━━━━━━♡ Zach’s POV ♡━━━━━━
I don’t think there’s a point of waking up early. Kailangan kong sumabay sa gising ng mga tao dito hanggang sa makahanap ako ng lead.
Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili. I wore my usual black pants, white long-sleeve polo, and black leather shoes.
Kaunti na lang ang natitirang damit ko dito sa maleta. Kailangan ko nang bumili ng ilang panustos na masusuot ko sa loob ng bahay.
Lumabas ako ng kwarto at dire-diretso sa kusina, ngunit walang tao. Wala rin kahit katiting na pagkain sa mesa.
Napahawak ako sa tyan ko dahil naramdaman ko ang pagkulo nito. “Damn! I’m hungry!”
Tinungo ko ang fridge at kumuha ng itlog. I guess, I’ll just have to make my own food.
Matapos kong kumain ay lumabas na ako. “Praise!” tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang naglilinis sa hardin. Nilingon niya ako at lumapit sa akin.
“Bakit po, sir Zach?” she found out what my name was. I don’t care, I don’t give a crap about her calling me by my name.
“Samahan mo ako. Kailangan ko ng tulong.” sabi ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya,
Alam kong nagdadabog siya habang sinusundan ako dahil rinig ko ang mabibigat na yapak ng mga paa niya pero wala lang sa akin yun. Mag dabog siya hanggang kaylan niya gusto. Katulong siya dito kaya kailangan niyang sundin ang mga utos ko.
Binuksan ko na ang sasakyan ko at sumakay. Si Praise naman ay kumatok sa bintana kaya binuksan ko ito.
“Pero, sir! Naglilinis po ako ng garden. Ayun po kasi ang—” hindi pa siya tapos sa sinasabi niya, inabutan ko na agad siya ng dalawang libo. “Saan ba tayo pupunta sir?” kinuha na niya ang pera at agad na binitiwan ang hawak na walis tingting sabay sakay sa sasakyan ko.
Without looking at her, I put on my seatbelt at pinaandar ko na ang sasakyan.
Habang kami'y naglalakbay, pinapatakbo ko ang aking isipan sa mga posibleng hakbang na kailangan kong gawin para sa aking misyon ko. I can feel the pressure weighing down my shoulder as day go by.
I just know na malapit na akong makahanap ng lead.
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na may kolong-kolong na tumatawid sa isang intersection at muntik ko na itong matamaan. Napasigaw si Praise at buti na lang at na-apakan ko agad ang preno.
Hindi ako ang may kasalanan dahil bigla-bigla na lang siyang tumatawid pero binaba ko pa rin ito upang tanungin kung okay lang siya.
“Okay lang po ako. Pasensya na po at hindi ko agad kayo nakita.” sabi ng lalaki at ng makita ko ang mukha niya, napagtanto ko na ang pamilyar ng mukha nito,
“Nagkita na ba tayo dati? Ang pamilyar kasi ng mukha mo.” nakangiti kong tanong sa kaniya. Kailangan kong malaman kung saan ko siya nakita dahil may posibilidad na ang mga nakakasalubong ko sa mga araw na nandito ako ay ang hinahanap kong tao. “And also, wala yun! Ang importante ay walang napahamak. Basta sa susunod, titingin ka sa lilikuan mo.” kailangan kong magpakita ng kabaitan dahil hindi pwedeng uminit ang tingin sa akin ng mga tao dito dahil sa ginagawa kong misyon.
Bago pa makasagot ang lalaki, narinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napalingon ako. “HENRY!” malakas na tawag ni Praise at marahas na iwinagayway ang kamay.
“PRAISE.” balik na tawag naman ng lalaki,
Napabuntong hininga na lang ako. “That’s why he looks familiar. Siya yung nasa karinderya na kinainan ko.” bulong ko sa hangin, muling nginitian ang lalaki at pumasok na sa loob ng sasakyan.
“Naku sir ah! Muntik mo pang madali yung bestfriend ko.” natatawa-tawa niyang sabi sa akin na hindi ko na lang pinansin.
“Ito na po yung mga pinamili nyo sir!” sabi ng salesman sa isang kilalang brand.
“Give it to her!” utos ko naman sabay turo kay Praise na halos hindi na magkanda-ugaga sa pagbubuhat.
“Nakakainis. May kamay naman siya.” rinig kong sabi niya,
“What? Nagrereklamo ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi ako lumilingon sa direksyon niya.
“Wala po!” masungit niyang sabi.
━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━
Pumasok kami sa isang kainan kaya nagkaroon ako ng chance na ibaba ang mga buhat ko.
“Are you okay?” pagtatanong niya sa akin na para bang hindi niya ako pinagbuhat ng isang damakmak na bag, “Mukha kang hingal na hingal.” the audacity!
“Eh ikaw nga wala ka namang binuhat pero mas mukha ka pang pagod kaysa sa’kin.” at umiral nanaman ang matalas kong dila.
“What did you say?” nagulat siya sa sinabi ko at napalingon sa paligid. Duon ko lang napagtanto na nakatingin na rin sa amin ang ibang mga kumakain sa loob ng restaurant.
Napangisi ako sa kaniya, “Wala po sir!” mahina kong sabi sabay kamot sa ulo ko. Itong mga mayayaman na ‘to, marites din ang datingan eh.
Matapos ang nakakapagod na lakad namin, sa wakas at nakauwi na rin kami. Buti na lang at hindi na nanananghalian sila tita at tito dito kaya wala na akong iintindihing lulutuin pa.
Pagkalagay ko sa kwarto niya ang mga pinamili niyang mga damit, agad akong lumabas at tinuloy ang paglilinis bago ako naligo at pumasok sa kwarto ko para mag-aral. Finally, at nagkaroon din ako ng pagkakataon na mag-aral.
Kinuha ko na ang mga libro ko at inayos ang lamesa kung saan ako nag-aaral. Napansin ko na nasa hulihang page na pala ako ng mga librong binigay sa akin ni tito. Ano ba yan. Sobra akong nabitin. Nahihiya naman akong sabihin kay tito kasi pang ilang libro na rin 'tong binigay niya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo at kumuha ng plastic para mailagay ang mga librong natapos ko na. "Goodbye sa inyo. Sobrang laking tulong nyo sa akin. Ngayon, idodonate ko na kayo para marami pa kayong taong kagaya ko na matulungan." ani ko sa mga librong isa-isa kong nilalagay sa plastic. "At kung kanino man kayo mapunta, sana ay alagaan nila kayo kagaya ng pag-aalaga ko sa inyo."
Tinali ko na ang plastic at binitbit palabas ng kwarto. Sa paglabas ko ng bahay, nakasalubong ko si Henry na nakasakay sa kolong-kolong nila,
"Oh! Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin,
"Sa baranggay. Natapos ko na kasi yung mga libro ko e. Ido-donate ko na sana." sabi ko ng medyo nakakaramdam ng lungkot,
"Tara, sumabay ka na. Sakto namang dun din ako mag de-deliver ng mga pagkain." sabi niya sa akin kaya sumakay na ako sa kolong niya,
"Grabe kanina, akala ko katapusan ko na." natatawang sabi ni Henry, ang tingin ay nasa kalsada,
"Ikaw kasi e. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Nakakaloka ka. Buti na lang at nakapag preno si sir, kung hindi ay baka nga katapusan mo na."
Habang papunta kami sa baranggay nararamdaman kong masakit pa rin ang mga kamay ko dahil sa dami ng binuhat ko. Akala niya siguro ay binabayaran ako nila tita. Pero okay na rin. Wala din naman akong magagawa dahil anak yun, katulong lang naman ako. Nakikitira lang ako. Sigurado naman akong hindi siya pang habang buhay titira dito kasi narinig ko yung usapan nila nila tita nung kumakain sila ng agahan.
Tsaka, binigyan niya naman ako ng dalawang libro kaya swak na yun.
"Nga pala! Bakit kasama ka ni sir?" pang-uusisa ni Henry,
"Nagpasama lang siya bumili ng mga damit niya. Hindi daw kasi niya alam kung saan ang mga bilihan dito." sabi ko na lang sa kaniya dahil ayaw ko namang ma chismis na sinisiraan ko yung tao. Baka mapalayas pa ako nila mayor dahil sa kaniya.
Bumaba na ako at binuhat ang mga naka plastic na libro at sa kabilang kamay naman ay pinangkuha ko ng ibang mga pagkain na ide-deliver ni Henry.
"Una na ako." sabi ko at pumasok na ako sa baranggay. Una kong nilapag ang mga ido-donate kong libro sa isang donation box at tsaka ko lang inabot ang mga pagkain sa mga tauhan na nasa loob ng baranggay.
Pagtapos ay bumalik ulit ako sa donation box. Naghalungkat na rin ako dahil baka may mga naligaw na mga libro kaso wala talaga e. Mailap kasi talaga sa libro. Pasalamat na lang talaga ako na kapag nagkakaroon ay nabibigay sa akin ni mayor.
Saglit pa ay pumasok na din si Henry na maraming buhat na mga pagkain. Tutulungan ko sana kaso kaya na niya yun.
"Ito na ho yung mga pagkain na inorder nyo." sabi niya ng may ngiti sa mga labi,
"Salamat iho!" sabi naman ng isang matandang babae at inabutan na siya ng bayad.
"Walang anuman ho! Salamat din po!" binilang na ni Henry ang pera at siniguradong kumpleto ito, at sabay na rin kaming lumabas ni Henry ng baranggay matapos.
"Wala ba ako dyan?" pagbibiro ko sa kaniya,
"Wala! Tsaka may utang ka pa sa akin," tugon niya,
"Anong utang?" mariin kong sabi habang tinitignan siya ng masama,
"Bayad mo pamasahe."
"Hoy! Sabi mo sumabay lang ako. Bahala ka dyan. Basta ako—" sumakay ako sa kolong, "Mag si-sitting pretty lang ako dito."