Mabilis akong napabaling kay Papa, "Pa bakit ka pumayag? May pera pa naman ako!" "Siya ang nagpumilit anak. Inaabot ko nga sa kanya ang pera ko pero ayaw niyang tanggapin," paliwanag ni Papa ngunit hindi ako mapakali. Ininom ko ng mabilis ang gamot saka sila nilagpasan. Hinawakan ni Papa ang braso ko, "Anak saan ka pupunta? Nilalagnat ka pa," nag-aalalang tanong nito. "Kailangan kong pumunta sa opisina Pa, ibabalik ko kay Sir Calvin ang ibinayad niya," mabilis ang kabog ng dibdib ko. Nakakahiya kay Sir Calvin, hindi niya kami kargo at lalong wala siyang kinalaman sa mga nangyari sa amin para bayaran ang gastos namin dito sa ospital. "Ate baka mapaano ka pa sa trabaho mo," saway sa akin ni Aina ngunit lumilipad ang isip ko, binibilang sa utak ko ang mga araw na mag-oovertime ako mabayar

