ALAINA Kumikirot ang ulo ko nang magising ako mula sa bulungan sa paligid. Nanuot din sa ilong ko ang amoy ng ospital... ospital? Bigla akong napadilat at nakita si Papa at Aina na nakatingin sa akin. "Ate gising ka na!" napalakas ang boses ni Aina kaya napatingin sa amin ang ilang nurse na umiikot at nagche-check ng mga pasyente. Maging ang mga kasama namin sa ward ay napatingin sa amin. "A-Aina bakit tumayo ka na a-agad?" tanong ko sa garalgal na boses. Pinilit kong tumayo ngunit dama ko ang pananakit ng katawan ko, lumalabas din ang init sa mga mata ko na nangyayari lang kapag tinatrangkaso ako. "Mabuti at gising ka na Lai, kamusta ang pakiramdam mo?" inilapit ni Papa ang wheelchair niya sa akin at hinawakan ang braso ko, "Anak mainit ka pa, teka at tatawag ako ng do-" Pinigilan

