10
BUONG ARAW ata akong napahanga ng buong mansion. Knowing me, I love nature. Tapos, ang ganda-ganda pa ng garden. Parang sa mga movie ko lang nakikita. Nakakamangha, pero kung ang mukha lang naman ng kamahalan ang palagi kong nakikita, medyo nababawasan ang pagka-excite ko, medyo lang naman, nangingibabaw pa rin ang ganda ng buong mansion, kesa sa mukha ng tour guide ko 'kuno", na siya ring may-ari 'daw'. Ang yabang. Masakit siya sa bangs.
"Hey. Kanina pa ako nagsasalita, naglalakbay naman ata 'yang utak mo sa kawalan." At 'yan na naman po ang kalbaryo.
"Alam mo kamahalan, maganda na sana ang view, maraming makukulay na bulaklak, tapos 'yun oh, mga paru-paru, nasira nga lang. Nakahara kasi mukha mo." Pabalang ko sa kaniyang sagot.
It was already five in the afternoon. Maya-maya, lulubog na ang araw. Kaninang tanghali, halos lumuwa na ang mata ko sa mga tanawing nakikita ko. Nakakalula.
The cold wind touched my exposed back. I can hear the singing of the birds from the woods inside the garden. And what do you think is the most splendid thing I saw today in this mansion? A fountain! Nakakaloka. Para akong nasa isang palasyo.
"Know what? Ayaw ko nang makipag-usap sa'yo." Malamig nitong wika.
I was sitting in a white and golden bench watching the flowers and the butterflies while he's standing near the fountain. Ang sarap makinig sa mga lagaslas ng tubig ito.
"Ayaw din naman kitang kausap."
"Talaga lang?"
I rolled my eyes. Tumayo na lang ako at babalik na sana sa loob. Ang kaso, ang hayop lang. Bigla ba naman akong sabuyan ng tubig galing sa fountain.
"Ah! Ano ba, kamahalan!" Mabilis kong hinawi ang buhok kong unang nabasa.
"'Yan ang napapala mo!"
"Ewan ko sa'yo! Madapa ka sana!" Nagmartsa na lang ako papunta sa loob ng mansion at hindi siya pinansin sa likod ko.
"So?" I automatically stopped walking when a cold voice echoed in the silent entrance.
It was the man from earlier, the one who's playing the piano. He's wearing a white polo with a black slacks.
"Hmm?" I hummed and walked to him.
Standing, he motioned his right hand to my back. Napalingon ako, si kamahalan, ang sama ng timpla ng mukha. Ano na naman?
"You can leave us for a while, little brother." Matigas ang pasasalita nito sa wikang Ingles. Parang gamay na gamay, ganun.
"What the hell? She's my visitor!" Angal nito at akmang maglalakad papunta sa amin ng isang lumilipad na tsinelas ang tumama sa mukha niya.
I widen my eyes and glanced at the man beside me, wala na ang isa niyang tsinelas. Anong?
"Leave us." Inayos pa nito ang nagulong buhok at bumaling sa akin.
"You, follow me." Parang katulong lang ako ah. Hayop din pala ang ugali nito.
Pero teka, little brother daw? Ibig sabihin...kapatid niya ang kamahalan? Naku po! Isa ring hari ng mga demonyo pala ito eh!
"Sit." Aba't, ngayon naman para akong aso? Can't it get worst?
Nakarating na pala kami sa recieving area ng mansion at may mahahaba at eleganteng mga sofa.
Pinili kong umupo ng malayo sa kaniya.
"I already told you Michaella Liela Miller. Magiingat ka." Nakakatakot nitong wika. I felt goose bumps.
"Bakit ba? Wala na sa akin lahat, bakit pa ako magi-ingat?" Mataray kong tugon.
Praise me, hindi ako nautal o natakot manlang sa aura niya ngayon.
"Do you know that you are the only girl in this mansion?" Muli nitong tanong habang naka-dekwatro at naka-cross ang mga braso sa malapad nitong dibdib.
"Hindi. Bakit wala bang katulong na babae dito?" Nagtataka kong sagot at pinaningkitan siya ng mga mata.
He chuckled but his eyes still has no emotions.
"I adore you already little girl." He said still chuckling.
I looked at him with my famous glare but, as a cold man he is, walang epekto.
"Adore me? Tsk. Oo nga pala, ano na? Wala ba kayong mga katulong na babae?"
"Meron. But not as brave and fragile as you. A beautiful combination right? Brave and fragile. Hmm." Sagot nito habang iniikot-ikot ang isang paa na walang tsinelas.
Seriously? Isa din ata itong abnormal? Akala ko pa naman nakakatakot 'to.
"Now, can I get her back?" Singit ng isang boses mula sa pinto ng recieving area.
"Such an asshole. Go, get her, but once you dumped her like a hot potato, consider it a battle." Wika ng lalaki at tumayo.
Naguguluhan ko siyang tinitigan. Tunalikod na ito at pumasok sa isang pinto. I sighed heavily. What is really going on?
"Let's go. Palitan mo na nga 'yang damit mo. Nakakabanas." Wika ng kamahalan sa likod ko.
Galit akong humarap at dinuro siya.
"Anong nakakabanas? Maganda nga daw ako sabi ng kuya mo." Pagsisinungaling ko at hinawi ang mahaba kong buhok na natatakpan ang exposed kong likod.
"Anong---?"
"Wala, wala. Aakyat na ako. Buti pa ang matulog na." Putol ko sa sasabihin niya at nilagpasan siya.
HINDI ko alam kung ilang oras na akong tulog pero nagising ako ng makaramdam ng gutom at uhaw. Nilibot ko ang paningin ko at napako ang mata sa malaking hugis peacock na orasan sa may side table.
Ala-una na nang madaling-araw. Hindi lang ako ginising para kumain?
Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at bumaba nang kama. Sa'n kaya natutulog ngayon ang kamahalan?
Bumaba na lang ako sa kusina. But, I did not expect na may tao pa 'dun. Nakabukas ang ilaw at may mga boses akong naririnig.
I knotted my forehead. Papasok na sana ako nang mapakako ang paningin ko sa mga tao sa loob. Madilim sa kinaroroonan ko dahil nakapatay ang ilaw dito. Sa kusina lang ang nakabukas na ilaw.
"What do you think?" Boses ng kamahalan.
"Tsk. I don't know too. Nakakabanas din naman kasi ang mga 'yun, parang pagong sa kupad ng kilos." Naiinis ang boses ni Sun.
They are complete. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Pucha, para kasi silang mga maligno. Madaling-araw na, nagmimeeting pa rin.
"Then, how can we continue to our agenda if they are moving so slow?" Matigas na sagot ng kamahalan.
Eavesdropping's really not a joke. Nakakatakot dahil baka mahuli nila ako.
"Then? I should really f**k her and give her what she deserves!" Patuloy nito at hinampas pa ang kahoy na lamesa.
I was stunned. Bakit pakiramdam ko, ako ang pinagu-usapan nila?
"What the hell, bro? That's not a proper way to treat a woman even if she's your enemy!" Matigas din ang pagsasalita ni Max na ngayon ay parang galit na galit na.
"Oh! So you care, huh? Atleast she deserves that! Killing her is like releasing myself from the past!" Nanlaki ang mga mata ko ng tumayo ito at kinwelyuhan ang naka-upong si Max.
Umatras ako at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko? Are they talking about me? Ako lang naman ang babaeng kinagagalitan ni Isaiah eh. Ako lang.
"Stop it, you two!" Marahas silang pinaghiwalay ng magkapatid na Kaustle at Klade. Hindi ko alam pero parang biglang naglaho ang tiwala ko sa kanilang lahat.
"Know what? You should think million times! I don't care about your damn past, I care about that woman!" Galit na litanya ni Max habang tinatanggal ang hawak ni Klade aa braso niya.
"Then, f**k you!" Matigas na mura ni Isaiah at dire-diretsong naglakad papalabas.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman, mabilis akong tumakbo pakanan. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
"What now? You're walking out? Your brother knows your agenda!" Pahabol na sigaw ni Max. Hindi na lang ako lumingon at napa-upo sa isang sulok.
Umiiyak kong isinubsob ang ulo ko sa mga nanginginig kong kamay. My life was more than worst now.
Humihikbing niyakap ko ang aking sarili. Darkness is all I see, just like my life.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang sa liwanag na unti-unting pumapasok sa malaking bintana na pinapalamutian ng magagarang kurtina.
Umaga na pala, nakatulog pa ako sa paanan ng hagdan. Hindi man lang ba nila ako nakita? Kunsabagay, baka nga mas natutuwa silang makita ang kalagayan ko. Mga traydor.
"Hey! Goodmorning everybody!" Napalingon ako sa may pinto at nakita ang isang napakagandang babae. She's wearing a long white dress and a Gucci brown handbag. She looks like a princess. Nakaka-inggit ang itsura niya.
"Oh! Hey there, little plump!" Nanlalaki ang mga mata ko nang maglakad ito papunta sa akin.
Ano bang itsura ko? Baka naman mabaho na ako?
"Hey! Morning! Anong ginagawa mo dito?" Masaya nitong tanong sa akin at hinawakan pa ang ulo ko.
"Um..ehh...hehe. Sorry po. Aakyat na po ako." Yumuko ako at iniwasan ang magaganda niyang mata.
"What? Dito ka ba natulog?" Concern nitong tanong. Hinawakan niya ang nanlalamig kong pisngi.
"You looked pale. Tara, nakita mo ba si Isaiah?" Malambing nitong tanong. Hindi ko alam pero parang kumirot ang isang bahagi ng puso ko sa tanong niya.
"Um...hindi po eh." Magalang akong tumayo at dumistansiya sa kaniya.
"Ganun ba? Hmm...it's our anniversary yet he didn't texted me last night."
I almost collapsed on what I heard. Anniversary? Anong meron?
"Pwede bang samahan mo akong hanapin siya?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Her lips looked so beautifull, and her cheeks, namumula pa.
Kaya naman pala. Ang ganda niya, umasa lang pala ako sa mga pinapakita ni Isaiah.
Pucha, ang sakit.
"Ayy...hindi na po Ma'am. May gagawin pa po ako eh." Inayos ko ang nagulo kong damit at akma na sanang aalis.
"Baby! Good morning!" Masayang sigaw ng magandang babae.
Hindi ko sinasadyang mapasulyap sa kanila, it was a heartbreaking scene of my life, they were kissing and hugging each other like I'm not here. Masakit ah. Wala man lang pasabi.
Yumuko na lang ako at mabilis na umalis. Ang kaso, nasa gitna sila ng magarang staircase, pa'no ako makaka-akyat?
Pinili ko na lang na lumakad palabas. Masakit pala iyon ah. Parang mas masakit pa sa pag-angkin niya sa akin 'nong nakaraan.
Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala ang mga peste kong luha.
Masarap silang patayin. 'Yung tipong habang naghahalikan sila, sabay mo silang babarilin para naman worth it ang kamatayan nila, nakahalik pa sila sa labi ng isa't isa.
Nagmamadali akong lumakad papunta ng garden at muntik nang matumba ng may makabungguan ako.
"Are you okay?" Naga-alalang mukha ni Max ang nabungaran ko. Mabilis kong hinawi ang mga kamay niyang nakahawak sa bewang ko at dire-diretso siyang iniwan.
Pabagsak akong umupo sa mismong bench na inupuan ko kahapon. A heartbreaking scene really can take someone's sanity. Ngayon ko lang napatunayan.
Am I inlove to Isaiah kaya nararamdaman ko 'to? Takte, huwag naman sana.
The sound of the rushing water from the fountain calms me down. Lalo na ang awit ng mga ibon. But my heart, I think it was torn a million times.
I really need to escape this instant. Hindi ko na patatagalin pa. Hinding-hindi na.
I formed my fist a ball at nanggigigil na sinuntok ang bench. Naramdaman ko ang pagsigid ng kirot mula dito pero hindi ko ito ininda. The physical pain won't cover the pain I am feeling inside my chest. My heart's contracting with pain and it bothers me, really.
Pagtakas na lang talaga ang sagot. The so-called vacation, the bait-baitan scene, and the conversation last night. It all answers my question. They want to get rid of me, they want me dead, simply as that.
"Hey!" Lalo kong hinigpitan ang pagkaka-kuyom ng mga kamao ko ng masulyapan ko ang nakayakap na braso ni Isaiah sa maliit na bewang ng babae.
Hindi na ba titigil ang sakit na'to?
"What are you doing here? Pasok ka muna. Ang lamig pa kaya, baka sipunin ka." Malambing na wika ng babae ng makalapit sila sa akin.
Concern, mabait, maganda, malambing, lahat na lang ata ng magagandang katangian nasa kaniya na. Kaya naman pala. Kaya naman pala minamahal siya ni Isaiah.
I closed my eyes and inhaled deeply.
Narinig ko ang pagtikhim ni Isaiah. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga mata niyang walang emosyon.
I sighed deeply and saw him looked at my wounded hand. Dahil ito sa pagsuntok ko kanina sa bench.
He looked at it and then to my face, but I just smiled bitterly to the woman beside him.
"Thank you for your concern, I appreciate it. I really do." Makahulugan kong tugon at iniwan silang durog ang puso.