Chapter 11: Nasunog ang balat

1525 Words
━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ Hindi ko na napansin ang oras kaya ng mag text sa akin si tita ay nagulat ako ng makita kong late na pala. "Iha, dyan kami kakain ng tito mo ngayong hapunan. Dagdagan mo na rin ang ulam at sinaing dahil may bisita daw si kuya Zach mo." sabi sa text kaya nireplyan ko siya ng "Sige po tita." Inayos ko na ang mga gamit ko at ang mga libro ay tinabi ko na rin. Pumunta na ako ng kusina upang tumingin ng maluluto ko. Nang makita ko ang ribs ng baboy, sinigang agad ang pumasok sa utak ko. Tama, sinigang na lang. Nilabas ko na ang baboy at nilagay sa lababo upang patuluan ito ng tubig at mabilis ma-defrost. Kumuha na rin ako ng pera pambili ng gulay sa isang buwang budget pamili at pumunta na ng palengke. Sa pagbalik ko sa bahay, sana defrosted na rin ang baboy para dire-diretso na ako sa pagluluto ko. As usual, kila Lorie ako bumibili ng gulay, bukod kasi sa sariwa ang lahat ng paninda nila, lagi din akong nakakamura. "Gurl! Need ko ng pang sinigang." sabi ko kay Lorie at siya na ang kumuha ng mga gulay para sa akin habang ako naman ay nakatayo lang sa harap, nakikinig sa mga kwento niya nanamang bago. "Kung nakita mo lang kung gaano ka sweet yung dalawa dyan." sabi niya habang nilalagay sa plastic ang kangkong, "Sabi ko nga sayo, hindi mo mapagkakailang hindi yun mag jowa. Tsaka hindi lang ako yung nakapansin no. Narinig ko din dun sa kabilang stall na pinag-uusapan din silang dalawa. AT hindi lang yun. Dati na pala silang magkasama nung bata pa lang sila. Narinig ko na isa daw yan sa kababata dito ni sir. Dati pa lang daw ay ganyan na ka-sweet ang dalawa sa isa't-isa." ako naman ay nakatayo lang. Kunwaring nakikinig pero ang totoo niyan ay wala rin naman akong pake sa mga tsismis sa paligid. Basta ang gusto ko lang ay makauwi para mapagpatuloy ko na ang pagluluto ko. Wala akong oras para makinig sa talambuhay ng iba. Except na lang kung buhay yun ng malapit sa puso ko, kaso in sir Zach's case, wala. Hindi ko naman yun kilala ng lubusan. "Magkano lahat?" tanong ko sa kaniya, "Wew! Alam ko namang dito ka pumupunta dahil hindi ka na pinagbabayad ni mama." wika niya sa akin, "Paano mo nabasa yung nasa isip ko?" sabi ko naman sa kaniya at natawa kaming parehas. "Sige na. Mauuna na ako at kailangan ko pang magluto." at umalis na rin ako. Naghiwa na ako ng mga dapat hiwain habang ang baboy ay pinapakuluan ko na. Pagtapos nito, kailangan ko pang walisan nanaman ang bakuran dahil marami nanamang mga naglaglagan na mga dahon lalo na at may bisita si sir Zach na darating. Nakakahiya naman kung makalat ang paligid. Nang matapos ko na ang lahat ng hihiwain ko, lumabas na ako at kinuha ang walis tingting at dustpan. Hay naku! Hindi ko talaga napansin na alas-singko na pala ng hapon. Kasi naman. Sobrang nakakasipag yung mga libro na binili sa akin ni sir Zach. Hindi ko talaga akalaing magkakaroon ako ng bagong mga libro. Huli ko kasing beses nagkaroon ng mga bagong libro ay nung nag-aaral pa ako sa private school sa lugar namin. Tsk! Natatawa na lang ako habang nagwawalis. Bakit ko ba inalala pa yun? Namiss ko tuloy yung buhay ko noon. Nung mga panahong nandyan pa sila mommy at daddy. Yung mga panahong pag-gising ko, kakain na lang ako tapos ay lagi pa akong may pasalubong na mga bagong libro dahil mabilis akong magbasa. Kaya kong tumapos ng isang libro sa isang araw. Kaya pa nga dalawa kung wala akong ginagawa maghapon. Habang nag mo-moment ako bigla namang may sumulpot sa harapan ko. Si Henry, may dalang bilo-bilo na luto ng mama niya. "Hala ka! Alam mo talaga paborito ko ah!" sabi ko sa kaniya at binitawan ko na ang hawak kong walis tingting upang kuhanin ang inaabot sa akin ni Henry na tupperware na may laman na bilo-bilo. "Sakto, hindi pa ako nagmemeryenda." sabi ko ng nakangiti at sabay kaming pumunta sa ilalim ng puno. Umupo kami sa malaking ugat nito na nakapaibabaw sa lupa at binuksan ko na ang napaka bango at napaka sarap na bilo-bilo. "Ang dami pala!" Masaya kong sabi at si Henry naman ay naglabas ng dalawang plastic na kutsara mula sa likod niya. Nakalagay ito sa plastic ng yelo, "Ay wow! Prepared." "Of course." sabi naman niya at kinuha ko na ang isang kutsara at sa kaniya naman ang isa pa. Pinaghatian naming kinain ni Henry ang mainit-init pa na bilo-bilo. Sobrang paborito ko talaga ang bilo-bilo ni tita Brenda. The best sa lahat. Habang kumakain kami, narinig naman namin ang pagpasok ng sasakyan ni sir Zach at duon ko lang naalala ang pinapakuluan ko. "Hala wait lang. Titignan ko lang kung may tubig pa yung pinapakuluan ko. Balik din agad ako." sabi ko at binitiwan ko na ang kutsara. Huwag mong uubusin ah! Balik agad ako." malakas kong sabi dahil medyo nakalayo na ako sa kaniya. "Naku! Matagal-tagal pa siguro 'to." ani ko sa sarili ko ng hindi ko pa makurot ang baboy. Tinakpan ko ulit to at nagulat ako ng biglang nasa likuran ko na pala si sir Zach, "What are you cooking?" tanong niya habang naka dungaw sa kaldero, "Sinigang sir!" tugon ko naman, "Looks good." sabi niya at nagpasalamat naman ako. Wala pa nga akong nalalagay pero it looks good na agad para sa kaniya. Napangisi ako at napatingin siya sa akin. "What?" "Wala po sir! Sige na po, babalikan ko lang si Henry. Baka po inubos niya na yung paborito kong bilo-bilo na luto ng nanay niya," hindi ko alam kung may sasabihin pa siya pero tinalikuran ko na siya at bumalik sa pwesto namin ni Henry. ━━━━━━♡ Zach's POV ♡━━━━━━ I was about to say something when she rushed to the door and meet the guy she was talking about. Ganun ba kasarap yung sinasabi niyang bilo-bilo? Napasilip tuloy ako sa bintana to check them but it's quite far for me to see what's on that little tupperware. Napakibit-balikat na lang ako and minded my own business. Kinuha ko ang laptop ko and looked at pictures I gathered on the internet. Yung mga araw ng pyesta, bigayan ng ayuda at pati na rin ang mga normal na araw. Nagbabakasakali kasi akong may na hagip na kahit na sinong may nunal sa kilay. Whoever they are is my target pero mailap. Sa daming mga litrato ang nakuha ko sa internet, wala akong nakita ni isang tao ang may nunal sa eksaktong banda ng mukha na hinahanap ko. Hindi ko man nakita ang hinahanap ko, may nakita naman akong mukha na hinding hindi ko makakalimutan. Ang mukha ni Justin. I remember that time where Justin and I were running around dahil nagbabatuhan kami ng lobo na may lamang tubig. Hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil kinagabihan ng araw na yun siya nawala hindi lang sa buhay ko kung hindi sa nakakarami na rin. What a wonderful life, ended so soon and miserable. Don't worry Justin, Justice will prevail. Habang tinitignan ko ang mga litrato, nagulat ako ng may marinig akong kakaibang tunog. Nasa salas lang kasi ako kaya rinig ko ang lahat. Binaba ko ang laptop ko sa sopa at pinuntahan ang pinanggagalingan ng tunog at duon ko nakita ang umaapaw na tubig sa kaldero. Malakas ang tapon nito sa sahig kaya naman agad kong inangat ang takip and at that moment, hindi ko agad naramdaman ang kamay kong napaso ng napakainit na usok at kumukulong tubig pero ng maramdaman ko ito, agad kong binitawan ang takip sa gilid ng kalan at binabad ang kamay ko sa malamig na tubig na umaagos galing sa gripo. "s**t!" napamura ako sa sakit. Sobrang namula ang kamay ko at sobra kong nararamdaman ang kirot. Habang pinaparaanan ko ng malamig na tubig ang kamay ko, pumasok naman si Praise. "Bakit hindi mo binabantayan yung niluluto mo?" napalakas ang boses ko sa inis at nakita kong napatingin siya sa sahig, "Ugh! Nevermind. Just clean your mess." sabi ko. Pinatay ko na ang gripo at kumuha ng yelo sa fridge bago muling kinuha ang laptop at pumasok na ng kwarto. "Pagminamalas ka nga naman!" Unti-unti ng nalulusaw ang yelo dahil sa walang tigil na pagpahid ko sa kamay kong napaso, "Tangina. Sunog yung balat ko." sabi ko ng biglang may kumatok sa pinto. "Pasok." sabi ko at pumasok naman si Praise na may dalang emergency kit at plangganang may laman na tubig, Lumapit siya sa akin ng hindi tinitignan ang mukha ko, bagkus ay sa kamay ko siya nakatingin. Nilapitan niya ako at kinuha ang kamay ko upang ibabad sa tubig na may yelo. "Sorry po talaga sir. Hindi na po mauulit 'to." sabi niya, "Hindi na talaga mauulit dahil kapag nalaman 'to nila mama at papa, paniguradong tatanggalin ka nila," pananakot ko naman sa kaniya, Lalo siyang napayuko, "Sorry po talaga." Tinuyo na niya ang kamay ko at pinahiran ito ng bulak na may betadine bago tinakpan ng teplon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD