11
AFTER I left the two lovers in the garden, I immediately went to his room and looked for my jacket. Gladly, I found it on the bathroom untouched.
Kinapa ko ang bulsa nito at napangiti ng makita ko ang hinahanap. The necklace.
Tinitigan ko ito at pilit inaalala kung saan ko nga ba ito nakita. But I couldn't even remember even a single memory, naiinis kong pinukpok ang ulo ko sa headboard ng kama at sinabunotan ang buhok ko habang nakapikit ng mariin.
This is totally crazy. I suddenly opened my eyes. Naku po, pa'no kung biglang pumasok dito 'yung girlfriend ni Isaiah? Baka mapatay ako 'nun?
But on the second thought, kung papasok iyon dito, dapat kanina pa. Brushing my hair, I let go of the thought and looked at the necklace inside my hand. Kung kanino man 'to, pahiram muna. Susuot ko muna 'to.
Tumayo ako mula sa kama at humarap sa malaking vanity mirror na nakasabit sa right side ng kama. I looked at myself, namumutlang balat, malaking eye bags, namumutlang labi at halos gulo-gulong buhok. I looked like Sadako, takutin ko kaya sila mamayang gabi para makatakas ako? Ah, no. Hindi. Baka barilin lang nila ako sa gulat, ayaw ko pang mamatay.
I shooked my head and put on the necklace. Nakaramdam ako ng pamilyar na lungkot ng lumapat sa leeg ko ang kwintas.
Without closing my eyes, I prayed.
If this is just a hurricane in my life, if it just a rain or a game , I will gladly take the missing puzzle and put it together to escape this bullshit mansion.
I heard the door opening and my breath almost hitched when I saw the reason of all these sufferings.
"What now? Palalayasin mo na ako dito sa kwarto mo? Dito na ba siya matutulog, don't worry. Aalis na rin naman ako. Tamang-tama. Hindi pa naaayos at naaalis ang mga gamit ko sa maleta, madali na lang humanap ng kwarto, 'yung hindi pinamumugaran ng kasamaan." I said looking at him in the mirror.
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil inabot ko na ang maleta ko at akma na sanang lalabas ng magsalita siya.
"Where do you think you're going?" His voice sounds dangerous. Like a predator ready to eat its prey.
Hindi ako nagpatinag. Nilagpasan ko siya. What the hell is he doing here, anyway? Dapat kasama niya 'yung almost perfect niyang girlfriend. Anniversary nila, to think that he f****d me the last time knowing he has a sweet and very caring girlfriend. How asshole, how bastard he is.
"Don't ask me. Ako na nga ang lalayo, para ka namang asong naghahabol." Padarag kong binitawan ang maletang hawak at galit siyang hinarap.
I saw him looked at my necklace and I saw how his jaw clenched and his eyes darken more.
"What? Cat got your tounge? Sumagot ka dahil aalis na ako, nakakahiya naman kung aalis akong hindi ka pinapakinggan. How b***h am I if I do that, right?" Matigas kong wika.
He suddenly looked at my eyes making me shiver in fear.
"How do you think I'll buy your reasons? You just want to escape me, right?"
"Huh? Escape? A big word. Ang talino mo naman, hindi ko nga naisip 'yun eh. Pero binigyan mo ako ng ideya, might as well do that." I answered without remorse.
Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto. Tumigil ang paningin ko sa nagiisang painting na unang naka-agaw ng atensiyon ko ng magising ako. I stared at it with so much affection.
May namumuo nang ideya sa isip ko. Maybe, it was his parents.
"I wonder how your parent would react if they once knew what the hell you are doing with your precious life, ruining someone's life like just that? Sounds good, right?"
His eyes suddenly screams dangerous rage at me. He suddenly raised his hand and before I knew it, he slapped me, hard.
Napabaling sa kabila ang mukha ko at bigla na namang tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha.
"Do not ever mention my parents in front of my face." Diin nito sa bawat salita.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, masakit ang pisnging sinampal niya at alam kong bumakat ang mga daliri niya dito.
Lumuluha kong ibinaling sa kaniya ang mukha ko.
I looked at him with so much hatred, disgust and anger.
"No one slapped me before, not even my Nanay." My face tells it all.
My sufferings from his hands, I will end it here.
"You are the reason why my life was ruined. AND I HATE YOU FOR GIVING ME THOSE EXTRA KINDNESS KNOWING YOU CAN'T GIVE IT TO ME 'CAUSE YOU HATE ME TO THE CORE OF YOUR BEING. NOW TELL ME, TELL ME ISAIAH! DID YOU EVEN MEANT TO GIVE ME THOSE KINDNESS OR IT WAS JUST A PART OF YOUR BULLSHIT PLANS TO GET RID OF ME? DO YOU EVER CONSIDERED ME AS A HUMAN LIKE YOU? YOU ARE ALL A TRAITOR! MAGSAMA-SAMA KAYONG LAHAT DAHIL SISIGURADUHIN KONG HINDI LANG IKAW ANG MAKAKARANAS NG HIGANTI NG ISANG API, LAHAT KAYONG MGA PUNYETANG MAGKAKAIBIGAN!" I screamed on top of my lungs. He was startled the way I speak and screamed on him.
I heard a gasped in my back, at exactly where the open door was located. I did not glanced at who the hell is that.
"Masaya ka na sa mga ginawa mo sa akin? Masarap ba sa pakiramdam? Tingin ko, oo ang sagot mo. You just didn't even felt guilty after f*****g me, and now, you just slapped me. IF YOU CAN'T CONSIDER ME AS A FRIEND, ATLEAST CONSIDER ME AS A WOMAN, respetuhin mo naman sana ako bilang babae, hindi mo na ba naisip na babae rin ang Nanay mo, o kaya naman may kapatid kang babae? Hindi lang ba pumasok iyon sa bulok mong pagi-isip! Hindi lang ba pumasok diyan sa kukote mo na, pa'no kaya kung sila ang saktan ng ibang tao, anong mararamdaman ko?" Galit na galit ang boses ko at alam kong ramdam niya iyon.
Tinitigan ko siya. Hinanap ko ang mamimissed ko sakaling makaalis man ako ng buhay sa impyernong ito.
I stopped my gaze to his black deep orb eyes. They were screaming many emotions I can't even tell. How I love his eyes, even it only shows coldness and many bad emotions for me.
"By the way, ano nga palang pangalan ng girlfriend mo? In fairness, ang ganda niya. 'Yun nga lang, niloko siya ng boyfriend niya, he f****d other woman behind her back, isn't that sounds good?" Mapang-uyam kong wika at padarag na dinampot ang maleta ko sa sahig.
Nilampasan ko ang mga traydor niyang kaibigan na naka-silip at nanood sa amin.
Tuloy-tuloy na sana akong aalis pero may naalala ako. Lumingon ako sa kanila at matamang nagsalita.
"Ang saya sana. Nakahanap na ako ng kaibigan sa inyo, not until I overheard you talking, hindi naman ako bobo para hindi maisip na ako ang pinagu-usapan niyo kagabi, di'ba? Nakakatuwa kayo pero nakaka-putangina kayo! MGA TRAYDOR PALA KAYO!" Isa-isa ko silang tiningnan at hindi na alintana ang buo kong itsura.
"Magsama-sama kayo. Maging masaya sana kayo. Ayy, hindi pala. I CURSED YOU ALL. HINDI SANA KAYO MAKAHANAP NG KASIYAHAN DIYAN SA MGA PUCHA NINYONG PUSO." Mapang-uyam akong tumawa na parang isang mangkukulam sa mga napapanood kong movie noon.
They automatically stepped backward. Nakakatakot ba ang tawa ko?
Nakangisi akong sumulyap sa bukas na pinto. Nasalubong ko ang nagbabagang mga mata ni Isaiah.
"May you all rest in peace." Ikinumpas ko pa ang may sugat kong kamay at animo binibendisyunan sila.
Pagkatapos niyon ay dali-dali na akong lumakad dala ang maleta ko. Nalingunan ko pa ang mga chismosang katulong ng mansion na kasalukuyang nakayuko dahil nahuli ko sila.
Nasa grand staircase na ako ng masalubong ko ang magandang girlfriend ni Isaiah.
"Hey? Where are you going?" Masigla nitong bati sa akin pero biglang nagbago ang mukha niya ng makita ang pisngi ko.
"Anong---."
"Cut it . I don't want any of your concerns. And for your information, your boyfriend just f****d some girl behind your back. Masakit ba, mas masakit kasi ang ginawa niya sa akin. Ayy, tatanungin mo kung sino ang may gawa nito sa pisngi ko. Walang iba kundi ang demonyo mong boyfried." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nilampasan nalang siya.
"That's what I'm telling you, lady." Salubong ng kuya ni Isaiah sa akin pagkababa ko ng hagdan.
"You don't care, besides I already ruined their relationship. Imagine, I just blurted out that his boyfriend just f****d someone else. Huh, such a shame." Matigas kong sagot at dire-diretsong naglakad papunta sa main door ng mansion.
"Alam mo bang ayaw na ayaw ni Isaiah ang binabanggit ang mga magulang namin?" Wika nito sa likuran ko.
Naiinis akong lumingon at sinamaan siya ng tingin.
"At anong pakialam ko 'don sa tingin mo huh? Wala! Kaya pwede ba lubayan mo na rin ako!"
"Lubayan? Sa tingin mo kaya ko 'yun? Hindi ako kasing-sama ng kapatid ko!"
"Talaga lang? At ano ang gusto mong mangyari?"
"Samahan kang tumakas." Sinsero nitong saad na nagpatigil sa akin
"Tumakas? Parang madali lang naman iyon. Lumabas sa pesteng mansion na 'to at 'yun, wala na ako sa impyernong 'to."
"Sana nga ganun lang Mica." I suddenly rolled my eyes.
Mica. Iyan ang tawag sa akin ng kapatid niya.
"Sige nga, sabihin mo kung bakit parang ang hirap tumakas?" Asik ko at pinakatitigan siya.
"Because I know my brother, he will not let you go unless he's done with you." Sagot nito at nilampasan ako.
Sumunod ako sa kaniya ng lumabas na siya. But to my surprise, a bunch of men in black surrounded me in an instant.
What the hell is going on?
"This---." Ikinumpas nang kasama ko ang kamay niya at itinuro ang mga lalaking nakapalibot sa amin ngayon. " is what I'm telling you."
I sighed heavily and frustratedly brushed my messy hair.
"Wala ka bang alam na paraan?" Desperado kong tanong at binalingan ang lalaki sa tabi ko.
"Not that I am powerful, but I can't use my connections right now. You'll know soon." Baling nito sa akin.
Akma na itong aalis ngunit hinatak ko ang dulo ng damit niya.
"Wait, Mr---."
"Israel Magno Fuentes."
"Mr. Israel. Wala ba talagang paraan?" Naiiyak kong tanong.
Hinawakan ko ang namumula kong pisngi at marahan itong hinaplos-haplos. Kumikirot ito at sa tingin ko, panibagong impyerno na naman ang kahaharapin ko sakaling pumasok ako muli sa loob.
"Wala..." sagot nito na nagpalumo sa akin. " sa ngayon." Mahinang-mahina nitong tugon na ako lang ata ang nakarinig.
I slightly nodded.
He tapped my head like a puppy at iniwan ako na napapalibutan ng mga mukhang naligaw mula sa ibang planeta dahil sa mga suot nila. Pure black.
"Pwede ba? Huwag ninyo akong palibutan! Hindi ako tatakas, mga pucha ninyo!" Nanggagalaiti akong pumulot ng bato at akma na sana itong itatapon sa kanina nang may lumabas na isang traydor.
"Michaella, please...can I ta--."
"Don't care. Makikipag-usap ako sa isang traydor na tulad mo kung paaalisin mo ang mga kumag na 'to!" Sabay kumpas ng kamay at turo sa mga men in black na parang estatwa sa tindig nila.
Umiling si Max at malungkot na tumitig sa mga mata ko pababa sa hawak kong maleta.
"Michaella, alam mong hindi ko gusto ang plano ni Isaiah, 'yung narinig mo kaga---."
"Eh 'di inamin mo rin na ako nga ang tinutukoy ninyo!" Putol ko sa mga kasinungalingan niya.
He sighed heavily and looked at my eyes with a very sad emotion on his eyes.
"I know you're intelligent enough to figure out things. Hindi ko naman inakalang madaling-madali mo lang na mare-realize ito. Isang araw palang tayo dito, alam mo na." Makahulugan nitong wika at dahan-dahang humakbang palapit sa akin.
"Alam mo, Max. Hindi mo ako masisisi kung pati ikaw pagdudahan ko. Isa lang naman akong mahinang babae. Walang karapatang sumalungat kay Isaiah dahil sa kaya niyang gawin." Mapait kong tugon at sumalampak sa lupa na parang walang tao.
"Michaella! Tumayo ka nga! Masisilipan ka ng mga lalaking iyon, ano ba?" Inosente kong tinitigan si Max at ngumiti ng nakakaloko.
"Eh di silipan nila, hindi naman nila makukuha." Pabalang kong sagot.
He cupped his face and looked at me desperately.
"Hindi nga makukuha pero pagnanasaan naman!"