CALVIN
"How is she Nixon?" tanong ko sa kakilalang doktor na tumitingin kay Ms. Perez. Napansin ko ang kakaibang tingin na ipinukol niya sa babae kaya nagsalubong ang kilay ko. There is worry and fondness, and something else...
"She's okay now Mr. Sanders, she blacked out due to over fatigue and stress. She's also running a fever of 39.2 but we already gave her medications. Where did you see Ms. Perez?" tumingin ito sa akin at nagtanong.
"Just a few blocks away from here, you know her?" kunot-noong tanong ko.
"Yes, as a matter of fa-" nagpapaliwanag ito nang biglang magsalita ang may-edad na lalaki sa kabilang kama ng ward.
"A-Alaina?"
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko nang makitang umiiyak ito at umusog sa dulo ng kama, bigla namang lumapit ang doktor sa puwesto nito at inalalayan.
"Mang Arman sandali po baka mahulog kayo," inalalayan ng doktor ang matanda.
"Dok bakit nakahiga riyan ang anak ko? Anong nangyari? Napaano siya?" umiiyak na tanong nito.
Anak? Kung gano'n ay tatay ito ni Alaina, bakit siya nasa ospital? Mukhang hindi ito nakakalakad dahil binuhat ito ni Nixon patungo sa wheelchair.
"Dinala po siya ni Mr. Sanders dito Mang Arman, nakita raw po niyang walang malay sa daan si Alaina," mahinahong tugon nito. Napataas ang kilay ko nang marinig ang kaswal na pagtawag ng doktor sa pangalan ni Ms. Perez, maging sa tatay nito.
"Juskopo ang anak ko!" humagulgol ang tatay ni Alaina at inilapit ang wheelchair sa kama nito saka hinawakan ang kamay.
"Sinabi ko na kasi sa'yong magpahinga ka anak, bakit kasi pinuntahan mo pa ang Mama mo. Diyos ko, ano'ng gagawin ko sa mga anak ko? Kasalanan ko ito," pagtangis nito habang hinahagod ang ulo ni Alaina.
Tinititigan ko ito at habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng pamilyaridad, hindi ko maalala kung saan ko nakita ang may-edad na lalaking umiiyak.
Inilapit ko ang sarili ko kay Nixon at bumulong, "What happened to her father? And how did you know them?" seryosong tanong ko.
"Mr. Perez had an accident before when he was working as a foreman, I've been his doctor eversince kaya kilala ko ang pamilya nila. But it's not the reason why they're here, you see the girl on the other bed?" itinuro niya ang babaeng bakahiga sa kabilang kama na may benda sa ulo at walang malay. Sa unang tingin ay kamukha nito si Alaina.
"Is that..." pabitin kong tanong. Tumango-tango si Nixon bago nagkalambong ang mga mata na tumingin sa dalagitang nasa kabila.
"That's her sister, they rushed her here with an open wound in her head. As Alaina had said, an accident happened at home," paliwanag niya at inilipat ang tingin kay Alaina.
Ibinalik ko ang tingin sa dalagitang namumutla, "What did you say the father's past work again?" napatingin akong muli sa lalaking humihikbi at hinahalikan ang kamay ni Alaina.
"He's a former foreman," napatingin sa akin si Nixon at biglang napasinghap, "Now I remember, he worked at Sanders Builders before! He was working when suddenly the building collapsed and he's the only injured personnel since he saved his workers," nanlalaki ang matang tapik nito sa balikat ko.
Napatingala sa amin ang ama ni Alaina nang marinig ang sinabi ni Nixon, nang magtama ang paningin namin ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"S-Sir Calvin!" gulat na wika nito.
"Good to see you again Mang Arman, anak ninyo po pala si Alaina," lumambot ang ekspresyon ng mukha ko nang paglipat-lipatin ang tingin sa mag-aama.
Sunod sunod ang pagtango niya at inilapit ang wheelchair sa akin.
"Ikaw po ba ang nagdala kay Alaina dito sa ospital?" alanganin akong tumango at napatingin sa natutulog na si Alaina.
"M-maraming salamat Sir Calvin, masyadong maraming pinapasang problema ang anak ko kaya siguro bumigay ang katawan niya."
I remember Mang Arman, my parents were devastated when one of our project in Dagupan suddenly collapsed. My Dad said that it is due to the poor quality of the materials that Angela's family supplied us.
But they were more distressed when the most efficient foreman of Sanders Builders got hurt at the accident. The company shouldered his medical expenses, my parents even promised to give Mang Arman monthly allowance and his daughters scholarships until they finish their studies as compensation to what happened to him.
Uncle Tony told my parents that Mang Arman's bones has been crushed when his legs were stucked from the fallen wall. I was still studying at that time but I was always with my parents when they visit him in the hospital.
Kaya pala pamilyar siya sa akin, naaalala ko rin noon ang palagiang pag-iyak sa amin ng asawa niya tuwing bibisita kami sa ospital.
Hinawakan ko sa balikat si Mang Arman at tipid na ngumiti, "Huwag ninyo po akong pasalamatan Mang Arman, pasalamat na lang din ako at napadaan ako malapit dito kaya nakita ko siyang walang malay sa daan."
"Nanggaling siya sa Mama niya na dinala sa barangay," maiksing paliwanag niya. Nagkatinginan kami ni Nixon na nagpaalam na dahil tinatawag na ang pangalan niya sa operating room.
"Bakit po nasa barangay ang asawa ninyo?" bigla kong naitanong. Parang bigla naman natauhan si Mang Arman at nilingon ang anak. Matagal bago siya sumagot sa akin.
"Mula nang makatapos ng pag-aaral si Alaina at magsimulang magtrabaho sa Sanders Builders ay nangako siya sa amin na gagawin niya ang lahat upang makabawi sa amin ng Mama niya. Ngunit naging malabis si Carmencita. Nalulong ang asawa ko sa sugal maging sa alak. Kada sahod ay malaking pera ang hinihingi ni Cita kay Alaina para ipangsugal, sabay pa sa pag-aaral ng bunsong kapatid niya kaya naman doble kayod si Alaina. Pumapasok pa iyan sa convenience store tuwing Sabado at Linggo tapos ay umeextra sa isang restawran tuwing gabi pagkagaling sa trabaho," pagkukuwento niya ngunit hindi sinagot ng diretso ang tanong ko na lalong nagpalalim ng mga gatla sa noo ko, I'm a curious cat I know.
Biglang tumulo ang luha ng matanda at inilapit sa mukha ang kamay ni Alaina, "Gustuhin ko mang tulungan ang anak ko ay hindi ko magawa," napayuko ito at hinimas ang hita at binti niya.
"Kung nag-ingat lang sana ako noon, sana maganda ang buhay ng mga anak ko. Hindi sana kailangan ni Alaina na pumasok sa tatlong trabaho, hindi sana nagpakalulong ang asawa ko sa bisyo. Ang tanging konsolasyon ko lang ay scholar silang dalawa ni Aina, at maganda ang trabaho ni Alaina," tumingala siya sa akin at ngumiti ng malapad.
"Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ninyo Sir Calvin," naiiyak na turan nito.
"Calvin na lang po Mang Arman," tugon ko ngunit marahas siyang umiling.
"Kahit iyan man lang ay maibigay ko sa inyo, sa dami ng naitulong ninyo sa pamilya ko na hindi ko magawang ibalik ay kahit ang pagrespeto na lang sa inyo at patuloy na paglilingkod ng anak ko sa kumpanya ang kabayaran," sagot niya.
"Wala kang dapat bayaran sa amin Mang Arman, kami ang dapat na humingi ng dispensa sa inyo dahil sa mga maling desisyon noon ni Papa ay pangkabuhayan ninyo ang naging kapalit," seryoso kong turan. Tumango-tango lamang ito at ilang minutong natahimik.
"Sobrang bait ng anak kong ito, dahil kahit hindi siya pinakikitunguan ng maayos ng Mama niya ay mahal niya pa rin ito," sumubsob si Mang Arman sa kama at muling napaiyak.
Nabagbag naman ang loob ko kaya panandalian akong lumayo. Lumingon ako sa gawi nila at tumungo sa Nurse's Desk, nang mag-angat ng ulo ang nurse ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Nginitian ko lang siya ng bahagya at nagtanong.
"I wanna talk to Doctor Anthony Willis please," direstong turan ko. Tumango naman ang nurse at nag-dial na sa telepono nito.
***
"Daddy!" bigla akong napadilat ako nang marinig ang matinis na pagtawag sa akin ni Vivienne, umiiyak itong lumapit sa akin kasunod ang mga kapatid na masama ang tingin sa kanilang kapatid.
"What happened to my Princess?"
"Daddy inaaway nila ako! Ayaw nila akong payagan na makipag-usap kay Moon!" she pouted her lips while her eyebrows knitted, she's so cute.
"Because we think he has crush on you!" sigaw ni Cray na nakapamewang.
"And we won't allow anyone to have a crush on you, we are your older brothers and our job is to protect you," Virgo added.
"Paano ninyo naman nasabi? He was just asking questions regarding Mathematics!" tungayaw ni Viv sa dalawang kapatid na halatang nauubusan ng pasensya. Gusto kong matawa sa itsura nila dahil para silang tatay na sinasaway ang anak.
"You are a girl so you don't understand. Lalaki kami at iyon ang nakikita at nararamdaman namin kada lalapit ang Moon na 'yan sa'yo," matiim ang tingin na ipinukol ni Virgo sa kakambal.
"Dad talk to them, I hate those two! Isauli mo na nga po ako kay Mommy at iwan na silang dalawa dito. Palagi na lang silang nakabantay sa'kin, I feel like I have bodyguards kapag kasama ko ang dalawang 'yan," sumbong ni Viv na nakalabi at tumutulo ang luha.
Napahilot ako sa ulo ko at napailing, "And who's this Moon?" tanong ko nang mag-angat akong muli ng tingin.
"He's our classmate Dad and he's one of the most intelligent in our class!" pagmamalaki ni Viv.
"If he's intelligent bakit kailangan ka pa niyang tanungin tungkol sa equations?" tanong naman ni Cray na hindi inaalis ang mga kamay sa bewang.
Viv groaned and hugs me, "Dad pakibalik na lang sila sa tiyan ng Mommy tapos huwag na palabasin doon forever. They are so irritating."
Natawa naman ako ng malakas sa sinabi ng anak ko saka siya hinalikan sa ulo bago binalingan sina Virgo at Cray, "Loosen up you both, masyado kayong advance mag-isip. I like it that you are thinking of protecting your sister but give that kid from school the benefit of the doubt. Let your sister enjoy his company, you two should enjoy too and be friends with other kids. Don't keep yourselves to your own," paalala ko sa mga ito dahil masyadong seryoso sa buhay ang dalawang ito.
"But Dad-" sasagot pa sana si Virgo ngunit umiling ako.
"I understand where you are coming okay? I've been there, I protected your Tita Ganda too when we were still young and that didn't go well. Look at her now, she's becoming an old maid," the three kids chuckled and nods their head.
"Is that what you want for Viv? To grow old alone?" tanong ko sa dalawa na mabilis umiling, "So just let her be okay?"
Hindi pa rin sang-ayon ang dalawa ngunit tinitigan ko sila at tumango, sabay naman silang nakaintindi at napabuga na lang ng hangin.
"Yey! Daddy is my superman!" humalik sa pisngi ko si Viv at tumakbo na palabas ng kuwarto kasunod ang mga kuya niya.
Napapailing na lang ako nang maiwan akong muli na mag-isa sa kuwarto. Naghanda na ako para sa pagpasok sa kumpanya.
Matapos naming mag-agahan ay inihatid ko na ang tatlo sa school nila kung saan naghihintay ang teacher nila roon. Nang makita ako ng teacher nila na si Ms. Irene ay nakita ko ang biglang pamumula nito.
Naging awkward naman para sa akin lalo nang maalala ko ang nangyari sa amin noong nakaraang buwan...
"Bye Daddy!" sigaw ng tatlo bago kumaway sa akin. Tumungo naman ang teacher nila at mabilis na tumalikod kasama nila kaya napatingin nanaman ako sa hapit na skirt nito.
Sandali ko pang pinagmasdan ang seksing paglakad nito bago ako tuluyang umalis. Ipinilig ko ang ulo ko at inumpog sa bintana upang alisin ang maduduming bagay na tumatakbo sa isip ko.
Hangga't maaari ay pilit kong kinakalimutan kung paano siya humalinghing at dumaing nang matikman ko siya nang minsang maabutan ko siyang tumatakbo sa ulan.
Hindi na iyon naulit kahit pa ilang beses itong nagparamdam sa nakalipas na mga linggo.
What happened between us is sheer lust, I only bed woman once or twice and that's it. I hate having strings attached given that I still have feelings for my ex-wife.
I hate kissing too... because the last lip that touched mine is Serena's, and I want her to be my last even if it's insane.
When I walked to the building each employees bow their heads. I acknowledge them by nodding my head.
I'm about to enter my office when I find the door already open, no one enters my office aside from me, Camille, and my parents.
Camille told me yesterday that she won't be around today because of her wedding preparations, my parents are both in the US, now who is inside?
I opened the door and was shocked to see who entered my office.
"What are you doing here?"