Chapter 12: Inuman Session

1629 Words
━━━━━━♡ Third person's POV ♡━━━━━━ Naka handa na ang lahat. Nakaupo na rin sila sa hapag-kainan. "Mom, dad, remember Meg?" sabi ni Zach habang nakatingin sa nag gagandahang babae na nakaupo sa tabi niya. Ang buhok ay kulot na kulot at ang kutis ay nakakasilaw. Ang kulay ng mata ay hazel kaya nakaka-akit talaga ito. "Oo naman! Paano naman namin makakalimutan ang napakagandang bata na 'to." tuwang-tuwa na sabi ni Nancy habang nakatingin sa nahihiya namang si Meg. "Si tita naman e!" namumula ang pisnging ani naman ng dilag, "Kamusta ka naman? At ano na ang trabaho mo?" pag-uusisa ni Fred dito, "I'm a journalist na po. I travel to provide great information to the world." Kitang kita sa mukha ng mag-asawa ang paghanga nila sa babae. "Magandang trabaho yan. Nakakapagtravel ka na, nababayaran ka pa. Tsaka, kung hindi ako nagkakamali, pangarap mo talaga yan simula nung bata ka pa,. diba?" sumubo si Fred ng pagkain, Ngumiti naman si Meg, "Opo! Naaalala nyo pa po pala yun." Habang nagkakamustahan sila, si Praise naman ay tahimik na kumakain. "Maganda nga pala siya. Hindi ko kasi nakita ang mukha niya kanina." sabi ni Praise sa kaniyang sarili. "Mukha siyang anghel." dugtong nito sa sarili, mabilis na sinusulyap-sulyapan si Meg. Mas nauna siyang nakatapos sa pagkain dahil mabilis talagang kumain si Praise habang si Meg naman ay mahinhin lang nakinakain ang nasa plato niya. Nahiya si Praise ng mapansin niyang halos puno parin ang nasa plato ng mga kasabay niyang kumain. Nahihiya naman siyang kumuha pa ng kanin dahil nasa harapan niya ang bisita ni Zach. Lalo namang nakakahiya kung tatayo agad siya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang tumahimik na lang habang nakikinig sa mga kwentuhan nila. "Oh, and by the way," napatingin si Praise kay Zach, "This is our maid, Praise." pagpapakilala ni Zach kay Praise sa bisita niyang si Meg, "Hello po." bati ni Praise at inilahad ang kamay na kinuha naman ni Meg upang makipag kamay, "Hi, Praise, it's nice meeting you." finally at na feel din ni Praise na kasama siya sa usapan. Though medyo awkward pa rin para sa kaniya pero at least hindi na kagaya kanina na para lang siyang aninong hindi napapansin sa isang gilid. "Actually, hindi siya maid dito. It's more like someone who helps us without asking for anything." Mayor Fred corrected Zach, "Whatever that means." ani naman ni Zach, tila hindi naintindihan ang gustong ipahayag ng ama niya, “By the way, kanina ko pa gustong tanungin yang naka benda mong kamay. Napano ba yan?” tanong ni Fred sa anak niya habang nakatingin sa kamay nito, Napayuko muli si Praise, kinakabahan dahil alam niyang hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa kapabayaan niya. Si Zach naman ay napatingin kay Praise bago sagutin ang tanong ng ama niya, “Wala to, dad. It’s just a scratch.” tugon ni Zach sabay tingin ulit kay Praise na kasalukuyan namang nakatingin na din sa kaniya. Nginitian siya ni Praise at si Zach naman ay umiwas na lang ng tingin. Finally at natapos na ang lahat kumain at sa huli, si Praise na lang ang naiwan sa kusina, naglilinis ng pinagkainan ng lahat habang ang iba ay nasa labas, catching up with each other, having a great time. Matapos ang gawain ni Praise sa kusina, pumasok naman si Zach upang utusan si Praise na bilhan sila ng alak. Syempre, ang anteng nyo, hindi maka tanggi kaya kinuha niya na lang ang inabot sa kaniyang pera, "Ilan po?" tanong niya, "Two cases. That should be enough." at tumalikod na si Zach. Lumabas na rin si Praise at dahil nga nagsasayahan ang buong pamilya kasama ang bisita nila, walang nakapansin sa paglabas ni Praise ng gate. Dahil wala namang malapit na bilihan ng mga alak sa paligid, kinailangan niyang pumunta sa bahay nila Henry para makisuyo. "Anak, andito si Praise." tawag ni aling Brenda kay Henry, "Pasok ka muna 'nak." sabi naman nito, "Hindi na po 'ta. Antayin ko na lang po si Henry dito sa labas." narinig ni Praise ang mga yapak na papalapit sa kaniya, "Bakit? Gusto mo ba ulit ng bilo-bilo ni mama?" tanong ni Henry at natawa naman si Praise ng mahina, "Hindi baliw. Papasama lang sana ako sayo sa bayan. Nautusan kasi ako na bumili ng alak, e wala naman dito sa malapit." "Sige ba. Antayin mo ako dyan. Kukunin ko lang yung susi ng kolong." nang makuha na ni Henry ang susi, mabilis niyang binalikan si Praise at sinuot na ang tsinelas niya. "Sakay ka na." Habang umaandar ang kolong, napatanong naman si Henry, "Nautusan kang pumunta ng bayan dis-oras ng gabi? Bago yun ah." pagtataka ni Henry, "May bisita kasi sa bahay kaya nautusan akong bumili ng alak," "Sino? yung maganda bang babae? Ano? Jowa daw ba?" Napatingin si Praise kay Henry, nagpipigil ng tawa, "Marites mo talaga. Pero kababata lang ata. Wala namang nabanggit na mag jowa yung dalawa." Nakabili na sila at bumalik na rin sa bahay nila mayor. Pinasok ni Henry ang kolong niya sa loob ng gate kaya napatingin ang lahat. "Ito na po yung dalawang case ng alak." masayang isinigaw ni Henry kaya napahampas si Praise sa hita nito. "Ang ingay mo talaga." "Para alam nila." Bulong ni Henry sa akin. Binaba na ni Henry ang isang case ng alak habang si Praise naman ay binuhat ang isa pa. Mabigat at nabigatan talaga si Praise pero hindi niya pinahalata dahil may bisita pero napansin yun ni Zach kaya lumapit siya kaso lang, bago pa siya makalapit kay Praise, naunahan na siya ni Henry, "Ako na dyan." sabay kindat ni Henry kay Praise na nakita naman ni Zach kaya napangiwi ito, "Buti na lang at nandyan si Henry." sabi ni Praise sa sarili niya, "Ito na po yung sukli." inabot na ni Praise ang sukli kay Zach at pinuntahan na niya si Henry. Kumuha si Praise ng pera sa bulsa niya at iniaabot kay Henry pero tinanggihan niya 'to, "Parang tanga 'to. Bakit mo ko babayaran?" "Syempre. Imbis na nagpapahinga ka na, naistorbo pa kita." "Huy! Praise." kinapa ni Henry ang noo at ang leeg ni Praise, "Wala ka namang lagnat? Hay naku! Ewan ko sayo." kinuha ni Henry ang pera at ibinalik sa bulsa ni Praise, "Sige na. See you bukas." sabay ngiti at kindat ni Henry at pinaandar na niya ang kolong niya. "Enjoy lang po kayo dyan." sigaw ni Henry kila Mayor Fred bago tuluyang lumabas ng gate, "Salamat Henry!" sigaw naman ni Fred dito. Ilang oras na rin ang nakakaraan kaya naisipan ni Praise na silipin ang labas kung tapos na ang mga ito dahil feeling ni Praise ay kailangan niyang malinis muna ang pinag-inuman ng mga ito bago siya makatulog. Sa pagsilip niya ng bintana, napansin niyang si Zach na lang ang umiinom sa labas. "Aba si sir, masyado naman atang nagpapakalasing." sabi ni Praise at naisipan na niyang lumabas ng bahay upang puntahan ito. "Sir! Grabeng uminom yan ah! Okay ka pa ba dyan sir? Daig pa broken hearted ah." wika ni Praise kaya napatingin naman si Zach na lasing na, pero matino pa rin ang isipan. "Come here. Join me." aya ni Zach kaya umupo si Praise sa bakanteng upuan na nasa harapan nito, Kinuha ni Praise ang isang boteng ngayon lang niya nakita sa tala ng buhay niya, "ikaw lang uminom nito sir?" usisa ni Praise habang tinitignan ang boteng kalahati na lang ang laman. Tumango si Zach bago salinan ang ininuman niyang baso at iniabot kay Praise. "Drink with me." sabi nito na syempre, hindi naman tinanggihan ni Praise, Nagpasahan sila Praise at Zach ng baso kasabay ng kwentuhan. "Do you know why I'm here?" sabi ng lasing na na si Zach, "Bakit?" tanong naman ni Praise na lasing pero nasa katinuan pa, Tinungga muna ni Zach ang wine bago nagsalita, "Kasi, gusto kong ipaghiganti yung kababata ko." Naguluhan naman si Praise. "Ha? Gusto mo ipaghiganti si Meg? Saan? Kanino?" "No! Not Meg. My other half. His name was Justin. He's my bestfriend. I witnessed his death. That time, tinawagan ko siya para maglaro ng games kaya siya nasa kwarto ko nung gabing yun." napahawak si Zach sa kaniyang ulo, pilit na inaalala ang mga nangyari, "I went to the kitchen to grab us some snacks and saktong pagbukas ko ng pinto, may narinig akong malakas na tunog kasabay ng pag bagsak ng bestfriend ko. I was shocked. It took me seconds to realized what was going on. Nagising lang ako sa katotohanan ng mapatingin ako sa bintana at may nakita akong lalaking nakatayo. Kung hindi ako nagkakamali, ten feet away. Nakablack hoodie and ski mask. There was a glimpse of light on his face kaya nakita ko yung nunal niya sa kilay." napahinto si Zach ng saglit at si Praise naman ay hindi makapaniwala sa mga naririnig niya. "Kaya siguro siya laging masungit. It's because of a childhood trauma." ani ni Praise sa isipan niya. "Sinubukan kong habulin yung pumatay sa bestfriend ko pero hindi ko na siya inabutan." may bumagsak na mga luha sa mata ni Zach pero mabilis niya rin itong pinunasan ng palad niya. Sinalinan ulit ni Zach ang maliit na baso at iniabot kay Praise, "Ayoko na." mahinang sabi ni Praise, "Tsk. Mahina ka pala e," at sabay tungga ni Zach, Sa mga oras na ito, narealize ni Praise na hindi magandang parehas silang malasing. Mas pinili niyang bantayan na lang si Zach habang patuloy siyang nagpapakalasing. "Babalik ako! Dyan ka lang." sabi ni Praise kay Zach na hindi naman nakikinig. Sa pagbalik ni Praise, may dala na siyang bote ng kape, mug, asukal, at termos na may laman na mainit na tubig. "Hindi kita iiwan dito." sabi ni Praise habang si Zach naman ay halos makatulog na sa kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD