KARMA 4

2225 Words
CALVIN "What are you doing here Marcus? And what's with the long face?" Serena laughed heartily while looking at me. I can watch her laugh the whole day, I will never het tired of seeing her smile even if she find me funny. If I could just... "Hey man 'sup?" naputol ang pagmumuni-muni ko nang tapikin ako ni Arkin sa balikat. Nakangisi siya habang pinupunasan niya ang katawan niya. Nilapitan naman siya ni Val at sinuotan ng bathrobe, "Thanks baby," hinalikan ni Arkin sa tungki ng ilong si Valerie kaya naman inilihis ko ang tingin sa kanila. May kudlit pa rin ng kirot sa puso ko kahit pa sinabi ko nang naka-move on na ako. Malapit nang ikasal ang dalawang ito at may apat na rin silang anak na mga inaanak ko'ng lahat. Si Corrine lang sana ang inaanak ko ayon na rin kay Val ngunit nagprisinta ako na gusto ko lahat ay inaanak ko. Sino ba namang hindi magpiprisinta sa apat na cute na nilalang na iyon na nang ipanganak ay halos mauna pa ako'ng himatayin kesa sa mga magulang. "Ano na Calvin natulala ka nanaman riyan! Ano't naparito ka? May problema ba sa kambal?" ang magandang mukha nito ay napuno ng pag-aalala nang banggitin ang mga anak namin. Mabilis akong umiling sabay wagayway ng kamay, "No Val, I'm sorry to just barge in here it's just that..." binitin ko ang sasabihin ko at napatingin muli sa kanya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang dulo ng mga mata ko at napansin niya iyon kaya biglang lumambot ang mukha niya at idinipa ang mga braso. "Come here Marcus..." aniya sa malumanay niyang tinig. Atubili akong lumapit ngunit nang mapatingin ako kay Arkin ay nakangiti siya at tumango lamang habang hawak ang dalawa sa quadruplets nilang anak. Isang tango pa ni Valerie at mabilis akong lumapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, napapikit ako at dinama ang init ng yakap ng babaeng hindi na mapapalitan sa puso ko. Naramdaman ko ang marahang paghagod niya sa likod ko habang bumubulong ng, "Magiging maayos din ang lahat Cal..." Maraming bagay ang bumabagabag sa akin, maraming mga lihim na nabunyag na pinilit kong kayanin nang mag-isa. Pinanatili kong magmukhang matapang ngunit sa huli ay bumigay rin ako, isang yakap lamang ni Valerie gumuho ang pader na nagsilbing depensa ko sa lahat ng pinagdaanan ko. "Cry it all out Marcus. I'm so proud of you, you've been brave for facing all those problems. And I know sooner or later you'll heal, pagalingin mo ang sarili mo, hindi para sa akin o sa pamilya mo, hindi lang para sa mga anak mo, higit lalo para sa sarili mo. Always remember that we are here for you, ako, palagi akong nakasuporta sa'yo," I smiled at her sweet gestures. "Eh 'di bumalik ka sa'kin," I replied jokingly which earned a chuckle from Arkin while Valerie hit my head. "Ouch Val masakit!" I whined like a child. Their babies are giggling while watching me. Their giggles earn a smile from me. When I turn to Valerie and Arkin, they are both smiling. It stings, but my heart fell fine seeing how happy my ex-wife is, different from how miserable she was when we're still together. "I'm fine now, thank you Val," I wipe my tears when Arkin bro hugged me. "Thank you for being strong man, Sena is right, we're here for you no matter what. I hope you'll find someone who can share your tears and fears. Stop playing you fool," we both chuckle with what he said. "Kung makakahanap ako why not? But..." muli ako'ng napatingin kay Serena na sumama naman ang mukha. "Ayan ka nanaman Calvin Marcus! Kung hahanapin mo ako palagi sa ibang babae, hindi ka talaga magiging masaya," she reprimanded me. I sighed, "Hindi kita hinahanap sa kanila, hindi pa lang talaga ako handa..." "Hindi ka handa? Kailan ka magiging handa? Kapag may isa nanamang tulad ni Angela ang gugulo sa buhay mo? Hindi ka na bumabata Calvin, kailangan mo ng katuwang sa buhay. Masarap maging binata, pero mas masarap ang may kasamang tumanda," nilingon niyang muli si Arkin na hinalikan siya sa noo. "Stop playing with womens heart Cal. Akala mo ba hindi ko alam ang nangyayari sa'yo? Your face is everywhere! On the news, newspaper, and even online. Hindi ka ba natatakot na mabasa ng mga anak mo 'yan? Paano kung isang araw makita ni Virgo 'yan?" taas ang kilay na tanong niya sa akin. "Magpakatino ka Calvin, ayokong makita ka na lang namin isang araw sa ospital dahil pinabugbog ka sa patuloy na pakikipaglaro mo sa mga babae. Kapag nahanap mo ang katapat mo ewan ko talaga sa'yo!" she keeps nagging me like my sister. "Don't be too harsh on Calvin babe. Malay mo magulat ka na lang may kasama na 'yan sa kasal natin," kumindat sa akin si Arkin kaya nagkatawanan kaming dalawa. Pinalo naman ni Serena ang asawa niya na hinalikan siyang muli sa ulo. "Iaakyat ko muna ang mga bata Sena," bumaling si Arkin sa akin at inilapit ang quad na pinaghahalikan ko isa isa. "You should join us for dinner Cal, magluluto si Sena mamaya," pag-anyaya ni Arkin ngunit magalang akong umiling. "I have meetings later, dumaan lang talaga ako to check on you guys..." I lied but ĺooks like Serena see thru me so she just twitch he brows. "Go babe aakyat din ako mamaya," paalam ni Serena sa kanila. Nang maka-akyat ang mag-aama ay muling bumaling sa akin si Serena na seryoso ang mukha. "Why? What did I do?" tanong ko sa kanya. Hinampas niya ang braso ko na ikinabigla ko, "Ouch nakakadalawa ka na Serena! What was that for?" She didn't answer and she just narrow her eyes on me. This is how she looks at me before when she's mad but can't resist my charm. I gave her my most handsome smile but she just slap my arms again. "Val!" "Dapat lang 'yan sa'yo Marcus!" seryosong wika niya sa akin na tinawanan ko. "Ano ba'ng ginawa ko?" maang-maangan ko. Nakapaskil pa rin ang mapaglarong ngiti sa labi ko ngunit ang reaksyon niya ay seryoso pa rin. "Forget about me..." diretso niyang tugon na panandalian kong ikinabigla. Natawa ako at napailing, "You're getting ahead of yourself Val," kinabahan ako sa sinabi niya ngunit hindi ko ipinahalata. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako ng matiim, "I'm serious Calvin, I know you, alam ko'ng kaya ka nandito dahil magulo ang isip mo. At alam kong isa ako sa nagpapagulo niyan, Cal hanggang kailan?" tanong niya habang nakatingala sa akin. Saglit akong napatulala sa mapupula niyang labi ngunit tumikhim siya na nagpabalik sa katinuan ko. Napayuko ako at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon ko, "Am I that transparent? Huwag kang mag-alala, nakapag-move on na 'ko sa'yo," I answered cheekily. Marahan siyang napailing at ngumiti ng maliit, "Maloloko mo ang iba pero ako hindi. Naloko mo na ako noon kaya natuto na ako," we laughed at her obvious sarcasm, "Now spill, what's happening to you? Woman?" Sa sinabi niya ay naalala kong muli ang babaeng ipinakilala ni Camille sa akin kanina na magiging kapalit niya. Muli ko nanamang naramdaman ang paninikip ng pantalon ko nang maalala ang magandang mukha at ang kakaibang hubog ng katawan nito. Ano na nga ulit ang pangalan niya? Elena? Anna? Ara? "Hello! Calvin to earth!" Serena snap her fingers infront of my face then my thoughts went back to her. 'What the hell am I thinking? Bakit ko ba naaalala ang babaeng 'yon?' Tumikhim ako at tumingin sa malayo, "I-I'm sorry lumipad sandali ang isip ko. But really, I just wanted to visit you and breath. Alam mo namang ikaw lang ang nagpapatino sa kaisipan ko," I turn to her and stare at her adoringly. Her facial features soften, then again she offered a hug which I didn't refuse. I let myself feel her warmth and my nerves instantly calms. I kissed he hair and breath her sweet vanilla scent, "Thank you for always understanding me Val. I promise, magpapakatino na talaga ako." "Aba dapat lang!" she held my hand ang look me straight in the eye, "Gusto kong mahanap mo rin ang taong mamahalin mo ng totoo, yung masasabi mong sulit lahat ng sakit na pinagdaanan mo. Gusto ko'ng maging masaya ka rin tulad kung gaano ako kasaya ngayon," tears started to roll down on her eyes that i quickly brush off. Napangiti ako sa sinabi niya, hinalikan ko siya sa noo, "Maybe I'm still in the healing process Val, like what you told me before I need to pick up the shatteres pieces of myself. Gusto ko rin namang kapag dumating ang panahon na may makilala ako na papalit sa'yo rito sa puso ko, dapat buo ako." Yumakap siyang muli sa akin, "You've matured so much Cal I'm so proud of you!" "Experience is the best teacher Val," I kiss her forehead again before bidding goodbye, "I need to go Val, I still have a meeting this afternoon. And about the kids, they perfectly fine you don't need to worry. Ihahatid ko sila next week," I waved at her before going out of their house. I sighed and look up at the sky, "You've punished me so damn hard, will I ever be happy again?" mapait ko'ng tanong habang nakatingala sa kalangitan. Muli kong nilingon ang bahay ng mag-asawa at nakita ko pa ang pagkaway ni Serena bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ko. At first I find it hard to co-parent lalo at hindi pa ako tuluyang nakakamove-on kay Serena, but as the days go by na nakikita ko siyang masaya sa buhay na tinahak niya, ay naging magaan na rin para sa akin na makita sila ni Arkin. Ako pa nga ang kasa-kasama ni Serena hanggang sa bago siya manganak dahil may importanteng inasikaso si Arkin sa negosyo nila sa ibang bansa. Siguro nga hindi pa magaling ang puso ko, from my heart-wrenching separation with Serena, to Angela's schemes, death, and the lies surrounding her that surfaced when I saw that letter... Serena is right, healing takes a lot of time and I need to start healing for my kids, especially for myself right now. My phone's ringing brought me back from thinking, I saw Camille calling so I answered quickly. "Hel-" "Where are you CMS? You're three minutes late! The investors are already here and they're waiting for almost thirty minutes now oh gosh what should I do?" I chuckled at Camille's distress, "Relax Cam, I'll be there in ten." "Ten? Can you make it five?" "If you want me on the obituary tomorrow then maybe I can make it," She groaned loud and I heard a thud on the other line which made me laugh. "Just entertain them Cam, you know what to do," I turn off the call and drive as fast as I can going back to the company. Mabuti na lang at walang traffic kaya mabilis akong nakabalik sa kumpanya. Paakyat na sana ako nang makita ko ang dalawang receptionist na parang nag-aaway. Napunta ang mga mata ko sa bilugang pang-ibaba ng isang babae na parang pamilyar ang tindig. Iniling ko nang marahas ang ulo ko nang mapatingin ako sa makinis na binti ng babae. Nagtago ako sandali sa malaking halaman na malapit sa reception area upang makinig sa pinag-uusapan nila. "Ano ba'ng problema mo Trish?" narinig ko'ng tanong ng babaeng nakatalikod sa akin. Ang hinhin ng boses niya ay nagdala ng kakaibang kiliti sa katawan ko, hindi nga ba at ito ang papalit kay Camille? "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Paanong ikaw ang nakuhang kapalit ni Ms. Camille? Sumipsip ka siguro kaya panay ka akyat sa executive floor 'no? Eh kung tutuusin mas maganda at mas sexy ako kesa sa'yo!" paismid na sagot ng babaeng natatandaan ko'ng malapit noon kay Angela. Ano ba'ng pinag-aawayan ng mga ito? Lumapit pa ako ng kaunti at nakinig. "Wala ako'ng panahong makipagtalo sa'yo Trish. Kung gusto mo'ng ikaw ang pumalit kay Ms. Camille as Sir Calvin's secretary then go, ibibigay ko sa'yo ang posisyon but never, ever say na sumipsip ako kahit kanino. Tahimik at maayos ako'ng nagtatrabaho rito," malumanay na sagot ng babae na ikinangiti ko. Muling umismid ang babae at tumaas ang kilay na singnipis na yata ng papel, "If I know may balak kang akitin si Sir Calvin, puwes to tell you frankly hindi papatulan ni CMS ang mga katulad mo. Nakita mo naman yung mga socialite na bumibisita rito 'di ba? Gano'n! Gano'n ang type niya, eh ikaw? Mukha ka lang basahan kapag itinabi sa mga iyon," mataray na sagot nito na ikinasalubong ng kilay ko. 'So this is how they talk about me and my affairs?' I clench my fist and ready to walk-out when I heard the other girl answer. "Pumasok ako rito para magtrabaho, hindi para landiin ang boss natin. Kung iyan ang iniisip mo sa mga magiging sekretarya ni Sir Calvin puwes ano na lang din ang tawag sa sarili mo? Sa sinabi mo, sino ba sa'tin ang may balak na landiin si CMS?" palabang tugon ng babae na ikinangiti ko. Sumilip ako at nakita ang pag-angat ng kamay ng babaeng tinawag na Trish para saktan ang isa pang babae kaya mabilis ako'ng lumabas sa pinagtataguan ko. "What's happening here?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD