Elena "Mayor, morning!" "Good morning po, Mayor!" "Yorme magandang umaga!" Iilan lang iyan sa mga taong naririnig kong bumabati sa kanya pagpasok ng munisipyo, marami pang iba lahat sila'y mga nakangiti ngunit may kuryosidad sa mga tingin kapag dumadako sila sa gawi ko. Hawak ni Alejandro ang kamay ko at walang balak na bitiwan, bumabati rin siya pabalik sa mga empleyado, medyo naninibago ako dahil kung titingnan ay napaka-pala-kaibigan niya at.. maka-masa. Nahihiya ako gusto ko bawiin ang kamay ko mula sa kanya, wala naman kasi kami sa mall para mag-holding hands, nasa munisipyo kami na kung saan mga karamihan ay semi-pormal. Pero hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko, nakangiti siya sa kanila pero nang pasimple akong sinulyapan batid ng tingin niyang pumirmi ako at wag gagawa

