09
I AM groaning and moving my hands in my sleep. My chest felt heavy, literally. I felt a warm soft hands carressing my cheeks but I'm too sleepy.
A hard thing moved in my chest up to my neck. What is that? Am I having a nightmare? But the touches, it feels good and not scary.
Slowly, I opened my eyes and shut it again because of the bright light coming from the chandelier. Wait, what? A chandelier?
I blinked my eyes several times to adjust from the light. Where the hell am I?
I almost screamed when a familiar soft warm hands slightly slap my cheeks. With a knotted forehead, I opened my eyes.
Without further notice, I scanned the place and realized that I am not in my usual room in Isaiah's house.
This room is really big, a combination of gray and black paint surrounding the wall, a big ocean painting from the left side of the bed, an elegant study table with an Apple laptop sitting on it.
My eyes stared at the painting near the bathroom door, I think. It is a painting of a beautiful couple with an Italian suits, probably in their late 30's.
Nabalik lang ang isip ko sa kasalukuyan ng may mahinang tumapik na naman sa pisngi. With an annoyed face, I looked at the man over my top.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na itinulak ang pangahas na lalaki.
"A-anong ginagawa mo?"
"What the hell? Bakit mo ako tinulak?" Malalaki ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
"Eh, bakit kasi nakapatong ka sa akin?" Naiinis kong sagot.
I looked at the thick blanket covering my body. It was pure gray and very soft, nasa may bewang ko lang ito at lantad ang pangi-taas kong katawan. Kaya naman pala nakakaramdam ako ng lamig, maybe because of the open AC.
"Ginigising lang naman kita, it is almost lunch time. Kakain na tayo."
Tumayo na ito at pinagpag pa ang suot na kulay puting T-shirt at masama ang mukha na tumingin sa akin.
I am still wearing the dress from last night.
Wait, pa'no ako napadpad sa kwartong 'to? Binuhat ba ako ng kamahalan na ngayon ay kasalukuyang nakatayo at nakatitig sa akin? Yes, he's the one who woke me up.
"Sorry. Nakarating na pala tayo." Obvious kong sagot at umupo na.
Grabe, ang lambot ng kama at ang bango-bango pa ng kumot. Parang pang-prinsesa, ang kaso prinsipe ata ang nakatira sa kwartong 'to dahil sa kulay ng wall.
"Tayo na."
"Huh? Tayo na? Wow, galing! Hindi pa nga kita sinasagot at ni hindi mo nga ako niligawan, at basta-basta mo rin lang akong ni-rape." Huli na para pigilin ko ang bunganga ko sa kadaldalan.
He laughed hard like he's going to choke his intestines.
"You're funny. I said, stand up. Not what you just said. Assuming." Wika niya. His eyes now gleaming with playfulness.
"Tsk. Oo na! But, gusto kong maligo. Nanlalagkit ako."
"Yah. Kailangan mo na talagang maligo. You stink." Sabay takip nito sa kaniyang matangos na ilong.
"Abat! Parang hindi ka nakapatong sa akin kanina." Galit-galitan kong sikmat sa kaniya at inabot ang kulay gray na unan sa tabi ko at mabilis na ibinato sa mukha niya.
Mabilis niya itong nailagan. I rolled my eyes at him.
Ah. Nakakabaliw naman dito. Parang mas gusto ko pang bumalik sa dati niyang bahay. Doon, hindi ko siya nabubungaran kapag gigising ako.
"May ipis kasi. Baka malunok mo dahil nakanganga ka. Kawawa naman 'yung ipis." Ganti nito sa akin at pinulot ang malambot na unan na ibinato ko sa kaniya.
"Pahingi na lang ng damit!"
"Tsk. Wala! Kung gusto mong maligo, 'yan parin ang isuot mo."
"Walang hiya ka talaga! 'Asan ba iyong maleta ko?"
"Tsk. Nandun sa baba. Binuhat na nga kita, pati ba naman 'yun bubuhatin ko rin? Ano ka, prinsesa?" Abat, hayup talaga.
"Wala akong pakialam sa'yo. Porket dumadalas na iyang buka ng bibig mo, may gana ka nang lokohin ako." Mabilis kong hinawi ang makapal na kumot at tumayo mula sa malaking kama.
"Bakit kita lolokohin, hindi naman kita girlfriend?" Pabalang nitong sagot at siya naman ang humiga sa kama at nagkumot.
Pinaalis lang ata ako ng kumag!
Barefooted, I walked to the door through the bathroom. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang malaking painting at hindi ko maiwasang humanga rito.
I was about to open the door when a soft fabric landed on my back. I looked back and saw Isaiah comfortably sitting on the bed with his innocent eyes.
"Ikaw ba ang nagbato sa akin?" I asked and picked the dress on my back. It is a black criss-cross dress below the knee with white crystals scattered around its waist. Anong...pa'nong naibato sa akin ito, hindi ko naman nakitang hawak niya ito ah.
"Don't ask. Ligo na, nangangamoy ka na hanggang dito." Ikinumpas pa nito ang kamay na parang isang aso ang kausap.
"Wala akong sabon at shampoo?" Pinasadahan ko ang magulo kong buhok at kinuskos ang balat ko sa braso.
"Tsk. Use mine. It's inside." Nag-iwas ito ng tingin at humiga na sa kama.
Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto pero huminto ako.
"Kaninong kwarto 'to?" Curious kong tanong. Wala kasing litrato manlang ni Isaiah, o painting manlang kung kaniya nga ito.
"Mine." Makahulugan nitong sagot at nagtalukbong ng kumot. Hayop na hayop talaga ang ugali.
Nagdire-diretso na ako sa loob ng banyo. It smells like lilac? What? Akala ko kwarto niya, ba't amoy babae?
Ang gara, parang pambabae sa sobrang linis. Parang nahiya tuloy ang mga paa kong tumapak sa napakakintab na tiles.
But in the process, I found myself enjoying the cold shower and a body wash that smells so much of him, of Isaiah.
"Masubukan nga 'to."
Inabot ko ang shampoo at inamoy. Ang bango! Amoy lilac din? What the hell? Ang sabon amoy lilac, pati ba naman shampoo? Pinagloloko ata ako ng kamahalan?
I just shrugged my shoulder and erased the thought. Natapos na akong magbanlaw ng sarili ng may naalala ako.
Shit! Wala akong underwear! Hinagip ko ang malaking white towel at ibinalot ito sa hubad kong katawan.
Alangan namang isuot ko ulit 'to? 'Yung ginamit ko kagabi? But, its gross.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ko sa paliligo at kung ilang minuto rin sa pagi-isip kung anong gagawin ko.
Nabasa na ang underwear ko kagabi, alangan namang ito parin?
I stomped my feet and almost growl when a soft knock disturbs me from thinking.
"Come out now! May multo diyan!" At halos madulas pa ako sa pagkukumahog. Takot ako sa multo! Takutin na ako sa lahat ng insekto, 'wag lang sa multo!
I quickly open the door and snatched the dress he threw at me earlier.
Hindi ko na naabutan si Isaiah na nanakot sa akin, naiwan pa niyang nakabukas ang pinto ng kwarto.
Nilalamig na inilibot ko ang paningin. This room screams elegance, from a led TV with an expensive brand, the chandelier hanging from the ceiling that amuses me from its bright lights coming from its many bulbs. Tapos ang laki-laki pa, parang isang bahay lang, parang iyong bahay lang namin ni Nanay kalaki. Nakakaloka.
Inihipan ko ang imaginary bangs sa noo ko at kiniskis ang braso ko. Napalingon ako sa malaking kama at halos sabunutan ang sarili dahil may pares na nang underwear 'dun. Palagi nalang na ang mokong na 'yun ang naga-ayos at pumipili ng isusuot ko ah. Nakakahalata na ako.
Sinuot ko na ito bago pa ako pasukan mg lamig. Nakabukas pa ang AC, takte talaga.
Napalingon ako sa pinto at napapamurang inayos ang dress na suot ko dahil nakalimutan ko pala itong isara dahil naiwan nga ni kamahalan.
Hindi ko na natuyo ang mahaba kong buhok at hinayaan itong nakalugay. I exited the room and my mouth gaped widely at the sight of the hallway, it looks classy, para akong nasa isang mamahaling hotel. Bahay ba 'to o hotel, o kaya naman mansion?
I don't know where I am heading right now, basta binaybay ko lang ang mahabang hallway at napatigil sa isang pinto ng marinig ko ang isang musika. Is that a piano? Nakaramdam ako ng excitement, piano is the only instrument that I can play, nadiskubre ko 'yun noong nasa elementary palang ako, may audition noon sa pagtugtog ng mga iba't ibang inatrument at napako ang tingin ko sa piano tapos kusang naglakad ang mga paa ko papunta dito at 'yun nga, hindi naman ako nag-aral ng pagpa-piano pero parang sanay na sanay na ang mga kamay ko. Nakakatuwa.
Pinihit ko ang seradura ng pinto at napahanga sa mga nakikita ko. This is heaven! May mga iba't ibang instrumento dito! Tapos, ang rangya pa nang dating, ano bang aasahan ko. Nasa isang mansion ata ako eh.
Pinasayad ko ang aking mga daliri sa mga gitarang nakasabit sa isang guitar rack. Parang nakakatakot hawakan dahil parang mas mahal pa ata ito sa buhay ko.
I closed my eyes, the music echoing the whole room calms me. It is a romantic one. Para akong nasa isang medieval era at halos napapalibutan ng mga mamahaling instrumento sa pagtugtog.
"You seems to like the music."
Napapitlag ako at napamulat ng mata sa isang baritonong boses. A pair of a black cold eyes met mine. Nakakatakot ang aura na ibinibigay nito sa buong kwarto. It radiated from his body to the whole room.
Naaatras ako. Hindi ko namalayang natapos na pala ang musika.
"Um...sorry. Hehe. A-aalis na ako." I avoided his cold gazes to me. His jaw clenched and I saw how his hands formed a ball. Susuntukin ba ako nito?
Ilang hakbang ulit ang iniatras ko at napalunok.
I may feel the coldness of our surrounding but his cold aura, nangingibabaw ito.
"Do you wanna know a story?" Malamig nitong wika. Wala bang emosyon ang taong 'to? Nakakaloka.
Beads of cold sweat escaped my forehead. Para naman akong nasa hotseat nito.
"S-story?" Mahina kong tugon, mahinang-mahina na narinig pa rin niya.
He smirked. His face now screams dangerous aura.
"Story of a princess who's living with lies. She thought that she was loved and cherished by person who knows her, but all that was lies. Lies and lies. How inconsolable is that, right? Given she's that beautiful, but if hatred lives within the souls of those person, not even Gods can stop them from hurting the beautiful princess." His eyes looked at me like he's digging my soul.
I shivered when he stepped forward. Hindi na ako nakaatras nang hawakan nang malalaki niyang kamay ang dalawa kong pisngi. He carressed my righ cheek with his thumb and looked at my eyes with coldness.
"You're not yet ready."
"Huh?" Naguguluhan ko siyang tinitigan pabalik.
"Your eyes tell me you are still a fragile girl who needs lots of caring. But it seems that they don't care." Mahina nitong sagot.
He loosened his hold at my cheeks and tapped my head like a puppy.
"Do you wanna know who is the princess?"
"Um...oo naman. Nakakaawa naman kasi...i-iyong istorya n-niya." Nauutal kong sagot at yumuko.
I saw his pair of brown leather shoes, kinagat ko ang pang-ibaba kong labi ng hawakan niya ang balikat ko.
"Then, watch out. 'Wag kang magtitiwala." He said before walking past at me. I heard the opening and closing sound of the door. I knew he already left.
Who is that guy? Bakit parang kinakabahan ako sa mga sinabi niya?
Putakte, dapat pala hindi na ako pumasok dito. Nakakagago kasi ang kamahalan na 'yun. Hindi na lang ako hinintay.
I was about to walk to the door when it opened widely and a gasping Klade and Kaustle entered.
"What are you doing here, Michaella?" Hinahapong tanong ni Klade at humawak pa sa mga tuhod niya. Para silang galing sa isang marathon.
"Huh?" Lito ko silang tiningnan.
"Hindi kasi ako hinintay ni kamahalan, kaya napadpad ako dito. Hehe." Inipit ko ang tumakas na buhok ko at lumapit sa kanila.
"Nakita mo na ba siya?"
"Sino? Si Santa Claus?" Pabalang kong tugon sa tanong ni Kaustle.
"Hindi. Si Kuya Isra." Himala, may tinawag siyang kuya, samantalang si Klade 'di niya tinatawag na kuya.
"Sino 'yun?" Pagmamaang-maangan ko kahit may ideya nang pumapasok sa utak ko.
"Ah. Okay, baka nga hindi niya naabutan dito." Mahina nitong wika at tumingin kay Klade.
I sighed heavily.
"Tara na. 'Asan na ba si kamahalan? Nasa trono na ba niya?" Biro ko at nauna nang lumabas.
I heard them sighed in relief and walked with me.
Maybe I should start looking on how to escape, besides madali na lang 'yun.