Chapter 10: Bagong mga libro

1594 Words
━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ Kinabukasan. Nagising na lang ako na nasa loob na ng kwarto ko. "Bakit hindi ko maalala na pumasok ako sa kwarto?" napakamot na lang ako ng ulo at bumangon na para simulan ang araw. Nang matapos na ako sa lahat at nakaupo na sina tita at tito, napansin ko na hindi pa rin lumalabas si Zach, Hay naku! Malamang ay late nanaman gigising yun. Kung kailan pa naman ako nagluto ng kasahog siya, tsaka naman siya pa late-late kung gumising. Hinayaan ko na lang at nagsimula na rin akong kumain. Habang kumakain kami, biglang nagsalita si tito Fred, "Bumili ka pala ng mga books? Dapat nagsabi ka na lang sa akin para hindi ka na gumastos." sabi niya at naguluhan naman ako sa kaniya. Wala naman akong binibiling kahit na ano. "Ano pong libro tito?" tanong ko dahil hindi ko nga alam ang sinasabi niya, "Yung nasa pinto ng kwarto mo. Diba mga libro yun?" "Ahh! Nakalimutan ko lang po siguro ipasok sa kwarto ko." ayan na lang ang sinabi ko. Baka iba yung nakita ni tito o di kaya ay nasa pinto yun ni Zach kasi wala naman akong nakita kanina. Sure naman ako na kung nasa harapan man ng kwarto ko yun, makikita ko agad yun. Besides, wala akong perang pangbili ng mga bagong libro. Second hand books nga hindi ko afford, mga bago pa kaya. Mapayapa na kaming kumain at nang matapos na kami, nagpa-alam na sina tita at tito. "Alis na muna kami," sabi nila at sumagot naman ako ng "Sige po. Ingat po kayo." Sinimulan ko ng linisin ang pinagkainan namin at saktong itatabi ko na sana ang pagkain na natira, bumukas naman ang pinto at pumasok si Zach, "Kain ka na sir, Zach! Gusto mo po ba na ipaghain kita?" nakangiti kong tanong sa kaniya, "Kumain na ako sa labas." tugon niya naman sa akin, Ha? Bakit kailangan kumain sa labas kung may pagkain naman dito sa bahay. "Ah ganun po ba? Sayang naman po, sinahog pa naman po kita sa pagkain." "I decided to just eat out since you never really cook for me," sabi niya sa akin. Syempre, ang hambog mo kaya, pero syempre, hindi ko sinabi yun. "You know what, That's so unusual." dahan-dahan siyang lumapit sa akin, "You never cook for me." when he got closer, he leaned forward, leaning his hand on the table, looking at me in the eyes, “Are you falling for me?" seryoso ngunit may pang-aasar sa kaniyang tono, Nawindang ako sa sinabi niya, "Yuck sir!" Wow ha! Kung maka yuck akala mo namang kagandahan, "Kung ano-ano pong sinasabi mo." kung mayroong laman ang bibig ko, malamang ay nabuga ko na dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig niya. Nakakaloka! Ang assumero. "Gutom lang yan sir. Malamang ay kulang ang kinain mo kanina. Kaya ka nagkakaganyan." sabi ko habang kumukuha ng mga kasangkapan kagaya ng plato, kutsara't tinidor at inihain ito sa harap ni sir Zach. Natawa naman si sir Zach sa naging reaksyon ko, "No, seriously, I'm full." sabi niya at kinuha ang mga ito upang ibalik sa tamang lalagyanan. "Hay naku! Ang totoo kasi niyan, pinagluto din kita kasi natuwa ako sayo kagabi. Masaya ka palang kasama kapag na bo-bored ka noh. Sana lagi ka na lang bored." natatawa kong sabi na ikinatawa din niya. "Anyway. Nakita mo na ba yung mga binili ko sayong libro?" sabi niya at talaga namang napanganga ako sa narinig ko. Totoo ba to? Ibig sabihin nga nun, may mga bagong libro sa harap ng room ko. "Weh? Totoo ba?" at tumango siya sa akin. Sa sobrang saya ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtata-talon sa tuwa at napayakap pa ako sa kaniya. "Thank you so much! Sobrang thank you talaga." sabi ko, hindi na namalayan na nakayakap ako sa kaniya. Napabitaw ako ng marealized ko. Gosh nakakahiya. Pero mas pumaibabaw pa rin ang excitement ko. "Sir! Maghuhugas na ako. OMG! Sobrang saya ko sir! Super thank you po talaga." sabi ko sa kaniya at nagsimula na akong mag hugas ng mga pinaglutuan ko at mga pinagkainan namin. Pagtapos na pagtapos ko, nagtata-takbo akong pumunta sa hallway ng mga kwarto at gosh! Tama nga si tito Fred, may dalawang plastic sa gilid ng pintuan ko. Mabilis ko kinuha at pinasok sa loob ng kwarto. Nilapag ko ito sa sahig at sumalampak na rin ako. Isa-isa ko itong nilabas sa plastic at hindi ko ma-maintain ang sarili ko sa sobrang saya. Napapasigaw ako ng pabulong. Yes! Ganon ako kasaya ngayon. Ang bawat isa ay naka plastic pa at ang mga gilid nito ay sobrang puputi at makikinis. Sa sobrang saya ko, nagpagulong-gulong ako sa kama ko at bumaba ulit para ipagpatuloy ang pagtatanggal ng mga libro sa loob ng plastic. Hindi lang pang edukasyong mga libro ang binili niya para sa akin, may mga nobela rin akong nakita. Nang matanggal ko na lahat sa plastic, naisipan kong linisin ang study table ko kahit na malinis naman ito. Yup! ganon ako kasaya ngayon. Lilinisin ko yung study table ko kahit na malinis naman. Ang dami kasi ng mga books kaya kailangan kong gawan ng paraan para magkasya lahat. Matapos kong maglinis, agad akong nagsimulang mag-aral. Sobrang nakakasipag mag-aral ngayon ah. Habang nagbabasa ako, biglang nag ring ang phone ko. Si Lorie, kaya sinagot ko ito, "Gurl! Pumunta ka dito. Now na." hindi ko pa natatanong kung bakit, pinatayan niya na agad ako ng tawag. Ano nanaman kaya ang hanash ng bruhang iyun? Ano ba yan! Sipag na sipag pa akong mag-aral oh! Syempre, wala akong nagawa kung hindi ang puntahan siya. Sinuot ko lang ang tsinelas ko at lumabas na ng bahay. Napalingon ako sa bike na nakalagay malapit sa imbakan. Hayst! Kung marunong lang talaga akong mag bike, edi sana ay napapabilis ang pag-alis-uwi ko. Nagsimula na akong maglakad at habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang isipin ang mga libro. Bakit kaya parang bigla siyang bumait sa akin. Ano kayang nakain nun? Nakarating ako sa palengke after fifteen minutes. Malapit lang naman ang palengke, sadyang mabagal lang talaga akong maglakad. "Ano nanaman ang chika? Bilisan mo at nag-aaral ak—" hindi pa ako tapos magsalita'y hinawakan niya na ang magkabila kong balikat at iniharap sa isang direksyon kung saan makikita si sir Zach na may kausap na hindi naman kagandahang babae. "Ang ganda niya noh! Hindi kaya, mag jowa yang sila sir. Okay lang. Bagay naman sila e." sabi ni Lorie, "Hmm. Tama! Bagay sila at parehas pa silang elegante at mayamang tignan." tugon ko naman. Tinignan ko pa sila ng saglit bago muling humarap kay Lorie, "So, bakit mo ako pinapunta dito?” tanong ko sa kaniya at bumalik na siya sa pagtitinda ng mga gulay. "Ayun na yun!" "Ha?? Seryoso ka ba? Fifteen minutes akong naglakad for this?" Tumawa siya, "Sorry girl! Na excite kasi ako e." Kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan, matagal ko na tong tinapon sa ilog. Bumalik na ako sa bahay at ng pagpasok ko ng gate, may nakita akong lalaking nasa ilalim ng puno kung saan kami nakatambay kagabi ni sir Zach. Nilapitan ko si Henry at umupo sa tabi niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko sa kan’ya dahil kita ko sa mukha niya ang lungkot. "Nakita namin ni mama si papa na dumaan sa harap ng kainan. Sa akin, wala lang na makita siyang kasama yung bago niyang pamilya pero nakita ko kasi si mama. Nakita ko kung paano siya nalungkot. Natahimik siya bigla. Nakita ko kung paano siyang nasasaktan sa nakita niya." ipinatong ko sa balikat niya ang kamay ko pero hindi ako nagsalita, "Alam mo kung ano pa yung nakaka gago? Tinignan niya yung direksyon namin pero parang hindi niya kami kilala. Kahit na nakita niya kami, patuloy lang niya kaming nilagpasan. Ni hindi manlang kami nginitian o di kaya kahit anong pagbati." rinig ko sa boses na nasasaktan din siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman kong gumanti siya ng yakap sa akin. "Hindi ko talaga kayang nakikita si mama na nasasaktan lalo na dahil kay papa na iniwan kami para makasama yung kabit niya. Gusto ko sanang kalimutan na lang ang lahat pero bakit kailangan niya pang magpakita. Bakit kailangan niya pang dumaan sa harap ng kainan namin na para bang wala siyang pagkukulang sa amin. Ang daming pasikot na pwede niyang daanan pero mas pinili niyang dumaan sa harap namin? For what? Para ipakita niya na masaya na siya sa buhay ng iba? Asshole." "Sige lang. Ibuhos mo lang ang lahat ng sama ng loob mo. Basta lagi mong tatandaan na lagi lang kaming nandito ni Lorie para makinig sayo. Huwag kang mag alala dahil hindi ka namin ija-judge. Lahat ng sinasabi mo sa akin, pinapangako ko sayong hindi makakalabas kahit kanino. Mahal na mahal ka namin at yan ang lagi mong tatandaan." sabi ko at niyakap ulit siya ng mahigpit pa kaysa kanina. "Salamat Praise. Pero baka pwedeng luwagan mo ang pagkakayakap? Nasasakal na ako oh. Kung yung papa ko sumakabilang bahay, baka naman ako'y sumakabilang buhay na." Loko talaga 'tong kaibigan ko na 'to. May pinagdadaanan na pero makalokohan pa rin. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumayo na sa kinauupuan namin. "Ano bang gusto mong gawin?" pagtatanong ko sa kaniya, “Hmm!" nag-isip siya ng saglit bago sumagot, "Wala naman. Tsaka may delivery pa akong gagawin. Gusto ko lang ibuhos yung sama ng loob ko." sabi niya at nagpaalam na siya, "Sige. Ako naman, mag-aaral muna." ani ko naman then we part ways.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD