Ilang araw matapos ang pagbisita ng magkapatid na Angustiado ay hindi na ko tinantanan ni Elle sa kaka-text at tawag para yayain akong mamasyal sa mall, manood ng sine, o mag-hangout sa bar sa kabilang bayan. Ngayon nga habang nag-ti-trim ako ng halaman sa yarda ay wala pa ring tigil sa pag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa may paso dahil tinatawag pa rin niya. "You should answer her call." payo ng senyorito na nagbabasa na naman ng kung anong kaduda-dudang libro sa may garden table. "Bakit ko pa sasagutin? Palagi ko naman siyang tinatanggihan. Maliban sa wala akong pera at oras para sabayan ang trip niya sa buhay, dumidistansya na rin ako para hindi na ko mapag-initan ng kuya niyang may sister complex." "Point taken." Napaisip ako. "Tama rin talaga si Josefina na hindi kami d

