"Ramona? Hinihintay ka na nina Father Benjamin. Ramona, naririnig mo ba ako?" kinukulit ako nongt ale na ayaw ako tantanan. Natataranta na nga ako sa senyorito dahil hindi ko alam kung pa'no siya paliliwanagan tapos ayaw pang itikom ng matandang ito ang madaldal niyang bibig. "Ramon—" "Pwede po bang tumahimik muna kayo saglit? Kailangan kong mapag-isa. Umalis ho muna kayo kung pwede lang?" napagtaasan ko na siya ng boses. Napatigagal siya, kaagad na tumalikod at umalis. "Ke bata-bata ang sungit." narinig ko pang bulong nito pero hindi ko na lang siya pinansin. Bumaling ako sa senyorito na namumutok ang ugat sa noo sa galit. "Hayaan mo kong magpaliwanag, Abel." "Paliwanag o gumawa ng kasinungalingan? Pa'no mo ipapaliwanag ang mga pari at instrumentong pang eksorsismo ro'n?!" Tiimbag

