Para na kaming housemates ng senyorito na gumigising nang sabay at kumakain nang sabay; sinasaluhan niya ko sa hapag-kainan kahit hindi naman talaga siya nakakakain dahil hindi niya kaya. Sa araw-araw na wala si Josefina ay nasanay na rin ako sa senyorito, minsan nakakalimutan ko na ngang multo pala ang kasama ko at hindi tao. Ngayong umaga bago ako umupo sa puwesto ko para mag-agahan ay naglapag ako ng tasa ng black coffee sa harapan niya na nasa host seat ng mesa. "What is this?" Suplado siyang napaangat ng tingin, natigilan sa pagbabasa ng diyaryo. He's been reading a LOT lately. Iba't-ibang libro, minsan tabloid o magazine. "Hindi mo ba nakikita o naaamoy? Kape 'yan." "Alam kong kape, nakikita ko." "Eh, 'yun naman pala. Bakit tinatanong mo pa?" Pumwesto na ko sa lugar ko sa mesa

