Chapter Twelve

2004 Words
12 NEVER IN my life with Nanay I experienced hell. And never in my dream I will experience it. Walking down my memory lane, I was a very lucky girl with so much love from a mother. Na kahit hindi kami mayaman, nagagawang ibigay ni Nanay ang mga gusto ko, but I'm not spoiled like any other only child. Hihingi lang ako ng alam kong kaya niyang bilhin. Nanay always tells me that I should be brave in overcoming challenges in my life, she always cuddles with me everytime I'm waking because of a nightmare, she'll always comb my hair and prepare me foods, and all that was like a beautiful nightmare to me. Dahil kahit kailan hindi ko na ulit mararanasan 'yun. How unlucky am I? I sighed and looked at the beautiful scenery in front of me. Nasa garden ako ngayon. Halos magda-dalawang linggo na matapos ang naging sumbatan portion namin dito sa mansion at simula 'nun, hindi ko na nakita ang pagmumukha ni Isaiah, even his friends, lalong-lalo na ang magandang mukha ng babae na hindi mawala-mawala sa isipan ko simula ng makita ko kung paano siya hapitin at halikan ni Isaiah. I suddenly shooked my head, I should not think of that. Napangalumbaba ako dito sa isang wooden table na kaharap ng isang bahagi ng garden na nasa may sulok, hindi kaaagd makikita nang kung sino mang papasok dito sa garden. 'Yun talaga ang plano ko, ang magtago, lalo na sa mga magda-dalawang linggo na ring sunod ng sunod na mga men in black sa akin. I think they are almost ten. "Makikita mo, makakatakas din ako." Tamad na tamad kong bulong at iniyuko ang ulo. Nakakapanibago lang, parang wala akong nakikitang palakad-lakad na mga katulong ngayon, samantalang 'nung nakaraan, halos ata lahat ng tao dito sa pesteng mansion na 'to, binabantayan ako. Nakakaloka. "Nakaka-bwesit talaga ang araw na 'to. Parang ang boring, walang mapag-kaabalahan." A second passsed when an imaginary bulb lights inside my head. Alam ko na, magpapa-bili na lang ako ng mga gamit sa pagpipinta para magkaroon naman ng kabuluhan ang buhay ko. Imagine, I am like a princess locked inside a palace, pero parang ang lakas naman ata ng amats ko para maging prinsesa. For almost two weeks, hindi lang men in black ang araw-araw kong nakikita, dahil pinadagdagan ba naman ni Isaiah ang security sa loob ng mansion dahil ang dating security team ay isa lang na binubuo ng sampu, ngayon ginawa na niyang tatlong team, at bale 30 na lahat ang paikot-ikot sa loob nitong mansion maliban sa mga nagbabantay sa akin na nine atang men in black. Wow. Para akong politician na dapat bantayan dahil malaki ang nagawang kasalanan sa sambayanan. Hallelujah! Silently, I got up from the wooden bench. Pinagpag ko muna ang kulay puti kong dress na natatakpan ang tuhod ko, it is a long-sleeves dress with a cute hole in the side of my waist. Nakakatuwa, malamig sa pakiramdam dahil exposed ang kaliwa kong bewang dahil sa butas na 'to. And as I passed by at the corner of the garden, five men already surrounds me like I am going to escape. Ayaw ko pang mamatay, ang lalaki kaya ng mga baril nila. Napailing na lang ako at naghanap ng kahit isang katulong na pwede kong utusan, at subukan lang talaga ako nitong sungitan, makikita niya. "Where's the maids?" Taka kong baling sa katabi kong lalaki na diretso ang tingin. "At their vacation, lady Michaella." Aba, iba din, lady daw. "Bakasyon? Bakit walang pasabi? Eh 'di wala pala akong mapagu-utusan?" "There's my men, lady. You can command them." Napalingon ako sa lalaking nasa unahan. Um? "Talaga? Silang lahat?" "No, lady. Just one of them." Aba, galing, parang mamimili lang ng paninda ah. Tumigil ako sa paglalakad at nilagay ang kamay ko sa baba ko at umaktong nagi-isip. "Pwede bang kayong lahat na lang?" "Why lady? Marami ba ang iyong iuutos?" Pucha, marunong naman palang magtagalog. "Hindi naman. Gusto ko lang kasing lubayan niyo muna ako, kahit one minute lang?" Hinimas-himas ko pa ang baba ko at tiningnan sila isa-isa. "My men will surely oblige on what you will command, lady Michaella. But, only half of them can, the other half will remain to guard you." "Ha? Parang walang sense." Lutang kong sagot at tumango-tango. "Wait, pwede ba talaga kayong sumunod sa ipagu-utos ko?" Dugtong ko. "Yes, of course. Young master Isaiah deployed us here to guard you and to obey what you command." Gusto kong tingnan kung seryoso ba ang security team leader nila kaso naka-shades sila ng black. Parang 'yung mga bulag lang na masasalubong mo. "Oww. Hmm, pa'no kung sinabi kong lubayan niyo 'ko?" "That's not included lady Michaella." "'Yun naman pala eh." Pinitik ko pa ang mga daliri ko at naglakad na lang papasok sa main door. Nakakagigil ang mga 'to. "Aren't you not going to command my men, lady?" Aba't ang gago, nakasunod na naman. "Tsk. 'To na nga. Pwede bang bilhan niyo 'ko ng mga painting materials, tapos isang buong lechong manok, sampung apples, limang oranges, tapos, alam niyo 'yung kwek-kwek, bilhan niyo 'ko ng benteng piraso 'nun, tapos isang family size na spaghetti sa Jollibee, tapos, isang kilong paa ng manok." Natatawa kong tugon. Hindi naman nila lahat matatandaan 'yun eh. Ang dami kaya ng mga binanggit ko. "Is that all, lady Michaella?" Kaso, mali ata ang tingin ko sa kanila dahil mukhang na-record ata nila lahat ng sinabi ko. Pucha. "Oo! Bakit aangal kayo? Kung may angal, eh 'di iwan niyo na ako." "No worries, lady. My men will buy what you want." "Okay. Akala ko kasi may angal, teka, may pera kayo?" Kinamot ko pa ang nangangati kong noo at inayos ang lumilipad na laylayan ng dress ko. "Yes, of course. We'll go now, lady Michaella." Nagtaka ako dahil nahati sila sa dalawa, tapos 'yung apat sa kaliwa, lumakad na paalis, 'yung apat naman sa kanan, pumunta sa magkabilang gilid ko at sinabayan na ako sa pagpasok. Hindi ko na sila pinansin at nagtuloy-tuloy sa kusina. Ito ang gusto ko, nakakain ko na ang gusto ko ng walang hadlang na malaking mukhang demonyo. Pagkarating ko sa kusina ay tumuloy ako sa malaking refrigerator at pabalang itong binuksan. Pakialam ko kung masira, maganda nga, para mabawas-bawasan naman ang pera ni Isaiah pambili ng kapalit. Kumuha ako ng isang galon ng ice cream at pabagsak din itong sinara. In fairness, araw-araw bago ang stocks ng food. Umupo ako sa malaking upuan paharap sa pinto ng kusina at hinarap ang apat na kapwa nakatayo malapit sa akin. Umiling-iling ako at kumuha ng limang mangkok at limang kubyertos. Dapat sa kanila, pinapalamig ang ulo, mukha kasi silang maagang maha-highblood dahil sa kaseryosohan. "Teka, asan ang isa?" "Colonel's on the front gate talking to the security there." Mababang sagot ng isa sa kanila. Kaya naman pala. Pinaghiwa-hiwalay ko ang limang mangkok at nilagyan ng tagi-isang kutsara. Sumandok ako sa galon ng ice cream na hawak ko at pinaglalagyan ang mga mangkok. At siyempre dahil mabait ako, pinuno ko ito, lalo na siyempre ang akin. "Maya na ulit ang trabaho niyo. Kain muna kayo, I mean palamig muna kayo." Aya ko sabay subo ng isang kutsarang pandan ice cream. Yummy. Naiwan sa labi ko ang kutsara ng sabay-sabay silang umiling. "Hmm? Ayaw niyo? Walang lason 'yan." "The young master don't want any of these to happen." Tinitigan ko ang nagsalita. Ang buhok nito ay 'yung parang sa mga koreano. Makapal na may bangs, tapos ang mata natatakpan pa ng shades, mukha siyang gwapong holduper. "Ano? Walang bawal-bawal. Kapag hindi ka dito lumapit, malilintikan ka sa akin." "It's in the rules, lady Michaella." "Anong rules na naman 'yan?" Masungit kong ibinaba ang hawak kong kutsara at ibinagsak ang galon ng ice cream. "That we should not eat with you, lady." Mahinahong sagot ng isa pang ungas na naka-lislis ang manggas ng suot na itim na damit, kitang-kita ko tuloy 'yung mga tatoo niya. Paano 'to nakapasa sa screening, pwede ba ang may tatoo? Ipinilig ko ang ulo ko sa mga naisip, malay ko ba diyan. "Talaga? Then, break the rules." Matigas kong sagot. They all looked shocked to what I said. "Alam niyo, wala 'yan. Wala naman ang amo niyong demonyo, bakit kayo natatakot? At saka, natutunaw na ang ice cream." Sigaw ko. They all glanced at each other. Parang nagu-usap gamit ang mga mata, pa'no iyan, eh naka-shades sila? "We really can't." "Pucha. Ayaw niyo? Ayaw niyo?" Tamad akong tumayo at pinasadahan ng tingin ang bawat isa sa kanila. "Okay. Maayos akong kausap. Eh 'di kakainin ko lahat 'to." Umirap ako sa hangin at sinamsam ang apat na mangkok na unti-unti nang natutunaw ang laman. Ibinaba ko ang laylayan ng dress ko at sumigid sa kalamnan ko ang lamig ng paligid ng naunat ang butas ng dress ko. Cute nga ng design, parang manga-akit lang, ganun. Isa-isa ko na sanang lalantakan ng biglang nagsalita ang isa sa kanila. "We'll eat that, lady Michaella!" Natigil tuloy sa ere ang kutsarang ipapasok ko na sana sa bunganga ko. Sinamaan ko sila ng tingin. "Niloloko niyo ba ako?" Wala silang imik na sabay-sabay lumapit sa akin at kinuha ang mga mangkok. I sighed heavily. Wala talaga akong mapapala sa mga 'to. Halos tipid ang mga sagot, parang talo pa ang may-reglang babae. Nakaka-bwesit. "Okay. Kakainin naman pala eh." Bulong ko sa mahinang mahina na boses. Nasulyapan ko pa ang isa sa kanila na may inayos sa kanang tenga na itim na bagay. Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin dahil bumalik na ako sa upuan ko at ipinagpatuloy ang pagkain. "Hmm, sarap di'ba?" Nakangiti kong tanong. Nabilaukan pa ang isa sa kanila at nagsikuhan. "Naumid na ata ang mga dila ninyo ah. Parang hindi na kayo makaimik." Sarkastiko kong saad at muling ninamnam ang ice cream. "The food tasted good, lady." Pormal na tugon ng isang parang ang mahal ng suot na wristwatch dahil sa kumikinang ito tuwing dinadaanan ng ilaw. Parang ginto naman. "Hmm-mm. By the way, can I know what's your name? Ang tagal na kayong buntot ng buntot sa akin, ni dulo ng letra ng pangalan ninyo 'di ko alam." Patuloy ako sa paguusisa at hindi namalayang naubos na pala ang nilagay kong ice cream sa mangkok ko. "I'm Major Ong, lady Michaella." Pormal ring tugon ng mukhang koreano. Tumango-tango ako. Halata nga. Pero Chinese ang mga Ong di'ba? "Major Kalim." Matabang na tugon ng lalaking may inayos na itim na bagay sa kanan niyang tenga kanina. Wow. Kulang ba 'to sa asukal? Lumingon ako sa lalaking may tatoo at sa lalaking may mukhang mamahaling wristwatch. The two remained quiet and they looked tense. "How about you two?" Tanong ko at nilunok ang kahuli-hulihang patak ng kinakain ko. "Mike at your service, lady Michaella." Sagot ng may mamahaling wristwatch habang ang isa naman ay tumikhim muna bago parang napipilitang sumagot. "Chase, lady Michaella." I just shrugged my shoulder and re-filled my ice-cream. "Kilala niyo naman na ako. No need to introduce myself." Tugon ko. "By the way, pleased to meet you. Haha. Ngayon ko lang kayo nakilala, eh halos magda-dalawang linggo na tayong nagkakasama dito." Humalakhak pa ako. I suddenly choked the ice cream in my mouth. Lumaki ang mga mata ko at pinagbabayo ang dibdib ko. "T-tubig." Hirap kong saad habang masamang tinititigan ang ice cream sa mangkok ko. Balak pa ata ako nitong patayin. Jusko, sa kamay ng ice cream ako mamamatay, hindi sa kamay ni Isaiah kung sakali. "Lady Michaella!" Sabay-sabay silang nagtayuan at nagu-unahang kumuha ng tubig. "f**k! This is torture!" Malakas na mura ng isa sa kanila. Naiinis kong hinampas ang lamesa dahil ang tagal naman ata nilang kumuha ng tubig. "W-water! Now!" "Here!" At halos maibuga ko ang nainon kong kung ano mang likido na inabot sa akin ni Mike. Galing, natandaan ko na ang pangalan. "What the h-hell? I-is that wine?" "Huh? I thought its water, nakalagay kasi sa tumbler!" Bobo! Kagagawan na naman ata 'to ni Wayne, that traitor!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD