Cinorner ako ni Raphael sa may countertop, sa loob ng kusina na malayo sa sala at kami lang ang tao. Mali ako ng akala sa kanya dahil hindi siya pasensyoso. Hindi siya maghihintay na paimbistigahan ako dahil kung kinakailangan ay pipilitin niya kong isiwalat ang mga sagot sa tanong niya— na nasapian ang kapatid niya at kasalanan ko kung bakit 'yon nangyari. "Scared?" halos halikan niya na ko sa sobrang lapit niya sa mukha ko. "Hindi mo alam kung anong totoong nakakatakot, Raphael. Feeling mo talaga masisindak ako sa ganito lang? You clearly weren't haunted." inis ako pero wow nahawa na ko sa pag-i-English ng senyorito. "Haunted?" kumunot ang noo niya. "Haunted as in pinagmumultuhan. Naranasan mo na bang may kumapit na kaluluwa sa'yo at sundan ka niya kahit saan ka magpunta? 'Yon ang t

