Napakayabang ng Raphael na 'yon. Totoo man o imbento lang ng senyorito ang tungkol sa pagiging lesbiana ni Elle ay wala siyang karapatang pagbantaan ako ng gano'n. Kahit siyasatin niya pa ang katotohanan, hindi ko rin naman intensyon na masapian si Elle. Ginawa ko ang makakaya ko para tulungan siya, muntikan na rin kaya akong mamatay no'n! "Nakakaasar talaga mga lalaki masyadong bigatin ang ego buti pa mga bakla understanding!" Gigil na gigil kong kinuskos ang salamin sa sliding door ng balkonahe. Okay lang na magsisigaw ako rito dahil wala naman si Josefina. Hindi na nga siya umuwi kagabi, hindi pa siya uuwi ngayon. Naaliw na naman 'yon sa taylor shop ni Esme kasama ang mga amiga ng doña. Matatanda talaga minsan mas layas pa sa mga bata at ayaw nang umuwi. Napakunot ang noo ko nang ma

