Chapter Eight

2108 Words
08 "FOCUS. I whispered silently as I'm comfortably sitting on a very soft and wide elegant sit on this black family SUV. The cold air coming from the open air-condition of the car gives me a totally cozy feeling. Needless to say, I'm sitted between Isaiah and Sun. Two hours long drive was not a joke. My back hurts. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. It was exacty 3o'clock AM and the view from outside was really beautiful. Ako lang ata ang gising pati ang driver na si Kaustle. Sun told me earlier that this car owns by the Lazaro's. Klade and Kaustle. It was a latest 2020 model of Maserati Levanti that costs almost eight million, a very expensive prize. But knowing Lazaro's, barya lang sa kanila ito. Napanood ko pa nga kanina ang balita tungkol sa kanila, they are expanding their clothing business not just here in Asia but also to Western countries. Nakakatuwa dahil parang ordinaryo lang silang tao kung kumilos. Walang bodyguards na parang isang politician o kaya naman walang sunod ng sunod na P.A. or Personal Assistant. Isaiah's head is leaning through the SUV's window while Sun's head is on my shoulder. Naiinis ako dahil kahit gaano kakomportable itong sasakyan, hindi ko maiwasang mangalay at mapangiwi. I saw Kaustle looked at the rearview mirror and captured my gaze. "Why aren't you sleeping?" Napakahina nitong wika na parang natatakot magising ang mga kasamahan namin. I smiled at him. "I'm not comfortable." Sagot ko at napangiwi ng may dumaang kirot sa aking ibaba. "Ha? Ganun ba? Dapat pala sa sports car ka na lang ni Isaiah sumakay. Convoy na lang sana. Mas komportable ka doon." Sabi niya sa akin at itinutok na ang tingin sa kalsada. We are currently on a highway at may mga nadadaanan pa kaming mga establishyemento. "Hindi ganun ang ibig kong sabihin." Bawi ko dahil parang mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Para kaming tanga na nagbubulungan. The sound of the open AC is in the background. "Ayy. Sorry, ano nga ba?" Sagot niya at kinamot ang pisngi kasabay ng paghikab. Lumingon ako sa likod at nakita ang nakangangang si Wayne na may hawak na neckpillow. Parang baliw dahil hindi niya isinuot ito sa leeg niya para komportable siyang makatulog. Mahinang gumalaw si Klade sa tabi nito at tinapik ang kamay ng katabi na nakadantay sa kaniyang hita. Kung umasta sila, parang hindi mga professionals. Bumaling ako kay Kaustle at ngumuso. Alam kong hindi niya ako nakikita pero hindi ko talaga maiwasang mapanguso dahil halos lahat sila komportableng natutulog. "Masakit na kasi ang likod ko." Sagot ko. "Hmm, siguro hindi ka sanay sa matagalang biyahe. By the way, do you want some foods?" Tanong nito. Napangiti ako at marahang tumango. Sumulyap siya sa akin gamit ang rearview mirror at mabilis na iniliko ang sasakyan. Mahinang napamura ang nauntog na si Sun. Napasubsob siya sa lap ko dahil sa biglaang motion na dahil sa biglang pagliko ng sasakyan. Bigla akong nailang. Nagalaw din ang iba pero parang mga manhid na nagsibalik sa pagtulog. Hanga din ako kay Sun, hindi ba naman alisin ang ulo niyang nakasubsob sa lap ko. Pinitik ko ang tenga niya pero hindi natinag ang mokong at mahina pang kinamot ang kamay ko. Anong tingin niya sa kamay ko? Parte ng katawan niya? I heard Kaustle scoffed and parked the car. Nasa isa pala kaming 24/7 open na mini store. "Para-paraan din iyang baby damulag na 'yan." He said and winked at me. Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt at bumaling sa akin. "Sama ka sa loob?" "Huh? Pa'no ang mga 'to?" Tanong ko at inginuso ang mga katabi kong lalaki. Si Sun na nakasubsob sa lap ko at si Isaiah na nagbago ng pwesto kanina ng mabilis na iniliko ang sasakyan, kasalukuyan na itong nakahilig sa balikat ko. "Tsk. Hayaan mo ang mga 'yan. Alisin mo na lang iyang ulo ni Sun at isubsob mo sa upuan. Iyang ulo naman ni Isaiah, tanggalin na natin?" Wika nito na parang nagsa-suggest lang nang isang proposal sa isang business meeting. "Ewan ko sa'yo. Hmp. Pa'no nga?" Tanong ko. Tinigil niya ang makina ng sasakyan kaya naman automatic na tumigil ang AC ng sasakyan. "Hayaan mo na. Alisin mo na iyang mga para-paraang ulo na iyan. Gigising din 'yan kapag nakaramdam ng init." Magaling na sagot nito at dumukwang para tulungan akong alisin ang mabibigat nilang ulo. "Bad head." Ngisi ni Kaustle at tinapik ng parang aso ang ulo ni Sun. "Hey. Baka magising 'yan." Awat ko sa kamay niyang parang ahas na tinutuklaw ang ulo ng kawawang si Sun. "Hmm. Five more minutes, Mom." Ungol nito ng alisin ni Kaustle ang ulo nito at isubsuob sa gilid ng bintana ng sasakyan. I removed Isaiah's head on my shoulder and let it lean on the side window gaya ng pwesto niya kanina. Sa wakas, nakalabas din kaming dalawa at kasalukuyan akong nakakapit kay Kaustle dahil sa lamig ng hangin. "What do you think is the most cute name for babies?" Mahinang tanong nang katabi ko at humikab. "Hmm? Why? May ini-expect ka bang baby?" "Wala lang. Gawain kasi namin ni Klade ang mag-isip ng mga cute na pangalan na maaaring ipangalan sa mga bagong panganak na babies. Paramihan kami." Sagot nito at itinulak ang glass door ng mini store. "Ah. Ang galing. Hilig niyo 'yun?" Tanong ko. Inayos ko ang magulo kong buhok at muling kumapit sa kaniya ng makapasok na kami. "Yeah. Kapag ganitong mga madaling-araw na hindi kami makatulog. He'll go to my room and we'll talk diffent things na pinakamarami ang mga pangalan ng babies." Sagot niya. The cashier smiled at us. I smiled back while Kaustle didn't even look at the cute girl wearing a very cool uniform. Parang nakakapagod naman ang trabaho nito. "Hala. Hindi ba kayo naiilang?" Mangha kong tanong. I loosened my grip on his arm. Naagaw ng atensiyon ko ang favorite kong nips. Natatawa siyang sumunod sa akin sa hilera ng mga sweets. "Ano nga?" Tanong ko ulit dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. "Why would I? I mean, bakit kami maiilang. We're brothers. I don't call him Kuya kahit panganay siya dahil nakasanayan ko na. One year lang naman amg tanda niya sa akin." Hinawakan niya ang chokolateng may mamahaling tatak at kumuha ng lima. Silently, I also get my favorite nips. Ngayon lang ulit ako makakatikim nito kaya naman kumuha ako ng lima. "Um...Kaustle. Libre mo?" Nahihiya kong tanong sa kaniya habang kasalukuyang dumadampot ng mga sweets na nadadaanan niya. He looked back at me and smiled. "Yeah. Nakalimutan kong sabihin, pili ka lang ng gusto mo, ako bahala." I jumped in glee and giggled like a child. Natatawa naman niya akong pinanood. "Talaga? Hmm, maya na ulit tayo mag-kwentuhan, 'dun muna ako sa drinks." Masaya kong itinuro sa may gilid namin ang malaking refrigerator. Tumango siya sa akin at pinat pa ang ulo ko bago kami naghiwalay. Matapos ata ang 25 minutes ay nagbabayad na kami sa counter. Ang daming binili ni Kaustle na kasya na ata ng isang linggo. Dalawang vita milk at limang nips lang ang akin. "Bakit 'yan lang ang kinuha mo?" Taka niyang tanong habang sinisipat ang hawak ko. "Ehh, nakakahiya." I answered shyly. He chuckled and brushed my hair. "Tsk. Nahiya ka pa, hindi mo na ba dadagdagan iyan?" "Hmm, 'di na." He sighed and nodded too. "Alright. Marami naman akong kinuha, para sa'yo lang naman iyan." Parang natatawa niyang wika at inabot sa cashier ang isang black card. Nagulat pa ang babaeng ngumiti sa amin kanina bago i-swipe ito para sa mga binili namin. "Really?" Gulat kong tanong at muling sinulyapan ang dalawang malaking dalawang eco bags sa tabi namin. Kasama na 'dun ang mga pinili ko. "Yah. May pagkain naman sa SUV." Natatawa nitong inabot ang kaniyang black card at nilagay na sa leather pocket kasabay ng pagbuhat niya ng mga eco bags. "Hala ka! Baka magalit sa akin si Isaiah!" Natataranta akong humarang sa kaniyang dinadaanan. "Baka magalit sa akin 'yun! Natatakot ako." I said. He eyed me with an immense softness. "Trust me. He will not, okay?" "Pero---" "Just walk with me. C'mon, kapit ka na." Putol niya sa sasabihin ko at inabot ang braso niya. "Sigurado ka?" Kinakabahan pa rin ako. Papunta na kami ngayon sa pinag-parkan ng SUV at hindi ko talaga maiwasang manginig. "Stop shivering, 'kay? Andito ako. Bubugbugin natin 'yun kapag nagalit." Naiinis ko siyang binitawan at nakangusong nauna sa sasakyan. Nagulat pa ako nang mabuksan ko ang pinto at halos matumba ako ng nakita ko ang itsura nila. Masasamang mukha at parang mangangain ata ng tao ang bumungad sa akin. "Where the hell did you two go?" Matigas na tanong ng kamahalan habang tinatapik-tapik ang mamahalin niyang wristwatch. "35 minutes." Dugtong nito. "Huh?" "I said 35 minutes kayong nawala. Bibili lang ng pagkain inabot ng halos kalahating oras! Are you making a fool out of me?" Angil nito. His eyes were dancing with boredness and anger. "Ah. Eh...Kaustle!" Tawag ko sa lalaking kasalukuyang nasa likod ko. He hold my shoulder and scoffed at kamahalan. "Tsk. Siyempre, mahirap mamili. Huwag kang praning." Nanga-asar nitong sagot at ipinasok na ang mga pinamili namin. Naghikab pa ang dalawa sa likod. Malakas pa talaga, ang galing. "Hay salamat, nandito ka na rin sa wakas, kanina pa 'yan gustong sumunod." Natatawang wika ni Wayne. "Kaya nga naman!" Segunda ni Klade. Bumaling ako kay Sun. Nakanguso ito at kasalukuyang nakatitig sa mga eco bags. "Can I have one toblerone?" He asked and hopefully looked at me. I nodded and looked at kamahalan who's busy watching my movements. "Ano pang hinihintay mo, pasok na!" Asik nito. I rolled my eyes at him. Kahit kinakabahan ay mabilis akong sumampa at nanginginig ang kamay na inabot ang ibinibigay na neck pillow sa akin ni Sun. Ito 'yung hawak kanina ni Wayne ah. "Huh?" Lito akong lumingon kay Wayne pero nakapikit na ito. "Tsk. What are you waiting for, Kaustle? Open the engine now, kanina pa kami naiinitan dito." Iritadong utos ng kamahalan at umayos na ng upo. Iniiwasan kong madaitan siya dahil baka lalo pa itong magalit. Kaustle just laughed teasingly and put on his seatbelt. "Tsk. Ito na po." He opened the engine and the AC turned on too. I sighed. Nawala na ng kunti ang sakit ng likod ko. Magaalas-kwatro na ng madaling araw. I can already feel the numbness of my eyes. Antok na rin ako at sumandal kay Sun na ngayon ay busy na sa pagkain ng toblerone. "Gamitin mo daw 'yan." Nguso nito sa hawak kong neck pillow. Natawa ako ng masamid siya. "Dahan-dahan. Para ka pa talagang baby." Sabi ko at inilagay na sa aking leeg ang neck pillow. Ngumuso ito. May kaunting chokolateng naiwan sa gilid ng labi niya. Kinapa ko ang bulsa ng aking jacket. Buti na lang nadala ko ang wet wipes na hinugot ko lang sa maleta ko kanina. Kumuha ako ng isang piraso at dahan-dahan itong ipinunas sa gilid ng kaniyang labi. He was surprised. Nanlalaki ang mga mata at nakatingin sa kabilang gilid ko. "Ehem." Malakas na tikhim ng kamahalan. I didn't glance at him and continued cleaning Sun's messy lips. "You should eat cleanly." Wika ko na parang bata ang kausap. "Hmm." He nodded and quickly stopped my hand from cleaning his lips. "Ako na." "Okay." I gave him the wet wipes and glanced at kamahalan who's now glaring at me. "What was that?" He said with his dangerous voice. I don't know but I did that to Sun with so much familiarity. Parang sanay na sanay na ako. I sighed heavily. "Makalat kasi siyang kumain." Sagot ko at tumingin na lang sa mga nadadaanan namin. He quietly bend down and looked at the eco bags beside our feet. Kumuha siya ng isang toblerone at mabilisang binuksan. What is he planning? Sinadya niya talagang ikalat sa labi niya ang matamis na chokolate at tumingin sa akin. "Makalat din ako kumain, wipe my lips too." I widened my eyes and look at him with disbelief. Seriously? "W-what?" "My lips were messy too, c'mon wipe it." He playfully winked at me and I almost spanked his head. Dinukot ko ang wet wipes at kumuha ng ilang piraso. His eyes glistened with amusement. Sa inis ko, isinalpak ko ito sa buo niyang mukha. He groaned in annoyance and I heard his friends laughed like an idiot. Bumaling ako sa katabi kong patuloy na kinakain ang tsokolate sa kamay at maayos nang tingnan ang labi nito. "What's wrong with kamahalan?" I whispered and poked Isaiah who's now annoyingly removing the wet wipes in his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD