CALVIN
Pagkatapos ng dalawang mahabang meetings ko kasama ang ilang kliyente ng kumpanya ay nakaramdam ako ng pagod. Nang silipin ko ang relos pambisig ko ay napailing ako nang makita na alas-onse na rin pala ng gabi.
Tinawagan ko ang mga kasambahay upang itanong ang mga bata, nang malaman na tulog na ang tatlo ay dumiretso na ako sa sasakyan at nagdesisyon na dumaan muna sa Black Karma upang mag-unwind sandali bago umuwi.
"Evening Boss!" pagbati sa akin ng bouncer na si Ezar. Tinanguan ko lang siya at diretso nang pumasok sa loob ng bar na pagmamay-ari ng bunsong kapatid kong si Clay Elixir Sanders.
Ang pamilya ng aking Mama ay may negosyong mga bar na nakakalat sa iba't ibang panig ng bansa. Ilang bars din ang minamanage ni Clay bukod pa sa posisyon niya as COO sa Sanders Realty.
Nagulat ako nang pagpasok sa loob ay inabutan doon ang ilan sa mga kaibigan ko, sina Atticus, Sage, James, at si Hunter na pulos mga problemado ang mukha.
"Looks like misery loves company eh?" wika ko na ikinatingin nila sa akin, si Sage ang unang nag-react at binato ako ng tissue.
"Why? Broken ka pa rin?" nakangising tanong ni Sage.
"Paano magiging broken 'yan eh kaliwa't kanan ang babae niyan," tugon ni Atticus saka uminom ng alak.
"You still going out with that model Shane?" tanong ni James na ikinakunot ng noo ko.
Napatingin ako kay James na seryoso pa rin ang mukha at sunod sunod na umiinom ng alak, pinigilan na siya ni Hunter ngunit nagtuloy pa rin siya.
"Shane? I thought Sheila ang pangalan niya," I shrugged my shoulders then they all started laughing.
"G*go ka talaga Cal!" turan ni Atticus matapos niyang ibuga ang iniinom niya.
"Shane Villasanta is a commercial model Cal, paano mo naman siya naipagkamali sa iba?" tumatawang tanong ni Sage.
"Stop messing around Cal, you've earned so much hate from the women's society, kailan ka ba titigil?" si Hunter naman ang nagtanong na seryoso ang mukha.
"Tandaan mo may anak kang babae, paano kung gawin kay Vivienne 'yang ginagawa mo sa mga babae aber?" tanong naman ni James na nakakapanibagong nagiging madaldal.
Umiling lang ako at sumimsim ng alak na inabot ni Sage, "That will never happen, I'll make sure that she'll end up with only the best. Dadaan muna sa bangkay ko ang lalaking iibig sa anak ko. Kung puwede nga lang ako na mismo ang pipili ng lalaki para sa kanya ay gagawin ko masiguro ko lang na sa mabuting kamay siya mapupunta."
Binato ako ni Atticus ng mani, "Sus ang korni mo Sanders! Baka nakakalimutan mo na iba na ang panahon ngayon! Hindi na uso 'yang mga fixed marriage na 'yan!"
"So anong tawag mo sa'kin?" bored na tanong ni James, "Kung hindi fixed marriage ang nangyari sa'kin ano'ng tawag mo do'n?"
"Iba naman kasi yung sa'yo James, sabi nga ng asawa mo 'di ba, it's destiny..." pinagsalikop pa ni Atticus ang mga kamay niya at ngumiti na parang nangangarap.
Sumama lalo ang mukha ni James at binatukan si Atticus, "Raulo!" sikmat nito sa huli na ikinatawa namin.
"Ano nga palang ginagawa niyo rito? Nasaan si Clay?" tumingin ako sa paligid at hindi ko siya nakita, nakakapanibago dahil kapag nandito ang YCC boys ay present ang isang 'yon at lumalabas sa lungga niya.
"His staff said that he went out before we came. Nagmamadali raw at parang may kikitain," Atticus answered.
"Nako baka sinundan nanaman ng isang 'yon si Jackie," natatawang tudyo ni Sage.
Napailing na lang ako nang maalala kung paano naglasing noong nakaraan ang isang 'yon dahil binasted diumano ng tagapag-alaga noon ng kambal na si Jacklyn Reyes.
Matagal nang bukambibig ni Clay si Jackie, nagkakilala umano ang mga ito nang minsang mapanood ni Clay ang performance ng dalaga sa bar na pagmamay-ari ng tiyuhin namin sa Nueva Ecija, I think that was six or seven years ago.
Walang naging girlfriend ang kapatid kong iyon at hindi namin maintindihan kung bakit hindi niya makalimutan si Jackie, kahit hanggang ngayon na pakikipagkaibigan lang ang kayang ialok ng dalaga.
"Mukhang nahumaling nang husto ang isang 'yon sa alaga ni Yna," natatawang tugon ni Atticus na sinang-ayunan naming lahat.
Nag-ring bigla ang telepono ni James at nakita naming ibinagsak niya ang cellphone niya sa lamesa bago sumandal sa couch at pumikit habang minamasahe ang ulo niya.
Nagkatinginan naman kaming apat at sabay sabay na sinilip ang caller, napanganga na lang kami nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.
'Wifey My Love' ang pangalan ng tumatawag at alam na agad namin kung sino iyon. Mayroon pang heart emoji sa dulo kaya napatakip ako ng bibig upang pigilan ang sarili na matawa.
Tumikhim naman si Hunter at ibinaling sa iba ang tingin niya, sina Sage at Atticus naman ay naghahagikgikan kaya sinamaan sila ng tingin ni James.
"Sumasakit ang ulo ko sa batang 'yan," turan ni James habang nakatingala.
"Bakit ba kasi inaway mo? Parang ang bait naman ng asawa mo pero palagi mo'ng sinusungitan," tanong ni Sage at halatang interesado. Mula nang mag-asawa ang isang 'to ay malaki talaga ang ipinagbago niya.
He's still the same irritating bastard that he is, but he became more serious with life. Kung dati ay binabahala niya lang ang buhay niya, ngayon ay halos hindi na namin siya makasama sa mga inuman.
He became better when he married Saffron, she brings out the best in him and vice versa. We've witnessed how Sage pursue her and how he loves her ever since we were young, same with Saffron.
They always look at each other while the other is not aware. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magtanong sa kanila tungkol sa chemistry na mayroon sila lalo at nagkaroon si Saffron ng boyfriend noon at si Sage naman ay parang nagpapalit ng briefs kung magpalit ng babae.
Love find its way to the two of them and now they're leaving happy and contented, loving each other's flaws.
Minsan ay naiinggit ako sa kanila, iniisip na kung hindi ako nagpabaya noon ay sana masaya kami ni Valerie hanggang ngayon. Siguro ay nadagdagan pa ang kambal namin ng tatlo pang anak, kung sana lang talaga...
May kung anong bumikig sa lalamunan ko nang mapunta nanaman sa pagsisisi ang isip ko. Inubos ko na ang alak na nasa harap ko at sumandal.
Kapag ganitong usapang asawa ay hindi mapigilan ng isip ko'ng magsisi at maawa sa sarili. Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si James.
"She's so annoying, you know how much I love my peaceful and quiet life," tugon ni James sa tanong ni Sage.
"Your life is boring James admit it," tuya ni Sage kaya mas lumalim ang mga gatla sa noo ni James.
"Damn you Salvatorre!"
"Why, isn't it true? Your wife is a ray of sunshine, her personality is sunny and it radiates on her smile, she's a good match for someone as boring you. If you would just give yourself time to know her better then you'll see how great a woman she is," seryosong turan ni Sage, napataas ang kilay ko sa kanya.
"Sage ikaw ba 'yan? Kinikilabutan ako sa'yo!" tuya ni Atticus pero binatukan lang siya ni Sage.
"I'm talking as a married man here Ford! Palibhasa ikaw gusto mong tumandang binata. I just want James to realize that there's a good side in his marriage with
Clover. She's young yes, but whenever she looks at you, love shines in her eyes," sagot ni Sage.
Tinapik ko sa balikat si James kaya napatingin siya sa akin, "Sage is right, make time to know her better. Hindi mo sigurado, baka sa huli magsisi ka kapag nagsawa na siyang intindihin ka. Baka kapag narealize mo na ang worth niya, wala na siya..." nanginig ang boses ko sa dulo at napansin ko ang tingin na ipinukol sa akin ni Hunter.
Sa aming magkakaibigan, si Hunter ang mabilis makabasa at makaintindi sa akin. I'm like an open book to him and he knows my problems immediately kahit hindi ko pa binubuksan ang bibig ko, kaya naman siya ang pinakamalapit sa akin sa YCC.
"Calvin has a point, hangga't maaga pa kilalanin mo na siya. Gano'n naman sa pag-aasawa hindi ba? Makikilala mo lang siya kapag nagsama na kayo sa iisang bubong. Eh halos tumira ka na sa opisina mo at sa eskuwelahan James, uwian mo naman 'yung asawa mo!" hinampas ni Atticus ang binti ni James saka tumayo.
Hinilot ni James ang noo at ilong niya, by this time ay alam naming iniisip na niya ang mga sinabi namin.
"Fine I'm going home, maaga pa ang meeting ko bukas with the Deans so... see you around boys," tinapik kaming lahat ni James at lumabas na ng bar.
Sinundan lang namin siya ng tingin, napapailing lang si Sage habang si Atticus ay nasa dance floor na at nakikipagsayawan sa dalawang babae doon.
"So Cal, kamusta ka naman? I've heard from Saffron na magreresign na si Camille, sino ang papalit sa kanya?" tanong ni Sage sa akin.
Nang maalala ang mukha ng dalagang dalawang araw nang gumugulo sa isip ko ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Naglumikot ang mga mata ko, ayokong may mabasa silang dalawa ni Hunter sa reaksyon ko ngunit mabilis ang dalawang kumag dahil narinig ko ang sabay na pagpalatak nila.
"Nako! Mukhang may masamang balak ka sa magiging sekretarya mo ah!" natatawang saad ni Sage.
"G*go may naalala lang ako!"
"Sus! Ilang taon na tayong magkaibigan Calvin Marcus kaya kabisado ko ang lahat ng reaksyon ng mukha mo. Bakit, maganda ba? Sexy? Patingin nga ng picture!" dire-diretsong tanong ni Sage na umani ng tampal kay Hunter.
"Kita mo 'tong isang 'to, tinuturuan mo si James kanina pero parang sabik kang makita ang sekretarya ni Calvin. Kapag nalaman yan ni Saffron," naiiling na paalala ni Hunter.
"F*cker. I love my wife okay? Curious lang ako sa bagong sekretarya ni Calvin kasi sabi ni Cami-"
"What did that she-devil told you?" I became agitated when he mentioned Camille.
"Oohh! Mukhang may kailangan kang ikuwento sa'min Sanders!"
"Shut up idiot! Wala akong ikukuwento dahil walang dapat pagkuwentuhan. She's a secretary, end of story," I said then lean my body on the couch. My eyelids suddenly getting heavy.
"Really? Eh bakit agitated ka agad kanina? I know you Calvin. Hindi mo man sabihin ngayon, malalaman at malalaman ko rin kung anong meron sa bago mong sekretarya," nakangising turan ni Sage.
"Ewan ko sa'yo Salvatorre, you and your assumptions. Hindi ka pa ba hinahanap ng asawa mo? Umuwi ka na nga!" nayayamot kong tanong sa kanya.
"I'll go home, I just need to unwind for a few hours because I feel suffocated at work,"
"If I were you Sage uuwi na ako, dumating na ang sundo mo," wika ni Hunter at tumingin sa entrance ng bar.
Naroon nga si Saffron habang madilim ang mukha at inililibot ang tingin sa paligid.
"Damn lagot ako nito, Bambina!" biglang tumayo si Sage at kinawayan ang asawa niya na nakapamewang na. Naglakad palapit sa lamesa namin si Saffron habang hindi inaalis ang tingin kay Sage. Maging kami ni Hunter ay napalunok sa kaba nang makita ang nag-aapoy na tingin ni Saffron.
Ngunit nang mapatingin siya aa amin ay biglang umaliwalas ang mukha niya, "Goodevening Cal and Hunter! Puwede ko na ba'ng iuwi 'tong asawa ko?"
I'm left speechless with how fast she changes her emotions, wala sa sariling napatango kami ni Hunter at nakita pa namin kung paano piningot ni Saffron ang isang Sage Viper Salvatorre palabas ng Black Karma.
"Ouch Bambina sandali lang naman dinamayan lang naman namin si James eh!"
"You're not answering my calls Viper, baka gusto mong sa salas matulog mamaya?"
Narinig pa naming pagtatalo ng mag-asawa bago tuluyan silang mawala sa paningin namin.
"Parang ayaw ko nang mag-asawa ulit..." bulong ko sa sarili ko habang hindi inaalis ang tingin sa nilabasan ng mag-asawa.
"I miss Tate..." bulalas naman ni Hunter kaya napalingon ako agad sa kanya.
"We miss her too man," tinapik ko siya sa balikat at binigyan ng ngiting puno ng simpatya.
"I miss her everyday... I miss her so f*cking much I wanna die right now so I can be with her,"
"Tate won't be happy if she hears this. Be strong Hunt, we're here for you. I hope you'll heal soon,"
Umiling siya at napangiti na puno ng pait, "How can I heal when my cure is already six feet under? How can I heal when all I ever want was to be with her again? F*ck ang sakit ng dibdib ko Cal. It's her fifth death anniversary tomorrow and until now hindi ko pa nahuhuli ang pumatay sa asawa ko," naiyak na nang tuluyan si Hunter at nilagok ang rum na iniinom niya.
"I thought you already have a lead? What happened?" tanong ko nang maalala ang paghingi niya sa amin ng tulong noong nakaraan para pasundan ang lalaking nagpakilala na isa sa mga sumunog sa bahay nila nang mamatay si Tate.
"Mauro Herras is dead, we we're about to pick him up last week for interrogation but we're surprised to see him dead in his house with four gunshot wounds. He's murdered Cal, and whoever murders him is my wife's murderer."
Napahaba ang usapan namin ni Hunter sa pagkukuwento niya ng nangyari sa lumabas na witness sa pagkamatay ni Tate four years ago. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil dinamayan pa namin ni Atticus si Hunter.
He will hold a mass for Tate tomorrow and everyone from YCC will come.
Nagpaalam na ako at lumabas na ng bar. Tinatawagan ko si Clay ngunit operator lang ang sumasagot sa akin.
Dahil alas-dos na nang madaling-araw ay wala na gaanong sasakyan sa daan. Matulin akong nagmaneho at nagulat ako nang makakita ng babaeng biglang natumba sa gilid ng daan.
Mabilis akong nagmaniobra at umikot palapit sa babae. Bumaba ako ng sasakyan para tulungan ito.
Hinawi ko ang buhok ng babae at nagulat ako nang mamukhaan ito, ang babaeng nagpapagulo ng isip ko, "Ms. Perez!"