━━━━━━♡ Zach’s POV ♡━━━━━━
Still! No lead at all. I never knew it would be this hard. Lumabas ako ng bahay para magpalamig. Everytime na lalabas ako ng gabi, naaalala ko yung childhood ko. Walang pinagbago ang lugar, pati na rin sa loob ng bahay at ang kwarto ko. The bedroom where my bestfriend died.
The bedroom where everything has started to change. I was surprised the first time I saw it again. Para bang walang nangyari. Parang walang nabawian ng buhay pero it's never been the same after that incident.
Habang napapaisip ako sa mga nangyari, may nakita akong tao sa ilalim ng malaking puno, naka-upo at nakapangalumbaba. Para bang ang laki ng problema.
Nilapitan ko ito at tumabi. "Well, I guess, parehas tayong malalim ang iniisip." sabi ko sa kaniya ng hindi siya tinitignan.
Hindi man ako nakatingin sa kaniya, but I saw her looked at me with my peripheral vision. Ngumisi siya bago siya nagsalita, "baka nga." simple niyang sabi,
I don't know why pero gusto kong may makausap kaya pagtitiisan ko na lang 'to dahil baka tulog na sila mama. Tsaka mas okay din kasi minsan na kumausap na lang ng hindi mo kakilala, hindi ka agad nila ija-judge, because sometimes, it’s the people you know.
"Why are you still up?" tanong ko sa kaniya,
"Ito, iniisip ko lang kung saan ako makakahanap ng libro. Natapos ko na kasi yung inaaral ko na mga libro. Nahihiya naman akong magtanong kay tito kasi nakaka-ilang beses na rin siyang nagbibigay sa akin." sabi niya
"Then just buy more books." sabi ko naman, "Kung hindi ako nagkakamali, may nakita akong bookshop sa bayan."
Natawa siya bago niya ako sagutin, "Hindi ko afford yun." nagulat ako sa sinabi niya. Bakit? Magkano ba ang binabayad sa kaniya nila mama? Napalingon ako sa kaniya at tinignan siya, "What do you mean?"
Napangisi ulit siya, "Anong what do you mean? Ang sabi ko, hindi ko afford yun, period." tinignan niya ako pero saglit lang at sumandal siya sa puno.
And this is when I asked, "Malaki naman siguro ang binabayad sayo nila papa since isa sila sa mayayaman sa probinsiya na 'to." napangisi pa ako ng sinabi ko yun.
Tinignan niya ulit ako. Ngayon ay magkaharap na kami, "Hindi ako nagpapabayad." napakunot ang noo ko at ang mukha ko ay halos hindi maipinta sa mga narinig kong lumabas sa bibig niya.
"What?" and why do I feel bad for her? Siguro dahil she just made me realized that having less sucks.
"Paulit-ulit?" sabi niya sa akin, "Anyway, bakit biglang gusto mo na akong kausap? Siguro na fo-fall ka na sa akin noh?"
"Kiss my ass!' sabi ko sabay ngisi at natawa din siya, "I'm just bored." ayan na lang ang sinabi ko dahil half of it is true, tho my ibang rason pero mas okay na yan.
"Ahh! Okay ka pala kapag na bo-bored noh? Matino kang nakakausap." at muli ay napatawa niya nanaman ako.
"Pasalamat ka nga at kinausap pa kita e. Wala lang akong choice."
"Ay wow! Salamat ha!"
Natawa nanaman ako. Nang humupa ang pagtawa ko, napasandal na lang din ako sa puno at nagmuni-muni kasama si Praise. Sa saglit na oras, I felt better, but why with her? I don't even know her. Is this a sign to befriend people around me? But wouldn't it be a distraction?
"Do you wanna eat?" tanong ko sa kaniya. This might be a sign to associate with others. Maybe, kaya wala akong nakukuhang lead dahil hindi ko sila kinikilala. Maybe, just maybe, kapag sinimulan kong kilalanin sila, mas mapapabilis ang trabaho ko dito sa Silverdale at makakabalik agad ako sa east venue with my friends. The friends I'm comfortable to be the real me. The friends I consider my family.
"You know what, no! I dont wanna ask. Basta sumama ka na lang sa'kin." sabi ko at tinaasan niya lang ako ng kilay, "Okay! Don't worry, I won't let you carry my stuff." sabi ko at tumayo na.
"Deal! Basta sa masarap tayo kakain ah!" sabi niya sa akin, hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako ng sasakyan habang si Praise ay nakasunod lang sa akin.
Nang makasakay na si Praise sa sasakyan, tinanggal ko naman ang mga parts ng sasakyan ko kagaya ng mga dingding at pinto nito.
Yup! It transforms into a jeep, which is why I love this car so much.
Sa pag sakay ko ng sasakyan, nakanganga si Praise, gulat na gulat sa nangyari. "Gago!" napamura pa bago takpan ang bibig.
"Ang astig grabe!" rinig sa boses niya ang saya sa natuklasan.
Pinaandar ko na ang sasakyan at sa pag andar nito, ramdam na ramdam ang malamig na simoy ng hangin. "This is the best." sabi ni Praise ngunit dahil sa salubong ng malakas na hangin, hindi ko siya narinig,
"What?"
"THIS IS THE BEST RIDE OF MY LIFE! WOOHOOO!" napasigaw siya sa sobrang saya at ako naman ay napapatawa habang ang mga kamay niya ay gumagawayway.
Malayo na rin ang nararating namin ng biglang napahinto si Praise. "Hindi ako nakapag paalam kila tita." sabi niya, rinig ang kaba sa kaniyang tinig,
"Don't worry about it. Ako na ang magsasabi sa kanila." ani ko naman sa kaniya.
Nang makarating kami sa usual place na pinupuntahan ko para bumili ng mga pagkain, I got so disappointed ng abutan naming sarado na kadalasan ng mga kainan. I forgot na sunday nga pala ngayon kaya kadalasan ng kainan ay maagang nagsasarado kaya ayun, nauwi kami sa isang fastfood na bukas pa.
"Anong gusto mong kainin?" pagtatanong ko sa kaniya habang nasa drive thru kami,
"Kung ano na lang sayo." sabi niya kaya umorder na lang ako ng burger with fries and drinks.
Nang makuha namin ang pagkain, inilapag ko muna ang mga 'to sa pagitan naming dalawa at kinuha ang phone ko. Nag search ako ng magandang tambayan, yung mabundok sana since bulubundukin naman to. Somewhere na hindi matao at yung pwedeng paraanin ang sasakyan para hindi na namin kailangang mag hike.
When I saw one, I immediately pinned it to my GPS and followed the route. Malapit lang naman kaya hindi agad lalamig ang pagkain.
"Hindi pa ba natin 'to kakainin?" tanong niya and I said "Not yet!"
After around ten minutes, nakarating na din kami and Oh my god! The view was breath taking. Bakit ngayon ko lang 'to napuntahan?
Hindi na ako bumaba pa dahil tanggal naman ang bubong, ganoon din si Praise.
Kinuha ko na ang pagkain ko at inabot na ang sa kaniya at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako, nakita kong hindi pa nagagalaw ni Praise ang pagkain niya kaya naman natanong ko siya,
"Bakit—" nagsisimula pa lang akong magsalita, nagulat na agad siya. Ahh! Alam ko na agad kung bakit. And kung tutuusin ay hindi ko na naman talaga dapat itanong dahil I'm a consigliere. Not just a consigliere but a well-known one in the realm of criminals. I can read their actions and emotions like a book. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang tanong ko. "Bakit hindi ka pa nagsisimulang kumain?"
"Kasi naman, sa dami-dami ng lugar bakit dito pa?" rinig ang takot sa boses niya kaya natawa ako.
"Anong problema dito? Ang ganda nga oh!" sabi ko ngunit naglilingon-lingon pa rin siya sa paligid,
I rolled my eyes and let go of my food. "Look at me!" sabi ko, hinawakan ko ang mukha niya at ibinaling sa akin ang tingin niya.
Tinignan niya ako sa mata. "Sometimes, you just have to sit back and look up to see the beauty of nature." at dahan-dahan kong inangat ang mukha niya upang makita niya ang napaka liwanag na mga bituin at ang buwan na nagbibigay ng liwanag, hindi lang sa langit kung hindi pati na rin sa kapaligiran.
Nakita ko ang mga labi niyang ngumiti bago kumagat sa pagkain niya. “It's not always what you see around you, it's whats up there that gives you peace.”
Tumingin na din ako sa langit and we both stargazed. As we gave into the infinite expanse of the night sky, biglang may isang bituing sumusulong sa dilim, leaving a trail of stardust in its wake.
"OMG! Nakita mo yun?" masaya at excited na sinabi ni Praise ng hindi tinatanggal ang tingin sa kalangitan,
"I did!" mahina ko namang sagot habang naliligaw ang aking isipan sa ganda ng kalawakan. It's as if a secret of the universe has been whispered to me, a fleeting moment of connection with the cosmos.
In that brief encounter, I feel the weight of eternity and the wonder of existence encapsulated in a single, brilliant arc of light.
Hindi ko na maalala ang huling beses na nakakita ako ng shooting star.
As I looked at the night sky, naisipan kong tignan ang oras sa aking phone. “It's already two in the morning. Maybe we should get going." sabi ko ng may biglang mag text sa akin.
It's Chad kaya agad kong tinignan ito, "Dude! How's everythig there?"
"Not a single lead yet but that's maybe because, I'm hurrying things out." Reply ko naman sa kaniya,
"Just tell me if you need something, I'm willing to help."
I don't think na kailangan ko ng tulong. Sa ngayon. Pero I'm a hundred percent sure na mareresolbahan ko lahat ng ito without anyones help lalo na at may mas malala pa akong naresolbahan na kaso bukod dito.
"Thanks." nilapag ko na ang phone ko at nagmaneho na pauwi ng bahay.