KARMA 3 VALERIE...

1540 Words
CALVIN I'm busy checking my email about the company when suddenly I heard shouts coming inside of my house. "Daddy!" Napalingon ako sa matinis na pagtili na kilala ko na kung sino, my unica hija, Vivienne Blaire. Sinalubong ko siya ng yakap at agad siyang tumalon sa bisig ko. Kasunod niya ang dalawang kapatid niya na parehong seryoso ang mukha, naka-cross pa ang mga braso ng mga ito habang nakausli ang mga nguso at tinitignan ako ng masama. My kids are all seven years old, at pare-pareho rin silang mature para sa edad nila. Kapag kausap ko nga sila ay pakiramdam ko ako ang anak at sila ang magulang. "Now what's the matter with you three?" tanong ko habang hinahalik-halikan si Viv sa ulo at sa pisngi. Itinutulak niya naman ang mukha ko habang humahagikgik. "Daddy stop kissing me! Your facial hair is tickling me and I'm a big girl na po!" hiyaw niya pero mas lalo ko siyang hinalikan na lalo niya ring ikinatili. Inilayo ko siya sa akin ng bahagya at tinignan, "You will always be my baby Viv. Kayo ng mga kuya mo... lahat kayo babies ko..." "Eh Daddy... hindi ka na po magkakaroon ng bagong wife?" inosenteng tanong niya habang ang dalawang kapatid niya ay tumango-tango lang na nagpakunot ng noo ko. "Why are you asking me that question now?" naninimbang kong tanong. Agad na umilap ang mata ng tatlo kaya mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko. Ibinaba ko si Viv at dinala ko sila sa duyan kung saan kami madalas mag-laro. Isa isa ko silang tinignan at si Virgo ang sumagot para sa kanila. "We heard what Mommy and Tita Ganda said Dad. They are worried about you..." Itinuro ko ang sarili ko, "Me? Why?" "T-they said that you are playing with different girl's heart. I-is it true Daddy? Are you hurting them?" Vivienne asked. Napamaang ako sa naluluhang mukha ng anak ko. What are those two talking about at pinaririnig pa sa mga bata? "Don't blame Mommy and Tita Kat Dad, we were playing inside when we heard them talking po. Dad sana po hindi niyo na po ulitin yung nangyari kay Mommy..." malungkot na turan naman ni Virgo. "If you are sad Dad, pwede naman po na humanap kayo ng magiging wife mo pero wag na po kayong mananakit ng iba please?" dagdag naman ni Cray na pinagsalikop ang mga kamay at nakikiusap. Napatingala ako at pumikit. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na may mga pangangailangan ako at ang mga babaeng iyon lang ang makakapuno non? Paano ko ba ipapaliwanag na hanggang ngayon mahal ko pa rin si Serena at siya lang ang gusto kong makasama habang-buhay? Paano ko sasabihin na gusto ko siyang agawin mula kay Arkin, kung tinanggap na nila ito ng buo bilang pangalawang ama? Hindi ko rin naman kayang makitang umiiyak nanaman si Val. Ngayon pa na nahanap na niya ang tunay na nagmamahal sa kanya. Pagmamahal na hindi ko naibigay ng buo dahil sa kag*guhan ko noon. At ngayon nga ang mga anak ko na ang nagmamakaawa sa akin na tigilan ang pambababae ko. Paano na? "Find a girl Dad... It's not too late for you." komento ni Cray na agad sinegundahan ng dalawa "We want you to be happy too Dad." wika ni Virgo. "As happy like Mommy is right now..." naiiyak na wika ni Viv. Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako dahil sa mga sinasabi at payo nila. Daig ko pa ang sinapak sa mukha sa realisasyong ipinamumukha ng mga anak ko. Niyakap ko silang tatlo at yumakap naman din sila pabalik, mas mahigpit. Ramdam ko ang maliliit na kamay na humahagod sa likod ko. Just what I needed right now. "We're always here for you Daddy... We hope you'll find the right girl for you. We hope you find her soon..." saad ni Virgo na akala mo magka-edad kami kung magpayo. Daig niya pa sina Thyle at Atticus sa sobrang advance niya mag-isip. Mabuti pa itong mga anak ko ay may magandang hangarin, pero ang dalawang iyon puro babae ang ipinakikilala sa akin. "I hope to meet her too... soon." hinalikan ko sila isa isa at inaya na silang magbihis dahil nangako akong dadalhin ko sila sa Enchanted Star para mag-enjoy at baka doon ay makalimutan nila ang hiling na humanap ng babaeng ipapalit kay Valerie dahil hindi ko naiisip na palitan siya sa puso ko... kahit kailan. ***** I'm busy checking the Finance report when three knocks on my door interrupted me. "Come in" I said looking back at my computer. "Boss Calvin... nandito na siya." I look at her with questioning eyes, 'what's this again Camille?' "Who?" I answered coldly. "My replacement." when she said those, my office door opened wide and there I saw a woman wearing a brown pleated skirt that reached her knee and a black mock neck rib-knit tee na lalong nagpalabas ng dibdib niya.She's only wearing a light make-up pero mukha siyang anghel na bumaba sa langit. What is her name again? "BOSS! Naririnig mo ba ako?!" pinitik ni Camille ang mga daliri niya sa harap ko kaya iglap lang ay napailing ako. "Oh! Ahm... I'm sorry I was busy with the report so I was just stuck-up for a minute there. What are you saying again?" saad ko upang di nila mahalatang naaakit ako sa taglay na ganda ng babaeng mukhang araw araw ko nang makakasama. Ang just thinking about that gave me a hard-on. Ipinasok ko ang katawan ko sa loob ng lamesa dahil nagsisimula nang sumikip ang pantalon ko, napansin ko rin ang pag-ngisi ni Camille na lalong nagpadagdad ng kahihiyan ko. Mukhang alam ng babaeng ito ang tumatakbo sa isip ko. Muling tumikhim si Camille para kunin ang atensyon ko. "Boss Calvin, I'd like you to meet my replacement Alaina Ysobel Perez." tinabihan ni Camille ang babae at inakbayan ito."I already pulled her out from the Front Desk and starting today, I'll teach her everything she needs to know about the job... and about you." kinindatan ako ni Camille at muli kong ibinaling ang tingin sa babaeng nakatungo pa rin. "Chin up Ms. Perez. We are being introduced to each other so it's rude to look at your feet and not me." wika ko sa malamig na tono. I feel offended dahil hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Gusto ko lang namang makita ang mukha niya. Mabilis siyang nag-angat ng mukha and I was met with the most alluring face I've ever seen. Her eyes as raven as the night sky and her lips... I felt my little friend growing crazily while looking at her innocent face. Just like Valerie when we first met... "I-i'm s-sorry Sir Calvin. I-i'm Alaina Perez and I've been with the company for 8 years now." d*mn even her voice is angelic I felt like being swayed in the air. I cleared my throat to make my little friend behave, and to remove the lump on my throat that is starting to grow. "I hope you'll learn the basics Ms. Perez. All of my rules will be taught to you by Ms. Suarez and I hope by the end of your training you'll be like her. Understood?" muli kong turan. Napansin ko ang pamumula ng mala-gatas niyang kutis hudyat na nahihiya siya. "Ahm... Sige na Boss pasensya ka na sa abala. I just wanted you to meet her. And now I got what I want, we'll be going. Have a great day CMS." the little devil is still smirking. She knows I'm having a hard-on d*mmit! My phone vibrated giving me more reason to feel ache at my crotch. CAMILLE S.: Now I know. That's all what the text says with a devil emoji at the end. F*ck it! I think I need to release again. I stood up apbruptly and irritatedly, I exited at my office's secret elevator that only me can use. When I reached the parking lot I hop in my car and run my car like a mad man. When I reached my destination, I pressed the doorbell twice. A middle aged woman gave me a smile and let me enter the mansion. "Sir Calvin pasok po! Nandun po sila sa pool area." wika nito at iginiya ako papunta sa pool area kung saan nakakarinig ako ng hagikgikan ng mga bata. Nang makarating doon ay bumungad sa akin ang apat na bata na masayang lumalangoy kasama ang ama ng mga ito. Ang pakay ko naman ay nakatalikod habang nakasuot ng manipis na hem short bikini na nagpalitaw ng mapuputi niyang binti. Anim na ang anak niya pero hindi mo kababakasan na isa na siyang ina dahil sa ganda ng hubog ng katawan niya. Nagkaroon ng siya ng kaunting laman pero bumagay ito sa kanya at mas lalo siyang gumanda. Taliwas noong magkasama pa kami. Naramdaman niya marahil ang pagtitig ko dahil bigla siyang lumingon sa gawi ko. Nagulat man siya ay agad naman siyang ngumiti at sinalubong ako ng yakap. "Marcus!" pagtawag niya sa pangalan ko. Siya lamang at si Ate Carla ang tumatawag sa akin ng Marcus, isama na ang Mama ko na tuwang-tuwa kapag nakikitang lukot ang mukha ko sa itinatawag niya sa akin. "Valerie... I missed you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD