala ako ni Mike paakyat sa grand staircase at halos kaladkarin na ako papasok ng kwarto. Well, I changed my room, at wala akong pakialam kahit na pangit man ito, pero wala namang pangit na kwarto dito sa mansion, the maids' quarter have an AC too. Sa'n ka pa di'ba?
"There, your clothes are already set. Nasa kama mo na." Sabay sara ng pinto sa mismong mukha ko. Nakakagigil. Bakit kailangan pa 'to. Ano bang meron?
I looked at my bed and there, andun na nga ang isang victorian gown na halos napalalamutian ng mga white crystal beads. What the?
Party ba ang pupuntahan ko? Eh dinner lang naman sa hari ng mga demonyo. Sabagay, hari nga pala ang kaharap ko. Tsk.
Medyo maliit ang kwartong pinili ko, but the interior still screams elegance and the walls are fully furnished with white and lavender pink paint. Babaeng-babae naman 'to.
I looked at myself in the vanity mirror and almost sighed when my hair are totally messed and my dress, gusot-gusot na.
Nagugutom na rin ako! Nasa'n na nga pala ang mga pinalabili ko sa mga men in black kanina? Mamaya ko na nga poproblemahin 'yun. Takte, kailangan ko nang maligo.
AFTER the long bath, dahil sadya ko talagang pinatagal, naabutan ko na ang tatlong babaeng kasalukuyang inaayos ang mga different set of make-up sa harap ng vanity mirror. They are all wearing formal dresses. Akala ko ba mga katulong 'to?
I shooked my head and literally opened and closed my mouth when they took off the bathrobe covering my body. What the hell is this? Pucha, hindi naman sinabi ni Mike na parang pang-porno 'to. Iyong kulang na lang ang bidang lalaki na lalapit sa akin, tapos...
I suddenly bit my lower lip from the thought. Anong pang-porno? Umayos ka nga Michaella!
"Anong meron! Teka, 'wag niyong sabihing rarapin niyo ako?" Taranta kong hinatak pabalik ang bathrobe ko at itinakip sa hibad kong katawan. Nakalimutan ko kasing magdala ng underwear sa banyo kaya naman ganito ang kinalabasan
"Lady Michaella, young master told us to dress you up for the dinner. So please, cooperate with us, it's not an easy job." Mataray na wika ng naka-blonde ang buhok na parang sinalpakan ng espasol sa puti ng mukha. Yuck!
"Pucha naman oh! Ayaw ko nang matataray na maid! Kung tatarayan niyo rin lang ako, layas! 'Dun kayo sa mga aso sa lansangan, sila ang ayusan niyo, baka sakaling matuwa sila sa mga kalahi nila!" Mataray ko rin itong tinitigan at inirapan.
At dahil nasindak ata sa akin. Sabay-sabay silang umatras.
"For your information, kaya ko ang sarili ko! Iwan niyo 'yang make-up chuchu dito, ako na ang bahala! Labas!" Parang aso ko silang pinalabas at hindi na hinintay pa ang paliwanag ng dalawang mukhang mabait dahil pinagsarhan ko na sila ng pinto! Balahura!
"I can manage. Hindi ko kailangan ng mga aso sa paligid ko." I whispered in the air.
Matapos ang mahigit kalahating oras, tapos ko nang ayusan ang sarili ko. Kinulot ko pa ang dati nang kulot na dulo ng buhok ko at mas pinatingkad ang shape ng mukha ko. Gumamit din ako ng dark red na lipstick at inilugay ko lang ang mahaba kong buhok.
The victorian gown suits me well. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang repleksiyon ko sa salamin. This is heaven!
The gown follows every curve of my body. Nakakatuwa, dahil kahit anong gawin kong lamon this past few weeks, hindi man lang ako tumaba. Perks of having a 'blackhole' in my stomach. Haha.
I was about to open the door when a soft knock disturbed me.
Marahan ko itong binuksan. It was Mike.
He looked astonished when he saw me, nakanganga ang bibig niya. Takte, nahihiya ako.
"Well, you looked beautiful lady Michaella." Bahagya pa itong yumuko at nag-bow.
Natatawa kong tinapik ang nakayuko nitong ulo.
"Wala akong panyapak." Nakanguso kong wika. Sino ba ang nagbigay sa akin ng gown na 'to? Hindi na isinama ang heels. Kaimbyerna naman.
"Oh! Wait, the prince is coming."
At halos lumuwa ang mata ko sa nakita.